You are on page 1of 2

Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang

paraan. Ang pakikipagtalastasan/ komunikasyon ang proseso ng pagbibigay (giving) at pagtanggap


(receiving), nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon
at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.

Antas ng Komunikasyon

1. Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap ng


indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o
kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
2. Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.
3. Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang valedictory address
4. Pangmasa - panglahatan; halimbawa nito ay ang SONA
5. Pangorganisasyon - para sa mga grupo
6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura
7. Pangkaunlaran - ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.
URI NG KOMUNIKASYON
VERBAL
-gumagamit ng salita o wika upang ipahayag ang kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang masalita.
DI-VERBAL
- nagpapahayag ng damdamin o gusto sa pamamagitan ng simbolo, ekspresyon ng mukha o senyas at
iba pa.
A. Ekspresyon ng mukha
B. Pandama (sense of touch)
C. Mata
D. Galaw o Kilos (body language)
E. Awit o musika
F. Pananamit
G. Tunog
H. Kumpas ng kamay

REGISTER NG WIKA

- isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika.

- mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.

- pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:

a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) -- naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. (para
kanino)

b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) -- batay sa larangan na tinatalakay at ss panahon.


(layunin)
c. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) -- pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan
dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.(papaano)

Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at
kung sino ang gumagamit nito.

BARAYTI NG WIKA

- nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa.

Dayalek - ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.Tinatawag din itong wikain sa ibang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

Sosyolek - sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan)
na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon ang mga
tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.

Idyolek - Indibidwal na paraan/ istilo ng paggamit ng wika

Pidgin - tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na
tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift.

Creole isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon
nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag- angkin dito bilang kanilang.

You might also like