You are on page 1of 8

Pangalan:

Pangkat:

ARALIN 1: MITOLOHIYA Mga Uri ng Debate o Pakikipagtalo

DEBATE O PAKIKIPAGTALO Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang


pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga
Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.
pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan.
Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibiduwal na may ● Debateng Oxford - ang bawat kalahok ay
magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa
ang dalawang panig ay: ang proposisyon o sumasang-ayon at unang tagapagsalita ma wala pang sasalaging
ang oposisyon o sumasalungat. Mayroon itong isang mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong
moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magbigay ng kaniyang pagpapabulaan sa huli. Sa
magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat pagtinding ng bawat kalahok upang magsalita ay
kalahok ang tuntunin nito. Pagkatapos nito, may mga magkasama na niyang inilalahad ang kaniyang
huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na patotoo at pagpapabulaan.
nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay
dapat walang kinikilingan sa dalawang panig at kailangang ● Debateng Cambridge - ang bawat kalahok ay
nakaupo nang magkakalayo sa isa’t isa at hindi dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay
mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang para ipahayag ang kaniyang patotoo at sa ikalawa ay
maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t isa. para ilahad ang kaniyang pagpapabulaan.

Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. May iba pang uri ng debate, kagaya ng mock trial, impromptu
Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng debate, turncoat debate at iba pa.
pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng
kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpapabulaan o ● Mock Trial ay isang uri ng debate kung saan ang
rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga
upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang manananggol o mga attorney sa isang paglilitis.
oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang Karaniwan din na merong mga boluntaryo na
debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda magdudula-dulaan o magroleplay.
ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento.
● Impromptu Debate ay isang uri ng debate
Ang sumusunod ay mga karaniwang pinagbabatayan ng mga masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase
hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t ang mga ito ang ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15
kailangang isaalang-alang ng isang debater: minuto bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang
kada miyembro ng dalawang panig ay bibigyan ng
Nilalaman – Napakahalagang may malawak na limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita
kaalaman ang isang debater patungkol sa panig na ang isang miyembro ng isang pangkat, isang
kaniyang ipinagtatanggol at maging sa miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin
pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang ang proseso hanggang matapos nang magsalita ang
magkaroon ng sapat na panahon upang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.
mapaghandaan ang sandaling ito. Kasama sa
paghahanda ang malawak na pagbabasa, ● Turncoat Debate ay kakaiba sa ibang klase ng
pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao lamang.
tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay Ang kalahok ay magsasalita muna para sa
sa katotohanan ng kaniyang ipinahahayag debater: proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay
magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto.
Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa
pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin
at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga ***
pangungusap na kaniyang babanggitin sa debate.
Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng
kaniyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili
at iba pa.

Estratehiya – Dito makikita ang husay ng debater sa


pagsalo o pagsagot sa mga argumento at kung paano
niya maitatawag ng pansin ang kaniyang
proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay
ang pagkakahabi ng mga argumento ng
magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano
nang maigi ang magkakagrupo upang ang
babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay
susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
PAGSASALING-WIKA Adapsiyon – Ang paggamit o pagtanggap ng mga salitang
isasalin nang tuwiran at walang pagbabago sa baybay kundi
- ang paglilipat sa pinagsasalinang wika na pinakamalapit na man bilang kakabit ng mga katutubong panlapi. Pagsasaling
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinalin.
Pampanitikan – Ang pag-aangkop ng akdang pampanitikan
- isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na sa panibagong kalagayang pampanitikan na nagtataglay din
bumubuo rito. ng mga katangian, estilo at himig ng wikang pinagsasalinan.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.


Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y
mahusay na kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya
ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang
pandamdaming taglay ng mga salitang gagamitin.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang


kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng
dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng
tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor,
gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong
pagkakabuo at pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng


pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay
hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin
ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang


tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat
siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong
nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang


kaugnay sa pagsasalin. Mahalaga na ang tagapagsalin sa
kultura ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin dahil
mayroong mga salita o pahayag na nagtataglay ng kultural na
katangian.

Simulain o Gabay sa Pagsasaling-wika

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay


diwa ng isasalin at hindi salita.

2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang


pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa
orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking
dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.

3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng


orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng
kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika
ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

Iba pang Uri ng Pagsasaling-wika

Pagtutumbas - Inihahanap ng tagapagsalin ng katapat na


salita/pahayag sa isinasaling-wika.

Panghihiram - Pagkuha ng katumbas na salita mula sa


wikang Espanyol at pagbaybay nito nang ayon sa paraan ng
pagbabaybay sa wikang Filipino.

Pagsasaling Idyomatiko - Ang ekspresyong idyomatiko ay


hindi dapat isalin na literal; higit na mabuting ihanap ito ng
katapat na idyoma sa wikang isinasalin.
Pangalan:
Pangkat:

ARALIN 2: ANEKDOTA Diskorsal- ang komponent na nagbibigay-kakayahang


magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa
ANEKDOTA pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang
mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at Dito, binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang mas
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na malawak at malalim na kahulugan. Tinuturo ng paraang
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala at
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay
upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati,
ELEMENTO NG ANEKDOTA e-mail at artikulo.

1. Tauhan - Kadalasan, ang pangunahing tauhan ay isang Strategic- ang komponent na nagbibigay-kakayahang
kilalang tao. Siya’y maaaring bayani o isang pangkaraniwang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang
taong nakagawa ng di-inaasahang gawain na nagpatanyag sa maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o
kaniya. maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang
(gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita
2. Tagpuan - Kalimitang nagaganap lamang sa isang tiyak na na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay
lugar ang panahon. makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat
tulad ng kumpas ng kamay, tindig at ekspresyon ng mukha
3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga
magkaroon ng suliranin sa kuwento na siyang iikutan ng daloy katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng
ng banghay na dapat magkaroon ng kalutasan sa strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang
pagwawakas. bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad
maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na
4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas
Bukod dito, ang pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar.
na bahagi na nakapagbibigayaliw sa mga mambabasa o Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano
tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang panimula, malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng
nilalaman at wakas ng isang anekdota. kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong
iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo upang
5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong
tauhan laban sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang
kaniyang paligid. Ito’y nakapaloob sa nilalaman ng banghay. iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang bagay
6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ***
ay ang kasukdulan. Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay
natutukoy na ng mga mambabasa ang magiging wakas ng PAGLALAPI
kuwento. Ito’y nakapaloob din sa banghay.
Ang panlapi ay isang morpema o pantig na ikinakabit sa
7. Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo
problema ng pangunahing tauhan. Katulad ng pabula, sa ng salita. Sa pagdaragdag ng panlapi sa isang salita maaaring
wakas lamang nalalantad ang aral o kaisipan ng anekdota. mabago ang kayarian at kahulugan nito.
Ang wakas ng anekdota ay kadalasang nagtatapos sa isang
punchline ng pangunahing tauhan. 1. Panlaping makangalan- ikinakabit ang mga ito sa
salitang-ugat upang maging pangngalan.
8. Aral, Mensahe at Kaisipan - Mga kakintalang maiiwan sa
mambabasa matapos basahin ang anekdota. Halimbawa: -an, -han, -in, -hin, ka – an, mag-, tag-, taga-, at
-an/han.
***
2. Panlaping makadiwa- ikinakabit ang mga ito sa
KASANAYANG KOMUNIKATIBO salitang-ugat upang maging pandiwa.

Sa pagsulat ng anekdota o iba pang akda, mahalagang Halimbawa: um-, ma-, i-, mag-, ipa-, -um-, -in-, -in, -hin, -an, at
isaalang-alang ang sumusunod na kasanayang komunikatibo -han.
upang maging malinaw at mahusay ang paglalahad sa teksto:
3. Panlaping makauri - ikinakabit sa salitang-ugat upang
Gramatikal- ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa magbigay-katangian sa pangngalan at panghalip.
nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang
angkop na mga tuntuning panggramatika. Mahalagang batid Halimbawa: ma-, maka-, mala-, mapag-, mapang-, mapan-,
niya ang tuntuning panggramatika dahil magagamit ang mga mapam-, pala-, pang-, pan-, pam-, -an, -han, -in-, -in, -hin,
ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang ma-in, at ma-hin.
pagbigkas, pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa
salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung ano-anong
mga salita ang angkop at kung kailan sila nagagamit nang
tama sa pagsasalita o sa pakikipag-usap.
Pangalan:
Pangkat:

ARALIN 3: TULA
Pangalan:
Pangkat:

ARALIN 4-5: EPIKO

Isa ang wika o mga salitang ginamit upang matukoy ang estilo
ng manunulat. Kadalasan ay naglalagay ng mga mahihirap na
salita o ekspresyon ang manunulat upang lalong mapag-isip
ang mambabasa sa nakatagong kahulugan ng akda.

Ang damdamin ay pagpapakita o ang paglalabas ng


emosyon. Ito ay ang pansariling tugon sa isang bagay, tao o
pangyayari. Ito ang nararamdaman ng isang tao sa tuwing may
naririnig, nakikita o nalalaman na isang pangyayari.

Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o


Emosyon ng Isang Tao

Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad


ng matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na
damdamin o emosyon.

Halimbawa:

Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na


namang isinilang sa mundo.

Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng


isang magulang ang isang walang kamalay-malay na sanggol.

Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag-ama ay ang nagharap


sa isang pagtutunggali.

Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.

Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi


patayin ang bata. Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at
nakapag-isip ang pastol.

***

Ang pagbibigay-puna ay ang pagbibigay mungkahi ng isang


tao na may mataas ang kaalaman sa isang paksain.
Kadalasan ang puna ay nakabubuti sapagkat nalalaman natin
ang iba’t ibang mungkahi ng ibang tao.

Ang isang trailer ay isang komersyal na patalastas para sa


isang tampok na pelikula na ipapakita sa hinaharap sa isang
sinehan, ang resulta ng malikhaing at panteknikal na gawain.
Ito rin ay isang maikling patikim sa manonood sa kabuoang
pelikulang kanilang mapapanood. Dito ipinakikita ang
sunod-sunod na eksena sa pelikula na pinaikli upang bigyan
ang manonood ng preview sa nasabing pelikula. Ang pelikula,
na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Maaaring tawaging dulang pampelikula, motion picture,
theatrical film o photoplay. Ang mga pelikula ay sining na may
ilusyong optikal para sa mga manonood. Ang mga sangkap
nito ay mga larawan, aktor, kuwento, tunog, musika, iskrip,
sinematograpiya, disenyong pamproduksyon, visual
effects at direksyon.
Pangalan: Talumpati
Pangkat: Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay
makaakit o makahikayat ng mga nakikinig. Ito ay binubuo ng
panimula, katawan at katapusan.
ARALIN 6: SANAYSAY/TALUMPATI

Uri ng Analohiya Paglalahad ng Talumpati


Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang
1. Magkasingkahulugan (synonym)- ang pares ng salitang mananalumpati na magkaroon ng magandang personalidad,
pinagkumpara ay magkalapit ang kahulugan. Halimbawa: maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman
matumal : madalang sa paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas
at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng
2. Magkasalungat (antonym)- ang pares ng salitang mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay diin
pinagkumpara ay magkalayo ang kahulugan. at kaugnayan sa madla.
Anyo ng Talumpati
Halimbawa: matayog : mababa
a. Handa
3. Katawanin (partitive)- ang pares ng salitang b. Biglaan o Daglian (impromptu)
pinagkukumpara ay bahagi ng isang lupon o buong bahagi. c. Panandaliang talumpati (extemporaneous)

Halimbawa: saknong : tula :: gulong : kotse State of the Nation Address o SONA
Ang SONA ay kadalasang inuulat ng pangulo, ito ay
4. Sanhi at Bunga (cause and effect)- ang pares ng salitang nagsisilbing paraan upang ipagbigay-alam sa bansa tungkol sa
pinagkukumpara ay magkaugnay na nagpapakita ng sanhi at kaniyang kasalukuyang kalagayan sa ekonomiya, pulitika at
bunga ng isang pangyayari. lipunan. Kaparaanan din ito para sa pangulo upang ibuod ang
mga nagawa at pinaplano ng kaniyang pamahalaan kapuwa
Halimbawa: baha: pagkawasak ng mga bahay para sa isang partikular na taon at hanggang katapusan ng
kaniyang panunungkulan.
Sanaysay- isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong
tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga
bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga
mambabasa.

Paghahambing -Ito ay paraan ng paglalahad na nakatutulong


sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay
na pinaghahambing. Ginagamit kung naghahambing ng
dalawang antas o katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari
at iba pa.

Uri ng Paghahambing

1. Pagkakatulad
2. Pagkakaiba ]

Pagbibigay Reaksiyon

Ang pagbibigay reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng


pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o
kausap. Dapat lamang na maging magalang upang maiwasan
ang makasakit ng damdamin ng kapuwa.

Tuwirang Pahayag - Ito ang tawag sa pahayag ng mismong


nagsasalita o naglalahad ng mensahe o impormasyon. Ito ay
gumagamit ng bantas na panipi (“ ”) upang ipakita ang buong
sinabi ng nagsalita o nagpahayag.

Di-Tuwirang Pahayag - Ito ang tawag sa pahayag na nagmula


sa sinabi ng ibang tao.
Pangalan:
Pangkat:

ARALIN 7: NOBELA lumilinang ng nasabing tao. Ngunit naiiba naman ang pananaw
ni Cicero sa humanismo na sumulpot sa panahong
Pelikula Renacimiento sapagkat ang humanismo sa panahong ito ay
Ang pelikula ay isang larangang sinasakop ang mga isang sistema ng pananaw o paniniwala na laban sa teolohiya,
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang pilosopiya, sining at mga akda noong Kalagitnaang Panahon.
bahagi ng industriya ng libangan. Nililikha ang pelikula sa
pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao. Sa pananaw humanismo, walang higit na kawili-wiling paksa
kaysa sa tao. Kung pumasok man ang kalikasan sa
Sangkap ng Pelikula likhang-sining ay upang higit na maipakita ang mga katangian
ng tao
A. Tema- Ang paksa, diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula

B. Pamagat- Naghahatid ng mensahe ng pelikula at Pang-ugnay


pumupukaw ng pansin ng manonood. Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng relasyon o
kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap.
C. Tauhan- Ang mga nagbibigay-buhay sa kuwento ng
pelikula. Protagonista- Tauhang tinatawag na mabuti. Uri ng Pang-ugnay
Samakatuwid siya ang “Bida''. Antagonista- Kilala sa
katawagang kontrabida at kadalasang nagtataglay ng Pangatnig - Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay
negatibong katauhan. sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod
sa pangungusap.
D. Tagpuan- Lugar na pinangyarihan ng isang kuwento.
Halimbawa: at, pati, nang, bago, habang, upang, sakali, kaya,
E. Diyalogo- Mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kung, gayon at iba pa
kuwento. Sa pagsusuri ng pelikula isaalang-alang ang uri ng
wikang ginamit ng mga tauhan. Pang-angkop - Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. May tatlong pang-angkop sa Filipino, ang -na, -ng
F. Sinematograpiya- Ang sining ng pagkuha o pagrekord ng at -g. Ang -na ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay
eksena gamit ang kamera na isinasaalang-alang ang mahusay nagtatapos sa katinig maliban sa letrang n. Ang mga salitang
na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang magagandang nagtatapos sa letrang n ay ginagamitan ng pang-angkop na -g.
lokasyon o ang mga angkop na lugar para sa mga eksena ang Ang -ng ay idinurugtong sa salitang nagtatapos sa patinig.
siya ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula.
Isinalalarawan ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng ilaw, Pang-ukol - Ang mga tawag sa mga kataga o salitang
komposisyon, galaw at iba pa. nag-uugnay sa isang pangngalan at sa iba pang salita sa
pangungusap.
G. Musika- Ang nagpapalutang ng kahulugan ng tagpo o
damdamin. Halimbawa: ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay,
para sa/kay, alinsunod sa/kay, hinggil sa/kay at tungkol sa/kay.
H. Direksyon- Hinuhusgahan ang kabuoan ng pelikula dahil
sa husay ng direktor. Siya ang kapitan sa produksyon ng
pelikula. Ang utos at kumpas niya ang nasusunod sa shooting
at gayondin sa usaping teknikal, iskoring, sinematograpiya at
editing.

Teoryang Pampanitikan
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral
na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang
layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong
panitikan na ating binabasa.

Teoryang Humanismo
Ang humanismo ay tradisyong pampanitikang nagmula sa
Europa sa panahon ng Renaissance o Muling Pagsilang. Sa
panahong ito, nagtuon ang mga pilosopo at intelektuwal sa
pagpapahalaga sa tao. Sa kasalukuyang panahon, binibigyan
kahulugan ng International Humanist and Ethical Union ang
humanismo bilang isang dekmokratiko o etikal na katayuan na
nagpapatibay sa pananaw na ang taong ay may karapatan at
responsibilidad na bigyang-kahulugan ang kanyang sariling
buhay.

Sa panunuring pampanitikan, ang tradisyong humanismo ay


kumikilala sa kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya sa
kaniyang sariling tadhana. Ayon kay Cicero sa kaniyang On
the Orator, ang tunay na tao ay iyong humani, ang tao na
naging sibilisado sa pamamagitan ng angkop na pag-aaral ng
kultura. Humanitas o humanism ang tawag sa kulturang
Pangalan:
Pangkat:

ARALIN 8: PANANALIKSIK

BATIS NG IMPORMASYON
Ang batis ng impormasyon ay mga hanguan o sanggunian ng
mga impormasyong nakukuha ng mga nagsasaliksik,
nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa aspekto ng
edukasyon, pananaliksik at paggawa ng pormal na kasulatan.

Pangunahing sanggunian ang primaryang batis. Ang mga ito


ay ang bagay at mga tala na naglalaman ng impormasyong
galing mismo sa bagay o tao pinanggalingan nito.

Ang mga primaryang batis ay maaaring uriin sa dalawa:


nakasulat at ‘dinakasulat. Ang mga nakasulat na primaryang
batis ay mga dokumentong naglalaman ng mga ulat ng
kaganapan, tala, opinyon, pananaw, at damdamin ng
may-akda tulad ng talaarawan, awtobiograpiya, liham,
pahayagan, memoir, mga ulat, talumpati, opisyal na
dokumento, katitikan ng pulong at mga kasunduan.

Ang mga primaryang batis naman na inuuri bilang ‘di-nakasulat


ay yaong mga hindi matatagpuan sa anyong pasulat. Ito ay
mga bagay o gamit na naiwan ng isang kaganapan na naging
saksi sa mga pangyayari. Ito ay maaaring ginamit ng mga tao
sa isang partikular na panahon at mga ebidensya ng pag-iral
ng isang tao at pangyayari. Ilan sa mga ito ay artipakto, relikya,
kasaysayang oral at larawan o dibuho. Kabilang din dito ang
mga panayam at interbyu sa radyo at telebisyon.

Sa kabilang banda, ang mga sekondaryang batis naman ay


mga lathalain na nakaangkla sa mga tala at impormasyon
halaw sa primaryang batis. Binibigyangdiin dito ang
pagsangguni ng mga sekondaryang batis sa mga primaryang
batis bilang pinagmulan ng mga impormasyon. Ang mga aklat
tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-aklat o
yearbook, almanac at atlas; mga nalathalang artikulo sa
dyornal, magasin, pahayagan, at newsletter; mga tesis,
disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man o hindi;
mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito, flyers at iba pa
ang ilan sa mga halimbawa nito. Nakakatulong ang mga
sekondaryang batis upang makilala ng mga mananaliksik ang
mga primaryang batis. Nakadaragdag sa paunang kaalaman
ng mga mananaliksik ang pagkakilala nila sa mga
sekondaryang batis upang mas maunawaan ang nilalaman,
konteksto at naratibo ng mga primaryang batis.

Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak


at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos.
Itinuturing ito ngayong elektronikong sanggunian. Sa isang
pindot lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka
nang makukuha. Gamit ang hanguang elektroniko o internet,
abotkamay na ang paghahanap ng impormasyon.
Magkagayonman, kailangang isaalangalang ang maingat na
pagsusuri ng impormasyon upang maging tama ang pagsulat
ng nakakalap na datos

You might also like