You are on page 1of 8

ANTAS NG

KOMUNIKASYON
Komunikasyong Intrapersonal

• Komunikasyong nagaganap sa pansariling kaisipan ng bawat indibidwal.

• Tinatawag na self talk o pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng mentalidad


ng nagaganap sa sarili.

• Nagiging batayan sa saloobin/damdamin at mga paniniwala.


Komunikasyong Interpersonal

 Nagaganap sa dalawang tao gayundin maari naming higit subalit sa


impormal na kombersasyon.
Komunikasyong Pangmaliit na Grupo

• Kinasasangkutan ng maliit na bilang ng mga tao sa isang pangkat sa isang


pormal o impormal na usapan.

• Kinasasangkutan ng interaksyong nagbubunga ng pagpapasya, paglalapat ng


mga solusyon sa maliit na suliranin gayundin ang pagpapalitan ng ideya.
Komuniukasyong One-to-Group

• Kinasasangkutan ng isang tagapagsalita na naglalayong magpabatid at/o


manghikayat ng mga tagapakinig.
Komunikasyong Interkultural/Kroskultural

• Mabisang paraan upang maipakilala ang kultura ng ibang lahi at kung paano
makapamuhay sa kanilang magkakaibang kaasalan, kaugalian, mga papel na
dapat gampanan at mga alituntuning dapat sundin.
Komunikasyong Pangkaunlaran

• Naglalayon mapabilis ang pag-unlad at pagsulong ng isang bansa.

• Dito pinag-uusapan ang magandang proyekto ng mga bansa kung paano sila
magtutulong-tulong sa isa’t isa para sa higit na maunlad na komunidad at
bansa.
Komunikasyong Pangmasa

• Nangangailangan ng paggamit ng elektronikong kagamitan sa paghahatid ng


mensahe sanhi ng higit na malaking saklaw ng mga kasangkot, ang publiko.

• Pangunahing kagamitan ditto ang tinatawag na mass media.

You might also like