You are on page 1of 7

Dalubhasaang Rizal ng Taal

Calle G. Marella, Taal, Batangas


Taong Panuruan 2022-2023

“EPEKTO SA MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SA DALUBHASAANG RIZAL NG TAAL NA MAY MGA
MAGULANG NA NAKIKIPAGSAPALARAN SA IBANG BANSA”

Isang Pananaliksik

Na inihahandog sa inyo ng

Pangkat 3 ng HUMSS 11 COMTE

Taal, Batangas

Mga Miyembro:

Perez, Jemimah Faith

Jumarang, Alesandra

Garcia, Airabelle

Fajel, Franz Leinon

Cabello, Lander James

Villanueva, Lantz Nathaniel

Amponin, James Andrei

Mendoza, James Andre

Inihahandog kay:

Mrs. Ana C. Leyma


Dalubhasaang Rizal ng Taal
Calle G. Marella, Taal, Batangas
Taong Panuruan 2022-2023

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

PANIMULA

Sa pag-unlad ng iba't ibang bansa, mabilis na din ang pag-unlad ng


teknolohiya nagkakameron ng iba't ibang oppurtunidad pagdating sa paghahanap ng
trabaho. Sa pag-unlad ng bansa, naunlad din ang ekonomiya ng mga bansa. Ang mga
Pilipino ay kilala bilang mga masisipag pagdating sa isang bagay. Gagawin ng isang
magulang ang lahat para lang mabigyan ng sapat na suporta at pagmanahal ang kanilang
anak.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga epekto sa mga mag-aaral sa Dalubhasaang
Rizal ng Taal na may magulang na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Dahil hindi sapat
ang trabaho na ibinibigay ng Pilipinas sa mga emplayado ng Pilipinas kaya ang ibang tao
ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maitaguyod at masuportahan ang kanilang
pamilya. Pinipili ng ibang tao na makipagsapalaran sa ibang bansa dahil mas malaki ang
sweldo dito kumpara sa normal na sweldong ibinibigay dito sa Pilipinas. Ayon sa,
Philippine Statistics Authority (2022) ang mga OFW o Overseas Filipino Worker na nasa
ibang bansa ay pumapatak ng 1.83 milyong pilipino, simula noong Abril hanggang
Setyembre 2021. Kadalasan ang mga babae ang nagttrabaho abroad, at sinasabing
60.2% o 1.10 milyon noong 2021, at nasa 0.73% o 0.73 milyon naman ang mga lalaking
nagkikipagsapalaran sa ibang bansa. Sa usaping edad naman, mas malaki ang porsyento
ng mga edad 30-34, na may 23.2% na nakikipagsapalaran sa ibang bansa at edad 45
pataas naman ay may porsyentong 23.1%. Ang mga hindi financially stable ang
kadalasang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Dahil sa pamilya ang gintong kayamanan
ng isang tao. Nakikipagsapalaran ang iba para maiahon ang kanilang minamahal na
pamilya sa kahirapan. Kung kaya't mas pinipili ng mga Pilipino na makipagsapalaran sa
ibang bansa upang mabigyan ng sapat na sahod. Ang paksang ito ay sasaliksikin upang
malaman ang iba't ibang epekto sa mga mag-aaral na malayo sa kanilang magulang. Sa
pag-aaral na ito matatalakay ang iba't ibang salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral
kapag ang kanilang magulang ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Dalubhasaang Rizal ng Taal
Calle G. Marella, Taal, Batangas
Taong Panuruan 2022-2023

BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa pakikipagsapalaran ng isang magulang naibibigay nila ang mga kailangan (needs) at


gusto (wants) ng kanilang anak. Sa pakikipagsapalaran nila may maganda at masamang
epekto itong naidudulot sa mga anak nila.
Karamihan sa mga estudyanteng nakakaranas ng may mga magulang sa ibang bansa ay
nagrerebelde dahil sa walang sapat na gabay ng magulang. Meron din namang mga
estudyante na gumaganda ang buhay dahil sa pagtatrabaho ng kanilang mga magulang
sa ibang bansa, nabibigay ng mga magulang na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang
mga needs ng mga anak nila. Iba't ibang epektong emosyonal ang napagdadaanan ng
isang estudyante na nasa ibang bansa ang magulang. Nakararamdam sila ng hirap at pag
-aalala lalo't sanay silang nasa tabi lamang nila ang kanilang mga magulang. Hindi agad
sila naging sanay sa mga pagbabago, dahil iba noong ang magulang nila ay nasa tabi lang
nila kaysa sa magulang nilang nasa ibang bansa na.

INPUT PROCESS OUTPUT

Propayl ng mga estudyante


Mangangalap ng Inaasahan ng mga
1.1 edad impormasyon ang mga mananaliksik sa pag-aaral na
mananaliksik sa pamamagitan ito na malaman ng mga
1.2 kasarian
ng pagbibigay ng mga epektong kinahaharap ng
1.3 katayuan sa buhay Questionnaire sa mga estudyanteng na ang
estudyante ng paaralang Rizal magulang ay
Ninanais ng mga College of Taal upang nakikipagsapalaran sa ibang
mananaliksik na malaman at makakalap ng sapat na bansa at para na rin malaman
mas maunawaan ang mga impormasyon o mga datos ng mga magulang ang
salik na nakakaapekto sa mga hinggil sa paksang sasaliksikin. pinagdaraanan ng mga
mag-aaral na ang magulang estudyante.
ay nakikipagsapalaran sa
ibang bansa.

FEEDBACK
Dalubhasaang Rizal ng Taal
Calle G. Marella, Taal, Batangas
Taong Panuruan 2022-2023

ILUSTRASYON I
Ipinapakita sa Ilustrasyon 1 ang balangkas na makikita sa graphic organizer. Sa unang kahon
nakalagay kung sino ang mga respondente at ang mga kailangang impormasyon katulad ng
edad, kasarian, at katayuan sa buhay. Sa mga respondente ng pag-aaral kukuha ng mga
kasagutan sa mga katanungan, sa pangalawsng kahon makakakalap ng impormasyon ang
mananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga questionnaire upang malaman ang mga
epekto sa sa mga estudyante ng paaralang Rizal College of Taal na ang magulang ay
nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sa pangatlong kahon naman nakalagay ang inaasahang
kalalabasan ng gagawing pananaliksik. Naipapakita sa ilustrasyon na ito ang mga hakbangin na
gagawin upang maisagawa at makumpleto ng ayos ang pananaliksik.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang nilalaman ng pananaliksik na ito , at ang pag-aaral na ito ay binibigyang halaga ang mga
epekto at suliranin na nararanasan ng mga mag-aaral ng Senior High sa Dalubhasaang Rizal ng
Taal na may mga magulang na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang pananaliksik na ito ay
sumasagot sa mga katanungang:
1. Ano ang magiging epekto sa mga estudyanteng mayroong magulang sa ibang bansa at ano
ang karaniwang sanhi bakit nakikipagsapalaran sa ibang bansa?
2. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga estudyanteng may mga magulang sa ibang
bansa?
3. Ano ang mga panukulang solusyon sa mga estudyante upang di nila maramdaman ang
lungkot o pangkalahatang problema tulad ng pagrerebelde at paggawa ng masama sa mga
magulang na nasa ibang bansa?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Kung ang isang estudyante ay nalayo sa kaniyang mga magulang dahil sila ay
nakikipagsapalaran sa ibang bansa, sa pananaliksik na ito mabibigyan ng paliwanag ang mga
maaring gawin upang malaman ang epekto sa mga mag-aaral na ang magulang ay
nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito, mas madadagdagan
ang ating kaalaman tungkol sa nararamdaman ng isang estudyante at nararamdaman ng isang
overseas filipino worker. Sino nga ba ang pinakamakikinabang sa pananaliksik na ito? Ang
kahalagahan ng pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga
guro, kagawarang pang-Edukasyon, magulang, at sa mga susunod na mananaliksik.
Dalubhasaang Rizal ng Taal
Calle G. Marella, Taal, Batangas
Taong Panuruan 2022-2023

Mag-aaral: Makakatulong ang isinasagawang pananaliksik sa pagpapaunlad ng kaalaman ng


mga estudyante ukol sa iba’t-ibang epekto ng pakikipagsapalaran ng mga magulang sa kanilang
kabuuhang karakter. Malaking tulong din ito upang mabigyang linaw ang mga balakid na
kinakaharap at para mabigyan ng motibasyon sa kanilang pag-aaral
Mga magulang: Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ideya sa mga magulang kung ano ang mga
posibleng epekto ng kanilang pag-alis sa isip at karakter ng kanilang mga anak. Magsisilbing
daan ang pag-aaral na ito para magbigay kaalaman kung papaano nila dapat gabayan ang
kanilang mga anak para maiwasan ang problema sa pag-aaral at kalusugang pag-iisip.
Mga guro: Magsisilbing daan ang pag-aaral na ito para sa mga guro upang magkaroon ng
kaalaman sa paghawak at paggabay sa mga mag-aaral na nahihirapan sa klase dulot ng
pagkawalay sa magulang. Magbibigay din ito ng ideya sa mga guro sa mga nararanasan at
nararamdaman ng estudyante ng sa gayon ay matulungan ang mga mag-aaral sa tamang
pamamaraan.
Paaralan: Makakagawa ang isang paaralan ng mga hakbangin para sa mga estudyante at mag-
aaral. Mas mabibigyang atensyon ng mga paaralan ang mga maaring gawin ng isang paaralan sa
mga etudyante.
Sa Kagawarang pang-Edukasyon: Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan ng ideya at
kaalaman ang kinauukulan batay sa mga epekto ng pakikipagsapalaran ng magulang sa ibang
bansa sa kanilang mga anak. Maaari ring magbigay daan ito upang makagawa sila ng mga
programa para gabayan ang mga naiwang mag-aaral.
Sa mga susunod na Mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing basehan ng mga
susunod na mananaliksik ukol sa paksang ito. Mapagkukunan ito ng ideya para sa mga
mananaliksik na naglalayong magsagawa ng mas malalimang pag-aaral ukol dito.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay gagawin lamang sa mga mag aaral ng Senior High sa
Dalubhasaang Rizal ng Taal, taong panuruan 2022-2023. Kalakip ng pag-aaral na ito ay ang mga
pangunahing sanhi at epekto ng pakikipagsapalaran ng magulang sa ibang bansa sa pag aaral at
emosyonal na estado ng kanilang mga anak. Kasali na rin ang mga solusyong maiimunhkahi ng
mga studyante upang labanan ang pangungulila sa kanilang mga magulang. Ang pag aaral na ito
ay gagawin lamang sa loob ng pamantasan. Ang sakop ng pananaliksik na ito ay maaring ituon
sa mga baitang 11 o baitang 12 sa Dalubhasaang Rizal ng Taal.
Dalubhasaang Rizal ng Taal
Calle G. Marella, Taal, Batangas
Taong Panuruan 2022-2023

Sa pag-aaral na ito ay maaring ang ama o ang ina ang nakikipagsapalaran sa


ibang bansa. Nilimitahan ang mga respondente sa pamamagitan ng paglilimita sa mga
makakasambua sa pananaliksik. Sa halip na ang buong mga mag-aaral ng Dalubhasaang Rizal ng
Taal ang makakasama sa pananaliksik, nilimita nalang ito, at ang mga magiging respondente
nalang ay ang mga nasa Senior high ng Dalubhasaang Rizal ng Taal.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Upang mas maintindihan pa ng mambabasa ang pananaliksik minarapat naming bigyan
ng pagkakahulugan ang mga terminong may espesyal na gamit sa pananaliksik na ito. Narito ang
mga termino:
Epekto - Ang epekto ay ang resulta, ang wakas, ang konklusyon, ang kinahinatnan, na nagmula
sa isang sanhi, mula doon nagmula ang pangunahing prinsipyo ng sanhi-epekto, mula sa agham
at pilosopiya.
Mentalidad - isang set ng isang tiyak na pag-iisip, mga damdamin, mga oryentasyon ng halaga
at mga saloobin, mga ideya tungkol sa mundo, tungkol sa sarili, mga paniniwala, mga opinyon,
mga pagkiling na likas sa isang indibidwal o isang tiyak na komunidad ng lipunan.

Overseas Filipino Workers – Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito ay ang manggagawang
nagtatrabaho sa labas ng bansa.
Social Media – ang nagiging daan upang makipag-usap sa isang tao na nasa malayong lugar
Messenger- kung dati ay pagpapadala ng sulat ang medium ng komunikasyon, ngayon ay ang
ginagamit na ay ang messenger.

Edukasyon – Ayon sa Batangas State University, isa itong preseso ng pagpapadali ng pagkatuto,
o pagkatamo ng kaalaman, kasanayan, prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi. Kabilang
pagkukuwento, pagtalakay, at nakadirektang pananaliksik.

MGA SANGGUNIAN:
https://tl.ninanelsonbooks.com/significado-de-efecto
https://www.studocu.com/ph/document/batangas-state-university/filipino-sa-ibat-ibang-
disiplina/ang-depinisyon-ng-terminolohiya-ay-bahagi-ng-pananaliksik/26355953
https://www.academia.edu/31856817/
EPEKTO_NG_PAGKAKAROON_NG_MAGULANG_NA_OFW_SA_PAG_AARAL_NG_MGA_SENIO
R_HIGH_SCHOOL_NG_OUR_LADY_OF_FATIMA_UNIVERSITY
Dalubhasaang Rizal ng Taal
Calle G. Marella, Taal, Batangas
Taong Panuruan 2022-2023

https://www.coursehero.com/file/62048878/Pananaliksikdocx/
https://www.academia.edu/28909657/
_Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_Magulang_na_Nagtatrabaho_sa_Ibang_Bansa_sa_Pag_aaral_n
g_mga_Piling_Mag_aaral_ng_San_Guillermo_Academy_

You might also like