You are on page 1of 12

DISKURSO

DISKURSO
✘ Ayon sa Diksyunaryong Ingles-
Filipino (1984), ito ay
nangangahulugang magsulat o
magsalita nang may katagalan o
kahabaan.
✘ Ayon naman sa Webster’s New World
Dictionary (1995), ito ay isang pormal
na pagtalakay sa isang paksa, pasulat
man o pasalita.
Dalawang Anyo ng Diskurso

1. Pasalita
2. Pasulat
Pasalitang Diskurso
✘ Sa diskursong ito ay karaniwang
magkaharap ang mga
participant kung kaya’t bukod sa
kahalagahan ng mga salitang
sinasambit, pinagtutuunan ng
bawat kasapi ang ibang
sangkap ng komunikasyon.
Pasulat na Diskurso
✘ Higit na pag-iingat ang isinasagawa
ng manunulat sa diskursong ito. Sa
sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang isinulat na
diskurso ay nakarating sa
tagatanggap at ito’y kanyang nabasa,
hindi na maaaring baguhin ng
manunulat ang kanyang mga naisulat.
Halaga ng Diskurso
✘ Ang pakikipagtalastasan ay
bahagi ng buhay ng bawat
isa. Tila hindi maaaring
matapos ang isang araw nang
hindi tayo nakikipag-usap sa
ating kapwa.
Paglinang
ng Ideya
A. Paksa
✘ Ayon kay Bernales (2006), ang imbensyon ay
isa sa limang pangunahing kategorya ng
retorika. Ang imbensyon ay salitang Latin na
nangangahulugang to find. Ang imbensyon ay
nakatuon sa kung ano ang sasabihin. Sa
simpleng salita, maaari rin itong tukuyin bilang
paksa. Sa bawat pakikipagtalastasan ,
nagsisimula ang lahat sa isang paksa. Ano
nga naman ang dahilan ng pakikipag-usap
kung wala namang pag-uusapan.
B. Layunin
✘ Karaniwan na ang
pamamaraan ng ating
pakikipag-ugnayan ay
nadidiktahan ng ating layunin
o nais makamtan sa
katapusan ng gawain.
C. Pagsasawika ng Ideya

✘ Ang ideya ay ang kaisipan ng


isang tao tungkol sa isang
paksa at ito ay mananatiling
kaisipan lamang hangga’t hindi
ito nalalapatan ng mga
kongkretong salita na siyang
magbibigay kabuuan dito.
D. Tagatanggap
✘ Sa isang diskurso o anumang proseso
ng pakikipagtalastasan, laging may
dalawa o higit pang bilang ng
participant. Laging mayroong
tagapaghatid at mayroong tagatanggap
bagamat’t hindi sarado ang kanilang
papel dahil ito ay nagkakapalitan
habang patuloy na dumadaloy ang
diskurso.
Apat na Batayang Uri ng Diskurso

✘ Paglalarawan/Deskriptib
✘ Pagsasalaysay/Naratib
✘ Paglalahad/Ekspositori
✘ Pangangatwiran/Argumentatib

You might also like