You are on page 1of 34

Gamit ng Wika sa

Lipunan
Lingua Franca
• Ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang
lipunan.
• Ito ang wikang ginagamit upang lubos na
magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang
komunidad.
• Filipino – ang itinuturing na Lingua Franca.
TUNGKULIN NG WIKA BATAY SA GAMPANIN NITO
SA ATING BUHAY
(M.A. K. HALLIDAY- AKLAT NA EXPLORATIONS
IN THE FUNCTIONS OF LANGUAGE
( EXPLORATIONS IN LANGUAGE STUDY)

*Instrumental *Heuristiko
*Regulatori *Impormatibo
*Interaksyunal
*Personal
1. Instrumental
Ito ang tungkulin ng wikang
tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.
2. Regulatoryo
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy
sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang
tao.

Hal: Pagtuturo ng lokasyon,direksyon,


Sa pagluluto ng ulam,
Direksyon sa pagsagot sa
pagsusulit
3. Interaksiyonal
• Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa;pakikipagbiruan;pakikipagpalitan ng kuro-kuro
tungkol sa particular na isyu;
• Pagkukuwento ng malulungkot o masasayang panyayari sa
isang kaibigan o kapalagayang-loob
• Paggawa ng liham pangkaibigan
4. Personal
•Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng
sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.
•Pagsulat ng talaarawan at Journal
•Anyo ng panitikan
IMAHINATIBO
ANG TUNGKULIN NG WIKANG
GINAGAMIT SA PAGPAPAHAYAG
NG IMAHINASYON SA
MALIKHAING PARAAN.
5.Heuristiko
• Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aralan.
• Pag-iinterbyu sa mga taong makasasangkot
• Paksang Pinag-aralan
• Pakikinig sa radyo
• Panood sa telebisyon
• Pagbabasa ng pahayagan
• Magasin , blog, at
• Mga aklat kung saan tayo makakuha ng impormasyon.
6. Impormatibo
• Ito ang kabaligtaran ng heuristiko.
• Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita.
• Hal:pagbibigay-ulat
paggawa ng pamanahong papel
tesis
panayam
pagtututuro
Jakobson (2003)
6 (anim) (na bahagi ng wika)
GAMIT NG WIKA/ MGA PARAAN NG PAGBABAHAGI NG
WIKA
1. Pagpapahayag ng damdamin ( Emotive )
-saklaw nito ang pagpapahayag ng mga
saloobin, damdamin, at emosyon
2. Panghihikayat ( Conative )
-ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng
pag- uutos at pakiusap
3. Pagsisimula ng pakikipag- ugnayan ( Phatic )
-ginagamit ang wika upang makipag- ugnayan sa
kapwa at makapagsimula ng usapan
4. Paggamit bilang sanggunian ( Referential )
-ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat
at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang magparating ng mensahe at impormasyon
5. Paggamit ng kuru- kuro ( Metalingual )
-ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o
batas
6. Patalinghaga ( Poetic )
-saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na
paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,prosa,
sanaysay, at iba pa.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
SPEAKING - Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika
ayon kay Hymes.

SETTING - Ang lugar ay may malaking impluwensiya sa komunikasyon

PARTICIPANTS - Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o


kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan n gating
pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di
kay’y sinusulatan.
ENDS - Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang
ang layunin sa pakikipag-usap.

ACT SEQUENCE - Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng


usapan.

KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal sa pakikipag-usap.

INSTRUMENTALITIES - Paggamit ng midyum sa


pakikipagkomunikasyon. Lenggwaheng ginagamit o ang
instrumenting ginamit upang makipagkomunikasyon
NORMS - Mahalagang maisaalang-alang ng isang
tao ang paksa ng pinag-uusapan.

GENRE - Batid dapat ng tao kung ano ang


genreng ginagamit ng kanyang kausap, nang sa
gayo’y aalam din ng kausap nang genre na
kanyang gagamitin.
Pag-unawa sa Cohesive Devices
Piliin ang tamang cohesive device na ginamit sa
pangungusap.
1. Madilim sa bahay ng pamilya Rosas (kaya, upang)
nagsindi sila ng kandila para may liwanag.
2. Maagang pumapasok ng paaralan si Nena (maliban
sa, kasama si) nakatatanda nitong kapatid dahil
tuwing hapon ang pasok nito.
3. Naghahanapbuhay ang magulang (para sa, maliban
sa) mga anak nila.

You might also like