You are on page 1of 8

Gamit ng

wika Lipunan
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang
magandang ehemplong magpapatunay rito ay
ang kuwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop
ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang
wika ng mga kasama niyang hayop sa gubat.
Maging ang isang taong bagong lipat lang sa
isang komunidad na may ibang wika, kung
hindi ito makikipag-ugnayan sa iba, ay hindi
matuto ng ginagamit nilang wika. Sadyang
ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-
ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi
matatawaran ang gamit nito sa lipunan.
Ang pitong tungkulin ng wikang
inilalahad ni M.A.K. Halliday ay
ang sumusunod:
1. Instrumental – Ito ang tungkulin ng wikang
tumutugon sa mga pangangailangn ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang
paggawa ng liham pangangalakal, liham sa
patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas
tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga ng produkto ay mga
halimbawa ng tungkuling ito.
2. Regulatoryo – Ito ang tungkulin ng wikang
tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang
tao. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng
pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar;
direksiyon sa pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa
pag sagot sa pagsusulit; at direksiyon sa paggawa
ng anumang bagay ay mga halimbawa ng
tungkuling regulatoryo.

3. Interaksiyonal – Ang tungkuling ito ay nakikita sa


paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-
kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng
malulungkot o masasayang pangyayari sa isang
kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-
pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal – Saklaw ng tungkuling ito ang
pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsulat ng talaarawan at journal, at ang
pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang
anyo ng panitikan.

5. Heuristiko – Ang tungkuling ito ay ginagamit sa


pagkuha o paghahanap ng impormasyong may
kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito
ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa
mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan;
pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon; at
pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga
aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga
impormasyon.
6. Impormatibo – Ito ang kabaliktaran ng
heuristiko, Kung ang heuristiko ay pagkuha o
paghanap ng impormasyon, ito naman ay
may kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.
Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat,
paggawa ng pamanahong papel, tesis,
panayam, at pagtuturo.
Si Jacobson (2003) naman ay nagbahagi
rin ng anim na paraan ng pagbabahagi
ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)-


Saklaw nito ang pagpapahayag ng saloobin,
damdamin, at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative) – Ito ay ang gamit
ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan
ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipagugnayan (Phatic) –
Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan
sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) –
Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa
aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at
impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)- Ito ang
gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang
kodigo o batas
6. Patalinghaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit ng
wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya
ng panulaan, prosa, sanaysay , at iba pa.

-Capangpangan & Chavez


11HUMSS-B

You might also like