You are on page 1of 4

BAGUIO COLLEGE OF TECHNOLOGY

Baguio City, Philippines

PAMAGAT NG MODYUL…………….: Buod o Sintesis (Pagbasa sa Filipino)

BILANG NG MODYUL……………….: 3

NAKALAANG ORAS…: 4 na Oras (Agosto 31, 2020-Setyembre 05, 2020)

MGA LAYUNIN: Sa pagtatapos ng araling ito:


a) nakapagsusuri ang magaaral ng isang sulatin;
b) nakapagsusulat ang magaaral ng angkop na buod batay sa mga dapat na tandaang
proseso ng pagsulat; at
c) natitiyak ng magaaral ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling proseso ng
pagsulat.
NILALAMAN NG MODYUL:

Panimula
Ang araling ito ay tumatalakay sa buod o sintesis na may iba pang katawagan tulad ng
synopsis o lagom. Gayundin, maiuugnay ang muling pagpapahayag ng mga ibinigay na
impormasyon sa maikling pamamaraan. Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at
panonood. Sa pamamagitan kasi ng mga ito, nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak
ang saklaw ng pagkatuto di lamang sa sariling kultura, kapaligiran, at pamumuhay kundi sa mga
lugar sa ibayong-dagat at maging sa labas ng ating daigdig.
Kahulugan ng Buod o Sintesis
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin
sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016). Makikita ang prosesong ito sa mga
pagkakataong, halimbawa, pag-uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang
pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan,
layunin, at kongklusyon ng libro.
Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang dahilan.
Maaaring oras sa klase, oras ng kuwentuhan, o sukat ng panahon para sa pagsulat at pagbasa ng
artikulo kung nasa anyong babasahin ang pagbibigay ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan,
makikita ang kahalagahan na rnatutuhan ang paraan ng paglalagom o pagbubuod na tinatawag
na pagbibigay ng sintesis.
Ang isang sintesis ay ang buod o pinakamaikli pero pinaka importanteng impormasyon
galing sa isang kwento o pangyayari.
Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon,
mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.
Maikli lamang ang buod subalit ito ay malaman. Ito ay nasa anyong patalata at hindi sa
anyong pabalangkas. Karaniwan itong ginagamit na panimula sa mga akdang pampanitikan para
maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan.
Ginagamit din ang buod sa nobela sa pamamagitan ng pagpapaikli ng nobela mula sa
simula hanggang sa wakas gayundin sa manuskrito at sa anumang aklat.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis
1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na
nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil
naisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.
o Sekwensiyal—pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng
una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa.
o Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye
ayon sa pangyayari.
o Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong
pagsulat.
Katangian ng Mahusay na buod.
1.Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
2.Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo
3.Hindi nagsasama ang mga halimbawa,detalye o impormasyong wala sa orihinal na
teksto.
4.Gumagamit ng mga Susing Salita
5.Gumagamit ng sariling pananalita.
6.Napapanatili ang orihinal na mensahe
Mga Ilang Akdang Pampanitikan na Maaaring Gawan ng Buod
1. Alamat - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang
karaniwang paksa rito.
2. Anekdota - ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na
buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng
maraming tauhan.
3. Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba't ibang kabanata.
4. Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
5. Parabula - isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
6. Maikling kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari sa
kakintalan.
7. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda.
8. Kwentong bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.

BCT LEARNING MODULE 2020-2021 2


EBALWASYON/PAGSASANAY/PAGGANAP:
Maikling Pagsusulit 1:
A.Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:
__________________1.Sa anong salitang Griyego nagmula ang salitang sintesis?
__________________2.Tumutukoy sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo,
susunod, at iba pa.
__________________3.Tumutukoy sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng
pagsasagawa.
__________________4.Tumutukoy sa pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at
mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
__________________5. Ito ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop
o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan.
__________________6.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa ng
kwentong ito.
__________________7.Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
__________________8.Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
__________________9.Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't
ibang kabanata.
__________________10.Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda.
TAKDANG ARALIN:
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1
hanggang 10. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahalagahan ng gawaing ito sa pagsulat ng buod.
a. Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.
b. Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa dagat.
c. Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay naipangako
niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang Amanpulo.
d. Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang silang
napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
e. Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na dadalhin.
f. Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.
g. Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng dagat.
h. Nakikita nilang Iumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan.
i. Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rumagasa ang higanteng alon at sila
ay sinaklot at tinangay.
j. Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman ng sariwang
balita.

BCT LEARNING MODULE 2020-2021 3


2. Paano nakatutulong ang mga hanay ng maiikling pangyayari upang ipahayag ang kaisipan ng
maikling kuwento?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3.Basahin ang akdang pinamagatang “ Ang Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Matute at mula sa
nabasang akda ay sumulat ng buod o sintesis nito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
SANGGUNIAN:
ARIOLA, M. et.al. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Jimczyville Publications.
Malabon City, Philippines.
https://elcomblus.com/pagsulat-ng-sintesis/
https://philnews.ph/2020/05/07/ano-ang-synthesis-kahulugan-at-mga-halimbawa/
https://www.coursehero.com/file/28758208/Buoddocx/
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-akdang-pampanitikan.html
Inihanda nina:
G. Michael R. Martizano
Gng. Venancia Banguisan
Bb. Jessa Gonzales
Bb.Jasmine Capuyan

BCT LEARNING MODULE 2020-2021 4

You might also like