You are on page 1of 108

Filipino 6 , Quarter 1

Ikalimang
Linggo
Unang araw
Pagbabaybay
Layunin
Nakapagbibigay ng
hinuha sa kalalabasan
ng mga pangyayari sa
kwentong
napakinggan.
Alam ko! At aalamin ko
pa lang
Pinanggalingan
ng inyong
apelyido

Sinaunang
kuwento ng
inyong pamilya
Kuwento ng pagiibigan ng inyong
mga magulang .

Alamat ng
kanilang lugar/
baryo/ lungsod

Mga sinaunang
kuwento ng mga
nakatatandang tao
sa inyong lugar.
Tuklasin Mo..
Ano-ano ang alam mong kuwento
tungkol sa sumusunod?
Paghawan ng Balakid
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
guhit sa bawat pangungusap.
1. Masaya at matiwasay ang balangay ng
Laguna.
a. bayan c. Pamayanan
b. pamahalaan d. kapuluan
2. Gumagamit siya ng kamay na bakal para
sumunod ang kaniyang nasasakupan
a. yari sa bakal ang kamay c. pinapalo ng bakal b.
malupit at marahas d. pamatay na bakal
Paghawan ng Balakid
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
guhit sa bawat pangungusap.
3. Nang hindi na makatiis, sinabi na niya ang
kaniyang saloobin.
a. makapagtimpi c. Makaiwas
b. makayanan d. makatagal
4. Agad na sinadya ni Carlo ang hari at ibinalita
ang mahiwagang pangyayaring nasaksihan sa
asawa.
a. kagilas-gilas c. kataka-taka
b. kahambal-hambal d.kasiya-siya
Paghawan ng Balakid
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
guhit sa bawat pangungusap.
5. Tumalima ang mga kawal sa utos ng hari.
a. sumunod c. sumailalim
b. b. sumuway d. sumakabila
6. Mapait ang naging buhay ni Maria sa piling ng
kanyang asawa.
a. pighati c. malungkot
b. pagtanggap d. masaklap
Paghawan ng Balakid
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
guhit sa bawat pangungusap.
7. Taimtim na panalangin ang iniuukol ni Maria
sa Diyos.
a. iniisip na mabuti c. tahimik
b. b. buong-puso d. wala sa alinman
Alamin Mo…
Pakinggang mabuti ang isang alamat na
babasahin ng guro.
Noon…Lason Pa ang Lansones
Masaya at matiwasay ang balangay ng Laguna.
Pinamumunuan ito ni Raha Matuwid, isang bantog
na mandirigma. Iginagalang siya ng kanyang mga
nasasakupan. Walang masasamang loob dahil sa
iginagawad niyang kaparusahang kamatayan sa
pamamagitan ng pagpapakain ng lansones. Ang
lansones ay lason.
Sa balangay na ito ay may mag-asawang
palaaway. Walang araw na di sila nagaaway
at nagtatalo. Gumagamit ng kamay na bakal
si Carlo sa paggugulpi kay Maria. Nang
hindi na makatiis si Maria sa ginagawa ng
kanyang asawa, naisip na niyang
magpatiwakal. Kumuha siya ng lansones sa
kanilang bakuran at bago isinagawa ang
pagkitil sa kanyang buhay ay taimtim na
nanalangin siya sa Diyos. Paghingi ng tawad
ito.
Nakita ni Carlo ang gagawin ng asawa ngunit
hindi man lang niya pinigilan. Kinain ni Maria
ang lansones. Laking pagtataka niya dahil hindi
namatay ang asawa. Bagkus, naging kaakit-akit
si Maria kaysa dati.
Agad na sinadya ni Carlo, ang hari at ibinalita
ang mahiwagang pangyayaring kaniyang
nasaksihan. Nagtanong ang Raha kung saan
kumuha ng lansones si Maria. “Sa bakuran po
namin. Ang punongkahoy pong ito ay hitik sa
bunga”, mabilis na tugon ni Carlo.
Tinawag ng hari ang kanyang mga kawal upang
kumuha ng lansones. Agad namang tumalima ang
mga kawal sa utos ng hari. Sinubukang ipakain
sa mga bilanggong hinatulan ng kamatayan ang
lansones. Walang namatay sa kanila. Nasarapan
ang mga bilanggo. Bagay na ipinagtaka ng hari.
Tumikim din ang hari . “Aba! Matamis!”, bulalas
ng hari.
Mula noon, ang lansones ay kinain na ng mga tao .
Tunay na mapait ang mga buto nito. Mapait upang
ipaalaala ang naging buhay ni Maria sa kalupitan
ng asawang si Carlo.
Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.
Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.Ibigay ang hinuha

1.Ano kaya ang ipinahihiwatig ng


mapait na buto ng lansones sa alamat
na napakinggan ninyo?
2.Nakakita na ba kayo ng mag-asawa
na palaging nag-aaway sa kanilang
tirahan?
3.Sa iyong palagay, ano kaya
kahihinatnan nito? Makakaepekto
kaya ito sa samahan ng bawat
pamilya?
4.Ano kaya ang mangyayari sa
mga anak nila kung patuloy ang
hidwaan ng mag-asawa sa iisang
bubong?
Pangkatang Gawain
Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.Ibigay ang hinuha
Unang Pangkat -Ano ang
ginawa ni Maria sa madalas na
pagmamalupit ni carlo sa
kaniya?
Ikalawang Pangkat -Ano ang
ipinagtaka ni Carlo matapos
Ikatlong Pangkat -Bakit sa palagay
mo hindi muna kumain ang hari ng
lansones at bagkus ang mga bilanggo
ang inutusan niyang kumain nito?
Ikaapt na Pngkat -Ano ang
ipinakitang reaksyon ng hari nang
makita na sarap na sarap na kumakain
ang kanilang mga bilanggo?
Gawin Mo…

• Ano sa palagay mo ang


ipinahihiwatig ng mapait na buto ng
lansones? May kaugnayan kaya ito
sa nangyari sa ating pangunahing
tauhan na si Maria. Bigyan ng
paghihinuha.
Kung ikaw ang magbibigay ng
wakas ng kuwento, paano mo ito
isusulat?
Pagtataya:
Bumuo ng mga pahayag na nagbibigay
hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari
sa binasang alamat.
Halimbawa:
Si Carlo ay lubhang malupit sa kanyang
asawa.
Paghihinuha :
Marahil isa siyang lasinggero, sugarol,
tamad o may masamang kaasalan.
1. Kumain ng nakalalasong
lansones si Maria.
_______________________
2. Hindi narinig ni Maria ang
tinig na iyon.
_____________________
3. Batang-bata at kaakit-akit si
Maria. __________________
4. Kinain ng mga
bilanggong hinatulan ng
kamatayan ang lansones
subalit hindi sila namatay.
___________
5. Tumikim din ng
lansones ang
Takdang aralin…
Isa kang mananaliksik at ang proyekto mo
ay alamin ang alamat ng isang bagay.
Mamili ka ng isang tema ng iyong alamat at
bumuo ng limang tanong na nais mong
sagutan sa iyong pananaliksik.
1. Alamat ng inyong bayan/ lugar
2. Alamat ng isang historikal na bagay/
lugar 3. Alamat ng isang prutas na hindi pa
nailalathala
4. Alamat ng inyong pamilya mula sa
kanunu-nunuan
Ikalimang
Filipino 6 , Quarter 1
Linggo
Ikalawang
Araw
Layunin

Nagagamit ang iba’t-ibang uri


Ng panghalip sa iba’t ibang
Sitwasyon
Pagbabaybay
Balik-Aral

Tungkol saan ang kwento natin


kahapon?
Punan ang patlang upang mabuo ang
Mga pangyayari sa kwento.
Masaya at matiwasay ang balangay ng
Laguna. Pinamumunuan ito ni
________.
Noon. .. Lason Pa ang Lansones
Masaya at matiwasay ang balangay ng
Laguna. Pinamumunuan ito ni Raha
Matuwid, isang bantog na mandirigma.
Iginagalang siya ng kanyang mga
nasasakupan. Walang masasamang loob
dahil sa iginagawad niyang kaparusahang
kamatayan sa pamamagitan ng
pagpapakain ng lansones. Ang lansones
ay lason.
Sa balangay na ito ay may mag-asawang
palaaway. Walang araw na di sila nagaaway
at nagtatalo. Gumagamit ng kamay na bakal
si Carlo sa paggugulpi kay Maria. Nang
hindi na makatiis si Maria sa ginagawa ng
kanyang asawa, naisip na niyang
magpatiwakal. Kumuha siya ng lansones sa
kanilang bakuran at bago isinagawa ang
pagkitil sa kanyang buhay ay taimtim na
nanalangin siya sa Diyos. Paghingi ng tawad
ito.
Nakita ni Carlo ang gagawin ng asawa
ngunit hindi man lang niya pinigilan. Kinain
ni Maria ang lansones. Laking pagtataka niya
dahil hindi namatay ang asawa. Bagkus,
naging kaakit-akit si Maria kaysa dati.
Agad na sinadya ni Carlo, ang hari at ibinalita
ang mahiwagang pangyayaring kaniyang
nasaksihan. Nagtanong ang Raha kung saan
kumuha ng lansones si Maria. “Sa bakuran po
namin. Ang punongkahoy pong ito ay hitik sa
bunga”, mabilis na tugon ni Carlo.
Tinawag ng hari ang kanyang mga kawal upang
kumuha ng lansones. Agad namang tumalima ang
mga kawal sa utos ng hari. Sinubukang ipakain
sa mga bilanggong hinatulan ng kamatayan ang
lansones. Walang namatay sa kanila. Nasarapan
ang mga bilanggo. Bagay na ipinagtaka ng hari.
Tumikim din ang hari . “Aba! Matamis!”, bulalas
ng hari.
Mula noon, ang lansones ay kinain na ng mga tao .
Tunay na mapait ang mga buto nito. Mapait upang
ipaalaala ang naging buhay ni Maria sa kalupitan
ng asawang si Carlo.
Ganyan ang buhay, magkahalo ang pait at tamis.
Tuklasin mo….
Basahin at pag-aralan
ang usapan.
Basahin ang usapan:
Maria :Carla, halika
Pumunta tayo sa mall
Carla:Anong gagawin natin doon?
Maria: Bibili ako ng mga damit.
Carla :Ano, sasama ka ba?
Maria : Siyempre sasama ako.
Magpabili raw si nanay ng bigas.
Tuklasin mo….
Nakikilala mo pa ba
ang mga salitang
may guhit?
Anong bahagi ng
pananalita ito?
Nao ang hinalinhan ng mga
salitang may guhit?
Aling salita ang humalili sa
tao?
Aling salita ang
nagtatanong?
Aling salita ang ginamit sa
pagtuturo sa tao, hayop,
lugar o pangyayari?
Alamin Mo…

Basahin ang mga


Pangungusap
1. Sino ang kumain ng
lansones?
2. Saan tumubo ang puno
ng lnsones
3.Ano-ano ang ginawa ng hari
sa mga kawal?
4. Ang paghingi raw ng tawad
ay tanda ng
pagpakumbaba.
5. Malimit daw kumain ng
lasones ang hari.
6. Maganda raw si Ana.
6. Ganyan kaganda ang ugali
ni Maria.
7. Ganito ang bilhin kong
sapatos
8.Ganoong buhok ang kaakit-
akit
Ano-ano ang mga
salitang may salungguhit
ano ang napansin ninyo
sa mga ito
Paano ito ginamit sa
pangungusap
Panghalip na Pananong ang tawag sa
mga salitang ginagamit sa
pagatatanong ng pangalan ng tao.
Patulad naman ang nagtutulad ng
pangngalan at pamanggit naman ang
tawag sa nag uugnay ng dalawang
salita, daw ang gamitin kapag ito at
sinusundan ng katinig raw naman
kung patinig
Panghalip na Panghalip na
Pananong
Ano –ano-ano
Saan – Saan
Ilan-Ilan-ilan
Alin- alin-alin
Gaano-gaa-gaano
Kailan-kai-kalian

Pamanggit – raw, daw,rin,din


Pangkatang Gawain
Gumawa ng usapan gamit ang
5 panghalip
Unang Pangkat – pananong
Ikalawang Pangkat – Patulad
Ikatlo at Ikaapat na Pangkat
pamanggit
Pag-uulat ng
bawat grupo
Gumawa ng sariling
pngugusap gamit ang
panghalip na pananong,
Patulad at pamanggit
Ano ang kaibahan
ng panghalip na
pananong, patulad
at pamanggit?
Pagtataya:
Basahin ang maikling
tula. Tukuyin ang mga
panghalip at isulat kung
ito ay pangjhalip na
pananong,pamanggit o
patulad
Ganoon ang nakita ko sa karagatan
Saan ang mga isda na aking
natunghayan
Sila raw ay mga sirena yari’y ang
kagandahan
Ganyan ang mga kulay na nagkikislapan
Gaano ba kaganda ang karagatan?
Ano-ano ang ginagawang kapinsalaan?
At sino-sino ang pinagbibintangan?
Pinatawad na daw ang mga mamimintas
at namamaslang.
Takdang Aralin….

Gumawa ng isang
komik strip .Gamitin
ang mga panghalip na
natutunan sa gagawing
komik strip.
Ikalimang
Filipino 6 , Quarter 1

Linggo
Ikatlong Araw
Layunin..

Pagbibigay ng kahulugan
ng pamilyar at di-kilalang
salita sa pamamagitan ng
sitwasyong pinaggamitan
Tuklasin..

Sa paanong paraan naging


bahagi ang guro sa tagumpay na
natamo ng kaniyang mag-aaral?
Alamin Mo....

Basahin ang kuwento. Sagutin


ang sumusunod na mga tanong.
Walong Taong Gulang
Leonora Magtanggol ang pangalan ng
batang nakatawag sa akin ng pansin, hindi sa
una pa lamang malas kundi sa tinagal- tagal ng
panahong
kami’y nagkakilala Ang batang yan ay
isa lamang sa aking mga tinuturuan.
Lumipas ang dalawang linggo ng
pasukan, lalo kong nakilala si Leonora.
Kakaiba siya sa mga batang aking
tinuturuan, hindi lamang sa kaniyang
panlabas na anyo kundi maging sa
kaniyang kakayahan sa pag-aaral. Araw-
araw ay nakikita kong si Leonora ay
patingin-tingin lamang sa kaniyang mga
kaklaseng nagsipaglaro sa bakuran ng
aming paaralan.
Minsan, sinubukan kong makipaglaro
sa kanila. Gayon na lamang ang
katuwaan nila. Sa isang kisapmata’y
napaligiran ako ng mga mag-aaral.
Kinawayan ko si Leonora . Lumapit
naman siya. Nakita kong hindi siya
mabilis kumilos na gaya ng iba.
Iminungkahi ng mga bata ang larong
habulan.
Naisip ko naman ang larong “ Pusa at
Daga.” Si Anselma ang gumanap ng
daga at si Leonora naman ang pusa.
Mabilis ang sibad ni Anselma. Nang
aabutan na ni Leonora si Anselma,
kitang-kita ko ang kanyang
pagkadapa. Lampang-lampa! Di
sanay maglaro. Ito ang katotohanang
aking nasaksihan.
Mula noon, madalas ko siyang
kausapin. Ipinaliliwanag ko sa
kaniya ang kabutihang maaaring
idulot ng pagsali sa paglalaro.
Nauunawaan naman niya ito.
Datapwat, sa kabila noon ay
nakikita ko pa rin ang kanyang
pag-iisa at patingin-tingin lamang
sa mga nagsisipaglarong kaklase.
Isa si Leonora Magtanggol sa
pinakamatalino sa loob ng klase.
May mga pagkakataong balisa at di
nakikinig si Leonora at tila inaantok.
Tinanong ko siya kung ano ang
dahilan. Napag-alaman ko sa kaniya
na kung minsan ay nahihilo siya. Sa
pag-uusap din naming ay napansin ko
ang tila pinagkalakhang damit na
kaniyang suot at ang yayat niyang
bisig.
May limang araw nang di pumapasok si
Leonora. Nagpasama ako sa isang
batang nakaalam ng kanyang tirahan.
Malayu-layo rin naman ang nilakad
namin. Isang babaeng nasa
katanghalian na ng buhay ang
nagpatuloy sa amin. Binigyan niya kami
ng luklukan. Tinawag ang anak niyang
si Leonora. May sakit pala siya. Iniabot
ko sa kaniya ang dala kong pagkain. Sa
una’y ayaw niyang tanggapin nito ang
aking dala. Ngunit sa kalaunay
pinaunlakan niya ito. “Pamahalaan.. .
pag-aalsa. . . buhay na pagsunod.. . ama
ni Leonora. . . nadaya. . . mapagpanggap
na lider. . .bilangguan. . . apat na taon na.
. . . Leonora. .. .Leonora. . .” Ang mga
salitang iyan ang nagbabagang
katotohanang nagiwan ng bakas sa aking
kaluluwa.
1. Ano-anong isyu ang tinalakay ng
manunulat sa kuwento?
2. Alin sa mga isyu ang lubhang
nakaapekto kay Leonora?
3. Bakit ganoon ang naging reaksiyon ni
Leonora sa maraming pagkakataon?
4. Ano ang natuklasan ng kaniyang guro
sa katapusan ng kuwento?
5. Paano hinarap ng ina ni Leonora ang
masasakit na katotohanan sa buhay nilang
mag-ina?
6. Paano nakaapekto kay Leonora ang mga
suliranin ng kaniyang pamilya?
7. Sa iyong palagay, magkakaroon ba ng
pagbabago kay Leonora matapos matuklasan
ng guro ang pangyayari sa kaniyang
pamilya? Patunayan.
8. May positibo kayang pagbabago na
magaganap sa buhay ni Leonora?
Pangkatang
gawain
ISIPIN MO…

Ang pamilyar na salita ay mga


salitang madaling maunawaan
samantalang ang di-kilalang salita ay
matalinghaga o mahirap maunawaan.
Kailangang pag-isipan ito at
palawakin upang maging maayos ang
pakikipagtalastasan.
Isapuso MO…

Isapuso ang pagkakawang-gawa.


Tulungan ang nangangailangan ng
Kalinga.
Isulat MO…

Ipagpalagay na ikaw si Leonora


Magtanggol. Ano ang mensaheng
maibibigay mo sa iyong kababayan
upang huwag mawalan ng pag-asa sa
kanilang buhay. Sa pagsulat ng mensahe
sikaping gumamit ng mga salitang
pamilyar at di- pamilyar.
Filipino 6 , Quarter 1
Ikalimang
Linggo
Ikaapat Araw
PAGBABAYBAY
Layunin:
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong pang-
impormasyon .
Tuklasin Mo..
Suriin ang pagkakaiba ng mga larawan.
Alamin Mo..
Basahin upang masagot ang ibinigay
na mga tanong.

Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang


rutang pantransportasyon na may habang 25
kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy
sa ilog. Tunay na kabiha-bighani sa
kagandahan ang ilog na ito. Kasingganda raw
ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito
ay na napalilibutan ng mga berde at
malalagong puno at halaman. Sagana
ito sa iba’t ibang uri ng ng isda at
buhay-dagat. Ito rin ang nag-uugnay
sa Look ng Maynila sa Look ng
Laguna. Ito rin ang nagsasala ng mga
sobrang tubig mula sa Look ng Laguna
at sa iba pang labintatlong ilog at
estero sa Manila. Nilason din ang ilog
ko.
Heto ngayon ang Ilog Pasig. Animo’y
lupa ang inyong nakikita sa larawan.
Ngunit tunay na hindi maikubli ang
katotohanan. Ito ay pawang mga
naipong basura, napakarumi,
nakadidiring tingnan at nakasusulasok
ang amoy na mula sa ilog. Halos wala
ka nang makikitang buhay na isda sa
ilog na ito. Nagsimulang dumumi ang
katubigan sa ilog nang
mag-umpisang tirahan at tayuan ng kung
ano-anong estruktura ang gilid ng ilog.
Naging tapunan ito ng mga basura ng mga
nakatira na malapit dito. Dahil dito, unti-
unting umalis ang mga hayop na
naninirahan sa ilog na, ang iba pa nga, sa
kasamaang palad, ay namatay. Sa ngayon,
gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin
at ang iba’t ibang ahensiya na buhayin muli
ang Ilog Pasig
1. Gaano kahaba ang Ilog Pasig?
2. Paano inilalarawan ng may-akda ang
tubig na dumadaloy sa Ilog Pasig
noon?
3. Sa anong ilog inihahalintulad ang
kagandahan ng Ilog Pasig noon?
4. Bakit sinasabing mahalaga ang
papel na ginagampanan ng Ilog Pasig
sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay?
5. Paano naging nakasusulasok
ang amoy ng Ilog Pasig ngayon?
6. Sa iyong palagay, sapat ba ang
ginagawa ng pamahalaan upang
ibalik ang ganda ng Ilog Pasig?
Pangatwiranan.
Isaisip Mo..
Ano kaya ang mangyayari sa Ilog Pasig
sampung (10) taon mula ngayon?
Isulat Mo…….Pagtataya:.
Isa kang mamamahayag at magpapasa ka ng
iyong ulat hinggil sa dahilan ng unti unting
pagkasira ng likas na yaman. Nakatira ka
malapit sa Ilog Pasig kaya ito ang napili mong
gawan ngIsulat ang mga impormasyon ng
iyong ulat
Filipino 6 , Quarter 1
Ikalimang
Linggo
Ikalimang Araw
Layunin:

Nagagamit nang wasto ang


Kard na Pang-aklatan
Tuklasin Mo:
Saan ka ba pupunta kung nais
mong magsaliksik tungkol sa
iyong takdang-aralin?
Sino ang iyong kakausapin?
Alam mo ba ang mga ito?
May tatlong uri ng Kard Katalog.
Tunay na mapadadali ang paghanap
ng aklat na iyong sasaliksihin sa silid-
aklatan sa tulong ng Kard Katalog.

Kard ng Paksa Kard ng Pamagat

Kard ng May-akda
Alamin Mo:
Basahin ang usapan ng mga mag-aaral .

Mag-aaral 1 : Maaari mo ba akong


matulungan kung paano ko makikita
ang aking sasaliksikin sa aking
takdang-aralin? Tunay na napakalaki
ng silid-aklatan na ito kung lahat ay
titingnan ko ang mga nakadisplay na
mga aklat na ito.
Mag-aaral 2 : Aba! Oo. Katulad ng
ginawa ko. Pinag- aralan namin sa
asignaturang Filipino kung paano
gagamitin ang Kard Katalog. Isang
mabisang paraan ito upang
mapabilis na matukoy ang lugar ng
aklat na hahanapin mo.
Alamin Mo:
Mag-aaral 1 : Salamat. Mukhang ikaw
lamang ang makasasagot sa aking
problema. Hindi siguro ako gagabihin ng
pag-uwi kung magagamit ko ang tamang
paraan ng pananaliksik. Nasaan ba ang
Kabinet ng Kard Katalog.
Mag-aaral 2 : Halika, sasamahan kita at
ituturo ko sa iyo ang paggamit ng Kard
Katalog.
Alamin Mo:
Narito ang mga hakbang sa wastong
paggamit ng Kard Katalog.
1. Pumili lamang ng isang uri ng
kard sa Kard Katalog.
2. Tiyaking mababasa agad ang mga
nakatalang impormasyon sa kard
3.Isulat sa papel ang nilalaman ng
napiling kard
4. Itala sa papel ang call number o
bilang ng aklat sa gawing itaas ng
kaliwang bahagi ng papel.
5. Isauli isa cabinet ang Katalog nang
buong ingat
6. Ibigay sa librarian ang call number
ng aklat na hihiramin.
Alamin Mo:
Mag-aaral 1 : Salamat.Tunay na hulog
ka ng langit sa akin. Tatapatin kita na
hindi naming napag-aralan ang
paggamit ng Kard Katalog sa klase.
Pagbalik ko sa aming paaralan ituturo
ko ito sa kanila upang maging mainam
ang gagawin nilang pananaliksik..
Maraming salamat sa iyong
pagtulong. Hindi kita
malilimutan.
Mag-aaral 2 : Walang anuman.
Lahat tayo ay dapat
magtulungan upang tayo ay
magtagumpay sa lahat ng ating
gagawin
Pangkatang gawain
Ipaliwanag Unang
Grupo
Alamin Mo:
1. Kard ng Pamagat. Unang Grupo
Sa kard na ito, unang mababasa ang pamagat ng aklat,
kasunod ang pangalan ng may-akda at paksa ng
babasahing aklat.
Alamin Mo:
2. Kard ng Paksa. – Ikalawang Grupo
Ang kard na ito ay naglalaman muna ng
paksa ng aklat bago ang pamagat at may-
akda ng aklat.
Alamin Mo:
3. Kard ng May-akda. Ikatlong Grupo
Sa kard namang ito, ang unang mababasa ay ang
pangalan ng may-akda ng aklat. Kasunod ang
pamagat, at paksa ng aklat.
Pag-uulat ng bawat grupo
Pagproseso ng guro

Sa kasalukuyan, upang higit na mapadali ang


paghahanap ng mga impormasyon sa silid-aklatan
mayroon ng mga aklatan ang gumagamit ng
Online Public Access Catalogue (OPAC). Sa isang
pindot ay tiyak na mahahanap mo na ang materyal
na iyong hinahanap. Paghambingin ang
tradisyonal at makabagong paraan ng paghahanap
ng impormasyon sa aklatan
Paglalapat:
Bumuo ng kard katalog.

Ang Unggoy at ang Pagong


Elizabeth P.Pilegro
RCP Bookstore
Puerto Princesa, Palawan
2019, Inc.
Vol XIX
Ano – ano ang kard katalog o kard na pang-
aklatan ?

Paano ito nakatutulong sa paghanp ng mga


akalat?

Paano napupunag ng wasto ang kard katalog

Paano ang pagtulong -tulong ay


nakakaginhawa ng kalooban
Paano ang
pagtulong ay
nakakaginhawa
ng kalooban.
Pagtataya:Gawin Mo.1/2 c
Bumuo ng Kard Katalog .Ayusin ang
sumusunod na datos para makabuo ng kard
ng may-akda, pamagat, at paksa.
Takdang
Aralin
Maraming

Salamat po

You might also like