You are on page 1of 3

KOM PAN

Aralin 2

Komunikasyon - pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormason sa mabisang


paraan.

Josepina Mangahis tagapangulo ng De La Salle University - komunikasyon ay proseso


ng pagpapahiwatig ay pag papahayag ng mensahe.

Modelo ng Komunikasyon
1. Komunikasyon bilang aksyon – sender
2. Komunikasyon bilang interaksyon - pagpapalitan ng impormasyon ng dalawang
tao.
3. Komunikasyon bilang transaksyon - pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan.

Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon


1. Oratorical o frozen style - pagsasalita sa harap ng publiko.
2. Deliberative style - ginagamit sa tiyak na bilang ng manoood, ginagawa sa loob ng
klasrum o mga forum.
3. Consultative style - pakikipagtalastasan na nangangailangan ng pormal na
pananalita.
4. Casual style - karaniwang makikita sa usapan ng makakapamilya o magkaibigan.
5. Intimate style - pribadong komunikason na nagaganap sa pagitan ng malalapit na
kaibigan, kapamilya o karelasyon.

Uri ng Komunikasyon ayon sa Konteksto


1. Komunikasyong intrapersonal - Ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o
nagaganap sa sariling isip o idea.
2. Komunikasyong interpersonal - ginagamit ang mensahe uoang makabuo ng
kahulugan sa pagitan ng dalawang tao.
3. Komunikasyong pampubliko - Ang simpleng pinagmulan ng mensahe ay
nagpapadala ng mensahe sa iba't ibang bilang (maaring tanong-sagot).
4. Komunikasyong pangmasa - paggamit ng mensahe ng isang namamagitan na
sistema sa pagitan ng tagapagpa-dala patungo sa malaking bilang ng mga di
nakikitang tagatanggap.
5. Komunikasyong computer mediated - komunikasyong pantao at impormasyong
ibinabahaging communication networks.

Kakayahang Komunikatibo
1. SPEAKING - Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika ayon
kay Hymes.
2. SETTING - Ang lugar ay may malaking impluwensiya sa komunikasyon.
3. PARTICIPANTS - Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o
kinakausap.
4. ENDS - Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa
pakikipag-usap.
5. ACT SEQUENCE - Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.
6. KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal sa pakikipag-usap.
7. INSTRUMENTALITIES - Paggamit ng midyum sa pakikipagkomunikasyon.
8. NORMS - Mahalagang maisaalang-alang ng isang tao ang paksa ng pinag-
uusapan.
9. GENRE - Batid dapat ng tao kung ano ang genreng ginagamit ng kanyang kausap,
nang sa gayo’y aalam din ng kausap nang genre na kanyang gagamitin

Aralin 3

Halliday - sa kaniyang Explorations in the Functions of Language na inilathala noong


1973, na ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay kinategorya.

instrumental - gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan.

regulatori - wika rin ang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao

Cohesive Devices
1. Interaksyonal - ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong
sosyal
- hal. ako, ikaw, mahal kita, kamusta, nanay, etc.
2. Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan.
- preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapaqsalita.
- pangangailangan at gustong sabihin.
- paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at
panghihikayat.
3. Regulatori - ang tungkulin ng wikang gingamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos
o asal ng ibang tao.
- makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang kausap o sino man sa
kaniyang paligid.
- pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo.
4. Personal -ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon.
- hal. pagsisigaw, pagmumura, pasalita, pagrerekomenda, etc.
5. Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
- Halliday (1973) – ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pang-aliw.
- upang ipahayag ang imahinasyon, maging mapaglaro sa gamit ng mga saltia,
lumilkha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig
- pantasya, mito, Alamat, kuwentong-bayan, siyensiyang piksiyon.
6. Heuristik/Heuristiko - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o
paghihingi ng impormasyon.
- pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran
- Sa aktuwal na karanasan - sa mga gawain ng imbestigasyon, pagtatanong, at
pananaliksik.
Paraan ng Pagbabahagi ng Wika

1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - Pagpapahayag ng damdamin, saloobin


at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative) - Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - Pakikipag-ugnayan sa kapwa at
makapagimula ng usapan.
4. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) - Gamit ng wikang nagmula sa aklat at
iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe
at impormasyon.
5. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) - Lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Expressive - Personal man o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga
saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive ang
gamit natin ng wika.
7. Informative - nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin.
8. Labelling - Labeling ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o
pangalan sa isang tao o bagay.

You might also like