You are on page 1of 1

URI NG KOMUNIKASYON

October 31, 2016

Mayroon tayong iba’t-ibang uri ng komunikasyon na naka batay sa bilang ng mga nag-uusap. Ito
ay ang mga sumusunod.

•INTRAPERSONAL- Tinatawag din ito bilang “pansariling komunikasyon”– nagaganap ang


komunikasyon sa sarili. Nangyayari ito sa tuwing tayo ay nagkakaroon ng personal na
repleksyon, ebalwasyon sa ating sarili, pag-iisip ng ating plano sa buhay sa hinaharap at iba pa.
•INTERPERSONAL- Ito ay komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang nag-uusap na
tao o maaari rin namang sa maliit na grupo ng tao na nagkakaroon ng palitan ng mensahe.
Kadalasan itong makikita o mapapansin kapag nag-uusap ang dalawang magkaibigan,
naglalambingan na magkasintahan o kaya’y kapag nagpapalitan ng kuro-kuro(brainstorming)
ang mga mag-aaral.

•PAMPUBLIKO-Tumutukoy naman ito sa mas malaking bilang ng mga tao na nagbabahaginan


ng ideya o mga kaisipan at ideyolohiya tungo sa pagkamit ng iisang layon/layunin.
Tinatawag din itong faceless audience dahil na rin sa dami ng taong kabahagi sa usapan.

•INTERKULTURAL-Ito naman ay uri ng komunikasyon na nagpapakita ng integrasyon ng


dalawa o higit pa na bilang ng magkaibang kultura.
Bagamat magkaiba, maayos at mabisa pa ring naisagawa ang palitan ng impormasyon ng
dalawang nag-uusap. Bunsod nito ang kakayahan ng tao na makaangkop sa ibang kultura.

MACHINE ASSISTED-Sa kasalukuyan, ang machine-assisted na komunikasyon ay lubos na


ginagamit ng lahat ng tao. Ito ay paraan ng paggamit niya ng anumang uri ng kagamitang
elektroniko o teknolohiya tungo sa mabisang interaksyon sa kapwa.
Halimbawa nito ay ang paggamit ng cellphone, fax machine email, chatting, telephone, paggamit
ng satellite at iba pa.

-Gina B. Araojo, Delfin A. Baquiran, Rosario V. Nicdao, et.al

You might also like