You are on page 1of 1

Sino ang dapat sisihin?

“Iyan ba ang itinuro sayo sa iyong tahanan”? tanong ng guro sa kanyang mag-aaral kung ito ay
nagkamali ng asal. “ Iyan ba ang natutuhan mo sa inyong paaralan”? tanong naman ng magulang sa
anak kapag hindi nagustuhan ang asal ng anak. Ang mga katagang ito ang malimit na naririnig kapag
nagkakasala pa matahanan man o paaralan, ngunit sino ng aba ang dapat sisihin sa pagkakamaling
nagagawa?

Sinasabing ang unang kaalaman ng isang tao ay natutuhan muna mula sa tahanan ang kanyang
pag-uugali, kilos at kaalaman man. Hindi nga bat ang pagsasalita ang unang itinuturo kasunod ang
pagbilang at pagtukoy ng mga uri ng mga kulay. Kasabay din nito ang pagtuturo ng mga tamang asal
katulad ng pagmamano, paggamit ng mga magagalang na salita at kung paano makisalamuha sa ibang
tao, gayundin ang pagkilos ng tama. Kaya bago pa man mag-aral ang isang bata ay marunong na siya
nito. Sa paaralan naman ay gayundin, may mga asignatura pa nga katulad ng GMRC o Good Moral and
Right Conduct, Religion at Edukasyon sa Pagpapakatao na ibig sabihin patuloy na hinuhubog ang
kagandahang asal ng isang mag-aaral. Ngunit bakit pag nagkakamali ang isang bata ay laging nasasambit
ang ganitong mga kataga? Sino ng aba ang dapat sisihin? Ang tahanan ba na nagnanais na higit na
mapaunlad ang anak at matutuhan pa ang tama, kaya ito’y kanilang pinapag-aaral o ang paaralan na
tutulong upang umunlad ang bata at maging huwaran. Dahil sa pagbabagong nagaganap sa isang bata
hindi naiiwasan ang impluwensiya ng kapaligiran, na kadalasan ay nagiging dahilan kaya nalilihis ng
tamang pag-uugali. Lalong lalo na kung ito ay napapabarkada sa mali, kaya walang dapat sisihin kundi
ang kanyang sarili sapagkat mayroon naman siyang kakayahang pumili.

Kaya naman para huwag ng madamay pa ang tahanan o paaralan, kailangan natin tandan at
gawin ang mga aral na itinuro sa atin upang maipagmalaki tayo nila. Kayo, kaya ninyo bang gawin ito?

You might also like