Mayroon tayong iba’t-ibang uri ng komunikasyon na naka batay sa bilang ng mga nag-uusap. Ito ay ang mga sumusunod.
•INTRAPERSONAL- Tinatawag din ito bilang “pansariling komunikasyon”– nagaganap ang
komunikasyon sa sarili. Nangyayari ito sa tuwing tayo ay nagkakaroon ng personal na repleksyon, ebalwasyon sa ating sarili, pag-iisip ng ating plano sa buhay sa hinaharap at iba pa. •INTERPERSONAL- Ito ay komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang nag-uusap na tao o maaari rin namang sa maliit na grupo ng tao na nagkakaroon ng palitan ng mensahe. Kadalasan itong makikita o mapapansin kapag nag-uusap ang dalawang magkaibigan, naglalambingan na magkasintahan o kaya’y kapag nagpapalitan ng kuro-kuro(brainstorming) ang mga mag-aaral.
•PAMPUBLIKO-Tumutukoy naman ito sa mas malaking bilang ng mga tao na nagbabahaginan
ng ideya o mga kaisipan at ideyolohiya tungo sa pagkamit ng iisang layon/layunin. Tinatawag din itong faceless audience dahil na rin sa dami ng taong kabahagi sa usapan.
•INTERKULTURAL-Ito naman ay uri ng komunikasyon na nagpapakita ng integrasyon ng
dalawa o higit pa na bilang ng magkaibang kultura. Bagamat magkaiba, maayos at mabisa pa ring naisagawa ang palitan ng impormasyon ng dalawang nag-uusap. Bunsod nito ang kakayahan ng tao na makaangkop sa ibang kultura.
MACHINE ASSISTED-Sa kasalukuyan, ang machine-assisted na komunikasyon ay lubos na
ginagamit ng lahat ng tao. Ito ay paraan ng paggamit niya ng anumang uri ng kagamitang elektroniko o teknolohiya tungo sa mabisang interaksyon sa kapwa. Halimbawa nito ay ang paggamit ng cellphone, fax machine email, chatting, telephone, paggamit ng satellite at iba pa.
-Gina B. Araojo, Delfin A. Baquiran, Rosario V. Nicdao, et.al