You are on page 1of 7

GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO


FILIPINO 3
Masining na Pagpapahayag

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO


5.1 Pagkakaiba ng pasalita sa pasulat na diskurso base sa punto de vista ng balangkas ng
teksto

5.2 Paglinang sa ideya


5.2.1 Paksa
5.2.2 Layunin
5.2.3 Pagsasawika ng ideya
5.2.4 Audience
5.3 Organisasyon ng diskursong pasalita o pasulat
5.3.1 Kaisahan
5.3.2 Ugnayan
5.3.2.1 lohika
5.3.2.2 panahon
5.3.2.3 espasyo
5.3.3 Tuon
5.3.3.1 posisyon
5.3.3.2 proporsyon
5.3.3.3 pag-uulit ng salita at tunog
5.4 Mga diskursong personal
5.4.1 talaarawan
5.4.2 jornal
5.4.3 awtobiyografiya
5.4.4 refleksyon
5.5 Mga diskursong ekspositori at argumentativ
5.5.1 komposisyon mula sa intervyu
5.5.2 komposisyong nagpapaliwanag ng kahulugan
5.5.3 artikulong pampamamahayag
5.5.4 artikulong may human interest

1
GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO


5.1 Pagkakaiba ng pasalita sa pasulat na diskurso base sa punto de vista ng balangkas ng teksto

PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO

(Punto de Vista/ Point of View)

PASULAT NA DISKURSO

}  Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan


ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

}  Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti  na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al.,
2002)

}  Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

}  Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.

2 paraan ng pagpapahayag o diskurso

1. Pasalita (verbal) – oral


2. Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra

2 uri ng pasalitang diskurso

1. Privado – sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)


2. Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita)

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

PASALITA

               SIKOLOHIKAL
-gawaing sosyal
-dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;
-may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at
-gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic

               LINGGWISTIKA
-maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita

2
GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO

-maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig
-napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
-nauulit ang anumang sinabi

KOGNITIBO

-ang pagsasalita ay madaling natatamo


-natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building)

-ang pagsasalin ng “inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang
madaling proseso

PASULAT

SIKOLOHIKAL

-gawaing mag-isa
-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa;

-maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang


ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na
ginagawa; at

-walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat
-kailangang panindigan kung ano ang naisulat

               LINGGWISTIKA
-kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa
mambabasa.
-mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.

               KOGNITIBO
-natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;
-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at

-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-
destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika)

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

}  Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay


tumutukoy sa pag-iisip.

}  Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

3
GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO

}  Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.

}   Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:

       1. Ano ang aking isusulat?

       2. Paano ko iyon isusulat?

       3. Sino ang babasa ng aking isusulat?

       4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?

}  Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

}  Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal
na proseso.

Dalawang dimensyon sa pagsulat:

1. Oral Dimensyon

 Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa  ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin
siya sa iyo.
 Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

2. Biswal na Dimensyon

 Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang
awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.
 Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat
upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib
at makamit ang layunin ng manunulat.

4
GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO


5.2 Paglinang sa ideya
5.2.1 Paksa
Sa isang diskurso ito ang pinakamahalagang ideya na sinusuportahan ng mga detalye. Ito
ang nagtatakda ng hangganan at landas na tutunguhin ng isang ideya. Maaaring ang
layunin ay manghikayat, manghamon, magpabatid, magmulat at iba pa. Batay na rin sa
mensahe na ihahatid sa target audience. Ang ideya ay kinakatawan ng mga simbolo,
salita at pangungusp hanggang sa makabuo ng konkretong kahulugan.

Ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat usapan kinakailangan ng paksa upang may pag-
usapan. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na nagsisilbing pokus ng
diwang sinasaad sa pandiwa 

5.2.2 Layunin
Ito ang nagtatakda ng hangganan at landas na tutunguhin ng isang ideya. Maaaring ang
layunin ay manghikayat, manghamon, magpabatid, magmulat at iba pa. Batay na rin sa
mensahe na ihahatid sa target audience.
Lahat ng ating ginagawa ay may kalakip na layunin. halimbawa: 1. Ang mga mag-aaral ay
naglalayong magkakaroon ng magandang bukas. 2. Ang mga guro ay naglalayong
makapagturo at makapaghubog ng isang mabuting mamamayan.
Kaya sa simpleng pakikipagusap natin sa ating kapwa ay maingat tayo sa pagpili ng ating
sasabihin sapagkat ayaw nating makasakit ng damdamin. At iyon ang ating layunin

5.2.3 Pagsasawika ng ideya


Ang pagsasawika ng ideya ay pinakamahirap na bahagi ng diskurso dahil minsan marami
tayong kaalaman na gusto natin ipahayag ngunit nahihirapan tayong isawika ito. Ang
ideya ay kinakatawan ng mga simbolo, salita at pangungusap hanggang sa makabuo ng
konkretong kahulugan.
Ang mahalagang kasangkapan dito ay ang natutunan sa wika. Dito malalaman kung
gaano katatas ang isang tao na maisawika niya ang kanyang ideya. 

5.2.4 Audience
Sa proseso ng pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita, ay may dalawa o higit pang
sangkot. Ito ay ang tagapaghatid ng mensahe at ang tagatanggap. Isinasaalang-alang ng
tagapaghatid ang tagatanggap dahil malalaman kung gaano kabisa ang tagatanggap.

Sa araw na ito ang grupo namin ay nag hati-hati sa mga sub paksa nang pantay-pantay
sa bawat miyembro . Ginawan namin ng buod ang bawat sub paksa at pinag-isa gamit
ang paggawa ng PowerPoint presentation. Nasa ibaba ang aming partial na ppt.

5
GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO


5.4 Mga diskursong personal
Nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat.Naglalaman ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay,
mga natutunan, natuklasan tungkol sa sarili, sa pagkatao at paglago bilang tao.Talaarawan, dyornal,
repleksyon at awtobiograpiya

5.4.1 talaarawan
Talaan ng pang-araw-araw na karanasan, personal na pangyayari Mga pinakatago-
tagong lihim o sekreto.Itinuturing na matalik na kaibigan.Nagsisilbing tagapag-aalala sa
mga kahapon o nakaraang pangyayari sa buhay.

5.4.2 jornal
Talaan din ng personal na pangyayari, inaasahan man o hindi na sinasagawa ng
regular.Hal.- pananaliksik- proyekto- mga imbakan ng ideya ( maikling kwento, sanaysay
at iba pa)

5.4.3 awtobiyografiya
Naglalaman ng mga impormasyong hinggil sa isang tao na siya rin ang
sumulat.Mababasa rito ang tungkol sa buhay ng sumulat.Ang susulat ng
awtobiyograpiya: kailangan nagsasabi ng katotohanan, personal na impormasyon sa
iyong sarili,

Nilalaman ng AwtobayograpiyaSino ka?Ano ang kahulugan ng buhay para sa iyo?Paano


mo makikita ang iyong buhay sa hinaharapKonklusyon

5.4.4 refleksyon
Tinatalakay sa sulating ito ang kasaysayn ng iyong pag-unlad, pagbabago at paglago.* sa
pagsulat maaari mong saguin ang:-ano ang nagdala sa iyo sa kalagayan mo ngayon?ano-
ano ang naging implikasyon nito sa iyo.Bakit ganito ang iyong pag-uugali at paniniwala?

Katangian ng Repleksyon:Sarili mo ang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon


ang iyong kaisipan, buhay, pinagdaanan, paniniwala at iba pa.Nagpapakita ito ng
kaugnayan ng teksto sa iyong buhay.Kinakailangan maging bahagi ng saggunian ang
lahat ng pinagkunan ng tekstong gagamitin sa pagsulat ng replekyon.Gumamit ng
panauhan sa buong pagsulat ng repleksyon.

6
GROUP 3

5. PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO: NILALAMAN AT ANYO


References:
https://pdfslide.net/documents/paglinang-ng-ideya.html?page=7
https://www.slideshare.net/ReggieBoyBeringuela/paglinang-ng-ideya
https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fprint
%2F&showPrintDialog=1
https://prezi.com/wglicgm_4gev/mga-diskursong-personal/?
frame=d8aff7066ea97879a36a5a5f2c13bb8b6032e0e8
https://dokumen.tips/documents/mga-diskursong-personal-56978a88d443d.html

You might also like