You are on page 1of 17

10

Filipino
Kwarter 2- Aralin 2
Saloobin at Damdamin
Ipahayag Mo!
Filipino – JHS Baitang 10
Aralin 2: Damdamin at Saloobin, Ipahayag mo!

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang- ari
ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula, larawan,
ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng
tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng
nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng
tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Maricel N. Formales


Editor: Nora J. Laguda
Tagasuri: Sonny A. Taugan
Tagaguhit: Jan Ervin S. Babor
Tagalapat: Jaycel P. Laurente; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na


ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most
Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng
edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at
labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan
at kakayahan ng mga mag-aaral.

o, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag- aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gaga
ara sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito

ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing
ang mag-alala, kayang- kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
na ito. Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno

ii
Saloobin at Damdamin Ipahayag mo!

P animula

Magandang araw, Kaibigan!


Handa ka na bang ipahayag ang iyong saloobin at damdamin?
Sa pag-aaral ng panitikan, ang pagpapahayag ng saloobin at damdamin ng
mag-aaral bilang reaksyon sa binasa at sinuring akda indikasyon ng
pagkatuto.
Sa pagbabasa ng lunsarang akda ,malalaman mo ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng kultura ng bansang pinagmulan ng akda ng Scotland at ng
Pilipinas.
Tara simulan na natin!

L ayunin
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang…..
Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng iba

T alasalitaan
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.
Magagamit mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na
talakayan tungkol sa ating paksa

1
Ambisyon – pangarap sa buhay
Damdamin – kilos o gawi resultang emosyon mula sa binasang akda
Heneral – opisyal na may mataas na ranggo
Kastilyo – gusaling tirahan ng maharlika
Kultura – pinaghalong tradisyon, paniniwala at pamumuhay na
kinasanayan na ng mga tao sa isang komunidad
Saloobin – positibo o negatibong kaisipang nabuo mula sa
akda
Tradisyon – kaugalian o dktrina na nagpasalin-salin mula sa
mula sa magulang tungo sa mga anak o naging kinagawiang
paraan ng pag-iisip o pagkilos

animulang
P agsubok
Bago tayo magsimula ng ating aralin. Subukin mo munang paglakbayin ang iyong
kaisipan sa pamamagitan ng pagsubok na ito. Panuto:Magbigay ng iyong saloobin at
damdamin tungkol sa bansang Scotland batay sa sumusunod na aspekto. Gamitin ang
grapikong presentasyon.

Relihiyon Kultura at Tradisyon

Scotland

Panitikanat Literatura Mga Tao


 Pag-uugali
 Pananaw/
paniniwala
 Pamumuhay
Binabati kita!

Nasagutan mo ang panimulang pagsubok!

Mga Gawain sa Pagkatuto

Ang akdang babasahin at pag-aaralan natin ngayon ay isang dula. Ito ay mula sa kilalang
manunulat na si William Shakespeare. Bigyang pansin ang kulturang nakapaloob sa akda.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha
kot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ga

3
Alam mo rin ba?
Ang Macbeth ay itinuring na isa sa pinakamahusay na trahedya at isa rin sa
pinakapopular sa mga dulang isinulat ni William Shakespeare kung ang dalas o bilang ng
pagtatanghal ang pag-uusapan. Ito rin ang pinakamaikli sa mga dulang sinulat niya na halos
kalahati lang ang haba ng isa pa niyang dulang Hamlet, Sinasabing nabuo niya ito sa
pamamagitan ng mga taong 1603 hanggang 1607.

May mga pamahiing iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro bilang “curse
of Macbeth.” Maraming kuwento ng kababalaghan ang iniuugnay rito. Isa sa mga kwento
ang tungkol daw sa biglang pagkamatay ng batang lalaking gumaganap bilang Lady Macbeth
sa araw ng unang pagtatanghal ng dula. Marami pang ibang kuwento tulad ng pagkakagamit
daw ng totoong patalim sa halip na di totoong patalim na naging sanhi ng pagkamatay ng
tauhan. May mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa kamalasang dala raw ng dula
sa mga nagtatanghal nito. Isa na rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa pamagat ng
dula kapag sila’y nasa loob ng tanghalan maliban na lang sa aktuwal na pagsasadula. Sa halip,
tinatawag nila itong “The Scottish Play” o “That Play.” Ang remedyo raw kapag aksidenteng
nabanggit ang pamagat ng dula ang paglabas muna ng taong nakagawa nito, pag-ikot ng
tatlong beses, pagdudura, at pagmumura nang malakas.
Gayunpaman, ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito ay
dahil sa napakaraming eksenang may pisikal na labanan sa Macbeth. Hindi tuloy maiwasang
may masaktan at kapag ang kuwentong ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao,
nagiging bahagi na ito ng “curse of Macbeth.”

Saggunian:
“The Story of Macbeth”.http://www.macbethonbroadway.com/Macbeth-synopsis.html.(accessed
October 14, 2014)
SparkNotes Editors.”SparkNote on Macbeth.”SparkNotes LLC.2002.
https://www.sparknotes.com/shakespeare/macbeth/(accessed
October,2014).

Para lubusan mong maunawaan kung ano ang dula at malaman mo ang totoong misteryong bumabalot sa dula
“Macbeth” basahin at intindihin ang buod ng akda.
Macbeth (Buod ng Dula)
ni William Shakespeare
(Isang malayang Salin)

Si Macbeth at ang kaibigan niyang si Banquo, kapwa heneral ng mga kaharian ng


Scotland na pinamumunuan ni Haring Duncan ay papauwi na mula sa matagumpay nilang
pakikidigma sa dalawang hukbong magkahiwalay sa sumalakay sa kanilang kaharian. Nakasalubong
ng magkaibigan ang tatlong manghuhulang may nakakatakot na itsurang tila mga bruhang hindi
nagmula sa daigdig ng mga tao. Binati nila si Macbeth bilang Thane ng Glamis(na siyang tunay na
titulo) at Thane ng Cawdor). Sinabi rin nilang magiging hari siya balang araw. Kay Banquo naman ay
sinabi ng mga manghuhula na magmumula sa kanyang sa kanyang hari ang magiging tagapagmana ng
korona. Nang maglaho ang manghuhula ay naiwan ang magkaibigang hindi makapaniwala sa
kanilang narinig. Maya-maya’y dumating ang mga tauhang ipinadala ni Haring Duncan upang batiin
at pasalamatan ang dalawa, at upang sabihin ding si Macbeth ay hinihirang bilang Thane ng Cawdor
bilang kapalit ng dating Thane na nagtraydor sa kaharian at naparusahan nga kamatayan. Dito
napagtanto ng
magkaibigan na nangyari nga ang unang bahagi ng hula. Nang tanungin ni Macbeth si Banquo kung
umaasa ba siyang sa lahi niya magmumula ang magiging tagapagmana, ipinagkibit- balikat lang niya
ito at sinabing ang demonyo minsan ay nagsasaad ng kalahating katotohanan upang maakit ang taong
gumagawa ng makakasama sa sarili. Hindi ito pinansin ni Macbeth na nag-iisip kung magkakatotoo
nga kayang siya’y magiging hari at kung basta na lang ba ito ibibigay sa kanya o matutupad ito sa
pamamagitan ng paggawa niya nang hindi mabuti.
Nang magkita sina Haring Duncan at ang dalawang heneral ay nagpasalamat nang
labis ang hari sa kanilang kabayanihan at inihayag na ang gusto niyang maging tagapagmana ng trono
ay ang kanyang anak na si Malcolm. Sinabi rin ng hari na gusto niyang maghapunan at magpalipas ng
gabi sa kastilyo ni Macbeth. Sumulat si Macbeth sa kanyang asawang si Lady Macbeth upang ipaalam
ang planong pagdalaw ng hari gayundin ang mga sinabi sa kanya ng tatlong manghuhula.
Nang mabasa ni Lady Macbeth ang liham ng asawa tungkol sa inihayag ng tatlong
manghuhula ay labis niyang inasam na mapunta ang trono sa kanyang asawa at ang naiisip lang niyan
ay paraan ay ang pagpatay ni Macbeth sa hari habang ito’y nasa kabilang kastilyo. Pinag-isipan ni
Macbeth ang kagustuhan ng asawa subalit hindi niya maatim gawin dahil napakabuti ng hari at wala
siyang dahilan para patayin ito maliban sa kanyang ambisyon subalit ikinagalit ito nang labis ni Lady
Macbeth. Pinagsabihan siyang duwag at kinuwestiyon ang kanyang pagkalalaki. Hinikayat siya nito
sa pamamagitan ng isang plano; paiinumin niya ng alak ang dalawang bantay ng hari para makatulog.
Pagkatapos ay sasaksakin ni Macbeth ang natutulog na hari at ang dugo’y ipapahid sa dalawang
guwardiya upang sila ang mapagbintangan. Nakumbinsi si Macbeth at kinagabiha’y isinagawa niya
ang karumal-dumal na pagpatay sa mabuting hari.
Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff, isa pang maginoong pinagkakatiwalaan ng hari
ang kanyang bangkay. Ang krimen ay ibinintang ng mag-asawang Macbeth sa dalawang guwardiya.
Sinabi ni Macbeth na napatay rin niya ang dalawa dahil sa matinding galit niya sa ginawa nilang
pagpaslang sa hari. Hindi makapaniwala si Macduff na kayang patayin ng guwardiya si Haring
Duncan at siya’y nagsimulang magsuspetsa. Sa pagkamatay ng hari, si Macbeth ang hinirang na hari
ng iba pang maharlika. Ang dalawang anak ng haring sina Malcolm at Donalbain ay agad tumakas
dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan. Alam nilang kung sino man ang pumatay sa kanilang ama
ay gugustuhin ding isunod sila. Si Malcolm ay nagtungo sa England at si Donalbain ay nagtungo sa
Ireland.
Bagama’t naging hari na ay hindi pa rin nawala sa isipan ni Macbeth ang sinabi ng
tatlong manghuhula na ang magiging tagapagmana ng kaharian ay magmumula sa lahi ni Banquo.
Inimbita nilang mag-asawa si Banquo sa pagtitipong gagawin sa kanilang palasyo kinagabihan. Ang
hindi alam ni Banquo ay kumausap na pala si Macbeth ng dalawang mamatay-tao upang ipapatay siya
at ang anak niyang si Fleance. Kinagabihan, may ikatlong mamamatay taong ipinadala upang
makatulong sa dalawang kinausap ni Macbeth. At nang patungo na nga sa palasyo ang mag-ama ay
inabangan at isinugod sila ng mamamatay-tao subalit si Banquo lang ang napatay nakatakas si
Fleance. Sa pagtitipong inihanda ni Macbeth para sa lahat ng maharlika sa Scotland ay nagpakita sa
kanya ang multo ni Banquo. Labis na natakot at nataranta si Macbeth na ikinagulat ng kanyang mga
panauhin. Sinikap ni Lady Macbeth na ayusin ang sitwasyon subalit ang pangyayari’y nakasira hindi
lang sa marangyang pagtitipon kundi sa paningin din ng mga maharlikang bisita para sa kanilang
bagong hari.
Binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at inilahad ang sumusunod na hula
para sa kanya: Kailangan niyang mag-ingat kay Macduff; na hindi siya kailanman mapapatay ng
sinumang ‘’iniluwal ng isang babae’’; at magiging ligtas siya hangga’t hindi niya
nakikita ang gubat ng Birnam Wood ay hindi naman puwedeng gumagalaw at magpunta sa Dunsinane.
Ang hindi alam ni Macbeth ay tumakas pala si Macduff upang pumanig kay
Malcolm. Sinubok muna ni Malcolm ang katapatan ni Macduff bago niya ito tinanggap. Nang
malaman ni Mcbeth ang ginawang pagpanig ni Macduff kay Malcolm ay agad niyang ipinay- utos na
kubkubin ang kastilyo nito at ipapatay ang asawang si Lady Macduff at ang kanilang anak.
Galit nagalit at labis na nagdalamhati si Macduff nang makarating sa kanya ang
ginawa ni Macbeth sa kanyang pamilya at sumumpang ipaghihiganti ang nangyari sa kanila. Bumalik
sila Malcolm sa Scotland kasama ang sampung libong sundalong ipinahiram ni Haring Edward para
labanan ang hukbo ni Macbeth. Suportado sila ng mga maharlikang Scottish na tumutol na rin sa
mapaniil na pamumuno at malupit na pagpatay ni Macbeth maging sa mga inosente.
Sa kabilang dako, si Lady Macbeth ay unti-unti nang inuusig ng kanyang konsensiya,
Siya’y naglalakad sa kanyang pagtulog at ipinagpipilitang may dugo ang kanyang mga kamay na
hindi kayang hugasan ng tubig.Bago dumating ang mga kalaban ni Macbeth ay nakarating sa kanya
ang balitang nagpakamatay ang kanyang asawa. Ikinabagabag niya ang balitang ito subalit lalo pa
niyang pinalakas ang puwersa sa Dunsinane at inisip na dahil sinabi ng mga manghuhula ay hindi siya
matatalo. Gayunpama’y labis siyang natakot nang malamang ang hukbo nina Malcolm at Macduff ay
paparating na at may dalang pinutol na sanga mula sa kagubatan ng Birnan Wood upang maikubli ang
tunay nilang bilang. Nangyari na isa-isa ang mga hula.
Nakipaglaban nang buong giting si Mcbeth subalit malakas ang hukbo mula sa
England. Unti-unting natalo ang kanyang hukbo at magkaharap sila ni Macduff ay sinabi nitong hindi
siya iniluwal ng kanyang ina kundi mula sa sinapupunan ng kanyang ina, siya’y tinanggal upang
mailabas (ito ang kilala natin ngayong CS o panganganak sa pamamagitan ng cesarean section) kahit
alam na niyang matatalo siya ay ipinagpatuloy pa rin ni Macbeth ang pakikipaglaban hanggang sa
mapatay siya ni Macduff. Si Malcolm, anak ni Haring Duncan ang itinanghal na hari ng Scotland.

?
to ang dula sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin mo ? Malinaw bang nasalamin ang kultura ng bansang pina

Itiman ang angkop na bilog.

Nauunawaan mo ba ang binasa mong dula?


o Oo
o Medyo
o Hindi

Yehey! Masaya akong malaman na pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin ay naging
malinaw sa iyo ang konsepto.

Iba ka talaga! Pinabilib mo ko !

Ipagpatuloy mo pa.
P agsasanay 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag.


1. Paano nagkaiba ang reaksyiyon ni Baquo sa sinabi ng mga bruhang manghuhula na naging
reaksiyon ni Macbeth? Ano ang ipinakita ng naging reaksiyon ni Macbeth sa kanyang
pagkatao?
2. Paano mo ilalarawan si Lady Macbeth bilang asawa? Masasabi bang siya ang pang- apat na
bruha sa buhay ni Macbeth? Patunayan?
3. Anong karumal dumal na krimen ang nagawa niMacbeth sa taong nagtiwala nang lubos
sa kanya ng dahil sa pag-uudyok ng asawang makuha niya ang kapangyarihan?
4. Bakit naging madali na sa kanya ang pumatay ng sinuman, maging mga inosenteng babae o
batang walang kamuwang-muwang na sa tingin niya’y hadlang sa kanyang ambisyon
pagkatapos nito? Ano ang Nawala o nabago sa kanyang pagkatao?
5. Paano namatay si Banquo? Paano nasira ng multo niya ang pagtitipon at ang
pagkakilala ng mga Maharlika kay Macbeth?
6. Bakit muling lumapit si Macbeth sa mga bruhang manghuhula? Paano siya iniligaw o
binigyan ng huwad napag-asa ng mga ito?
7. Paano pinagbayadan ni Macbeth ang kanyang mga kasalanan? Ano ang
ipinahihiwatig ng sinasabi niyang dugo sa kanyang mga kamay?
8. Paano natalo ni Macduff si Macbeth gayong sa pagkakaalam niya’y walang
sinumang iniluwal ng isang babae ang makatatalo sa kanya?

ang unang pagsasanay?MADALI ba oMAHIRAP?

mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?


uha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
o nang gawin ang Pagsasanay 2.
baba sa 5, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pags

7
P agsasanay 2

Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa akda. Pagkatapos, isulat ang saloobin at damdamin nito sa
iyo. Gayahin ang kasunod na pormat sa papel.

Pangyayari sa akda

Bisa

Pangkaisipan/ Saloobin Damdamin

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

8
P agsasanay 3

Panuto. Ihambing mo ang bansang tagpuan ng dula sa ating bansang Pilipinas. Gamiting
pamanatayan sa paghahambing ang mga gabay sa unang hanay.

Paghahambing base sa Bansang Tagpuan ng Bansang Pilipinas


Dula(Scotland)
 Pinuno ng Estado

 Uri ng Pamahalaan

 Kalagayan sa buhay
ng nakakarami sa
mamayan
 Tawag sa
mamamayan
 Tirahan ng mga
pinuno
 Iba pang kultura at
kaugalian ng
dalawang bansang
nabanggit

Lodi na kita! Natapos mo ang mga pagsasanay Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?

  
angwakas na
P agsubok

Tulad ng kultura ng ibang bansa, ang kulturang Pilipino ay makulay at mayaman din.
Panuto: Pumili ng isa sa mga kultura at tradisyon nating ipinagmamalaki at sa tingin mo’y
naiiba sa kultura ng ibang lahi. Isulat mo sa mga linya sa ibaba ang kultura
nating ito gayundin ang iyong damdamin o saloobin kaugnay nito.

K aragdagang
G awain
Ang ganda ng aralin

natin. Ang dami kong

natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang
gusto ko pa ng karagdagang
gawain.

Tara magtulungan

10
Magaling ang ipinakita mong sipag upang matutuhan at maunawaan ang
gawain sa modyul na ito. At upang subukin pa kung talagang naunawaan mo
ang mahalagang konsepto na dapat mong matamo. Sagutin ang kasunod na
mahalagang tanong.

1. Mahalaga ba ang pagpapahayag ng saloobin at damdamin sa pag-aaral ng


panitikan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Paano nakatutulong ang akda sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa?

y narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay
Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!
usi sa

P agwawasto

12
anggunian

Filipino – Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral,Unang Edisyon 2015, Vibal Group
Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City ,
Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

Emily V. Marasigan et.al, Pinagyamang Pluma 10, Aklat 1(Kto12) Karapatang


pag-aari ng Phoenix Publishing House, Inc. p27 Quezon Ave., Quezon City,
Kasapi: Philippine Educational Publishers Association, pahina 173-193

https://www.slideshare.net
https://philnews.ph>2020

https://uclaliwanag atdilim2013
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288
Email Address:

You might also like