You are on page 1of 8

RETORIKA

Dr. Elizabeth Garcia

GROUP 3
Reyes, Shandi
Romero, Jorgina
Seguerra, Kirch
Tanduyan, Fredelyn
Uy, Anne Florin
Valencia, Valerie
Virina, Wella
Diskursong Personal
• Naglalaman ng pang araw araw na pangyayari sa buhay, mga natutunan,
natuklasan tungkol sa sarili,pagkatao at paglago bilang tao.
• Nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat.

• Talaarawan
• Ang talaarawan o diary ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin
na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma
ng kalendaryo.
• Ilan sa pinagkakagamitan ay ang mga sumusunod:
• Mala journal na listahan.
• Listahan ng dapat gawin
• Listahan ng mga nagawa
• Listahan ng saloobin o nadarama at iniisip.
• Listahan ng pantasya
• Listahan ng kabiguan

2
REPORT TITLE
• Journal or diyornal
• Isang kasulatang tala ng tao hinggil sa kanyang naisip sa isang idefinite na panahon
• Kaiba sa pagsulat ng talaarawan ang pagsulat ng journal ay nagbibigay ng
pagkakataon sa sinumang sumulat nito upang mahasa ang kanyang panitik o sa
kasanayang magsulat
• Isang daan upang maisapraktika ang natutunan sa malikain o teknikal na pagsulat.

• Awtograpiya
• Istorya ng tao na siyang mismo ang nagsulat. Makaklasipika bilang nonfiction dahil
ang mga ito ay factual.
• Mga elemento:
• Tauhan
• Tagpuan
• Order ng panahon

• Repleksyon

• Isang papel na tumatalakay sa mga natutunan o nakintal na aral


• Kadalasan ito ay pagbubuod ng nabasang akda o kayay napanuod na pelikula at
pagtalakay ng malalim na mensahe o aral na ipinarating ng seksyon o palabas

Ang Pagtatalo
Ano nga ba ang Debate o Pakikipagtalo ?
• Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan
ng pangangatuwiran.
• Ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa magkasalungat ng panig tungkol

3
REPORT TITLE
sa paksang napagkaisahang pagtalunan (proposisyon) sa tiyak na oras at lugar na
pangyayarihan.
• Maaari itong nakasulat o binibigkas.

Uri ng Pagtatalo

• Pormal na Debate
• Ang paksan sa uring ito ay masining na pinag-uusapan at masusing
pinagtatalunan.
• Ito ay may takdang oras, panahon at araw kung kailan ito gaganapin.
• Impormal na Debate
• ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkatapos na
ipahayag ang pagtatalo
• ang ganitong uri ng debate ay maayos na pagpapalitan-kuro at palagay.

Mga Uri o Format ng Debate

 Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )


o ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na
lang sa unang tagapagsalita ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t
mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang
pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat kalahok upang
magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo
at pagpapabulaan.
 Debateng Cambridge
o ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una
ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad
ang kanyang pagpapabulaan. May iba pang uri ng debate, kagaya
ng mock trial, Oregon, impromptu debate, turncoat debate at iba
pa.

4
REPORT TITLE
 DEBATENG OREGON
o Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng
pagmamatwid ng kani-kanilang panig Pangalawang Tagapagsalita -
magtatanong upang maipakilala angkarupukan ng mg matwid na
panig ng katalo Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng
pagpapabulaan bagolalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang
panig.
 Mock Trial
o ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay
nagpapanggap bilang mga manananggol o mga attorney sa isang
paglilitis. Karaniwan din na merong mga boluntaryo na
magdudula-dulaan o mag-roleplay.
 Impromptu Debate
o ay isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang
klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto
bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng
dalawang panig ay bibigyan ng limang minuto para magsalita.
Pagkatapos magsalita ang isang miyembro ng isang pangkat, isang
miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang proseso
hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng
dalawang grupo.
 Turncoat Debate
o ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang
tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon
ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa
oposisyon ng dalawang minuto.

5
REPORT TITLE
Workshap sa Pagsulat

PAGSULAT NG TULA

 Ang tula ay pagbabagong-hugis ng buhay. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay


nabibigyan ng bagong anyo ng makata. Ang tula ay paglalarawan sa tulong ng
guniguni at sa pamamagitan ng wika ng mga tunay na saligan para sa mararangal na
damdamin. Ang isang ikinaiba ng tula sa tuluyang ay ang katotohanang ang tula ay
patayutay: nababalatayan sa pagitan ng taludtod ng mga matalinhagang larawan at ng
tanging bisa.

 May tatlong uri ng tula ayon sa pamamaraan: tulang may sukat at tugma, tulang may
malayang taludturan o free verse, at tula sa tuluyan. Ang tula sa tuluyan ay maaring
tuluyan sa kabuuang ngunit dahilan sa taglay nito ang kaluluwa ng isang tulang
maymaririkit na pananalitang angkop lamang sa isang tula, tinatawag itong tula sa
tuluyan.

 Ang tula ay may anyo: ang hanay o linya ng tula ay tinatawag na taludtud: ang
pinagsama-samang saknong ang bumubuo sa tula. Ang bawat taludtud ay may tinatawag
na hati o sesura. Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtud ay tinatawag na sukat, at
ang mga dulo ng taludtud na may magkakahawig na bigkas ay tinatawag na tugma.

PAGSULAT NG SANAYSAY

1.) Isang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa
ang sanaysat.
2.) Karaniwan inuuri ang sanaysay sa dalawa: maanyo o pormal, pamilyar o palagayan o
di-pormal. Maingat, maayos at mabisa ang paglalahad sa maayong sanaysay;
pinakapipiling mabuti ang paksa at pananalita. Ang palagayan o di-pormal ay may
pagkakamalapit sa mambabasa na parang may himig na pakikipag-usap; hindi

6
REPORT TITLE
sinusulat ito upang mangaral, puno ito ng makakatas na kawikaan, masaya at
mapagpatawa at di-gaanong mabigat ang paksa.

3.) Umaalinsunod din sa pagsulat ng isang komposisyon ang pagsulat ng sanaysay,may


simula,may panggitnang kaisipan o pinakakakatawan at wakas. Maraming paraan
ang maaring gamitin sa panimula tulad ng:
a. Isang katanungan
b. Pangungusap na nakakatawag pansin
c. Tuwirang banggit
d. Isang pagsasalaysay
e. Paggamit ng isang pisi
f. Atbp.

7
REPORT TITLE
8
REPORT TITLE

You might also like