You are on page 1of 6

“Damdamin ng mga Mag-aaral na Nakararanas ng Broken Family sa

Aurora Senior High School na Nasa Ika-11 Baitang at Epekto

nito sa Kanilang Pag-aaral”

KABANATA I

SULIRANIN AT KABANATA NITO

Introduksyon

Ang pamilya ay bahagi ng buhay ng tao na kailanman ay hinding-

hindi magbabago at ito ay ang pinakamahalang bagay dito sa mundo.

Ito ang may pinakamalaking impluwensiya sa buhay ng isang tao.

Ang pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng

pamayanan ngunit ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro

ng pamilya. Ito ay binubuo ng nanay, tatay, at mga anak. Ang

pamilya ang mga guro na hindi matutumbasan ng anumang halaga.

Isang katotohanan na hindi kailanman maitatanggi ay ang lahat

ng ating unang pagkatuto ay nagmumula sa pamilya higit kanino

man ay sa magulang. Kaya naman bago pa tayo tumuntong ng paaralan

ay nahubog na tayo sa kabutihang asal at tamang pag-uugali

(ellenettereyesdimas, 2015).

Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang nangyayari

sa mga pamilya sa ating lipunan. Sa kabila ng matibay na

pundasyon ng mga pamilya, hindi maiiwasang magkaroon ng sirang

pamilya (broken family). Ang broken family ay mailalarawan sa

isang sirang pamilya na kung saan hindi nagiging matatag ang


pagsasama ng bawat miyembro nito kung kaya't nagiging marupok

ang pundasyon na sabay na nagbubuklod.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang damdamin

ng mga mag-aaral na nakararanas ng broken family sa Aurora Senior

High School at epekto nito sa kanilang pag-aaral. Malaki ang

papel ng mga mag-aaral sa usaping ito at nararapat lamang na

sila ay magbigay at magpahayag ng kanilang mga damdamin o

saloobin patungkol sa usaping ito. Sa pag-aaral na ito

malalaman, mauunawaan, masasagot, at matutugunan ang katanungan

ng nakararami patungkol sa isyung kinakaharap na mga apektadong

mag-aaral.

Sa pag-aaral na ito malalaman ang mga dahilan at epekto ng

pagkasira ng isang pamilya. Nais ng mga mananaliksik na

maisiwalat ang mga datos na kanilang nakalap at kinalabasan sa

pag-aaral na ito.

Batayang Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang damdamin ng

mga mag-aaral na nakararanas ng Broken Family sa Aurora Senior

High School na nasa ika-11 baitang at epekto nito sa kanilang

pag-aaral.

Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayong

masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nangyari ang pagkasira

ng pamilya?
a. Away ng magulang

b. Kahirapan

c. Third party

d. Maagang nag-asawa

e. Bisyo

f. May problema sa kamag-anak

g. Kawalan ng oras

h. Kawalan ng komunikasyon

i. Kawalan ng tiwala

j. Arrange marriage

2. Sino-sino ang maaaring maapektuhan ng “Broken Family”?

a. Mga anak

b. Nanay

c. Tatay

d. Mga kamag-anak

e. Mga malalapit na kaibigan

3. Ano-ano ang maaaring epekto ng “Broken Family” sa mga mag-

aaral na nakararanas nito?

a. Depresyon

b. Kapabayaan sa Buhay

c. Mas lalong magpupursigi sa buhay

d. Pagrerebelde

4. Ano-ano ang maaaring epekto ng “Broken Family” sa pag-aaral

ng mga mag-aaral na nakararanas nito?

a. Mababang grado

b. Pagtigil sa pag-aaral
c. Mas lalong magpupursigi sa pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, layunin ng mga mananaliksik na malaman

ang damdamin ng mga mag-aaral na nakararanas ng broken family

sa Aurora Senior High School na nasa ika-11 baitang at epekto

nito sa kanilang pag-aaral.

Ang resulta at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging

kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:

a. Mga apektadong mag-aaral- ang pag-aaral na ito ay

naglalayong makatulong sa mga mag-aaral na nakararanas ng

“Broken Family” kung paano nila haharapin at malalagpasan

ang pagsubok na ito. Ang pag-aaral na ito ay maaaring

magbigay ng ideya at karagdagang impormasyon tungkol sa

suliranin. Ang pag-aaral na ito ay maaari ring gamitin sa

pang-araw-araw na buhay upang maging aktibo sila sa usaping

ito.

b. Mga Magulang- ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay

ng mga magulang sa dapat nilang gawing desisyon sa buhay

na isinasaalang-alang ang kanilang mga anak. Ito rin ay

magsisilbing paalala sa kanila kung gaano kahirap ang

magiging buhay ng kanilang mga anak kung sakaling sila ay

maghihiwalay.

c. Mga Guro- ang pag-aaral na ito ay may kagustuhang ipaalam

sa mga guro ang sitwasyon ng damdamin ng mga mag-aaral na


nakararanas ng “Broken Family” sa Aurora Senior High School

na nasa ika-11 baitang at ang epekto nito sa kanilang pag-

aaral. Sa pag-aaral na ito ay malalaman din ng mga guro ang

tamang paraan ng pagtrato sa mga mag-aaral na nakararanas

sa suliraning ito.

d. Mananaliksik - ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay

at magbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga karanasang

napagdaan ng mga mag-aaral na nakararanas ng “Broken

Family”.

e. Mga mananaliksik sa hinaharap- ang pag-aaral na ito ay

makapagbibigay ng karagdagang ideya sa mga mananaliksik sa

hinaharap sa kanilang kuryosidad ukol sa damdamin ng mga

mag-aaral na nakararanas ng “Broken Family” sa Aurora

Senior High School na nasa ika-11 baitang at epekto nito

sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang damdamin ng mga mag-

aaral na nakararanas ng “Broken Family” sa Aurora Senior High

School na nasa ika-11 baitang at epekto nito sa kanilang pag-

aaral. Kung kaya’t ang mga datos na mababanggit ay base sa

resulta ng ginawang surbey na sinagutan ng mga respondante. Ang

mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang kwestyoner at

ipapasagot ito sa ilang piling mag-aaral ng Aurora Senior High

School na nasa ika-11 baitang na nakararanas ng “Broken Family”.

Ang mga kaugnay na literature naman ay nagmula sa internet o di


kaya ay mula sa mga nalimbag na aklat ng mga iba’t ibang

manunulat na may kaugnay sa pag-aaral na ito.

Depinisyon ng mga Termino

a. Pamilya- isang grupo ng mga tao na binubuo ng ama,

ina, at mga anak na kung saan ang bawat isa ay

pinagbubuklod ng respeto at pagmamahal.

b. Broken Family- isang uri ng pamilya na kung saan ang

nanay at tatay ay magkahiwalay.

c. Diborsyo- paghihiwalay ng mag-asawa sa legal na

paraan.

d.

You might also like