You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCES AND TECHNOLOGY


Fort Pilar, Lungsod Zamboanga 7000
Tel No. 992-3092/Tel No: (062) 991-0643 Telefax: (062) 991-0777
website: http:www.zscmstedu.ph
College of Education and Liberal Arts
Departamento ng Filipino
ISANG PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO
na iniharap kay

RONIE N. SAPORNO

Sa Kolehiyo ng Edukasyon at Malayang Sining


ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCES & TECHNOLOGY
Fort Pilar, Lungsod ng Zamboanga

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Asignaturang

PANITIKAN 4
MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Sa Digring
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
Dalubhasa sa Filipino

SAHI, SHERMINA R.
BSED FILIPINO 3 - D
Panuto: Batay sa akdang pampanitikan na inatas sa bawat isa, gumawa ng
“critique” gamit ang balangkas o format na ito:
I. Batayang Kaalaman

 Pamagat “Taguan”

 Ipaliwanag kung bakit iyan ang pamagat.

Ang pamagat ng kuwento ay Taguan dahil ipinakita dito


kung paano itinago ng mga tauhan ang kanilang totoong
istorya at kung paanong isa-isa nilang nahanap ang
kanilang sarili at ang kanilang karapatan. Kagaya ng
taguan, may taya at may mga manlalaro at ang
kailangang gawin ng taya ay hanapin ang mga
manlalaro. Ang nagsilbing taya ay si Openg, ang
pangunahing tauhan habang ang mga manlalaro naman
ay ang iba pang tauhan sa kuwento. Kapag
maglalaro ng taguan ay di maiwasan na may mandaya
o di kaya’y manloko sa taya at kapag inihalintulad ito sa
buhay ni Openg pinaglaruan din siya ng tadhana.
Hindi siya nabigyan ng karapatan sa edukasyon,
magandang buhay, masayang pamilya at ng iba pang
karapatan na dapat niyang tinatamasa, sa madaling
salita ay pinagkaitan siya. Ngunit nagawa niyang
mahanap at masolusyonan ang mga nagpapahirap hindi
lang sa kaniya, kung hindi pati na rin sa mga
kakilala niya pang tao. Nagawa niyang makaalis sa
pagiging taya ngunit dahil din sa paghanap niya ng ibang
paraan para mahanap ang ibang manlalaro ay iba ang
naging taya at sa huli ay ang nanay niya ang naging taya
sa laro ng buhay.

 Ano ang kuwento sa likod ng pamagat?

Ang isa pang eksplenasyon kung bakit taguan ang


pamagat ng kuwento ay dahil makikita na may
nawawala o mistulang nagtatago sa kuwento. Sa unahang
bahagi ng kuwento ay makikita ang linyang “Eli, Eli lema
sabachtani?” na kapag isinalin ay magiging Ama, Ama
bakit mo ako pinabayaan. Sa kuwento ay halatang halata
na napabayaan sila ng kanilang totoong ama ngunit may
linya rin doon na nagsasabi kung bakit sila binigyan ng
Panginoon ng ama na batugan. Sa linyang ito ay
mahahalata na parang sinasabi niya rin na pinabayaan sila
ng Panginoon. Ngunit kung titignang mabuti ay hindi sila
pinabayaan dahil binigyan pa din sila ng mabuti at
mapagmahal na ina at isa pa ay kahit hindi sila
nakakapag-aral ay sa panaginip ay pinadama pa rin sa
kanila ang pagkakataon na makaapak sa paaralan at
maglaro bilang isang normal na bata. Ngunit ang
napabayaan ng Panginoon ay ang ama nila Openg dahil
nalulong ito sa alak at nagawa niya pang gahasain
ang sarili nitong anak.

 Manunulat

 Kaunting impormasyon sa manunulat.

Si Rolando Bernales ang may akda ng taguan ay


nagtapos ng bachelor of law sa university of the east.
Dahil may alam ito sa batas ay makikita ang kaniyang
napag-aralan sa kaniyang isinulat na kuwentong taguan.
Ipinakita niya sa kaniyang isinulat ang mga tunay na
kaganapan sa buhay ng mga ordinaryong tao. Ipinakita
niya na hindi lahat ng buo ay masaya. Ipinakita niya
rin kung paano naapektukhan ang isang pamilya
partikular sa mga bata ang kahirapan. Kung saan
nakakaranas at nakakasaksi ng karahasan ang mga
bata. Si Rolando Bernales ay hindi lamang tipikal na
manunulat dahil ang kaniyang mga isinulat ay sinisiguro
niyang tatatak sa isipan at damdamin ng mambabasa.
Binigyan niya rin ng pagkakataon na mapansin ang
sitwasyon ng mga mahihirap at mapukaw ang atensyon ng
mga taong walang malay sa mga ganitong kaganapa
 Estilo ng pagsulat. Paano siya magsulat batay sa nabasa
mo?

Ang estilo ng pagkasulat sa maikling kwento na Taguan ni


Rolando A. Bernales, ang kwentista ay gumamit ng
pamamaraang flashback, daloy ng kamalayan, at uring
nakatago ang tunay na dula. Ang mga pangyayari sa
panaginip ni Openg ay halimbawa ng teknik na flaskbak.
Ang halimbawa ng daloy ng kamalayan ay ang
pagsasalaysay ni Openg sa kaniyang ina ang karanasan ni
Kristal. Samantala ang uring nakatago ang tunay na dula
ay makikita sa pagtatapos ng maikling kwento.

 Paano nakilala ang manunulat batay sa kaniyang isinulat.

Kwento ay Taguan. Nagwagi ito ng Gantimpala sa Don


Carlos Palanca Memorial Awards Isinulat ang Maikling
Kwento ni Rolando A.for Literature, 1995. Bernales.

II. Buod

Nagsimula ang kuwento kay Openg na nanaginip na


nakikipaglaro ng taguan sa kanyang nakababatang
kapatid na si Kristal. Nang magising siya ay
naghanda na siya upang magtinda na sigarilyo habang
ang kanyang ama ay walang ginawa kundi magbisyo at
ang kanyang ina naman ay nagtitinda sa palengke.
Hindi pumapasok sa paaralan si Openg ngunit siya ay
nangangarapna maging guro kung kaya’t minsan ay
naglalaro sila ng kaniyang nakababatang kapatid at ni
Noknok na kaibigan niya ng titser-titseran. Ngunit
kapag naglalako ng sigarilyo si Openg at nagtitinda ang
kaniyang ina ay naiiwang mag-isa si Kristal kasama ang
ama nito sa bahay nila.
Isang araw ay nagkuwento si Kristal kay Openg na
naglaro ng bahay-bahayan si Kristal at ang tatay nito,
naikuwento din ng bata na pinagsamantalahan ito ng
tatay. Ikuwenento ito ni Openg sa Ina nito ngunit ayaw
maniwala ng ina. Ngunit isang araw ng sabay na umuwi
ang mag-ina ay nakita nila na ginagahasa ng ama si
Kristal. Nagalit ang ina at sinugod ang tatay nila ngunit
masyadong mahina ito kaya hindi ito nakalaban. Sa
sobrang galit ni Openg ay kinuha niya ang kutsilyo na nasa
dala niyang bayong at pinagsasaksak ang kaniyang
tatay. Sa bawat saksak ay kasabay ang paglabas niya
ng sama ng loob. Sa huli ay nakulong ang nanay ni Open
habang si Kristal ay umiiyak na naghahanap dito.

III. Uri ng Panitikan

 Ipaliwanag kung anong uri ng panitikan ang nabasa at


ipaliwanag.

Ang kuwentong taguan ay nasa anyong tuluyan dahil


pinagsama-sama lamang ang mga salita at wala namang
makikitang mga saknong at tugma. Malaya ang
pagkakasulat nito at nasa anyo ito ng pangungusap at
may mga pahayag din ito ng mga tauhan. Dahil ito
ay nasa anyong tuluyan, ang taguan ay mabibilang sa
maikling kuwento sapagkat wala itong mga kabanata at
mababasa lamang ito sa iisang upuan

IV. Estilo ng Pagkakasulat

 Layunin

Ang layunin ng maikling kwentong Taguan ni Rolando A.


Bernales ay ang magbigay ng katotohanan sa mga
pangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay at
magpakilala ng kaugalian at kultura. Ang layuning
pagbibigay ng katotohanan ay makikita sa mga naging
karanasan nila Openg, Kristal at Milet sa kani kanilang mga
buhay. Samantala ang Pagpapakilala ng kaugalian at
kultura ay makikita sa daloy ng maikling kwento tulad ng
paglalaro ng taguan.

 Tema/Paksa

“Buhay ng mga kapus-palad”. Ito ang tema sapagkat ang


kwento ay nakatuon sa mga ginagawa ng simpleng bata
halimbawa na si Openg na sa murang edad ay napilitang
magtrabaho upang makatulong sa pamilya dahil ang
tatay niya ay iresponsable. May pangarap din siya ngunit
parang nawalan siya ng pag-asa dahil sa ayaw siyang
suportahan ng kanyang Itay.

 Paano winakasan?

 Paano nagsimula?

Nanaginip si Openg na naglalaro silang magkakaibigan


ng taguan at bigla siyang ginising ng kanyang Tatay
para magtrabaho at tulungan ang Nanay sa pagbenta
ng karne habang ito ay nakatihaya lang sa bahay.

V. Gamit ng wika

 Ano ang wikang ginamit?

Maling Eksplenasyon Tamang baybay ng


Salita/Pagbaybay salita

Lekat Ito ay salitang balbal Halika


Pupunga-pungas Ang salitang ugat nito Pupungas-pungas
ay
punags kaya dapat ay
kasali
ito sa unang salita

Tagalooban Dapat ay hiwalay ang Taga looban


dalawang salita

Sang Walang salita na sang at Saang


kung
papaiksiin ito ay dapat
may
kudlit ito
Titser Ang salitang teacher ay Guro
may
katumbas na salita sa
filipino at ito ay guro

 Pormal ba ang pagkakagamit ng wika o hindi? Bakit?

VI. Tuon ng Kariktan


 Tauhan
 Ilarawan isa-isa ang mga tauhan.

Openg- ang batang bakla na tumutulong sa kanyang


ina na magtinda, nagtatanggol sa kapatid, pangarap
maging guro at nakagawa ng masama sa kanyang
tatay gamit ang kutsilyo.
Kristal- ang nakababatang kapatid ni Openg na
naabuso ng kaniyang ama. Ipinakita niya ang pagiging
inosente at mahina sa kuwento.

Nanay- ina ng magkapatid, gagawin ang lahat para sa


kanyang mga anak at para maipagtanggol ang mga
ito.

Tatay- si Castrol/ Castor na ama ng dalawang


magkapatid, ang tatay na pahilik-hilik at nakahilata
lang sa bahay na may ginawang masama sa anak na
si Kristal.

Milet- kaibigan ng magkapatid, kaklase ni Kristal.

Aling Beth- ina ni Milet, iniwan siya ng kaniyang


nobyo, na anak ng politician, matapos malamang
buntis ito.

Noknok- kaibigan din ng magkapatid at nahuling


namumuso sa kanyang mga kaklase na umiihi, may
amang pulis ngunit iniwan sila dahil sa babae

 Magbigay ng pinakatumatak na linya sa iyong tauhan.

“At kapwa kami nagitla ni Nanay sa aming nakita… si


Tatay, halos hubo’t hubad na nakakubabaw kay
Kristal at sapu-sapo ang bibig ng kaawa-awa
kong kaptid na walang-muwang sa pang-aabuso sa
kanyang kahinaa’t kawalang-muwang” (Openg)

 Talinghaga

Pagsasatao

Ginalugad ng aking paningin ang bawat lumang mesa


at iika-ikang silya sa bawat silid.

Eksahirasyon
Paano’y nanghahaba ang nguso ni tatay sa paghithit-
buga ng sigarilyo

You might also like