You are on page 1of 8

MALIGAYA HIGHSCHOOL

Filipino 10
2023-2024
2023-2024
Ikatlong marakahan
Gng. Josefina Santos
Ma. Cristia Angela G. Guanco
Pangasinan
LIONGGO Buod
Mayroong isang malakas at mala-higanteng lalaking nakatira sa isa
sa pitong bayang nasa Kenya. Siya si Liongo, isa ring kilalang
mahusay na manunulat at makata mula sa kanilang lugar sa
baybaying dagat.
Maliban sa angking katalinuhan, malakas din si Liongo na hindi
tinatablan ng anumang armas. Gayunman, mayroon siyang kahinaan
na sila lamang ng inang si Mbwasho ang may alam. Ikamamatay ni
Liongo kapag siya ay natamaan sa kaniyang pusod.

Hari si Liongo ng iba’t ibang lugar sa kanilang bayan. Namumuno siya


sa Ozi at Ungwana sa Tana Delta. Gayundin sa Isla ng Pate o kilala rin
bilang Shangha sa Faza. Nasakop niya mula sa pinasang si Haring
Ahmad ang Pate.

Nagkaroon ng pagbabago sa pamumuno. Mula sa pagiging


Matrilinear kung saan kababaihan ang namumuno, naging Patrilinear
ito na lalaki ang naghahari. Dahil sa inggit at inis, gumawa ng paraan
si Haring Ahmad para ibilanggo si Liongo.

Itinali siya gamit ang kadena at ikinulong. Nag-isip naman si Liongo


ng isang papuri dahil mahusay siyang sumulat. Inawit ng mga nasa
labas ng piitan ang kaniyang isinulat. Habang umaawit ang mga ito,
nakaisip ng paraan upang makatakas si Liongo.

Hinayaan siya ng mga taong makawala at nanirahan sa kagubatan


kung saan nagsanay ng mga armas kabilang ang pana. Sumali siya sa
isang patimpalak at nagwagi. Iyon pala, pakana ito ng hari para
mahuling muli si Liongo ngunit nakatakas ito.

Nagwagi siya sa labanan sa Gala. Sa tuwa ng hari, ipinakasal nito ang


anak kay Liongo at nagkaroon ng pamilya. Ngunit paglaon ng
panahon, nakitil si Liongo ng sariling anak na lalaki.
REPLEKSYON
TANONG: SAGOT:
1. Anong bahagi ng aralin ang
tumatak sa iyong isipan?
2. Bakit ito ang tumatak sa iyo?
3. Ano ang reaksyonmo sa
nilalaman ng akda?
4. Ano ang maaari mo pang gawin
para mapaunlad ang iyong
pagkatuto?
Mullah Buod
nasseradin
Isang tanyag na manunulat at komedyante si Mullah Nasreddin o
Mulla Nasser-e Din (MND) sa tunay na buhay.

Kinilala siya dahil sa kaniyang galing sa paglikha ng mga piyesa ng


katatawanan na tumatak sa bansang Iran at kanyang mga
kababayang Persiano.
Naging klasiko ang paraan ng pagpapatawa ni Mullah na talaga
namang hanggang sa ngayon ay dinadakila pa rin sa kanilang bansa.

Isa sa kaniyang hindi malilimutang kuwento ng katatawanan ay ang


kanyang naging maikling talumpati nang maimbitahan siya bilang
isang panauhin sa isang pagtatanghal.

Nang nasa entablado na, tinanong ni Mullah ang mga manonood


kung alam na ba ng mga ito ang kaniyang sasabihin. Naging matapat
naman ang mga manonood at sinabing hindi nila alam ang talumpati
ni Mulla.

Umalis sa entablado si Mullah at sinabing wala siyang panahon para


sa mga manonood na hindi batid ang kaniyang isasalaysay.

Kinabukasan ay bumalik ito bilang panauhin. Ibinato nito ang katulad


pa ring tanong. Sumagot naman ang mga manonood na ngayon ay
alam na nila ang sasabihin nito upang magpatuloy ang palabas.

Sumagot naman si Mullah na kung alam na pala ng manonood ang


kaniyang sasabihin ay aalis na lang siya, na kaniya namang ginawa.

Kinabukasan muli, ay naimbitahan siya at tinanong ang katulad na


tanong. Hati na ang sagot ng mga manonood na oo at hindi. Sabi ni
Mullah, ang mga nakaaalam ay sila na lang ang magsabi sa mga hindi.
REPLEKSYON
TANONG: SAGOT:
1. Anong bahagi ng aralin ang
tumatak sa iyong isipan?
2. Bakit ito ang tumatak sa iyo?
3. Ano ang reaksyonmo sa
nilalaman ng akda?
4. Ano ang maaari mo pang gawin
para mapaunlad ang iyong
pagkatuto?
LIONGGO Buod
Ang tulang ito ay mula sa tulang A Song of a Mother to Her Firstborn
na isinalin ni Mary Grace A. Tabora. Mababatid sa tulang ito ang
magkakaibang damdami ng isang ina, kasabay ng walang kapantay
niyang kaligayahan, sa pagsilang ng kaniyang unang anak.

Ayon sa ina, nais niyang makita ang anak sa kaniyang paglaki na


maging isang mandirigma upang matuwa ang ama nito.

Ang anak niya raw ay magiging isang mahusay na pinuno sa


hinaharap. Ngunit kahit ano pa raw ang marating nito ay hindi pa rin
niya malilimot ang mga panahong musmos pa ito.

Iniisip din ng ina ang magiging buhay ng kaniyang anak sa hinaharap.


Kung ano ang magiging pagtanggap ng mundo sa mga katangian nito
na hindi pa niya batid sa kasalukuyan. Ayaw niya raw na mayroong
masamang masasabi sa anak.

Kaligayahan ng isang ina na magsilang ng anak. Ngunit inilahad sa


tula na yumao na pala ang asawa ng ina na tumutula sa kaniyang
panganay.

Sabi nitong ina sa kaniyang anak, katulad ng pagmamahal na ibinigay


ng kaniyang asawa noong nabubuhay pa, ganitong pagmamahal din
ang ibibigay niya sa kaniyang anak. Sinabi rin nito na hindi nila
malilimot ang ama at habambuhay na gugunitain ito kahit nahihimlay
na.
REPLEKSYON
TANONG: SAGOT:
1. Anong bahagi ng aralin ang
tumatak sa iyong isipan?
2. Bakit ito ang tumatak sa iyo?
3. Ano ang reaksyonmo sa
nilalaman ng akda?
4. Ano ang maaari mo pang gawin
para mapaunlad ang iyong
pagkatuto?
Dokumentasyon

You might also like