You are on page 1of 4

NAGA CITY SCIENCE HIGH SCHOOL

KASANAYANG PAPEL NG PAGKATUTO


FILIPINO 9
Kwarter 1, Ikaapat na Linggo, Petsa: Oktubre 5-12 , 2021

Pangalan: _____________________________________________Seksyon__________________

Banghay ng Pangyayari

I- Kasanayang Pampagkatuto
Nakakasulat ng sariling salaysay gamit ang mga element nito
bilang gabay sa pagsulat.
II- Layuning Pampagkatuto
A. Natutukoy ang detalye ng binasang teksto.
B. Nasusuri ang isang akda batay sa element ng banghay.
C. Napahahalagahan ang pagsulat ng sariling akda na may
sariling estilo.

III- Panimulang Konsepto


Tuklasin Natin…

salita Paliwanag/kahulugan
Banghay Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Tauhan Mga gumanap sa kuwento
Suliranin Problemang haharapin ng mga tauhan
Saglit na Kasiglahan Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
Tagpuan Nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksiyon o insidente, gayundin
ang panahon kung kalian naganap ang kuwento.
Kakalasan Tulay sa wakas.
Paksang-diwa Pinaka-kaluluwa ng kuwento
Kakintalan Kaisipang nakapagpabago sa iyong isip, nakaapekto sa iyong damdamin
at kaasalan.
Panimulang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang kasunod na tanong sa ibaba.

Bangkang Papel ni Genoveva Edrosa-Matute (Bahagi Lamang)

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang
magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo‟y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang
lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong
sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwing ako’y makakikita ng bangkang papel ay
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking
bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... –

AlmaeSolaiman. “BANGKANG PAPEL”.

1. Tungkol saan kaya ang kuwento? ________________________________________________


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?___________________________________________
3. Saan nangyari ang kuwento?_______________________________________________________
4. Sino ang nagsasalita sa akda? _____________________________________________________
5. Paano isinulat ng awtor ang kuwento?______________________________________________

Pagsasanay 1

Basahing mabuti ang maikling kuwento sa loob ng kahon.

Ang Saranggola ni Efren Abueg (Bahagi Lamang)

“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas
at tagal ng lipad ng guryon!” Nainis ang bata sa kanyang ama. “Kinakantyawan ako sa bukid,
Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit
daw kay liit ng saranggola ko!” Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang
pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba
namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang
mga tadyang, wasakwasak. Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang
tali niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang nakasampid
sa isang balag. “Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon „yan,
nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay
nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na,
mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.”

-Percival Cruz. “Saranggola”.


Panuto: Batay sa maikling kuwentong binasa, suriin ang paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng
pangyayari at estilo ng awtor.

Paksa: __________________________________________________

Tauhan: ______________________________________________________

Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari:

Estilo ng awtor:________________________________________________

Pamatayang Pagganap

Panuto: Sumulat ng maikling salaysay ukol sa isang karanasan mo sa paglalakbay. Tiyaking ang kuwento
mo ay magtataglay ng mga element tulad ng (1) paksa, (2)tauhan, (3)tagpuan, (4)banghay at (5) estilo ng
iyong pagkukuwento. Ilagay ang bilang sa bawat talatang katatagpuan ng element. Gamitin ang likurang
bahagi ng papel para sa iyong sagot.

You might also like