You are on page 1of 3

Movers Academy

Natividad,Pangasinan

Date: September 23,2013

Ipinasa Ni: Sharon G. Tolentino

Grade 7

Ipinasa Kay: T. Jill A. Manangan

Guro
Pamagat: Bakit tumitilaok ang manok sa madaling araw?

May akda: Paz M. Belvez

Tagpuan: Sa Kaharian ni Sidapa

Pangunahing tauhan: Sidapa-Diyos ng digma

Iba pang tauhan: kawal-inatasan ni Sidapa upang ipagunita sa kanya ang


paglakad,pinarusahan ni Sidapa na maging manok.

Buod:

1. Simula:
Noong unang panahon,ang digmaan ay hindi naiwasan ng mga lipi,lahi, at mga
bansa.Ang diyos ng digma na si Sidapa ay totoong naging abala dahil sa abot-abot na
suliraning idinudolog sa kaniya ng nga sugo ng maraming lahi na nagkakaroon ng mga
sigalutan at labanan na pinamumuhunanan ng dugo at buhay.May mga dahilan din ang
kanilang pagdirigmaan.Halimbawa’y pagkuha ng lupa ng isang lahi sa isang lipi,pag-
agaw sa isang magandang babae,o pagkuha ng mga hayop, at marami pang iba.Dahil sa
mga nabanggit na dahilan,wala silang katigil-tigil sa kanilang labanan.walang nalalamang
dulungan ang mga tao kundi and diyos ng digma.Siya naman ay matalinong nag-aayos ng
mga sigalot na dumarating sa kaniya.
2. Kasukdulan:
Isang gabi,napakaraming sugo ang nagsadya sa kaniya.Isa-isa niyang kinausap ang mga
sugong yaon,at sapagkat mabibigat din naman ang mga usaping dala,Kinakailangan niya
ang matamang paglilimi. Si Sidapa ay may isang mahalagang bagay na lalakarin sa
madaling-araw.Natitiyak niyang siya’y hahating gabihin sa pakikitungo sa maraming
sugo,kaya minarapat niyang atasan ang isa niyang kawal na matulog ng maaga upang
magising bago magbukangliwayway at nagtungo sa kaniyang silid ngunit nasalubong
siya ng mga sugong naghihintay sa pintuan at siya’y nakipag-usap sapagkat ibig naman
niyang makatalos ng mga suliranin ng iba’t-ibang lipi.Sa ngayon,nawili siya at pati na
ang mga nalalaman niyang lihim sa kaharian ay isiniwalat pa.Napuyat ang kawal at
natulog ng mahimbing.Nalimutan na rin ang tungkuling gumising bago magmadaling
araw upang ipagunita ang mahalagang lakad ng Diyos ng Digma.Nagulantang si Sidapa
nang siya’y magdilat ng mga mata.Napansin niya agad na mataas na pala ang
araw.Gayon na lamang ang kaniyang galit at noon din,tinungo ang silid ng kaniyang
kawal upang alamin kung bakit hindi siyang ginising sang-ayon sa kaniyang utos.Nakita
ni Sidapa sa silid ang kawal kaya lalo siyang namuhi,sapagkat dinatnan niya itong
naghihilik pa at namamaluktot sa pagtulog.”Tamad na kawal”,Diyata’t hanggang ngayon
ay natutulog ka pa!”malakas na tinig ni Sidapa.Nakagising sa pagtulog ang kawal sa tinig
ni Sidapa.Bigla itong bumalikwas nang makita si Sidapa na naninigas ang mga mata sa
malaking poot.Nanginginig siyang lumapit at nagpataripa.”Dakilang Sidapa,Bathala ng
Digma!”Patawarin mo po ako sa aking malaking pagkukulang!”samo ng
kawal,”Suwail,suwail!”Hindi ka karapat-dapat na maging kawal ng malaking palasyong
ito!”bulyaw ni Sidapa.”Ako po’y nagkasala,mahal kong panginoon!”Napuyat po ako
dahil sa mga sugong kumausap sa akin kagabi sa labas ng pinto.”ang paninikluhod ng
kawal.”Sinuway mo ang aking utos!”Nalagay ako ngayon sa isang malaking
kompromiso,at ikaw,tamad at walang kabuluhang kawal,ang naging dahilan!”sigaw ni
Sidapa.”Tinatanggap ko po,mahal na panginoon!Ako po’y nakahandang tumanggap ng
iyong ipaparusa!””Hindi lamang ang aking utos ang iyong sinuway!Pati lihim ng
kahariang ito’y ibinunyag mo nang wala akong kapahintulutan!”sagot ni
Sidapa.”Patawarin po ninyo ako!”ang ulit ng kawal.”Ngayon yayamang natuklasan ko
ang iyong katamaran at kadalahiraan,sa taglay kong kapangyarihan ng pagkadiyos ng
digma,hindi ka na makapangungusap,liliit ang iyong katawan,tutubuan ka ng pakpak at
mga balahibo,at bago magbukangliwayway,gigising at titilaok ka na katulad ng isang
hayop na walang pangalan.”
3. Wakas:
Pagkasabi ni Sidapa ng kaniyang mga pangungusap na yaon ay nagkatotoo,at sa
malaking takot ng kawal at hiya nito kay Sidapa ay lumipad na lamang at umalis sa
palasyo.Magbuhat noon,ang kawal na naging hayop ay tinawag na “tandang” at sa tuwing
magmamadaling-araw ay gumising at tumitilaok upang ipagunita sa mga natutulog na
siya ang kauna-unahang nagigising sa lahat ng hayop.

Napulot na Aral:
Gawin at huwag kakaligtaan ang iyong mga tungkulin na inaatas sa iyo.

You might also like