Professional Documents
Culture Documents
Pamilya
Pamilya
Sa mga magulang na nakipaghiwalay na sa kanilang mga kinakasama mas magagabayan pa nila ng buong
husay ang kanilang mga anak lalo pa’t malalaman nila na maaaring maging malaki ang epekto nito sa
estado ng pagaaral ng kanilang mga anak. Magkakaroon ang mga magulang ng kaunawaan sa mga bagay
na dapat nilang gawin upang mapaunawa ng maayos at mapamulat sa kanilang mga anak ang naturang
sitwasyon.
Mga Guro
Karamihan sa oras ng mga mag-aaral ay ginugugol sa loob ng paaralan at ang isa sa mga nakakasama nila
ay ang kanilang mga guro o propesor. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mas mauunawaan ng mga guro
na isa ito sa mga salik na nakakaapekto sa akademikong pag-aaral ng mga magaaral. Malalaman din ng
mga guro ang tamang paraan ng pagtrato sa mga estudyanteng kinahaharap ang suliraning ito.
Sa mga mag-aaral na may watak-watak na pamilya hindi hadlang ang pagkakaroon ng sirang tahanan
upang magtagumpay pa rin sa buhay bagkus ito ay dapat na magsilbing motibasyon upang mapatunayan
sa lahat na kahit hindi buo ang pamilyang iyong kinabibilangan ay kaya mo pa ring maituwid ang landas
na iyong tinatahak. Nararapat pa ring sumunod sa magulang at lalo pa silang mahalin, huwag nang
magpokus sa kung ano ang wala bagkus pagyamanin pa at mahalin kung ano ang meron.
Kahalagahan ng Pagaaral
Layunin ng pagaaral na ito na malaman ang mga epekto ng watak watak na pamilya sa akademikong
pagaaral ng mga mag-aaral ng STI College Alabang.
Rekomendasyon
Ang pamilya ang pinanakamaliit na yunit ng pamayanan ngunit ito ay may ginagampanang napakalaking
papel sa buhay ng isang indibidwal. Kaya naman binigyan naming pansin ang usapin ng sirang tahanan at
nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa epekto ng watak watak na pamilya sa akademikong pag-aaral ng
mga mag-aaral ng STI College Alabang. Aming iniririkomenda sa mga susunod na mananaliksik na
kumunsulta sila ng isang psychologist upang makakalap sila ng madami pang impormasyon ukol sa
epektong sikolohikal nito sa mga mag-
aaral na may sirang pamilya. Maghanap pa ng maraming sanggunian upang mapalawak pa ang pag-aaral,
maaaring magpunta sa National Library para sa mas masusing pananaliksik