You are on page 1of 6

Desired Learning Outcomes (DLO)

natatalakay ang mga uri ng kuwento

naipaliliwanag ang nilalaman ng bawat sangkap ng


kuwento.

naibibigay ang kaisipan ng isang kuwento.


Week 12-13
Pagsusuri ng Maikling
nakapagbibigay ng halimbawa ng pamagat ng
Kuwento kuwento sa bawat uri.

Nakasusuri ng isang maikling kuwentong Tagalog.

Topic/Task
Pag-aaral ng Maikling
Kuwento Uri ng maikling
kuwento Sangkap ng kuwento
Tema at paksa
Banghay
Natatagong
kaisipan
Pagsusuri ng Maikling
Kuwento
Gawain 1
Pumili o manaliksik ng dalawang (2) sikat na maikling kuwento noong unang panahon. Gumawa ng
isang komprehensibong pagsusuri ng maikling kuwento na iyong napili.

PORMAT SA PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO

Pamagat
Sipi o Buod ng Akda
Maikling talambuhay ng may-akda
Tagpuan
Mga tauhan (pagkakakilanlan)
Banghay
a. Panimula
b. Suliranin
c. Kasukdulan
d. Kakalasan
e. Wakas
Punto de
vista Tono
Paksa / tema
Aral / mensahe
Teorya / dulog
Reaksiyon
Bisang Pampanitikan
Estilo sa Pagkakasulat ng Akda
Pangkalahatang Reaksyon
Pagpapahalagang Pangkatauhan

Binabati kita! Walang


mahirap kung iyong
pagpupursigihan ang
gawain. Tagumpay na
natapos mo ang modyul
na ito. Hanggang sa
Gawain 1
Pumili o manaliksik ng dalawang (2) sikat na maikling kuwento noong unang panahon. Gumawa
ng isang komprehensibong pagsusuri ng maikling kuwento na iyong napili.

PAMAGAT
SANDOSENANG SAPATOS
BUOD NG
AKDA

Sa tuwing may okasyon, ginagawan ng bagong sapatos si Korena. Natuwa ang mga m
agulang niya nang magkaroon siya ng kapatid. Nang malamang babae ang kasunod niya, sinabi ng
tatay niya na magiging ballet dancer ito. Ngunit di ito nagkatotoo; isinilang ang sanggol na putol
ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit ng ina nang ipinagbubuntis pa lang siya. Susie ang
pangalan ng bunsong kapatid ni Karina. Sa tuwing igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang tatay,
napapatingin ito sa bunso at napapabuntung-hininga. Isang araw, ikinuwento ni Susie na
napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan pa niya ito. Sa tuwing nalalapit ang
kaarawan si Susie, nananaginip siya ng sapatos. Nang 12 taong gulang na si Susie, namatay ang
kanilang ama. Isang araw, pinasok ni Karina ang bodega upang maghanap ng mga sapatos na
ibibigay sa bahay-ampunan. Napansin niya ang ilang kahon na maingat na nakasalansan. Nang
buksan niya ang mga ito, nakita niya ang isang dosenang pares ng sapatos na may iba’t ibang laki
at para sa iba’t ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati pang nakasulat mula sa
tatay niya – para sa pinakamamahal na anak nitong si Susie. Nang makita ang mga ito ni Susie,
sinabi niya na ito ang mga sapatos na napapanaginipan niya.

MAIKLING TALAMBUHAY NG MAY AKDA

Si Luis P. Gatmaitán, M.D., ay isang Pilipinong medikal na doktor at may-akda ng mga bata.
Si Gatmaitán ay napabilang sa Palanca Hall of Fame noong 2005 para sa kanyang pagsusulat. Karamihan
sa kanyang mga gawa ay nasa genre ng panitikang pambata, kung saan nakakuha siya ng maraming
parangal, kabilang ang Catholic Mass Media Awards. Kasama sa kanyang mga libro ang Mga Kwento ni
Tito Dok at Sandozenang Zapatos. Ang kanyang karera sa medisina ay binanggit bilang isa sa Sampung
Haligi ng HealthToday Philippines Magazine ng Philippine Health Care Industry. Si Gatmaitán ay nag-
akda at nag-publish ng higit sa 30 storybook para sa mga bata na tumatalakay sa mga isyu tulad ng
kapansanan, katandaan, pagharap sa kamatayan, pagharap sa kanser, mga sakit sa pagkabata, at mga
karapatan ng mga bata sa kanyang mga kuwento. Ang kanyang serye ng librong pambata na Mga
Kuwento ni Tito Dok ay binanggit ng Manila Critics Circle "para sa pagpapasikat nito ng agham ng
medisina sa wika at mga ilustrasyon na mauunawaan ng mga bata, para sa pagiging katutubo nito ng
unibersal na mga prinsipyong siyentipiko, at para sa mapanlikhang pagbabagong-tatag nito sa kung ano
ang nangyayari sa katawan ng tao." Ang kanyang aklat na pambata na Sandosenang Sapatos, na
nakalista ngayon sa katalogo ng International Board on Books for Young People (IBBY) para sa Bologna
International Children's Book Fair 2005, ay pinangalanang 2005 Outstanding Book for Young People with
Disabilities ng IBBY . Nabanggit din siya bilang isa sa Ten Pillars of the Philippine Health Care Industry
ng HealthToday Philippines Magazine, 2003 Ten Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines para
sa kanyang kontribusyon sa larangan ng Literatura, at bilang finalist sa 2004 Ten Outstanding Young
Persons. of the World (TOYP) na paghahanap.

TAGPUAN

 Ang buong kwento ay ay umiikot sa bahay lamang nila Karina.

BANGHAY
PANIMUL

 Kilalang-kilala ang ama ni Korina sa mga likha niyang sapatos sa kanilang bayan. Marami ang
pumupunta sa kanya para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga
sapatos na gawa nito sa mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang
mga disenyo ng kanyang mga sapatos.

SULIRANIN
 Nasa Grade II na si Korina ng muling magbuntis ang kanyang Nanay. Kay tagal na nitong
hinihintay na magkaroon ng kapatid. Sabi ng Lola nito, sinagot na raw ang matagal nilang
dasal na masundan ito.

KASUKDULA
N

 Noong may isang mama na nakakita kay Susie at kinutya ito. Biglang namula ang ama ni
Korina at tinikom ang kamao nito at galit na galit na nakatitig sa mama. Muntik na sanang
itong suntukin at mabuti’t nalang pinigilan ito ng ina.

KAKALASAN

 Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi si Korena sa bodega ng bahay nito. Naghahalungkat siya
ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa
paghahalughog, nabuksan nito ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw.
Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan. Napaiyak
ito nang makita ang mga sapatos. Hindi nito akalaing ganu’n pala kalalim ang pagmamahal ng
Ama. Binitbit nito ang sandosenang sapatos at ipinakita sa Ina at kay Susie.

WAKAS

 Nagwakas ang kuwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may kalakip na sulat
pagbati sa minamahal na anak. Nang makita ni Susie ang sapatos, nagulat siya dahil ang mga ito
ang nakita niya sa panaginip. At sa aking pagsusuri lubos kong nagustuhan ang wakas sapagkat
dahil dito lamang nagliwanag ang kabuuan at mensahe ng kuwento – ang pambihirang
pagmamahal ng ama sa anak at ang ispiritwal na koneksyong nabuo bunga ng pagmamahalang
ito.

PUNTO DE VISTA

 Sa maikling kwento na sandosenang sapatos ay mayroon itong unang panauhan at pangatlong


panauhan. Mga punto de vista na ito ay nakapaloob sa maikling kwentong nabasa. Sinabi doon na
“lumaki ako na kapiling ang mga sapatos ni tatay”-ito ay unang panauhan. “tuwing papalapit na
ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos”-pangatlong panauhan.

TONO

 Ang tono ay tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda
na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono sa sandosenang
sapatos ay maaaring masaya, malungkot at seryoso .

PAKSA / TEMA
 Ang pagmamahal ng ama para sa kanyang anak na hindi masusukat sa kung anuman ang
kapansanan o kalagayan ng anak.

ARAL / MENSAHE
 Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa Isang Dosenang Sapatos.
Dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang magulang sa isang anak. Ibig sabihin nito, kahit
na may kapansanan pa ang isang anak, mamahalin niya ito. Ang anak ay anak, mamahalin at
tatanggapin anuman ang maging itsura o kalagayan niya.

TEORYA O DULOG
 Teoryang romantisismo - Ang kwentong ito ay kaibig-ibig sapagkat ito’y naglalaman ng isang
pagmamahalang walang pinipili .Dahil sa kabila ng kapansanang tinataglay ni Susie ay labis parin
ang pagmamahal at pag-aaruga nila rito. Imbis na talikuran ng pamilya lubos nila itong tinanggap
ng buong puso. At handa silang ipaglaban ito sa mga kutya at puna ng mga tao.

REAKSYON
 Ako ay lubos na nagandahan sa maikling kwenton ito na pinamagatang sandosenang sapatos.
Nakikita ko rito ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak.

BISANG PAMPANITIKAN
 Bisang pandamdamin – ginising nito ang damdamin ng mambabasa, malinaw na nailahad ang
damdamin at emosyon sa maikling kwento, lalong-lalo na sa pagmamahal ng mga magulang sa
kanilang mga anak.

PANGKALAHATANG REAKSYON
 Sa pangkalahatang reaksyon ay masasabi ko na ang kwentong ito ay napakaganda. Nagustohan ko
ang magandang relasyon ng pamilya sa kwento, ang pagmahahal ng ama sa anak at ang
pagmamahal ni Karina kay Susie. Kahit na may kapansanan si Susie ay tinanggap at hindi siya
pinabayaan ng kanyang pamilya, ipinagtatangol nila ito sa mga nambubully sa kanya. Nagustohan
ko rin yung palihim na paggawa ng mga sapatos sa ballet para sa kanyang anak kahit na ito ay
walang mga paa dahil lagi nagkwekwento si Susie sa mga napanaginipan niyang mga sapatos. Sa
kabuaan, ang pagmamahal ng pamilya sa kwento ay napakahalaga dahil magagawa mo ang lahat
ng mga gusto mo para sa kagandahan ng iyong pamilya.

PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
 May mga mahahalagang aral ang napaloob sa maikling kwento gaya ng pagmamahal ng isang ama
sa kanyang anak, hindi hadlang ang pagkakaroon ngkapansanan sa pag-abot sa mga pangarap at
pagiging kontento sa kabila ng kakulangan.

You might also like