You are on page 1of 1

G-FILI101

DISKURSO SA FILIPINO
Modyul 2: Mga Batayang Kaisipan sa Diskurso at Kultura

Sa akademikong pakahulugan, ang diskurso ay isang talakayang ginagamit upang mapatingkad


ang kaalaman at maisulong ang karunungan sa isang takdang larangan (Santiago, 1995:76).

Maaari itong maging isang paraan ng pag-alam o pananaliksik sa bisa ng panayam,


pakikisalamuha, at pakikipag-usap sa tao. Isa itong paraan ng pagbuo ng kaalaman kasabay ng mga
gawi at pagkilos ng isang lipunan. Higit pa ito sa paraan ng pag-iisip at paglikha ng mga kahulugan
sapagkat bumubuo ito ng mga kaisipan. Ang diskurso ang sistema ng pakikipagtalakayan ng dalawa
at maraming tao na bumubuo ng kaalaman at praktika. (Nuncio at Morales-Nuncio, 2004:189)

Tinutugunan nito ang ugnayan ng kapangyarihan at kaalaman at kung papaano ito nagagamit
bilang kontrol sa isang lipunan. Pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at konteksto nito ang
diskurso. Si Michel Foucault na isang Pranses ang kinikilalang proponent nito. Kinilala siya dahil sa
kaniyang di matatawarang ambag sa larangan ng pilosopiya, at pagsusuri ng diskurso.

Sinasalita at Nasusulat na Wika

Ang WIKA ay hindi matatawarang sangkap ng lipunan. Masalimuot at kompleks ang wika
nasusulat man o sinasalita. Bawat araw iba-iba ang wikang ginagamit ng bawat indibidwal sapagkat
iba-iba rin ang mga nakakasalamuha. Iba ang wika sa paaralan, sa tahanan at sa mga lugar na
pinupuntahan. Sa kasalukuyang panahon, malakas ang impluwensya ng internet at social media kaya
imposibleng hindi maging bahagi ng wika ng mga kabataan ang wika ng internet. Sa pangkalahatan,
ang sinasalita at nasusulat na wika ay nagtataglay ng magkaibang katangian.

Sinasalitang wika
• Malaya at walang kontrol sa gamit
• Payak at pangkalahatan ang mga bokabularyo
• May agarang tugon o pidbak at gumagamit ng mga fillers o pamuno sakaling nakaligtaan ang
sasabihin
• Hindi masyadong natutukoy ang kamalian sa gramatika
• Maaaring mabawi ang nasabi na o iwasto ang maling nasabi

Nasusulat na wika
• Permanente
• Nagtataglay ng estruktura
• Mas higit na maingat sa gamit ng mga salita
• Pasibo dahil walang agarang tugon o pidbaK

TANDAAN: Ang wika bilang isang mahalagang elemento ng kultura ay mayaman sa kahulugan at
gamit. Ito ay buhay at dinamiko – patuloy na nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon at ng
inidibidwal na gumagamit nito.

You might also like