You are on page 1of 11

DEBATE O PAGTATALO

DAPAT BA O HINDI
DAPAT IPAGBAWAL
ANG PAGGAMIT NG
PLASTIC?
DEBATE O PAGTATALO

Ano ang Pagtatalo /Debate?

 Ang pagtatalo o debate ay isang paligsahan sa pagbibigay ng mga


katwiran ng dalawang pangkat na magkasalungat tungkol sa isang isyu
o paksa. Ito ay isang sining, kung saan ang kasangkapang gamit ay
wika. Ito rin ay maaring nakasulat o kaya'y binibigkas.
DEBATE O PAGTATALO

Naglalayong makapanghikayat ng iba na


paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng
pangangatwiran.
DEBATE O PAGTATALO

 Ito rin ay pormal at sumasailalim sa mga tiyak na tuntunin gaya ng:

• Takdang oras

• Bilang ng mga tagapagsalita o magkasalungat na panig

• Pagkakaroon ng mga tagapamagitan

• Pagkakaroon ng pangunahing talumpati

• Pagkakaroon ng talaumpating mapanuligsa


M G A K ATA N G I A N G DA PAT
TAG L AY I N N G I S A N G D E BAT E R

Nilalaman

Estilo

Estratehiya
DEBATE O PAGTATALO

MGA URI NG PAGTATALO


1. Pagtatalong Impormal o Di-pormal
• Ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang pagtatalunan,
pagkaraan ay bubuksan niya ang pagtatalo. Ang sinumang nais
magsalita ay malayang tumayo at magmatuwid, maging sa panig ng
sang-ayon o salungat. May mga pagkakataong nagkakasabay sa pagtayo
ang dalawang tao, sa gayon ang tagapangulo ay may kapangyarihang
magpasya kung sino sa dalawa ang unang magsasalita.
DEBATE O PAGTATALO

2. Debateng Lincoln- Douglas


• Ang bawat panig ay may tig-isang tagapagsalita. Ang panig ng sang-
ayon ang unang magsasalita na susundan naman ng panig ng salungat.
Ang unang nagsalita ay magbibigay ng ganting matuwid o
magpapabulaan pagkatapos magsalita ng panig ng salungat. Pagkatapos
magmamatuwid o magpapabulaan naman ang panig ng salungat. Sa
pagwawakas, ay magbibigay ng pagbubuod ang dalawang panig at ang
ayos ng pagkakasunod-sunod ay katulad din noong una.
DEBATE O PAGTATALO

3. Tipong Oregon-Oxford
• Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi. Ang
oras ng talumpati ng bawat isa ay walo o sampung minuto.
Pagkatapos ng pagmamatuwid ng bawat isa, magkakaroon ng
tatlong sandali ng pagtatanungan. Pagkatapos ng lahat ng
pangunahing talumpati at tanungan ay magkakaroon naman ng
tatlong sandali ng pagtuligsa ang mga kasapi. Limang sandali
naman ang iuukol sa pagtuligsa ng puno ng bawat koponan.
DEBATE O PAGTATALO

4. Balagtasan o Batutian

• Ang Balagtsan at Batutian ay kapwang pagtatalong patula na ang


karaniwang paksa ay mga suliraning panlipunan. Ang Balagtasan ay
nanggaling sa pangalan ni Francisco Baltazar, samantalang ang
Batutian naman ay nanggaling kay Jose Corazon de Jesus na kilala
sa sagisag na Joseng Batute.
3 – bagay na iyong natutuhan mula sa aralin

2 – bagay o kaisipan na pumukaw sa iyong


damdamin at isipan

1 - isang tanong na nais mong hanapan ng sagot

You might also like