You are on page 1of 3

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa sarili at mga kaugalian.


Makatutulong ito sa pag-unawa sa kaugalian ng ibang tao, sa pagbubuo ng tamang
saloobin, at pagpapahalaga sa pagkatao niya.

Tinatalakay din sa modyul na ito ang mga salik na nakaiimpluwensya sa sarili gaya
ng pamilya, kapaligiran, kaibigan, gawain, at relihiyon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Aralin 1 - Gaano Ako Kahalaga?

Aralin 2 - Mga Salik Na Nakaiimpluwensya sa Sarili

i
Ano-ano ang matutuhan mo sa modyul na ito?

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo na ang


sumusunod:

• naipakikita ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng pagkukwento tungkol


sa sarili

• nakatutulong o natutuklasan ang sariling kakayahan

• nakasusulat ng maikling kwento tungkol sa sariling gawi at kaugalian at

• natatalakay ang mga salik na makaiimpluwensya sa sarili gaya ng pamilya,


kapaligiran, kaibigan, gawain, at relihiyon

ii
Ano-ano na ang alam mo?

Bago mo simulang pag-aralan ang modyul na ito, gawin ang pagsusulit na ito upang
malaman kung ano na ang alam mo tungkol sa mga paksang tatalakayin.
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tsek (√) sa sagutang papel
kung ang pangungusap ay TAMA at ekis (x) kung ang pangungusap ay MALI.

_______1. Mas masustansya ang gatas ng ina kaysa sa mga gatas na de-lata.
_______2. Habang maliit ang bata dapat pabayaan natin kung ano ang gusto niya.
_______3. Ang batang kambal ay karaniwang pareho sa panlabas na anyo at pag-
uugali.
_______4. Ang anak na lalaki ay madalas makuha ang pag-uugali ng kanyang tatay.
_______5. Sa ating bansa, mas gusto ng isang pamilya ang magkaroon ng anak na
lalaki.
_______6. Maagang tumanda sa pisikal na anyo ang babae kaysa sa lalaki.
_______7. Mas malikot ang batang lalaki kaysa sa batang babae.
_______8. Habang maaga dapat turuan ang bata ng kagandahang-asal.
_______9. Hindi dapat paluin ang bata kahit ito’y may kasalanan.
______10. Ang pagdisiplina sa bata ay tungkulin ng mga magulang.

Lumapit sa isang Facilitator upang malaman ang mga tamang sagot.

iii

You might also like