You are on page 1of 1

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Anim na Tungkulin ng Wika Batay kay M.A.K Halliday


1. Instrumental--Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Halimbawa: Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga
patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto
2. Regulatoryo – ito ang tungkuln ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal. ng
ibang tao.
Halimbawa: Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na
lugar; direksyon sa pagluluton ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit ; at
direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo
3. Interaksiyonal- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag ugnayan ng tao
sa kanyang kapwa;
Halimbawa: pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu;
pagkukuwento ng malulungkot masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob;
paggawa ng liham-pangkaibIgan;
4. Personal-Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan.
Halimbawa: Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at pagpapahalaga sa
anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko. -Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Halimbawa: Karama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol
sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon; pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog, mga aklat kung saan nakakukuna tayo ng mga impormasyon.
6. Impormatibo-Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o
paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa parang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-
ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis , panayam at pagtuturo.
Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) – saklaw ng pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin at emosyon
2. Panghihikayat (Conotive)- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) -Ginagamit ang -Ginagamit ang wika
pang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) Ipinakikita nito ang gamu ng wikang
nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating
ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro- kuro (Metalingual)- -Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

You might also like