You are on page 1of 10

CLASSROOM DEBATE

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na


pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan
Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may
magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na
paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o
sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat.
May isang moderator na magiging tagapamagitan upang
matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at
igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate.
CLASSROOM DEBATE
Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya
kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas
kapani-paniwala.
Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang
panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa
at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang
hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng
isa’t-isa.
CLASSROOM DEBATE

May nakatalaga ring timekeeper sa isang debateupang


matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras na
laan para sa kanila.
Uri or Format ng Debate
Oxford
ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng
minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita ma
wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng
isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang
pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat
kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang
inilalahad ang kanyang patotoo at pagpapabulaan.
Uri or Format ng Debate
Cambridge

ang bawat kalahok ay dalawang beses


titindig upang magsalita. Una ay para
ipahayag ang kanyang patotoo at sa
ikalawa ay para ilahad ang kanyang
pagpapabulaan.
Uri or Format ng Debate
Mock Trial
Uri ng debate kung saan ang mga kalahok
ay nagpapanggap bilang mga manananggol
o mga attorney sa isang paglilitis.
Karaniwan din na merong mga boluntaryo
na magdudula-dulaan o mag-roleplay.
Uri or Format ng Debate
Impromptu debate
Uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase
ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago
magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng
dalawang panig ay bibigyan ng limang minuto para magsalita.
Pagkatapos magsalita ang isang miyembro ng isang pangkat,
isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang
proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng
miyembro ng dalawang grupo.
Uri or Format ng Debate
Turncoat Debate
Ang turncoat debate ay kakaiba sa ibang klase
ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao
lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa
proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay
magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.
Rubric
Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat

Walang mainam na kaisipang May naipahayag na 2 hanggang 3 Lubhang malinaw at maayos ang
ipinahayag tungkol sa paksa. kaisipan ang nabanggit tungkol sa kaisipang naipahayag. May 4 o higit
paksa. pang kaisipan ang nabanggit
Paksa/Kaisipan tungkol sa paksa.

Pangangatwiran Walang sapat na katibayan ng Walang gaanong iniharap na May sapat na katibayang iniharap
pangangatwiran pangangatwiran sa pangangatwiran.

Pagpapahayag/ Mahina at hindi maunawaan ang Mahina ang pagkakapahayag Maayos na maayos ang
Pagsasalita sinasabi. ngunit may pang-akit sa nakikinig pagkakapahayag na may pang-akit
ang boses o pagsasalita. sa nakikinig ang boses o
pagsasalita.

Pagtuligsa Walang naipahayag tungkol sa May isa o dalawang malinaw na May 3 o sapat at malinaw na
sinabi ng kabilang panig. pahayag tungkol sa ipinahayag ng pahayag tungkol sa ipinahayag ng
kabilang panig. kabilang panig.

Tiwala sa Sarili Hindi maayos ang pagsasalita May mahinang pagpapahayag dahil Lubusang naipahayag nang malinaw
dahil sa kaba kaya’t nabubulol. naipabatid nang kaunti ang layunin at naipabatid ang katanggap-
ng panig. tanggap na layunin ng panig.

Kabuuang Puntos
CD III
Key Stage 2

LARNIE U. LEDESMA
RIAH N. CALOSA
ALEX S. NUNEZ
MELANIE SANTIAGO
PAULA JEAN G. GARCIA

You might also like