You are on page 1of 19

MGA ANTAS NG

KOMUNIKASYON
INTRAPERSONAL
• Antas ng kounikasyong nagaganap sa tuwirang makikipag-usap o kakausapin ng isang tao
ang kanyang sarili. Katulad ng mga puntong nais niyang magkaroon ng mas matalas na pag
iisip upang desisyunan ang isang bagay o puntng kailangan niyang ma- neutralizedang sarili
o magmeditate dahil sa mga suliranin o isiping kanyang kinakaharap.
INTERPERSONAL
• Ito ang antas na naaganap s pagitan ng dalawa ohihgit pang tao.
• Maaring ito ay maganap sa loob ng klase osa pagitan ng magkaibigan, pangangaral ng
magulang sa anak, pakikipagpnayam at sa isangsimpleng panel discussion o talakayan.
PAMPUBLIKO
• Komunikasyong isinasagawa saharap ng maraming tagapakining kagaya ng pananalita ni
Pnoy noong nakaraang SONA.
• Kasama rin dito ang pagdinig sa senado o kongreso , sermon ng mga pari, pagpapaliwanag
ng mabuting balita ng mga kapatid nating Iglesia, o paglalahad ng isyung pngkapayapaan sa
panig ng mga rebelde at pamahalaan
PANGMASA
• Antas na nagaganap sa pagitan ng midyum na pangmasa gaya ng radio, telebisyon, o
pahayaan.
• Ang pamamayagpag ng tinagrian nating kuwadro midya, ang television , radio, news-
magazine at computer-net ang pangiunahing taga pamansag nito kung kayat ang lahat ng tao
sa lipunan ay maaaring makisangkot dito.
PANG- ORGANISASYON
• Naglalayong maging mbisa at matagumpay ang ugnayan sa Samahan.
• Ang antas na ito ay sadyan ekslusibo o natatangi para sa isang partikular na Samahan
kaugnay sa lalo pang ikauunlad at ikatatagumpay ng kanilang mga programa at adhikain.
• Katulad ng panuntunan at kampanya ng Rotary Club of Manila, Maynilad Seafort, Lucena
Jaycess, Pambansang Samahan ng Adbokasyn ng Wikang Filipino, at iba pa.
PANGKULTURA
• Nagaganap naman ang ganitong antas upang maitnghal o maipakilala ang kultura ng isang
lahi o bansa.
• Ang bawat bansa ay may kani- kaniyang kulturang naipapakita sa ganitong antas.katulad ng
kultura ng pagiging Pilipino sa wika at gawa.
• Gayon din naman may tinatawag tayong sub- culture na nagpapakita ng bawat lahi sa loob
ng bansa. Dito papasok ang antas ng komunikasyong lokal. Kumbaga nsipapakita ng mga
Maranaw, Ifugao,Tagalog, at Kuyunon ang kanilang magandang kultura sa paamamagitan ng
pagtatanghal at pagpapahayag ng kanilang wika.
PANGKAUNLARAN
• Ito naman ang antas ng komunikasyong ang layunin ay mapabilis ang pagsulong at pag
unlad ng bansa.
• Halimbawa ay programang pangkaunlaran ni Pangulong Estrada noon na Ang Jeep ni Erap,
ang Kooperatiba ni Gob. Pagdanganan, mga programa ni Mayor Hagedorn, at iba pang
pagpapahayag ng kaunlaran.
ANG KOMPONENT AT MGA
TRANSPORATIBONG MODELO
NG KOMUNIKASYON
KONSTEKTO
• Ito ang sitwasyon o pinangyayarihan ng komunikasyon. Maaring kasangkot dito ang mga
aspektong:

• PISIKAL. Kabilang dito ang kapaligiran, ingay, loksyon, panahon, pagakakataon, distansya
at lawak.
• SOSYAL. Ito naman ang interaksyon o ugnayan ng mga partisipantsa bawat isa.
• HISTORIKAL. Inilalarawan nito ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari.
• SIKOLOHIKAL. Kaugnay naman nito sa gaw iat emosyonal na kalagayan ng mga
partisipant
• KULTURAL. Kakakitaan naman ng mga paniniwala , simulain, pananalig,at pamumuhay
ng mga partisipant.
PARTISIPANT
• Tumutukoy ito a mga taong kalahok o mga taong nag- uusap.
• Maaaring ito ay nagpapadala / transmitter o ang tumatnganggap/receiver ng mensahe.
MENSAHE
• Pinakamhalaga sa mga komponement dahil tumutukoy ito sa kung ano ang sinasabi o nais
ipahayag ng mga kalahok. Ito ay may mga element tulad ng:
• KONSEPTO. Ito an pinaka paksa, pinagmulang kaalaman, o esensya ng mensaheng ipapadala.
• PAKAHULUGAN. Tumutukoy ito sa pag unawa at pagpapakahulugan sa mga konsepto, kaalaman, o
kaalamang muls sa isip at damdamin ng mga tao, berbal man o di-berbal na komunikasyon.
• SIMBOLO. Tumutukoy sa mga stimulus o mga salita, tunog, kilos, at iba pang binibigyang
pagpapakahulugan. Ang mga ito ay alin man sa pagpapakahulugang berbal o di berbal.
• ENKOWDING. Pag – unawa, pag- iinterret o pagbibigay ng kognitibong pag- iisip at paglilipat ng
mga ideya at saloobin bilang simbolo sa paglikha ng mga mensahe.
• DEKOWDING. Paraan ng paglilipat kahulugan o pagbibigay ng panibagong kahulugan sa mensahe
ng iba batay sa sariling mga ideya o saloobin.
TRANSPORMATIBONG MENSAHE
• Ito ang panibagong mensahe o kaalamang nabuo kaugnay sa konsepto o paksa ng
komunikasyong mula sa pagpapalitan ng pahayag ng mga partisipant.
• Nagkakaroon ng ganitong mensahe resulta ng pagpapanibagong kahulugan at pagkaunawa
sa mga mensaheng ipinadadala at tinatanggap ng mga partisipant.
TSANEL
• Ito ang dinaraanan o daluyan ng mga mensahe.
• Sa berbal na komunikasyon o anyon pasulat o pasalita, maaring ito ay kinaibibilangan ng
mga telebisyon, telephone, cellphone, rdio, mail, computer, e-mail, news- magazine, at iba
pang sangkot dito.
• Samantalang sa komonikasyong di berbal, maaaring ito ay mga instrumenting musikal,
tunog, kulay, oras, lokasyon, panahon, hangin , o anumang kinalabasan ng lahat ng bagay na
may kialaman sa daluyan ng mensahe.
PAGKAKAROON O KAWALAN NG
INGAY
• Kinabibilangan ito ng mga elementong may kinalaman sa pagkakarooon ng sagabal o
blocking sa pagpapalitan at pagbibigay ng kahulugan sa mga mensaheng ipinadadala mula
sa mga partisipant.
• Maaaring ito ay pagkakaroon o kawalamn ng ingay o tunog ng anomang bagay , simoy,
lakas, o pwersa ng hangin, sikat ng araw, ingay ng hayop ,at mga elementong nasa paligid.
INTERUPSIYON/ PAG-ANTALA
• Kakaiba naan ang component na ito kaysa sa pagkakaroon o kawalan ng ingay , sapagkat ito
ay may malaking kaugnayan mismo sa participant kung kaya nagkakaroon ng pag antala o
interupsiyon ng pagpapalitan ng impormasyon.
• Nagiging dahilan ito ng pagkakaroon ng maling interretasyon, pagpapakahulugan o nauuwi
sa di matuwid na komunikasyon
PIDBAK
• Ito naman ay tumutukoy sa reaksiyon,kasagutan o tugon, mula sa mga tumatanggap sa mga
mensaheng hatid ng nagpadala o pinagmulan ng komonikasyon
• Ito ang nagapatunay kung ang mensaheng ipinadala ay malinaw o di nagtagumpay.
Upang mas maging malinaw kung paano nagaganap at nagkakaroon ng
bagong kaalaman sa tulong ng transpormatibong komunikasyon. Bigyang
pansin mo ang sumusunod na mga pahayag ng mga dalubhasa ukol dito.
ayon kay Osullivan (2003)
“ang transpormatibong komunikasyon ay isang pagkatuto na
kinapapalooban ng pag iisip , pandama, at aksyon. Ito ay pagpapalit o
pagbabago ng kaalaman. Nakapaloob sa pagbabagong ito ang pag
unawa natin sa ating sarili, sa ating kapaligiran, sa pakikipag ugnayan
natin sa kapwa, sa kalikasan, at sa pag-unawa natin sa estruktura ng lahi,
kasarian, at pananaw natin sa buhay at ang kamalayan natin sa
karapatang panlipunan, kapayapaan ,at pansariling kaligayahan”
• Ayon naman kay Mizerow(1997)
“maaaring maganap ang transpormatibong pagkatuto kung makikipagksundo ang
mga tao sa kanyang kasanayan(pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood)
bilang komunikatibong prosesong pagkatuto. Ang paniniwalang ang mahalagang bahagi ng
transpormatibong pagkatuto ay isang kakayhan ng bawat indibidwal n mabago ang kanyang
pananaw sa paamagitan ng kritikal na panunuri, pag aanalisa sa kanyang palagay,
paniniwala at makabuo ng panibagong kahulugan sa mundong kanyang ginaglawan s
pamamagitan ng pakikipag talastasan”

You might also like