You are on page 1of 2

Bakit may buntot ang mga aso?

Noong unang panahon ang mga aso ay katulad din ng mga tao kung maglakad .May isang
mataba na nagngangalang Smash. Siya ang masipag at masayahing aso, ngunit may ugaling madamot.
Isang araw naglalakad siya kasama ang kaibigang si Tots sa kagubatan. Nang bigla silang nakakita ng
maraming bunga ng bayabas. Nais sana ni Tots na sila ay mamitas ng bunga ngunit agad naman
tumanggi si Smash dahil ayon sa kanya dapat ay magpaalam muna sa may-ari.

Hinanap nang magkaibigan ang may-ari ng puno ng bayabas ngunit hindi nila ito natagpuan,
kaya nagpasya silang umuwi na lamang. Habang naglalakad pauwi nagplano ng sarili si Smash, oras na
makauwi na ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay ay babalik siya upang ubusin ang bunga ng bayabas.
Unang nagpaalam si Tits sapagkat narating na nila ang bahay nina Tots at sa susunod pang kanto ang
bahay nina Smash. Nang makita ni Smash na pumasok na si tots sa loob ng bahay, kaagad siyang bumalik
sa lugar na nakitaan nila ang puno ng bayabas. Dali-dali niyang inakyat ito at inubos ang bunga.

Pagbaba niya ng puno, nakita niya ang isang matandang babae na nag-aabang sa kanya at
halatang gutom na gutom. “ Anak, maaari ba akong makahingi ng bayabas? ang totoo ako ang may ari
ng punong iyan “ ani ng matandang babae. “ Aba, hindi maaari, wala akong paki-alam kung sayo ang
punong ito, kahit pa sayo ito hindi mo rin naman nakakain dahil hindi ka makakaakyat matandang
hukluban” ang sagot naman ni Smash. Nagmakaawa ang matanda kay Smash ngunit ito’y kanyang
kinawayan lamang tanda ng pang-iinis at pangungutya.

Walang ano-ano ang nagpalit ng anyo ang matanda at nagwika” dahil masama ang iyong ugali at
mapanglaman ka sa kapwa.Ikaw ay aking isusumpa, mula ngayon ang iyong kamay ay magiging paa rin
upang hindi ka makaakyat ng puno at magkakarron ka ng buntot na sa tuwinay kakaway kapag nakakita
ka ng iyong mga kakilala. Biglang nagbago ang anyo ni Smash, ang kanyang mga kamay ay naging paa na
rin at tinubuan siya ng buntot. Sa tuwing makikita niya si Tots lagi niyang winawagayway ang kanyang
buntot na nagpapahiwatig na isa ang kanyang kaibigan.
SANHI AT BUNGA

1. Pagkain ang mga exotic.


2. Hindi sumusunod sa health protocol.
3. Kawalan ng disiplina ng mga tao.
4. Magkakarron ng proteksyon sa virus na kumakalat.
5. Magkakaroon ng kaalaman , malilinang ang kasanayan at tataas ang marka.

III.

Bakuna

Ang bakuna ay sa sinasabing mabisang paraan upang magkarron tayo ng proteksyon kontra
Covid -9. Ito ay ibayong isinusulong ng ating pamahalaan upang tuluyang makakilos na tayo ng maayos
at nang sagayon ay makapaghanap buhay na muli. Marso noong nakaraang taon nagulantang ang lahat
sa pagdedeklara ng lockdown sa ibat ibang panig ng ating bansa. Ang unang naapektuhan nito ay ang
kagawan ng edukasyon sapagkat nagpalabas ng memorandum na kailangangang Stay at home na ang
mga bata.

Maraming sumunod ng pangyayari, maging ang mga establishemento ay unti -unti na rin
nagbabago nagparaan kung paano patuloy na magnegosyo. Marami ang nawalan ng trabaho at maging
ang maliliit na negosyo ay naapektuhan at nauwi sa pagsasara. Isang pang solusyo ng pamahalaan ang
makahanap ng gamot para sa virus na ito. Buong mundo ay nagsagawa ng pananaliksik ukol ssa bakuna
na maaaring sumugpo dito.

Aztrasenica, Jansenn, Sinovac, Siputnik, Moderna at iba pa ang mga bakunang nadiskubre mula
sa ibat ibang bansa. Isa na ang ating bansa sa nabiyayaan na makakuha agad nito upang maibigay agad
sa mga tao, subalit maraming haka-haka at agam-agam ang karamhan ukol dito. Maraming
espekulasyon na mangyayari daw oras na nagpabakuna. Kaya naman naging pahirapan pa noon ang
pagbibigay nito sa mga tao. Naunang binigyan ang mga senior citizen at wala naman masamang apekto
ang nakita.

Higit na tumaas ang bilang ng kaso ng covid -19nagkaroon pa ng bagong baryant na mas matindi
pa ang virus na dala. Kaya kinakailangan na magpabakuna na ang lahat upang maiwasan pang dumami o
kumalat ito. At kung sakali man na magkaroon ka ng virus, kahit paano ay may panlaban ang iyong
katawan. Marami ng gastos ang gobyerno upang malabanan natin ang mga ito, bilang isang
mamamayan kailangan sumunod tayo sa mabutng hangarin ng ating gobyerno. Kaya magpabakuna na,
upang sigurado ang panlaban mo!

You might also like