You are on page 1of 43

PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN

Balangkas ng Kurso

I. Panitikan at Panitikang Pilipino


 Katuturan ng Panitikan
 Anyo ng Panitikan
 Panitikang Pilipino sa Kasaysayan ng Pilipinas

II. Ang Sining ng Pagkukwento


 Ang Kahulugan ng pagkukuwento
 Layunin ng pagkukuwento
 Ang pakikipag-ugnayan sa mga kuwento
 Ang pasalitang pagkukuwento
 Ang nararanasan sa pagkukuwento
 Ang paraan ng pagpili ng kuwentong gagamitin sa
pagkukuwento
 Ang pagkukuwento sa harap ng mga tagapakinig
 Ang mabisang tagapagkuwento
 Ang apat na paksang madalas magamit sa
pagkukuwento
 Ang mga aklat-pambata para sa mga bata
 Ang mga katangian ng mahusay na
tagapagkuwento
 Ang mga istilo sa pagkukuwento
 Ang mga maikling kwentong magagamit sa sining
ng pagkukuwento
 Mga halimbawa ng maikling kwentong magagamit sa sining ng
pagkukuwento

1
III. Ang Sining ng Pagtatalumpati
 Ang kahulugan ng talumpati
 Mga Uri ng Talumpati
 Mga Layunin ng Talumpati
 Mga Dapat Isaalang-alang Habang
Nagtatalumpati
 Panukalang Pamantayan sa Pagkilatis ng
Mahusay na Pagbigkas
 Mga halimbawa ng talumpati
IV. Ang Sining ng Pagdedebate o Pagtatalo
 Kahalagahan
 Pagmamatuwid o Pangangatwiran
 Ang Pagtatalo o Debate
 - Mga Katangian ng Proposisyon
 - Kahalagahan ng Pagtatalo
 Mga Paghahanda sa Pagtatalo
 Mga Dapat tandaan sa Pagtatalo
 Mga Paghahanda sa Pagtatalo
 Dapat Tandaan sa Pagtatalo
 Mga Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa
( Rebuttal)
 Ang Debateng Oregon- Oxford
 Kraytirya sa Paghahatol
V. Ang Sining ng Pagsasatao
 Kahulugan ng pagsasatao o role playing
 Pahapyaw na Kasaysayan ng Pagsasatao
 Ang pagbuo ng Pagsasatao
 Ang Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng
Pagsasatao
 Ang Mga Karakter sa Pagsasatao na maaaring
maging Modelo
 Ang mga halimbawa ng piyesang magagamit sa pagsasatao

VI. Ang Sining ng Pagbabalagtasan


 Kahulugan ng Balagtasan
 Mga Elemento ng Balagtasan
 Mga Tauhan sa Balagtasan
 Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mambabalagtas

2
VII. Ang Sining ng Pagbigkas nang Isahan at Sabayan
 Kahulugan ng Sining ng Sabayang Pagbigkas
 Ang Kahulugan ng Sabayang Pagbigkas
 Mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas
 Ang Paraan /Pamaraan ng Pagbuo ng Sabayang Pagbigkas
 Mga halimbawa ng Piyesa sa Sabayang Pagbigkas
 Mga halimbawa ng Piyesa sa Isahang Pagbigkas

Ano ang panitikan?

Ayon sa paliwanag ng iba’t ibang awtor, malawak


ang katuturan at saklaw ng panitikan
( Pagsusulit sa Pagkuha ng Lisensya para sa mga Guro sa Filipino. Vilma
M. Resuma, 2007)

M a s a s a b i n g
ang pahayag nina Cruz at Reyes (1984) na “ isang
likhang –isip ang panitikan, isang bunga ng
pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at
maraming bagay tulad ng panlabas na realidad; kinabibilangan niyang sistema;
pangkalahatang pananaw ng komunidad; sistema ng sining; at wikang ginagamit,”

Sinusugan ito ni Azarias sa pagsasabing ang panitikan ay “paghahayag ng mga


damdamin ng tao tungkol sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan
at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Lumikha.” Idinagdag ji Melendrez- Cruz
ng Unibersidad ng Pilipinas na “anyo ng pag-iisip ng awtor ang panitikan…. Paraan niya
ito ng pag-iisip, pagpapahayag, at pakikipag-usap, binibigyang-anyo nito ang kanyang
mensahe”. Susog naman ni Fr. Miguel Bernard, S.J., “ Ang panitikan ay kaisipan at
pagpapahayag; di malilimot na kaisipan sa di malilimot na pagpapahayag” ( Restituto,
1995)

Kaya nga’t kung pag-iisahin ang mga nabanggit na pahayag, mabubuod na ang
panitikan ay isa sa mga personal na ekspresyon o isang paraan ng pagpapahayag ng
mga pananaw, damdamin, saloobin, paniniwala at pagpapahalaga ng manunulat.
Nabatay ang ganitong paraan o estilo ng pagpapahayag sa mga pansariling karanasan
ng awtor sa lipunang kanyang kinabibilangan.

May panlipunan ding katuturan at kahalagahan ang panitikan kung isasaisip ang
sinabi nina Cruz at Reyes na” Ang isang akda ay salamin ng mga karanasan ng mga
mamamayan at nagsisilbing repleksyon din ng mga pangyayari sa kasaysayan”.
Mahihinuha rin ang ganitong katuturan sa komprehensibong depinisyon nina de la
Concha at Gabriel (Restituto, 1995) sa panitikan bilang “salamin ng lahi, kabuuan ng
karanasan ng bansa, mga kaugalian, paniniwala, at pangarap ng isang lahi na
ipinahahayag sa pamamagitan ng mga piling salita, nakasulat man o hindi,”

Samakatwid, batay sa mga katuturang ito, ligtas na sabihing isa sa mga


pinakamabisang basehan ng identidad ng isang bansa ang panitikan nito. Maging

3
pasalita o pasulat man ang anyo ng panitikan, masasalamin dito ang nakaraan, kaisipan,
damdamin. At maging mithiin ng mga mamamayang bumubuo sa bansang ito.

Gawain 1:

Hatiin sa anim na pangkat ang mag-aaral, bawat pangkat ay bubuo ng pangalan at


maikling pampasiglang gawain upang ipakilala ang kanilang grupo, pipili ng isang lider
sa bawat grupo upang magbahagi ng kanilang napag-usapan.
Panuto: Bigyan ng paliwanag ang sumusunod na katuturan ng panitikan.

Unang pangkat: “Isang likhang –isip ang panitikan, isang bunga ng pagsasanib ng
imahinasyon ng manunulat at maraming bagay tulad ng panlabas na realidad;
kinabibilangan niyang sistema; pangkalahatang pananaw ng komunidad; sistema ng
sining; at wikang ginagamit.”

Ikalawang Pangkat: “Paghahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa mga bagay-


bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Lumikha.”

Ikatlong Pangkat: “Anyo ng pag-iisip ng awtor ang panitikan…. Paraan niya ito ng pag-
iisip, pagpapahayag, at pakikipag-usap, binibigyang-anyo nito ang kanyang mensahe”.

Ikaapat na Pangkat: “Ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag; di malilimot na


kaisipan sa di malilimot na pagpapahayag.”

Ikalimang Pangkat:” Ang isang akda ay salamin ng mga karanasan ng mga mamamayan
at nagsisilbing repleksyon din ng mga pangyayari sa kasaysayan”.

Ikaanim na Pangkat: “Salamin ng lahi, kabuuan ng karanasan ng bansa, mga kaugalian,


paniniwala, at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga piling
salita, nakasulat man o hindi.”

Karagdagan:
Panoorin ang https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/panitikan-52237416
https://www.slideshare.net/MarkArce3/ang-ating-panitikang-filipino
https://www.scribd.com/presentation/340521867/panitikan-ppt
https://www.academia.edu/36958157/ANG_PANITIKAN_NG_PILIPINAS_FIL4

4
Ano ang dalawang anyo ng panitikan?

Mauuri sa dalawang anyo ang panitikan: ang tuluyan at ang patula (o tulaan).
Nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at talataan ang tuluyan samantalang
may mga saknong, taludturan, sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), tugma at
ritmo o aliw-iw ang tula. Dahil kapwa masining ang paraan ng pagpapahayag, puno ng
matatalinghagang pananalita tulad ng tayutay at idyoma ang dalawang anyo ng
panitikang ito.

Marami ang akdang tuluyan, kabilang ang mga sumusunod:

 Ang nobela na nahahati sa mga kabanata, sumasakop sa mahabang panahon,


at ginagawan ng maraming tauhan.
 Ang maikling kwento isang kathang nagsasalaysay ng pangaraw-araw na
buhay, may isa o kaunating tauhanat kakintalan o impact.
 Ang dula ay pinakalayunin ay itanghal sa entablado.
Maaaring may isa o higit pang yugto ito at bawat yugto ay
nahahati sa ilang tagpo. Iba’t iba ang dula, kabilang ang
komedya, o dulang masaya, kawili-wili, at nagtatapos sa
tagumpay ng mga tauhan, trahedya na nagtatapos sa
kamatayan o kalungkutan ng bida; ang melodrama na
maraming malulungkot na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan ngunit sa huli’y nagwawakas din nang
maligaya; parsa na katawa-tawa at may layuning manlibang
sa manonood dahil sa mga sitwasyon, kilos, at pananalita ng
mga tauhan; at ang saynete na nais ding magpataw ngunit
karaniwan lamang ang mga pangyayari, mga tau-tauhan ang
gumaganapat nasa likod ng telon ang mga nagsasalita.
 Mga kwentong karaniwang pambata, Kabilang ang alamat
na nilikha upang maipaliwanag ang mga bagay-bagay, at
ang pabula na ang mga haypo na nagsasalita ang
karaniwang tauhan at may –aral na napupulot. Kabilang din ditto ang
mitolohiya, kwentong-bayan,at anekdota.
 Ang sanaysay na nagpapahayag ng opinion o pananaw ng awtor tungkol sa
isang paksa. Maari itong pormal dahil nangangailangan ng matiyagang
pananaliksik at pag-aaral, o di- pormal na dahil karaniwan lamang ang paksa ay
di na dapat pang saliksikin;
 Ang talambuhay na maaaring pansarili(awtor ang sumusulat tungkol sa sariling
buhay), o paiba( kasaysayan ng buhay ng isang tao na sinulat ng ibang awtor);
 Ang parabula na kathang hango sa Bibliya bilang salaysay ni Kristo sa kanyang
mga disipulo, matalinghaga, at may-aral, at

5
 Ang talumpati na may layuning bigkasin sa harap ng mga tagapakinig upang
makahikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon , at /o mangatwiran.

PAGSASANAY 1.
A. Magtala ng mga halimbawa ng mga akdang tuluyan.
1. Nobela-
2. Maikling kwento-
3. Dula
a. Komedya-
b. Trahedya-
c. Melodrama-
d. Parsa-
e. Saynete-
4. Alamat-
5. Pabula-
6 Sanaysay
a. Pormal-
b. di- Pormal-
7. Talambuhay-
8. Parabula-
9. Talumpati-

B. Mula sa bilang (6) anim hanggang (9) siyam, pumili ng isang akdang tuluyan at
gumawa ng sariling halimbawa nito. (50 puntos).

__________________________________________________________________

6
Samantala, may tatlong pangkahalatang uri ang mga
akdang patula.

Una ang tulang pasalaysay o naratibo na


nagkukwento ng serye ng mga pangyayari sa anyong
patula. Kabilang dito ang epiko na tungkol sa
pakikipagsapalaran, katapangan, at kabayanihan ng
pangunahing tauhan na karaniwang di-kapanipaniwala.
Isa pa ang awit na ang taludturan ay may sukat na
labindalawahing (12) pantig ay gayon din ang korido na
binubuo naman ng walang (8) pantig ang bawat taludtod. Kapwa hango sa buhay ng
mga dugong bughaw ( hari, reyna, prinsipe, atbp) ang paksa ng dalawang huling tula
kaya maaaring may pagkakahawig ang mga pangyayari sa buhay ng tao.

Ikalawa ang tulang liriko na paawit o pwedeng lapatan ng himig at umaantig sa


damdamin. May iba’t ibang uri ito, kabilang ang kantahing na maaaring awitin at may
regular na sukat at tugma ; ang soneto na may labing-apat (14) na taludtod at ang
bawat tigalawang taludtod ay may sukat na wala(8) at anim(6) na pantig; elehiya na
isang tula ng kalungkutan dahil sa pumanaw na mahal sa buhay; at ang oda na tula ang
paghanga o pagpuri.

7
PAGSASANAY 2.
 Paano nakakatulong ang kaalaman sa iba’t ibang uri ng tula upang lalong
mapahalagahan ang kulturang Pilipino?
 Gumawa ng isang tulang elehiya.

Ano ang katangian ng panitikang Pilipino sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng


Pilipinas?

May sari-sariling katangian ang panitikang Pilipino sa iba’t ibang yugto sa kasaysayan ng
ating bansa.
Panoorin ang sumusunod: https://www.slideshare.net/RainierAmparado/uri-ng-panitikan

https://www.academia.edu/36790153/Ang_dalawang_uri_o_anyo_ng_Panitikan_ay_ang_tinata
wag_na_Tuluyan_at_Prosa

https://www.slideserve.com/ward/pangkalahatang-uri-ng-panitikan

Bago dumating ang mga Kastila

Mayaman na ang panitikan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila,
bagama’t pasalita lamang ang panitikan noon. KAbilang sa mga pasalitang anyo ng
panitikan noon ang alamat, mitolohiya ( kuwento ng mga diyos at diyosa,
nagpapaliwanag din ng simula ng mga bagay), kwentong
bayan,bulong( dulangtradisyonal, isang paraan ng panggagamot),awit at dulaang
panrelihiyon.

Lumaganap din noon ang mga awitingbayan, kabilang ang oyayi( paghehele sa
sanggol), soliranin( awit ng pamamangka), diona( awit sa kasal), dalit ( awit
panrelihiyon ng mga Bisaya), at kundiman (awit ng pag-ibig).

8
Masasalamin naman ang mga kaalamang nayan sa mga bugtong,
salawikain(patalinghagang pahayag upang mangaral at magturo ng kabutihang-asal,
salawikain (patula rin at may sukat at tugma, pero nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakita ng ugali ng tao, panunudyo at palaisipan.

Mayaman din ang ating mga ninuno sa mga epiko,tulad ng Bantugan ng Muslim.
Biag ni Lam-ang ng Iloko, Ibalon ng Bikol.

Panahon ng Kastila

Mangyari pa ay nakaimpluwensya ang mga Kastila sa


Panitikang Pilipino. Pinalitan nila ng alpabetong Romano ang dating
alibat; nilimbag noong 1593 ang doctrina Cristiana na kauna-
unahang aklat panrelihiyon sa bansa; isinalin ni Padre de Borja ang
kauna-unahang nobela sa Filipino, ang Barlaan at Josaphat; at
naging paborito ng marami ang Urbana at Felisa ni Padre Modesto
de Castro na angturo ng kaugaliang panlipunan sa mga Pilipino.
Lumaganap naman sa buong bansa ang pasyon na naguukol sa
buhay ng Panginoong Hesus at isinalin sa iba’t ibang wika ng
Pilipinas.Dumami ang kantahing- bayan na nagpahayag ng sariling
kulturang Pilipino, kabilang ang “ sa Libis ng Nayon” ( Tagalog) “
Sarong Banggi” ( Bikolano)

Nakilala at hinangaan ang mga tulang pasalaysay na korido


(corridor o current evebts”) at awit na kapwa batay sa “ metrical
tales” ng Europa at tungkol sa katapangan, kabayanihan at
panananampalataya ng mga tauhan. Tualng may walong (8) pantig
sa bawat taludtod ang korido at bagama’t walang nakasulat na may akda ang mga
korido, naging manunulat nito sina Jose dela Cruz (Huseng Sisiw). Samantala’y may
labindalawang (12) sa bawat taludtod ang awit at pinakapopular dito ang Florante at
Laura (1838) ni Francisco Baltazar (“Kikong Balagtas”) na inihandog kay Maria Asuncion
Rivera.

Nakilala rin ang duplo na isang madulang pagtatalon patula. Idagdag pa rito
tibag o pagsasadula ng paghahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ng krus
na pinagpakuan kay Kristo; ang karilyo o dulang mga tau-tauhang karton ang
nagsisiganap at nakikita lamang ang mga anino; senakulo o dulang naglalarawan ng
buhay ni Hesus; ang moro-moro o dulang pumapaksa ng paglalabanan ng mga
Kristyano at Muslim; at ang sarswela, isang dulang musical o melodrama tungkol sa
pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, tulad ng “ walang Sugat” na isinulat ni
Severino Reyes. 1610, nalimbag ang kauna-unahang aklat ng gramatikang Tagalog ni
Tomas Pinpin.

Panoorin ang mga sumusunod: https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-


sapanahonngkatila
https://www.slideshare.net/LAZ18/panitikan-sa-panahon-ng-espanyol-50674934
https://www.slideserve.com/miya/panitikan-sa-panahon-ng-kastila

9
Panahon ng Propaganda

Sa panahong ito lumaganap ang diwa ng nasyonalismo dahil sa maling


pamamalakad ng mga Kastila sa pamahalaan, pang-aapi at pagsasamantaka sa mga
Pilipino, at marami pang dahilan.

Naging pangunahing repormista na bumuo ng Kilusang Propaganda si Jose Rizal


( may bansag-panitik na “Dimas-Alang’ at “ Laong-Laan” )na sumulat ng Noli Me
Tangere ( itinuring na “pinakadakilang dokumentaryong sosyal ng Pilipinas”). Inihandog
niya ito kina Padre Gomez, Burgos at Zamora.

 Marcelo H. del Pilar – Plaridel – Diyaryong Tagalog


 Antonio Luna - Taga-ilog
 Graciano Lopez Jaen – La Solidaridad- Fray Botod
 Mariano Ponce – Tikbalang, Naning, Kalipulako
 Pascual Poblete- tinaguriang Ama ng PAhayagan
 Pedro Serrano- unang sumulat ng Diccionario Tagalog-Hispano
 Lope K. Santos- Balarila ng Wikang Pambansa
 Isabelo delos Reyes- Iglesia Filipina Independiente

Inilimbag ang pahayagan La Solaridad upang malathala ang mga kaisipan at


damdamin ng mga propagandista tungkol sa mga nangyayari nang panahong iyon.
NAging layunin ng kilusan ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng
Espanya, pagkakapantay ng mga Pilipino at Kastila , pagiging lalawigan ng Espanya ang
Pilipinas, sekularisasyon ng mga parokya sa bansa at nang lumaon ay hinangad na rin
ang kalayaan ng mga Pilipino.

10
Panoorin ang mga sumusunod:

https://www.slideshare.net/sjbians/panitikan-sa-panahon-ng-propaganda-78084643
https://www.slideshare.net/teodosiojohnanthony/panitikan-sa-panahon-ng-propaganda
https://www.slideshare.net/BlaChain5821/panahon-ng-propaganda
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-propaganda.html
https://prezi.com/6k3vkbsqeh4i/panahon-ng-propaganda

Panahon ng Himagsikan

Nabigo ang mga propagandista sa kanilang


inaasahang pagbabago at nag-ibayo pa ang pang-aapi
ng pamahalaan at simbahan sa mga
Pilipino.Pinaghinalaang laban sa pamahalaan ang La
Liga Filipina, isang samahang pansibikong itinatag ni
Jose Rizal. Dahil ditto ipinatapon siya sa Dapitan.

Nang madakip si Rizal ay nagtatag sina Andres


Bonifacio at mga kasamahan ng isang samahan –
Katipunan. Naglimbag sila ng pahayagang Kalayaan kung saan nagsulat sina:

 Bonifacio -supremo ng Katipunan at may sagisag na “ Agapito” at”


Bagumbayan.”
 Emilio Jacinto- Utak ng KAtipunan at may sagisag na “ Dimas-Ilaw”, editor ng
pahayagan
 Pio Valenzuela- sagisag “Madlang –awa.”
 Apolinario Mabini- Utak ng Himagsikan at dakilang lumpo
 Jose Palma- sumulat ng liriko ng Pambansang Awit
 Julian Felipe- naglapat ng tugtugin.

Naging paksa noon ng panitikan ang pagkamakabayan, pagtutuligsa sa


pamahalaan at simbahan at pagpapayo sa mga Pilipino para magising at makiisa
tungo sa pagtatamo ng kalayaan.

Panoorin ang mga sumusunod:

11
https://www.scribd.com/presentation/148957691/Panitikan-Sa-Panahon-Ng-
Himagsikan-ppt
https://www.coursehero.com/file/48169390/3-Sa-Panahon-Ng-Himagsikanppt/
https://www.slideshare.net/MaureenSonidoMacarae/himagsikan18961900

Panahon ng Amerikano

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, nagkaroon ng kalayaang


makapagpahayag ng saloobin ang mga Pilipinokaya dumami ang babasahin sa
panitikan, pati na ang mga samahang pampanitikan
sa wikang Tagalog. Napalitan ng sarswela ang moro-
moro. Si Severino Reyes ang may akda ng
“Walang Sugat” ang tinaguriang “Ama ng
MAkabagong Dulaang Tagalog”.

N g u n i t n a p a l
Lumaganap din ang mga nobela na pinahabang
kuwento at may mga kabanata.Si Lope K. santos naman ang tinuturing na” Ama ng
Balarilarng Tagalog” at sumulat ng” Banaag at Sikat.” Mga popular na manunulat;
 Jose Corazon de Jesus- Huseng Batute
 Amado V. Hernandez- Makata ng mga Manggagawa
 Juan Crisostomo Sotto- Ama ng Panitikang Pampango
 Leon Pichay- Prinsipe ng Bukanegan o balagtasan ng Ilokano
 Edilberto Gumban- Ama ng Panitikang Bisaya.

Panoorin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/shainamavreenvillaroza/panitikan-sa-panahon-
ng-amerikano
https://www.slideshare.net/MaeGarcia2/panitikan-sa-panahon-ng-
amerikano-102546585

Panahon ng Hapon

Itinuturing na “Ginintuang Panahon ng Panitikang Tagalog”


ang mga taon ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas (1941-1945) dahil
natampok noon ang panulat sa Tagalog sa dahilang ipinagbawal sa
halos lahat ng pahayagan at magasin ang wikang Ingles. Nagsulat sial
sa Tagalog ang dating mga manunulat sa Inglesh at sa tulong ng
lingguhang magasin na Liwayway, nalathala ang maraming akdang Tagalog. Tumulong

12
pa si Kinichi Isikawa, isang pinunong Hapones , na mapalawak ang panitikan at
kulturang Pilipino.

Naging maunlad ang maikling kwento na karaniwang may simpleng paksa,


matimpi at hindi maligoy. Tumaas ang uri ng pamumunang pampanitikan; bumangon
ang dulang Tagalog para magbigay-aliw sa mga mamamayan at itinanghal ang mga ito
sa mga sinehan. Lumaganap ang mga tulang haiku na may tatlong (3) taludtod, may
labimpitong (17) pantig (5-7-5); gayon din ang tanaga na may apat (4) na taludtod,
pitomng (7) pantig sa bawat taludtod, amy sukat at tugma.

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/menchu25/panitikan-sa-panahon-ng-hapones-presentation
https://www.slideshare.net/MaeGarcia2/panitikan-sa-panahon-ng-amerikano-102546585

Panahon ng Bagong Kalayaan

Sumigla agad ang panitikang Pilipino sa Tagalog at Ingles nang bumagsak ang
kapangyarihan ng mga Hapones sa Asya. Naakit muli ang mga manunulat dahil sa mga
gawad-gantimpalang ibinibigay, kabilang na ang Planca Memorial Award(1950).Gawad
ng Balagtas Award, Republic Cultural Award at Talaang Ginto, bukod pa sa mga
patimpalak sa mga pahayagan. Nagkaroon ng kurso sa malikhaing pagsulat sa mga
unibersidad at nagtatag ng iba’t inbang samahang pampanitikan. Nakilala si Alejandro
Abadilla na itinuring na “ Pangunahing MAkata noong 1950 dahil sa Ako ang Daigdig.Si
Amado V. hernandez naman ang humalili kay Jose C. de Jesus bilang pangunahing
makata sa Tagalog at nagakamit ng Republic Cultural Award dahil sa “Isang Dipang
Langit”.
Iba pang kilalang manunulat ;
Teo Baylen – Tinig ng Darating
Genoveva Edroza- Matute- nagkamit ng Palanca Award
Liwayway Arceo- Bautista- Uhaw sa Tigang na LUpa at dekad’70

Panahon ng Aktibismo at BAgong Lipunan


hanggang sa Kasalukuyan

Sa pagpasok ng taong 1970 hanggang sa


kasalukuyan, nagkaroon ng iba’t ibang pagbabago sa
paksa, estilo, at anyo ng wika ang panitikang Pilipino.
Naimpluwensyahanito ng kanluraning panitikan,
pumapaksa sa mga isyung pampulitikal, atbsosyo-
ekonomik at naging lubhang matapang at malaya.
NAgbalik lamang sa romantisismo ang mga paksa noong
pnahaon ng BAgong Lipunan at naging bukambibig ang
mga kasabihan at mga programang pampamahalaan ,
nginit nagakaroon agad ito ng pagbabago sa pag alis ng
diktador at napalitan nang maraming bese ang mga
pangulo ng bansa.

13
Sa kasalukuyan, napakalaganap na ang tinatawag na panitikang popular. Nasa
anyo ito ng mga pelikula, komiks, mga programang sa telebisyon (telenobela, sitcom,
dula at ibp). Marami ring lathalain, sanaysay, maikling kwento at tula ang nalilimbag sa
mga magasin, diyaryong oampaaralan at iba pa.

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/charlhen1017/panitikan-sa-panahon-ng-kalayaan
https://www.slideshare.net/PinkyRoseTapayan/ang-panitikan-sa-panahon-ng-isinauling-
kalayaan
https://www.slideshare.net/melanierazor/panitika-sa-panahon-ng

GAWAIN
1. Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa isa sa mga sumusunod na paksa:

a. Ang kahulugan ng panitikan para sa Aking Sariling Pananaw


b. Mga Inaasahan kong Kapakinabangan sa Pag-aaral ng Sariling Panitikan
c. Ang Akdang Panitikan na Nakainfluwensya nang Malaki sa Aking Buhay

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kaugnayan sa paksa------------------- 50 %
Kaisahan ng pangungusap --------- 30 %
Kalinisan ng gawa ----------------------20%
Kabuuan ---------------------------------100%

Ang Sining ng Pagkukuwento

“Ang pagkukuwento ay naghahatid sa mga


tagapakinig ng mataas na antas ng kamalayan, ng
pagtataka at ng misteryo ng buhay .”- Baker at Greene
(1977)

“ A n g S i n i n
sasaliksikin, isasagawa at papalaguin”- Sawyer(1977)

Ito ay maituturing na isang orihinal na anyo ng pagtuturo. Ang Pagkukuwento ay


isang buhay na sining. Ang produkto nito ay ang paglikha ng magkatuwang na
karanasang ibinatay sa mga salita at imahinasyon. Dahil dito, ang mga baguhang
tagapagkuwento ay dapat na lumagpas pa sa itinakdang alituntunin ng pagkukwento.
Dapat nilang malaman ang kanilang mga kalakasan at malinang ang kanilang katangi-
tanging istilo.
Ang pagkukuwento ay pagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga salita, imahe at tunog. Ito’y naibabahagi sa iba’t ibang kultura.

Ang Layunin ng Pagkukuwento

14
 Nakapagtuturo;
 Nakapagbibigay-liwanag;
 Nagdudulot ng inspirasyon sa buhay;
 Nakapagpapatalas ng isipan; at
 Nakapag=aalis ng pagod sa pang-araw-araw na gawain.

Dahil sa pagkukuwento, naibabahagi ang kultura ng iba’t ibang bansa sa tulong ng


edukasyon, entertainment at pagpapanatili ng kinagisnang kultura at halagang moral.

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/shekainalea/ang-sining-ng-pagkukuwento
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/sining-ng-pagkukwento
https://www.academia.edu/31383739/SIning_ng_Pagkukwento

Ang Pakikipag-ugnayan sa mga Kuwento

B a g a m a t m
panahon ang anyo nito, katulad ng pagsasagawa ng
pagkukuwento sa paraang elektriniko sa mga
palatuntunang, pantelebisyon, ang pasalitang
pagkukuwento ay hindi kailan man maluluma
bumilang man ng mga taon. Kaugnayan nito, sa
pagkukuwento, ang payak na paglalarawan ang
laging ginagamit daan sa masining na pamamaraan
ng pagtuturo. SA pakikipag-ugnayan sa mga
kuwento, ang bawat isa’y nagkakaroon ng karanasan
sa tunay at makapangyarihang wika ng komunikasyong personal. Kolokyal man o
matalinghaga, tahas man o mabulaklak, ang kompletong sangkap ng wika ay taglay ng
mga kwento.

Ang pasalitang pagkukuwento

Ang pasalitang pagkukuwento ay limilinang ng kakayahan sa pakikinig sa katangi-


tanging paraan. Natatamo ang mga tagapakinig nito ang kakayahang matuklasan ang
hindi polisadong wika na nagmumula sa nagmumula sa pagkukuwento nang walang
paghahanda.

15
Habang pinakikinggan ang pagkukuwento, natutuklas ang mga tagapakinig ng
istrukturang makatutulong sakanila upang maunawaan ang higit na kumplikadong mga
kuwentong pampanitikan.

Sa pamamagitan ng tradisyonal na kuwento, naipahahayag ng tapagkuwento ang


kanyang halagang pangkatauhan, takot,pag-asa at pangarap. Ang mga kuwentong
pasalita at tuwirang pagpapahayago ekspresyon ng pamanang pampanitikan o
pangkultural, at dahil sa mga ito, an gating pamana ay napahahalagahan, nauunawaan
at napananatiling buhay.

Ang Nararanasan sa Pagkukuwento

Sa pamamagitan ng pagkukuwento, nararanasan ng mga tagapakinig ang


naiibang damdamin para sa nakaraan at ng kaisahan ng iba’t ibang kultura ng
kasalukuyan, habang nararagdagan ang kanilang pananaw sa mga motibo at balangkas
ng kaasalang pantao. Gayunpaman,nadarama ng
maraming tagapagkwento na ang pagpapayaman sa
kaalaman ay hindi lamang ang pangunahing layunin
ng kanilang sining. Hindi mabilang ang iba’t ibang uri
ng damdaming nadarama ng mga tagapakinig para sa
pagpapaunlad ng kanilang kalagayang kultural at
emosyonal. Ang sesyon sa pagkukuwento ay sandal
ng pakikibahagi ng damdamin. Ang maginhawa at
masayang pag-uugnayan ng tagapagkwento at ng
kanyang mga tagapakinig ay naisasagawa,
naipagsasanib at nabibigyan ng magkatuwang na pagpapalagayang –loob. Sa kabilang
dako, kung ang mga bata ang mga tagapakinig, ang pagkukuwento at nakatutulong sa
kanila upang malutas nila ang mga suliraning pansikolohikal ng isang batang lumalaki.

Ang Paraan ng Pagpili sa Kwentong gagamitin sa Pagkukuwento (Pedersen,


1995)

1. Bumasa, bumasa at bumasa.


2. Pumili ng mga kwentong naiibigan.
3. Pumili ng kwentong may payak na istruktura.
4. Pumili ng kuwentong may payak na istruktura.
5. Pumili ng kwentong may positibong halagang pantao.
6. Pag-aralan ang kaligiran ng kuwento.
7. Ipabasa sa iba ang kuwento.

Ang Paghahanda sa Pagkukuwento


1. Pag-aralan ang kwento- Masterin ang istruktura ng kwento: panimula
(pagpapakilala sa mga tauhan) katawan (pagbubuo ng tunggalian) at kasukdulan
(paglutas ng tunggalian). Tingnan amabuti ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari

16
2. Balangkasin ang kuwento.
3. Kontrolin ang haba ng kuwento.
4. Kontrolin ang talasalitaan sa kuwento.
5. Pinuhin ang istilo ng pagkukuwento.
6. Magsanay, magsanay at magsanay pa.
7. Magrelaksbago magkuwento.

Ang pagkukuwento sa harap ng mga tagapakinig.

Ang kuwento ay dapat mailahad sa paraang pinagtutuunan ng pansin ay ang ano


sa kuwento at hindi ang kung paano ang pagkukuwento. Paano magiging mabisa ang
pagkukuwento?
1. Simulan sa dapat simulan.
2. Maging matapat sa sarili.
3. Bigyang-pansin ang tinig.
4. Panatilihin ang tinginan nang mata sa mata.
5. Gamitin ang mga kamay at katawan.
6. Gumamit ng props.
7. Bigyang-pansin ang pisikal na tagpuan.

Ang Mabisang Tagapagkuwento.

Ang Children’s Communication Center (1991) ay naghanda


ng ilang hakbang upang maging mabisang tagapagkuwento tulad ng
mga sumusunod:
1. Alamin ang kuwento
2. Gawing Kawili-wili ang pagkukuwento. Upang magawa ito
gamitan ng mga sumusunod na estratehiya:
2.1 Pagsasadula ng damdamin
2.1.1 Mukha (ekspresyon)
2.1.2 Katawan (aksyon)
2.1.3 Boses (tono, intonasyon)

Ayon naman sa inilahad ni Sarah Clive sa kanyang artikulo ang pitong paraan
upang maging epektibo at masining ang pagkukuwento ng isang
tagapagsalaysay:
1. Pumili ng kuwentong babagay sa iyo.
2. Ikonekta ang napiling kuwento sa iyong sarili.
3. Kumuha ng isang kakilala o kaibigan na magiging kritiko.
4. Humanap ng lugar na mapagkukuwentuhan.
5. Isalaysay ang kuwento.

17
6. Gamamit ng tunog at musika.
7. Pahalagahan at pasalamatan ang mga tagapakinig

Ang Apat na Paksang madalas gamitin sa Pagkukuwento

1. Pabula- Tinatawag na pabula ay mga hayop na nagsasalita at kumikilos. Tulad ng


karaniwang kwento sa pabula ay may suliranin din ang hayop na siyang sentro sa
kwento at may banghay na binubuo ng simula, tunggalian, kasukdulan, katimpian at
wakas.
2. Alamat- Nagsasalaysay ng mga pangyayari, tungkol sa pinagmulan ng tao, bagay,
lugar, pangyayari at iba pa.
3. Kwentong-bayan- pasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya kadalasan ay may
nararagdagan o nakakaltasan ng mga pangyayari sa paglalarawan sa kuwentong-bayan.
4. Kuwentong pangkalikasan- mula sa paligid.

Ayon kay Helen Huus (1973), may limang layunin


ang programang panliterari:

Una, matulungan ang mga mag-aaral na mapatunayan


ang panitikan ay nakaaaliw at dapat na makapagbiagay-
kasiyahan sa kanilang buhay.
Pangalawa, maiparating sa mga bata ang kanilang
minanang panitikan.
Pangatlo, maipaunawa sa mga mag-aaral ang mga
elememto ng panitikan at mapatnubayan sila na makapili
ng mahuhusay na panitikang maipagkakaloob ng mga guro.
Pang-apat, matulungan ang mga mag-aaral na mataya ang kanilang binasa.

Ang Mga Katangian ng Mahusay na Tagapagkwento

Una, may pagmamahal sa gawaing pagkukuwento. Madaling matiyak kung


matagumpay ang gagawing pagkukuwento ng isang guro o mag-aaral. Ito ay ang
kanyang pagkahilig sa pagbabasa ng mga kuwento at
pakikinog sa mga nagkukuwento. Habang nagbabasa ng
kuwento ay naipakikita niya ang wastong ekspresyon ng
mukha, particular ang kilay, mata at bibig. Kinalulugdan
at nakakukuha siya ng iba’t ibang istilo sa pagkukuwento.

Pangalawa, may malawak na talasalitaan. Hindi biro


ang
Magkwento. kung minsan, habang nagkukuwento ay
nalilimutan ng nagsasalaysay ang salitang dapat niyang
bigkasin. Madali niyang malusutan ito kung siya’y may malawak na talasalitaan. Kaagad
niyang masasabi ang kasingkahulugan ng salitang kanyang nalimutan sa halip na
orihinal na salita ang kanyang dapat sinabi.

18
Pangatlo, may mahusay na memorya. Ano kaya ang gagawin ng lupon ng inampalan
kung sakaling huminto ng pagsasalaysay ang nagkukuwento dahil nalimutan niya ang
kanyang sasabihin? Upang maiwasan ang malaking kahihiyan, pumili na lamang ng
tagapagkwento na mahusay magmemorya.

Pang-apat, may masayang disposisyon dahil may sense of humor. Ang masayang
mukha habang nagkukuwento ng isang katawa-tawang pangyayari ay nakararagdag sa
puntong inilaan sa pamantayan ng sining ng pagkukuwento. Maaari ng mga salita, na
kadalasan ay isinisingit ng nagkukuwento.

Ang Mga Istilo sa PAgkukuwento

Una, nakaupo habang nagkukuwento. Sa istilong ito,


kailangan may hawak na malaking aklat ang nagkukuwento.
Malaking aklat sapagkat malalaking larawan ang kanyang
ipapakita sa mga tagapakinig habang siya sy nagkukuwento.
Maaaring mag-anyong matanda o bata ang nagkukuwento –
kumpleto sa kasuotan, make-up at props.

Pangalawa, nakatayo habang nagkukuwento. Maaaring


mamili ang nagkukuwento kung may dala siyang aklat, tsart o
mga larawan ng bawat pangyayari sa kuwento. Maaari rin
naming nagkukuwento siya nang walang hawak anuman. Sa
dalawang uring nabanggit ay puhunan ang tinig at ekspresyon
ng mukha.

GAWAIN :

Pag-aral ang maikling kwento na nasa susunod na pahina, ihanda ang sarili sa
presentasyon. Sunduin ang mga paraan at dapat tandaan ng pagkukuwento.
Mamarkahan ang presentastyon ayon sa Villafuerte 2008.

Ang Pamantayan sa Sining na Pagkukuwento

1. Villafuerte, 2008
Pagpili ng kuwento 10%

19
Pagsasalita 15%
Uri ng tinig (5%)
Pagbigkas (5%)
Balarila (5%)
Pagbibigay-kahulugan o interpretsyon 50%
Personalidad o kakayahan sa pagkukuwento 10%
Reaksyon ng tagapakinig 15%

Kabuuan 100%

2. Deped Memorandum Blg. 561, s 2008:


Paraan ng pagkukuwento interaktibong 40%
pagkukuwento (casual, relaxed, conversional)
Kuwentong napili 10%
Dating sa tagapakinig 25%
Tinig at kilos 25%

kabuuan 100%

Halimbawa:

LUGAW, CHAMPORADO AT SPAGHETTI


Ni Pat V. Villafuerte

Sinangag…..Tuyo…..Taho…. Oatmeal…. Ano kaya ang masarap almusalin?....


Naku, nariyan na pala kayo. Magandang umaga po. Tulungan naman ninyo akong
mamili ng aking aalmusalin. Ano po? Lugaw? Champorado? Spaghetti? Ay oo nga.
Masarap ang mga ‘yon. Alm ba ninyong may nabasa akong kuwento tungkol sa lugaw,
champorado at spaghetti? Gusto ninyo bang ikuwento ko sa inyo? Ganito iyon…

Tatlo silang magkakapatid. Magkakasunod silang ipinanganak. Si Gaw Lu, si Rado Champ
at si Hetti Spag. Noong nasa tiyan pa sila ni Mommy Fud ay lugaw, champorado at spaghetti ang
gustung-gusto niyang kainin. Kaya naman ang paboritong kainin ni Gaw Lu ay lugaw.
Champorado ang gustong almusalin ni Rado Champ. Laging hinahanap ni Hetti Spag ang
spaghetti. Masarap magluto ng lugaw, champorado at spaghetti si Mommy Fud.
Magkakamukha sila ngunit magkakaiba ang ginagawa pagkatapos kumain. Nagugustuhan
ni Gaw Lu ang tinda-tindahanan kaya pinggan at basong yari sa lata ang kanyang pinaglalaruan.
Nagugustuhan ni Rado Champ ang basket-basketbolan kaya bola ang kanyang pinaglalaruan.
Nagugustuhan ni Hetti Spag ang titser-titseran kaya lapis at papel ang kanyang laging tangan-
tangan.
Magkakamukha sila ngunit magkakaiba ang libangan. Libangan ni Gaw Lu ang
pagsasayaw. Sumasayaw siya habang hawak-hawak ang bola. Libangan ni Rado Champ ang
pagkanta. Kumakanta siya habang hawak-hawak ang bola. Si Hetti Spag ay pagdodrowing ang
nagugustuhan. Nagdodrowing siya habang nagtititser-titseran.
Isang araw, nagkaroon ng patimpalak sa pagsayaw, pag-awit, at pagdodrowing ang
paaralang pinapasukan ng magkakapatid. Pag-uwi ng bahay ay ibinalita agad nila kay Mommy
Fud at Daddy Junk ang naging resulta ng patimpalak.
“Ako ang unang gantimpala sa pagsayaw,” ang balita ni Gaw Lu.

20
“Ako ang kampeon sa pagkanta,” ang balita ni Rado Champ.
“Ako ang pinakamahusay magdrowing,” ang balita ni Hetti Spag.
May tig-lilimang daang piso, tropeyo, sertifiko at regalo ang magkakapatid bilang
gantimpala.
Isang araw, nagkasakit si Mommy Fud. Walang magluluto ng almusal. Hindi makakain si
Daddy Junk at ang magkakapatid. Nagpabili na lamang siya ng lugaw, champorado at spaghetti
kay Daddy Junk.
“Wheeeh, ang alat ng lugaw,” ang sabi ni Gaw Lu.
“Ang champorado ko, bakit malabnaw at matabang?” ang tanong ni Rado Champ.
“Pweeeh! Walang lasa ang spaghetti,” ang reklamo ni Hetti Spag.
May naisip gawin ang magkakapatid. Naalala nila ang regalo sa kanila noong manalo sila
sa patimpalak. Binuklat nila ang kahon.
“May lugaw,” ang natutuwang sabi ni Gaw Lu.
“May champorado,” ang nasisiyahang sabi ni Rado Champ.
“May spaghetti,” ang napapangiting sabi ni Hetti Spag.
Binasa nila ang panuto sa pakete. Alam na nila ang gagawin. At
pagkaluto, isang tao lamang ang una nilang patitikimin ng kanilang
inihanda. Tiyak na ang taong iyon ay mapapabilis ang paggaling.

Pangwakas: Ang ganda ng kwento ko, hindi po ba? Kaya mahalaga


na bawat isa sa atin ay magkaroon ng talento. At gamitin ang
talentong ito sa kapaki-pakinabang na paraan. Hanggang sa muli. Salamat po.

Gawain 5.
 Magsaliksik ng isang halimbawa ng akdang maaaring gamitin sa masining na
pagkukuwento, ayon sa iyong interes.
 Maghanda sa gagawing presentasyon.
 Mamarkahan batay sa rubriks ni Villafurte,2008

ANG SINING NG PAGTATALUMPATI

Ang talumpati ay isang anyo ng panitikan na inihanda upang basahin o bigkasin


sa harap ng mga nakikinig. Layunin ng talumpati na makahikayat at mapaniwala ang
kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw at maayos na paglalahad ng
pangangatwiran.

21
Ito ay itinuturing na isang sining, dapat lamang
itanghal nang masining. Sa mga timpalak ng
talumpatian ay hindi nawawala ang mga puna at
batikos. Ayon kay Deveza (1976), ang pananalumpati
ay isang agham at sining tungkol sa paniniwala. Ito ay
isang agham sapagkat ang tunay na pakay nito ay
paghubog ng isang kadalubhasaan. Ang kadalubhasaan
ito ay ukol sa pagpapaniwala sa pamamagitan ng
pananalumpati.Kung gayon, hindi lamang pagbibigay-
aliw sa mga nakikinig ang tunay na layunin nito kundi
sa paggising sa madla ng pagnanais na isagawa ang
isang bagay.

Ang Talumpati ay;


 Sining ng maayos na paghahanay ng mahahalagang kaisipan at mabisang
paraan ng paghahatid ng mga ito sa mga tagapakinig.
 Agham at sining tungkol sa paniniwala.
 Magalang na pagsasalita sa harap ng mga tao ukol sa isang mahalaga at
napapanahong paksa.

URI NG TALUMPATI

1. Daglian o Biglaan. Ito ang uri ng talumpati na hindi nabigyan sa sapat na


panahon ang mananalumpati na maghanda sa kanyang sasabihin. Nalalaman
lamang niya ang paksang tatalakayin sa oras ng kanyang pagtatalumpati.

2. Maluwag. Sa uri ng talumpating ito, bagama’t maikli lamang ang panahong


inukol ng mananaliksik sa paghahanda sa kanyang
talumpati, kahit paano’y nabigyang siya ng kaunting
panahon para paghandaan sa kanyang kaisipan ng
isang balangkas na magagamit niyang patnubay sa
kanyang pagtatalumpati.

3. H a n d a . A n g u r
okasyon. Ang mananalumpati ay nagkaroon ng
mahabang panahon para paghandaan ang kanyang itatalumpati. Nagkakaroon
din siya ng pagkakataon na makilala nang lubusan ang kanyang tagapakinig,
makapili ng angkop na kagamitan o estratehiyang magagamit niya upang higit
na maging kawili-wili ang kanyang bibigkasing talumpati.

MGA LAYUNIN NG TALUMPATI

22
1. Magbigay-aliw o Manlibang. Ilan sa mga halimbawa nito ang talumpatian sa
kasaysayan o salu-salo, talumpatiang nagpapatawa sa pamamagitan ng pagsasalaysay o
paglalarawan ng nakatutuwang karanasan o pangyayari.

2. Nagpapabatid o Nagbibigay ng Kaalaman. Kabilang ditto ang talumpati sa isang


dalubhasa sa kanyang partikular na larangan o ng guro sa kanyang klase. Ito ang
talumpating ginagamit sa pag-uulat o pagpapanayam.

3. Pumupukaw ng damdamin o Lumilikha ng Impresyon. Ang mga halimbawa nito ay


sermon, pampasiglang pananalita, inagurasyon at iba pa.

4. Nanghihikayat at Umaakit. Ilan sa mga halimbawa nito ang talumpati sa publiko ng


isang kandidato, o abogado sa korte atiba pa.

MAHAHALAGANG ELEMENTO NG TALUMPATI

Ang Mananalumpati.
Ang nakaharap sa maraming tao upang maglahad ng kaisipan, paniniwala o
saloobin ukol sa isang bagay.
Nagpapaliwanag sa paksang kanyang napiling talakayin.
Malayang nakapangungusap o nagtatanong sa kanyang tagapakinig.
Nagpapakita ng iba’t ibang kumpas ng kamay. Ekspresyon ng mukha at galaw ng
katawan habang malinaw niyang ipinaliliwanag ang kabuuan ng kanyang mga
sinabi.
Siya lamang ang may karapatang magturo, pumuna,
pumuri,humikayat,lumibang,bumatikos, magsiwalat, magalit at mangako sa mga
sandaling iyon dahil sa kanya nakatutok ang atensyon ng kanyang mga
tagapakinig.

Ang Talumpati
Ang alinmang akdang tuluyan na binabasa o binibigkas ng isang tao sa harap ng
publiko ay tinatawag na talumpati. Nakapaloob dito ang paksa at nilalaman ng
kanyang sinasabi.

Ang Tagapanood/ tagapakinig


Ang pangmasid at pandinig ng publiko ang susi sa kaganapan ng isang mahusay
na pagtatalumpati.

23
Kung ang paksa ay napapanahon at natatalakay nang buong husay ng
mananalaumpati, hindi agad-agad iiwan ng mga tagapanood/ tagapakinig ang
taong nagpapaliwanag sa kanilang harapan. Matitiyak na nagustuhan ng mga
tagapakinig at tagapanood ang pagtatalumpati sa pamamagitan ng reaksyon ng
kanilang mukha at sa katapusan ng programa ay ang malakas nilang palakpak.

BAHAGI NG TALUMPATI

1. Panimula. Sinasabing nakasalalay sa panimula ang


talumpati ang kawilihan ng mga tagapakinig. Ang
mahusay at kawili-wiling panimula ay nakakaganyak ng
pakikinig. Maaaring simulan ang talumpati sa
pamamagitan ng:
pagtatanong
pagsipi ng mahahalagang pahayag mula sa mga kilalang tao
maikling pagsasalaysay ng sariling karanasan at obserbasyon
pagbibigay ng depenisyon
salawikain o sawikain
berso mula sa Bibliya

2. Katawan. Ito ang itinuturing na pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat


naglalaman ito ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksa. Ito rin ang
nagbibigay ng liwanag sa mga kaisipan at nagbibigay ng katawan tungkol
sa mga kaisipang nabanggit.
Ang mahusay na katawan ay nagtataglay ng mga sumusunod ng
katangian:
Kawastuhan- kailangan maging wasto ang buod at anyo ng talumpati. Ang mga
kaisipan at katwirang inilahad ay dapat may matibay na batayan at hindi
kathang-isip o haka-haka lamang. Kaialngan nagtataglay din ito ng kawastuhang
pambalarila.
Kalinawan- kailangan maging malinaw ang talumpati upang maunawaan ng nga
nakikinig. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng:
Paggamit ng tiyak o angkop na salitang
nauunawaan ng tagapakinig.
Pag-iwas sa madalas na paggamit na
mahahabang pangungusap.
Iwasang tumukoy ng mga bagay na hindi alam
ng nakikinig o walang kaugnayan sa paksang
tinatalakay.
Maging tiyak sa sinasabi. Iwasan ang pagiging
maligoy sa pagpapahayag.
Magkaroon ng ugnayan sa mga tagapakinig.
Gawaing parang karaniwang pagsasalita ang
pakikipag-usap ng mga tagapakinig.
Pang-akit- gawing kaakit-akit ang
pangangatwiran. Matatamo ito kung wasto at

24
mahusay ang pangangatwiran. Akitin din ang guniguni at damdamin ng
mga nakikinig sa pamamagitan ng mahusay na pagbigkas sa talumpati.

3. Wakas. Sa bahaging ito inilalahad ang kongklusyon tungkol sa mga


nabanggit na katwiran. Sinasabing mahusay ang wakas ng talumpati
kung gagawa ang mananalumpati na makapag-iwan ng isang
mahalagang kaisipan o diwa sa isipan ng mga nakikinig. Maaaring
wakasan sa pamamagitan ng:
Pagbubuod
Pagbibigay ng payo
Pagbibigay ng rekomendasyo
Konklusyon
Pagbibigay ng hamon at iba pa.
Gawain :
Pumili ng isang partikular na paksa at sumulat ng isang talumpati na ayon sa layuning
nais mo. ( 50 puntos)

____________________________________________________
__________________________________________________________________
___

25
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG HABANG MAGTATALUMPATI

1. Tindig- Sinasabing masasalamin ang katatagan ng damdamin at tiwala sa sarili ng


isang tao sa pamamagitan ng paraan ng kanyang pagtayo o kanyang tindig.
Kaya, sa harap ng madla , tiyakin na ang tindig ay maayos at yaong kagalang-
galang.
2. Galaw- Bawat galaw ay nakaaapekto sa nakikinig. Ito ay maaaring makatulong o
makasira sa mensaheng inihahatid sa mga nakikinig.Sa pag-akyat hanggang
paglisan sa entablado, ipakita ang tiwala sa sarili. Hagisan ng tingin ang madla
bago at pagkatapos magtalumpati. Pagkatapos ay bumalik sa upuan na may
matatg ang paglakad.
3. Mukha- Makikita sa ekspresyon ng mukha ang damdaming nais ipahayag ng
mananalumpati. Tumingin sa tao habang nagsasalita.
4. Kumpas – Ginagamit ang kumpas upang mabigyang- diin ang ipinahahayag na
kaisipan. Ilan sa mga kumpas na magagamit sa pagtatalumpati ay ang mga
sumusunod:
 Palad na nakalahad. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap o pangsang-ayon.
 Palad na itinaas habang nakalahad. Nagpapakita
ng dakilang damdamin.
 Palad na nakabukas at marahang ibinababa .
Nagpapahayag ng mababang uri mng kaisipan o
damdamin.
 Palad na pasuntok. Nagpapakita ng pagkapoot o
paglaban.

26
 Palad na nakataob na biglang ininababa. Nagpapahiwatig ng marahas na
damdamin o galit.
 Palad na nakakuyom. Nagpapahayag ng poot o ng matinding damdamin gaya
ng pagkagalit.
 Palad na nakabukas na nakaharap sa madla. Nagsasaad ng pagtanggi o
pagtutol.
 Dalawang kamay na marahang ibinababa. Nagsasaad ng pagkabigo o
panlulupaypay na damdamin.
 Kumpas na Panturo. Nagpapakita ng damdaming panghahamak, pagkagalit o
pagtuturo ng isang bagay, tao at iba pa.
 Dalawang nakabukas na bibig na halos pantay- balikat. Nagpapahayag ng
kalawakan.
 Palad na nakabukas, ang mga daliri ay magkakalayo at unti-unting ititikom.
Nagpapakita ng damdaming pagtitimpi.

PANUKATANG PAMANTAYAN SA PAGKILATIS NG MAHUSAY NA PAGBIGKAS.

1. Dagliang pagtatalumpati ( Villafuerte 2012)


Nilalaman 50%
Pagbigkas 25%
Ugnayan sa tagapakinig 25%

Kabuuan 100%

2. Talumpating may Paghahanda ( Villafuerte, 2000)


Nilalaman 30%
Pyesa (15%)
Pagbibigay-diin o damdamin (15%)

Hikayat 30%
Hikayat sa madla (5%)
Kakanyahang pantanghalan (5%)
Kilos, galaw, kumpas (15%)
Ekspresyon ng mukha (5%)

Tinig 20%
Lakaw (5%)
Taginting (5%)
Kaangkupan ng diwa at damdamin(10%)

Bigkas 20%

Kabuuan 100%

27
TAKDANG GAWAIN:
Pag-aralan at sauluhin ang talumpating isinulat ni Alcomtiser P. Tumangan.
Ihanda ang sarili para sa pagtatalumpati.

KAILANGAN ANG MAY DISPLINANG KABATAAN


Alcomister P. Tumangan

Hindi marunong gumalang sa mga nakatatanda. Tamad at walang tiyaga


sa paggawa. Walang sikap sa pag-aaral at walang inaatupag kundi ang
bumarkada at magpakaligaya sa buhay. Talagang walang disiplina!
Narinig ko ang masasakit na pasaring na ito. Akon a isang kabataan ay
nasasakta ngunit walang magawa. Ibig kong sumigaw nang sumigaw at lunurin
sa alingawngaw ng aking hiyaw ang masasakit na bintang.
Subalit ano ang aking
isisigaw? Ano ang aking itututol? Hindi ba’t
totoong tayong mga kabataan ay pabaya
at walang disiplina sa sarili? Hindi ba
naman talagang wala tayong paggalang sa
nakakatanda at wala tayong tiyaga sa pag-
aaral? Hindi ba’t totoo naman na mahilig
lang tayong bumarkada at hanapin ang
layaw n gating katawan? Hindi ba’t totoo
nmang sa murang edad ay marunong na
tayong manigarilyo, uminom ng alak at
magsugal?
Ngunit ako lamang ba ang
dapat sisihin sa aking kawalang-disiplina?
Ikaw….kayo…hindi ba’t tinuturuan nyo ako
ng mga maling halimbawa sa
pamumuhay? Kanino ko ba natutuhan ang
mga ginagawa ko ngayon kundi sa iyo…sa inyo?

Tinuruan ninyo akong mahalin ang kulturang Kanluranin kaya ginaya ko


ang mga kabataang Amerikano na hindi marunong mamupo at humalik sa kamay
ng mga nakakatanda. Ipinakita n’yo sa akin kung paano magkamal ng salapi sa
pamamagitan ng graft and corruption. Tinuruan n’yo akong maging tamad at
umaasa na lamang sa pagsusugal para magkasalapi nang walang tumutulong
pawis mula sa aking noo at mga bisig. Hindi ba’t tinuturuan n’yo rin akong

28
maghari-harian at manghamak ng pagkatao at karapatang pantao ng aking
kapwa?
Sa halip na hamakin at kutyain, bakit hindi n’yo ako turuang magbago?
Bakit hindi ninyo iabot sa akin ang inyong mga kamay at ako’y akayin sa tama at
matuwid na landas? Maghahalukipkip na lamang ba kayo at panonoorin habang
ako’y nalulunod sa ilog ng kasamaan?
Huwag po….iabot n’yo sa akin ang inyong mga kamay at sagipin ako sa
kumunoy ng kapariwaraan. Alam kong may pag-asa pa akong magbago….may
panahon pa upang magbagong –buhay.
Sabay po tayong magbago. Akon a inyong tinuruan at kayo na nagbigay
sa akin ng mga halimbawa at modelo. Landasin po natin ang maaliwalas na bukas
at maningning na pangarap.
Narito po ako at nakahanda. Maaari po ba?

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/IamLaurenMayne/sining-ng-pagtatalumpatihandoutfinal
https://www.slideshare.net/RaymorRemodo/talumpati-127820736
https://www.slideshare.net/lighterthanblue/pagtatalumpati

ANG SINING NG PAGDEDEBATE O PAGTATALO

Ang debate o pagdedebate, na tinatawag ding pagtatalo ay katumbas ng salitang


dabate sa Ingles. Ito ay isa sa maraming anyo ng agrumentasyon. Ang masining na
pagtatanghal nito ay nakasalalay sa apat na mabubuting katangian ng mga kalahok
gaya ng sumusunod:

o Maingat na pagbibitiw ng mga salita.


o Malinaw na pagbigkas
o Malinaw na paghahanay ng pangungusap at pangangatwiran,
o Mabisang paraan ng paghimok.

Ang debate o pagdedebate ay hindi lamang karaniwang pagpapaliwanag o


pagpaparunggit o yaong napakakombensyon na walang namamahala o sumusubaybay
sa mga kalahok sa debate.-Villafuerte (2000)

Si Africa (1952) ang nagsabing ang debate ay maituturing na pormal, tuwiran at


may pinatatalunang argumentasyon sa isang itinakdang panahon.

Ang Dalawang Uri ng Debate / Pagtatalo

1. Ang Uring Tradisyonal


1.1. Ang debate para sa patimpalak. Layunin ng uring ito na mabigyan ng
pagsasanay ang mga mag-aaral sa paghahanda ng mga alituntunin at pamantayan sa

29
pagdaraos ng pagtatalo at pagdedebate. Layunin din nitong mabigyan sila ng
pagkakataon na mapahusay ang kanilang pamamaraan ng pagsasalita.

1.2 Ang debate sa realidad. Maraming debatehan ang nagaganap sa


kapaligiran. Nagpapahayag ng mga kanilang saloobin at paniniwala batay sa sarili nilang
obserbasyon.

2. Ang Uring Kontemporaryo


1.1 Debateng Impormal. Sa uring ito, ang tagapangulo o namumuno ng
pagdedebate o pagtatalo ay nagpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkatapos ay
ipahahayag niya ang pagtatalo. Ang ganitong uri ng debate ay (1) may maayos na
nagpapalitang –kuro at pala-palagay, (2) nagaganap nang walang ganong paghahanda,
(3) walang maraming panuntunan, (4) malaya ang sinumang maglahad ng kaisipan at
(5) maaaring sumingit ang mga debatista habang naglalahad ng opinion ang kanilamng
mga katunggali.

Pangkatang Gawain:
Papangkatin ng guro ang klase sa apat upang ihanda sila sa gawaing pagdedebate.
Paksa:
I. Dapat ba o hindi dapat ibalik ang hatol na bitay sa mga gumawa ng karumal-dumal
ng krimen?
II. Dapat ba o hindi dapat magpakasal ang dalawang taong nagmamahalan ngunit
pareho ng kasarian?
P1 vs P2
P3 vsP4
Pabubunutin kung alin pangkat ang panig na sumasang-ayon at panig ng di-sumasang-
ayon.

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.scribd.com/presentation/374173680/Ang-Sining-Ng-Pagdedebate-o-Pagtatalo
https://www.slideshare.net/lighterthanblue/pagtatalo
https://www.slideshare.net/eves121/debate-ppt
Ang SINING NG PAGSASATAO

Ang pagsasatao o role playing ay pagpapalit ng gawi ng isang tao para gumanap
(role) ng isang mahalagang papel sa kanyang buhay. Ito ay isang aktwal na pagganap
sa tanghalan o teatro o maging sa klasrum para ipakita o itanghal ang isang sitwasyon
sa araling tinatalakay.

Ang Maikling Kasaysayan ng Pagsasatao

Itinuturing na ang natuklasan ng pagsasatao ay si Jacob L. Moreno, isang


psychiatrist na Vietnamese. Ito’y naganap noong 1920 nang minsang gayahin ni Moreno
ang mga sinasabi at ikinikilos ng ilan sa kanyang mga pasyente habang tinatanong at
kinakausap niya ang mga ito sa kanyang klinika. Naisip niyang palaganapin ito matapos
niyang makita ang bisa ng kanyang ginagawa sa harap ng kanyang mga tagapakinig at
tagpanood. Kaya noong sumusunod na taon 1920 ay nagtayo siya sa isang teatro na
maipatatanghalan, at ito’y tinatawag niyang Theater of Spontaneity.

30
Ang Pagbuo ng Pagsasatao

Mga hakbang sa pagbuo ng pagsasatao:


 Maghanap ng mga paksa.
 Gawing malinaw ang papel na gaganapin.
 Pumili ng mga pahayag na bibigkasin.

Mga hakbang sa pagsasagawa ng pagsasatao:


 Pumili ng isang sitawsyon na magiging basehan
ng isasagawang pagsasatao. Maaaring nabasa sa
isang bahagi ng kwento o nobela. Maaari rin
namang halaw sa isang bahagi ng pelikula o
teleserye.
 Tuklasin kung paano maisasagawa kung paano
maisasagawa ang sitwasyon. Pag-aralan kung
paano ipapakita ang ekspresyon ng mukha, kilos
ng mga kamay, galaw ng katawan at maging ang
pagbibitiw ng mga salita.
 Pumili ng wikang bibigkasin na angkop sa
karakterisasyon,
 Paghandaan ang gagawing pagsasatao.

TAKDANG GAWAIN:
Pag-aralan ang piyesa na gagamitin sa pagsasatao. Unang piyesa para sa mga
babaeng mag-aaral at ang ikalawa at ikatlo ay para sa mga lalaking mag-aaral.
Ihanda ang sarili para sa presentasyon.

I. ARTISTA
Direk , puwede po ba akong mag-artista? Sige nap o, Direk. Honor
ponako sa klase. Hindi lamang po ako mahusay sa English, science at Math.
Mahusay din po akong kumanta, sumayaw at magdrama-drama.
Ano po Direk? Ia-udition ninyo ako? Ngayon din po? Sige po, direk. Eh,
hindi po ba ako memeykapan? Opo, make-up. Iyong pong pinapupula ang mga
pisngi at nilalagyan ng lipsticks ang mga labi? Ay, hindi nap o kailangan? Sige po.
Sige po. Kahit po wala nang make-up.

Kanta po. Direk? Sige po. Kakanta ako.


Because of you…… My life has changed….

Ah, bakit po ninyo pinahinto ang pagkanta ko?


hindi po ba ninyo naibigan ang kanta ko? Filipino po ba
ang gusto ninyo? Ayaw po ninyo ng English song? Ano
po? Hindi po maganda ang boses ko?...... sayaw na lang
po, Direk. OO nga, mahusay po akong magsayaw.
Tinikling …..Cariñosa…. Itik- itik ganito pong sayaw gusto
ninyo?

31
O, bakit pinayigil na naman ninyo? Kanina, pinatigil ninyo ako sa
pagkanta , ngayon naman pinatigil ninyo ako sa pagsasayaw, Ano ba talaga
Kuya?

Sandali lang, Direk. Give me another chance, please. Huling hirit ko na


ito, Direk. Sa drama-drama walang makakapantay sa akin. Simulan ko na, Direk?
Talaga po? Panoorin ninyo ang pagdadrama ko?

Crispin….., Basilio…… Nasaan kayo mga anak ko? Narito na ang nanay….
Hindi ako baliw…..Hindi ako baliw…. Ha!....Ha! …ha! Kayo ang mga baliw!
Huhuhuhuhu! Bakit ninyo ako inaapi? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa
inyo….. Bakit ninyo ako ginaganito? Bakit….. bakit…..Direk, sandali. Bakit ninyo
ako iiwan? Direk, gusto kong mag-artista. Direk…… Direk ….
II. CRISOSTOMO IBARRA

Bago ko puntahan ang isang bayan ay pilit kong tinutuklasan muna ang
kasaysayan ng bayang iyon. Pinag-aaralan ko kung paano iyon umuunlad at
sumusulong ang kabuhayan. At dahil sa paghihirap o pag-unlad ng isang bayan
ay lagi nang iuugnay sa kalayan at panggigipit ng mga dayuhan. Napagtanto ko
na kapag payapa ang isip ng mga mamamayan ay higit na magiging maunlad
ang kabuhayan ng bansa.

Mga ginoo, huwag kayong magtaka. Sa pakiwari ko ay palagay ang loob


sa akin ng kura. Ang natatandaan ko, bata pa lamang ako ay magaan ang loob
sa akin ni Padre Damaso. Madalas siyang pumuputa sa aming tahanan noon
upang makipagpalagayang- loob sa aking ama. MAdalas na makasama siya ng
aking ama sa hapag-kainan.

III. Basilio: “ Ako po’y masamang anak at kapatid. Ginoong Simoun. Nalimot
kong pinatay ang una at pinahirapan ang pangalawa. Ako pinarurusahan ng
Diyos. Wala nang natitira sa akin kundi gantihan ng sama ang sama, ang
pagpatay sa pagpatay…. Kahit noong lumalagablab ang himagsikan, hindi ako
nakialam. Nabigo ang kilusan nang mabilanggo ako nang hindi nakikisangkot.
Iyon ang aking kabayaran. Kung nakalaya man ako ngayon dahil sa inyo. Tama
kayo. Ngay’y handa na akong maglingkod sa inyo kasama ng lahat ng
sawimpalad!

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.scribd.com/document/398554684/Ang-Sining-Ng-Pagsasatao
https://www.scribd.com/presentation/400937639/Ang-Sining-ng-Pagsasatao

32
SINING NG PAGBABALAGTASAN

Ang balagtasan , na isinilang noong Panahon ng Amrikano ay isang


masining na pagtatalong patula na isinunod sa pangalan ni Francisco Balagtas.

Dalawang (2) Uri ng Balagtasan :


- Naglalahad ng kasiyahan sa pagtuklas ng karikitan ng tula
- Nababasa / nabibigkas ng mga mambibigkas ang sining ng pagpapaliwanag,
pangangatwiran, pagtatalo, pagbigkas at pagbibigay –kahulugan.

Mga Elemento ng Balagtasan


 Tauhan
 Pinagkaugalian
 Paksa/ Isyung Pagtatalunan
 Mensahe / mAhlagang Kaisipan.

A. Mga Tauhan ng Balagtasan

1. Lakandiwa

Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga


katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Ang lakandiwa ang kalimitang
nagsisimula ng balagtasan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga pangkat ng
magtatalo at gayundin sa paglalahad sa madla ng paksang pagtatalunan.

2. Mambabalagtas

Mga makata o mambabalagtas ang tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan


kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig ng di-sang-ayon sa
paksang pinagtatalunan. Hangarin ng bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang
mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad. Samaktuwid, dapat gumamit
ang mga mambabalagtas ng mga salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga
pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay ng mga patunay
na makatotohanan kaya’t nararapat na ang bawat panig ay may sapat na kaalaman sa
paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng
kalaban tungkol sa paksang pinagtatalunan.
Ang balagtasan ay may dalawang panig na nagtatalo at ang bawat panig ay
maaaring gampanan ng isa, dalawa, o tatlong kalahok na mambabalagtas o makata,
depende sa kagustuhan at pagkakasunduan ng mga naghahanda ng balagtasan. May
kani-kaniyang oras pagtindig ang bawat panig kaya may unang tindig sa panig ng sang-
ayon at di-sang-ayon, may ikalawa, ikatlo, at ikaapat depende kung gaano kahaba ang
balagtasan.

Mga dapat taglayin ng isang mambabalagtas:

33
a. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla.
b. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon.
c. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo, sa lakandiwa at sa mga
nakikinig.

3. Mga Manonood

Ang mga manonood ang mga tagapakinig na minsa’y sila ring nagbibigay ng
hatol sa mga paglalahad ng mga katwiran ng magkabilang panig.

B. Pinagkaugalian
Gaya rin ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan ang mga
katangian ng tulang Pilipino: tugma, sukat, at indayog.
Tugma tawag sa pag-iisang tunog ng mga huling pantig
sa huling salita ng bawat taludtod ng balagtasan. Sukat
naman ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
At indayog naman sining ng pagbigkas na siyang
nagbibigay-karikitan sa balagtasan na siyang umaakit sa
mga tagapakinig.Hindi magiging maganda ang balagtasan
kung hindi ito bibigkasin nang may indayog. Ito ang
ikinaiiba nito sa karaniwang pagtatalo o debate.

C. Paksang Pagtatalunan
Ito ang pinakatema o isyung pinagtatalunan ng mga mambabalagtas. Kalimitang
ito ay mga napapanahong isyung nagdudulot ng malalaking katanungan sa mga
mamamayan. Kinakailangan ang teama ng balagtasan ay maging tiyak upang sa gayon
ay malimitahan ang sakop at lawak ng paksang pagtatalunan. Ang kalimitang paksain o
isyung pinatatalunan sa balagtasan ay mga paksang may kinalaman sa politika,
ekonomiya, kultura, pag-ibig, kalikasan, lipunan, edukasyon, at maging mga karaniwang
bagay.

D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan


Isa pa sa mahahalagang elemento ng balagtasan ay ang paghahatid nito ng
malinaw na mensahe sa mga nakikinig. Ang balagtasan ay di lamang isang uri ng
libangan kundi ito ay mainam ding paraan upang maipabatid sa madla ang mga
napapanahong isyung dapat pag-isipan ng mga mamamayan. Upang malinaw na
maihatid ang mensaheng nais iwan sa mga nakikinig o manonood, may mahahalagang
tungkuling ginagampanan ang galaw, kumpas, at ekspresyon ng mukha sa
pagpaparating ng damdaming nais ipadama ng mambibigkas sa kanyang mga
tagapakinig.

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/eves121/ppt-balagtasan
https://www.slideshare.net/melanierazor/balagtasan-58718076

TAKDANG GAWAIN:
Humanap ng kapareha upang makabuo ng pangkat ng mananalumpati.Pumili ng paksang nais

34
bigyan ng pangangatwiran sa gagawing balagtasan.
Sino ba ang Higit na Nakakatulong sa Pag-unlad ng Bansa – Mamamayan o Pamahalaan?
Dapat ba o Hindi dapat Magtrabaho sa Ibang Bansa ang Kababaihan?
Sino ang Lalong Karapat-dapat sa Kamay ni Gatbini- si Gatpilak o Gatdunong?
Dapat ba o Hindi Dapat Isabay ang Panliligaw sa Pag-aaral?
Dapat ba o Hindi Dapat Manligaw ang Kababaihan?
Masama Nga Ba o Mabuti ang Bungan g Pag-unlad ng Agham at Teknolohiya sa Mundo?
Alin ang Higit na Mahalaga Wikang Pambansa o Wikang Pandaigdig?
Dapat ba o Hindi Dapat Paluin ang Bata?

SAGUTIN :
Bakit kailangang magkaroon ng malawak na kaalaaman kaugnay ng isyu o paksang
pagtatalunan? (20 Puntos).

ANG SINING NG PAGBIGKAS NANG ISAHAN AT SABAYAN

1. Ang sabayang pagbigkas, ayon kay Melendrez- Andrade (1984) ay isang


masining na pagapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa
pamamagitan ng sabayang pagbasa nang malakas ng isang koro o pangkat.

Anumang anyo ng panitikan- hindi lamang tula ang maaaring gamiting piyesa sa
sabayang pagbigkas. Ito’y maaaring ilang bahagi ng maikling kwento, nobela o dula; at/
o ilang piling talata ng sanaysay. Malimit lamang na gamitin ang tula bilang piyesa sa
sabayang pagbigkas dahil bukod sa magaan at madulas bigkasin ang mga salita,
taludtod at saknong ay pinakagamitin ito sa mga patimpalak.

Sabayang pagbabasa- Ang pagbabasa at pagsusuri ng isang teksto nang sabayan ay


maituturing na sabayang pagbigkas.Kapag binabasa nang sabay-sabay ang piyesa at
nilalapatan ng interpretasyon o pagpapakahulugan ay saka pa lamang natatawag na
sabayang pagbigkas.

Isang koro o pangkat- Malinaw na sinasabing hindi isa o tatlo lamang ang bibigkas
ng anumang piyesa. Ang isang koro o pangkat ay maaaring buuin ng hindi kukulangin
sa dalawampu’t limang(25) kalahok.

2. Ang sabayang pagbigkas ay isang matimbang at maindayog na pangkatang tinig


na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at madamdamin.

Ano ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit?

35
Matimbang- kapag ang pangkatang tinig ay matimbang ito’y nangangahulugang
napangkat na ang tinig.

Maindayog- Ito’y tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, kataga o ng


buong taludtod o saknong. Dapat makilala ang mga salitang maaaring bigkasin nang
papataas o papababa, papaikli o pahaba,atbp.

3. Ang sabayang pagbigkas ay isang pamamaraan ng masining na pagbigkas sa


pamamagitan ng sama-sama, magkakatugma, magkakasabay at magkakatugon tinig,
isang tuloy-tuloy na aliw-iw ng mga salita.

Narito ang paliwanag sa kahulugan ng mga salitang may salungguhit:

Sama-sama, magkakatugma, magkakabagay, magkakatugong tinig- Ang


alinmang koro na hindi makatutugon sa mga salitang ito sa panahong idinaraos ang
sabayang pagbigkas ay isang malaking kawalan sa pagtatanghal.

4. Ang sabayang pagbigkas ay isang pandulaang pagtatanghal ng isang akdang


pampanitikan na ginagamit ng maraming tinig ng pinag-isa sa pagbigkas kung di man
ay pinag-ugma sa masining na paraan.

Bakit pandulaang pagtatanghal?

Sa uring ito, ang buong tanghalan ay pinagagalaw ng mga mambibigkas, tunog


at musika, ng sayaw, atb. Iba’t ibang eksena/ senaryo ang ipinakikita sa mga manonood
tulad ng makikita sa mga dulang itinatanghal sa iba’t ibang lehitimong tanghalang
pandula.

5. Ang sabayang pagbigkas ay grupo ng mg ataong sama-samang nagpapahayag


ng malayang kaisipan at damdami, at may layuning makipagtalastasan sa mga
manonood, sa pangunguna ng director na nagtatalaga ng sining ng pagpapakahulugan
sa maramihang pagbigkas.

Bakit dapat makipagtalastasan sa mga manonod?

Walang ibang makapagpapahalaga sa isang programa o


gawaing itinatanghal kundi ang mga manonood. Sila ang
nakaririnig, nakapanonood at nakapagsusuri ng kabuuan ng
pagtatanghal. Sila ang nakapagtataya ng mga kalakasan at
kahinaan ng pangkat na nagsisiganap.

Ang Kahalagahan ng Sabayang Pagbigkas

 Nalilinang ang kasanayan sa mabisang


pakikipagtalasatasa,

36
 Natutunan ng pansin ang paraan ng paggamit ng wika tulad ng pagpapahayag
ng damdamin, panghihikayat, atbp. ( Jakobson)
 Nasasanay ang wastong pagbigkas ng mga salita at pangungusap.
 Nagagamit bilang estratehiya sa pagtuturo ng wika, pagbasa at panitikan
 Naipamamalas ang pagiging masining,malikhain at magagamit ang kritikal na
pag-iisip sa panahon ng pagpaplano, pagpapasya at pagtatanghal.
 Naipananaig sa diwa at puso ang halaga ng pagkakaisa, pamumuno,paggalang
sa opinion at karapatan ng iba, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at sa kapwa, atb.

Ang Mga Anyo ng Sabayang Pagbigkas

1. Payak o madamdaming pagbigkas

Mahalagang mabigkas muna nang wasto ang mga salita o pahayag na nasa
tekstong babasahin, kasunod ang pag-unawa sa kahulugan ng mga ito. Sa anyong ito,
hindi kailangan isaulo ang piyesa. Sapat nang mabigkas ang mabigkas ang piyesa
nang wastong pagkikipil ng mga salita.Kumpleto rin ang koro: pangkat ng
magsasalaysay, grupong bibigkas ng mahahalagang taludtod o saknong, atbp.

Halimbawa:

Ako’y Pilipino
Ni Pat V. Villafuerte

Ako’y Pilipino / sa damdami’t diwa /


Sa salita’t kilos / sa ugali’t gawa /
Sa mga layunin / at paniniwala /
May pagmamalaking / ibinabandila //

Pilipino ako / sa tindig at anyo /


Sa pangangatawan / sa kulay at dugo /
Kayumanggi ako / sa kulay at dugo /
Bagong salinlahi / ng mga ninuno //

Pilipino akong / nagpapahalaga


Sa likas na yaman / na bayan kong sinta /
Kultura ng bansa ‘t / ugaling maganda /
Binibigyang – dangal / dakilang pamana //

Ako’y Pilipino / tubo’t isinilang


Sa Pilipinas / bayang minamahal /
Malaya / maganda / sagana’t mayaman //
Kung tawagin ito’y / Perlas ng Silangan //

Ako’y Pilipinong // pag-asa ng bayan /


Tagapagmana ng / kulturang mayaman /

37
Lahing pinagmulan / magiting / marangal /
Hindi paaapi / sa mga dayuhan /

Ang mga salitang dapat munang pag-aralang bigkasin ay


pagmamalaki, ibinabandila, binibigyang-dangal, atb.

**Ang pananda ay nagpapaalalang sa unahan ng mga


ito’y hihinto ng pagbabasa. Higit na mahaba o matagal
ang paghinto ng pagbigkas ng mga salitang nasa unahan
ng dalawang guhitna pahilis.

2. Walang kilos na Pagbigkas

Tanging ang ulo at ang mahahalagang bahagi ng mukha lamang ang


ginagamit sa pagbabasang walang kilos. Pinagagalaw ang mga kilay, mata, bibig,
atb. Sa anyong, ito higit na mahalaga rito ang tinig, bigkas at ekspresyon ng
mukha.
Sa tulang” Sa Isang Makata,” alin sa mga salita an gagamitan ng
malakas na tinig,wastong bigkas at tamang ekspresyon ng mukha?

Sa Isang Makata
ni Pat V. Villafuerte

Gising na, makata


May sindi na ang krus na pinagpakuan
Sa kalbaryong said sa gintong pananaw
Madudkulan mo lang ang kinasasadlakan
Nitong panitik mong kagat ng inakay.

Bangon na, makata


Alak ang idilig sa napiping dyukbaks,
Pananariwain ang tuyong palaspas;
Ano’t kaluluwa’y sa abo naglandas
Gayong kaulayaw ang lagot na kwerdas?

Hayo na, makata


Habang ang panaghoy ay itinititik
Ng mga aninong iyong nakaniig;
Bungong binibilanggo ng bagting na patid
Ay palayain na sa lisyang panitik.

3. Madulang pagbigkas

38
Ang uring ito ay maituturing na isang kabuuang pagtatanghal ( total
theater) dahil bukod sa pagbigkas ng koro nang sabay-sabay ay sila rin ang mga
tauhang gaganap sa pagtatanghal. May soloist, may dayalog, may koyograpi, at
may angkop na kasuotan , paglalapat ng tunog at musika, awit, sayaw, pag-iilaw,
props, atb.

Madalas na napupuno ang tanghalan sa uring ito ng sabayang pagbigkas dahil


malayang nakapatroroo’t parito sa magkakaibang panig ng tanghalan ang mga
mamabibigkas. Kung magkaminsan ay nagagamit din nila ang ibaba ng tanghalan
bilang ekstensyon ng kanilang pagtatanghal.

Iminumunghahi na kaunti lamang ang bahaging bibigkasin ng soloist


upang mabigyang-daa ang magkakasabay na tinig. Sikaping maiwasan ang
pagdadayalogo nang walang kaugnayan sa pyesang binibigka. Iwasan ang
pagbigkas ng mga saknong na mula sa iba’t ibang tula. Mahalagang respituhin ang
makata ng orihinal na tula. Kailangang may kasangkupan ang paglalapat ng tunog
at musika sa bibigkasing saknong. Makatutulong ang paggamit ng human at animal
sounds sa halip na gumamit ng tunog-elektronilo. Iwasan ang paggamit ng props
na mabigat buhatin. Nakatatagal ng oras ng mga ito lalo’t ilalabas-masok
patungong tanghalan.

Ang Paraan/ Pamamaraan ng Pagbubuo


sa sabayang Pagbigkas

1. Pumili ng paksa. Ang pyesang


gagamitin ay dapat na angkop sa
okasyon o alinmang pagdiriwang. Dapat
maisaalang-alang ang uri ng mga
manonood sa pagpili ng pyesa. Kung
grupo ng mga bata ang mga manonood,
ay dapat na mapili sa pyesang
gagamitin-yaong angkop sa kanilang
edad, interes at karanasan.Pumili rin ng
pyesang may uring pagkamatanghal.

2. Bumuo ng iskrip. Ang iskrip na


gagamitin ay dapat lapat ng mga
bantas, hudyat, simbolo, guhit o ilustrasyon upang madaling mabigyan ng
interpretasyon. Ang pagbilog sa mga salita ay maaring ipakahulugan na
bibigkasin ang mga ito nang malakas, ang pakurbang guhit sa ilalim ng mga
salita ay maaaring ipakahulugang bibigkasin ang mga ito nang mabagal o
mahina,atbp.

3. Pumili ng mga kalahok. Nakasalalay sa tinig ng koro ang galing o husay ng


pagbigkas. Pumili lamang ng mga mambibigkas na may buo at malakas na
tinig. Saka na isipin kung paano ituturo ang wastong paglalapat ng kumpas
ng kamay at galaw ng katawan pati na ang ekspresyon ng mukha.

39
4. Suriin at pangkatin ang tinig ng mga kalahok. Ang tinig ng mga
mambibigkas ay maaaring mauri sa tatlo : matinis , karaniwang at malaya.
ANg matinis na tinig ay yaong mataas ang pitch, ang karaniwang ay yaong
tinig na nasa pagitan ng mataas at mababa, at ang malaya ay ang tinig na
mababa at malagom.

5. PAg-usapan ang nilalaman ng piyesa. Ipaunawa sa mga mambibigkas ang


persona ng tula, ang kahulugan ng pamagat, ang nilalaman ng piyesa, ang
intension o layunin ng may –akda at ang kaisipang hatid ng bawat saknong/
talata at kabuuan ng pyesa.

6. Ituro ang wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalagang matutunan ng


mga mambibigkas kung bakitmay mga salitang dapat bigkasin nang mahina,
malakas, mabilis, mabagal, atb. Ang matatas na pagbibitiw ng mga salita at
ang pagbigkas nang may damdamin ay saklaw ng wastong pagbigkas.

7. Lapatan ng wastiong pagkumpas ang ilang piling mga salita. Hindi lahat ng
salita ay dapat lapatan ng kumpas. Mga piling salita lamang ang mga
lalapatan ng kumpas. May kumpas na ginagamitan ng isang kamay gaya ng
pagbigkas ng salitang buhay, ikaw, siya, bayan. Atb. Ang paggamit ng
dalawang kamay sa pagkumpas ay nangangahulugan mg kasaklawan gaya
ng salitang sansinukuban, santinakpan, sangkapuluan , atb.
Halimbawa

WIKANG FILIPINO: SIMBOLO NG KULTURA AT LAHING PILIPINO


ni: Pat V. Villafuerte

Bawat bansa ay may watawat


na simbolo ng pagkabansa-
iba-ibang kulay,
iba-ibang disenyo,
iba-iba ang may likha.
may simbolo ang bawat kulay,
ang disenyo ay may diwa.

Bawat bansa ay may awit na pinipithaya-


himno man o martsa
Oyayi man o pandigma;
may ritmong kaibig-ibig,
May melodiyang kahanga-hanga,
kompositor ang humimig.
isinatitik ng makata.

Bawat bansa ay may mga mamamayang dinarakila-


bayani ng epiko o mangingibig na dukha,
Mayamang politico o henyong masalita,
natalinong imbentor o gurong dakila.

40
Sa Pilipinas, sa sinilangang bayan
na Diyos ang nagpala-
May lahing kinagisnan,
inanak ng dugo,
Kakambal ng hapis at luha;
lahing matapang,
lahing magiting,
Lahing inandukha
ng mga bayaning nabuwal sa dilim,
makamit lang ang laya.

Ang wika ng bayan ko’y simbolo ng kulturang


mayaman, maunlad at payapa;
gamit ng bayan ko ang wikang Filipinong
May kulturang di-banyaga;
mapa-silangan, mapa-kanluran,
mapa-timog, mapa-hilaga ,
Ang masasalamin ay kulturang katutubo,
sining ang may-likha.

Sa Pilipinas, sa sinilangan kong bayan


ay may iba’t ibang wika-
May unang wika, may pangalawang wika;
may wikang opisyal, may wikang pambansa;
may wikaang akademiko, may wikang teknikal,
may balbal na wika
may wikang malikhain, may wikang bernakular,
may wikang banyaga.

Mangyari, Ang wikang gamit sa bayan koAy wika ang paglaya,


wikang pinahununanan ng mga hinaing, sigaw at pithaya,
wikang isinabatas nang upang magamit kasaliw ang tuwa,
wikang ang simbolo ay pambansang kultura’t lahing makabansa.

Ang wika ng bayan ay wika ng lahing may matalas na diwa.

II. KULTURA : ANG Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukauyan,


At Buhay ng Kinabukasan
ni Pat V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga pang humahakbang

41
mabagal man o mabilis, pahintu- hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay patutunguhan
ang bawat paghakang ay may mararating
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay ng pananakop
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryo panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalat, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
Ito an gating tinalunton, ito ang bunga n gating paghakbang:
Ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may halong sigla at tuwa
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
at pinagyaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap,sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at manatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw

42
katali ng pagsasadula’t pagbabagtasan
diwang marangal ang ipupunla, kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin n gating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

Bisitahin ang mga sumusunod:


https://www.slideshare.net/shekainalea/ang-sining-ng-pagbigkas-ng-isahan-at-
sabayan
https://www.slideshare.net/AngeliquePranchichko/isahan-at-sabayang-pagbigkas-
65600858
https://prezi.com/9c8xstycxoag/ang-sining-ng-pagbigkas-nang-isahan-at-sabayan/

43

You might also like