You are on page 1of 9

PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

Diskuro 7

Ano ang diskurso?


Diskuro ang tawag sa pagkakaroon ng makabuluhang palitan ng mga
pangungusap ng dalawa o higit pang tao.

Dalawang Paraan ng Pagpapahayag o Diskurso

1. Pasalitang Diskurso (Berbal) - Ito ay diskursong oral, ang masining na


pagpapahayag ng iyong ideya sa paggamit ng berbal na pamaraan.

Pasalitang diskurso sa iba’t ibang aspeto


Sikolohikal
• Gawaing sosyal
• Dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap
• May kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal
• Gumagamit ng mga hugyat o paralinguistic

Linggwistika
• Maaaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga
salita.
• Maaaring baguhin, ulitin at linawin ang nabitawang salita ayon sa reaksyon ng
tagapakinig.
• Napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag.
• Nauulit ang anumang sinabi.

Kognitibo
• Ang pagsasalita ay madaling natatamo- natututuhan sa isang prosesong natural na
tila walang hirap (ego-building).
• Ang pagsasalin ng “inner speech” ay isang madaling proseso.
Uri ng Pasalitang Diskurso
1. Pribado - Ang pribadong pasalita na diskurso ay ang pag palitan ng mga ideya sa
pagitan ng dalawa o higit pang tao na matatawag na “kumbersasyunal”. Ito ay
ginagawa na pasikreto sa pagitan ng mga nasa diskurso.

2. Pampubliko - Ang Pampublikong diskurso ay ang pagsasalita sa harap ng maraming


tao. Halimbawa nito ay ang pagrereport sa klase. Isa sa pinakamadaling halimbawa
dito ang dibate ng mga politiko.

Mga dapat Tandaan sa Pagsasalita


1. Mabigyang-aliw ang mga tagapakinig.
2. Maipaunawa ang impormasyon.
3. Mahikayat na baguhin ang dating paniniwala.

Konklusyon:
Ang pasalitang diskurso ay isang proseso na kung saan ang ideya o kaisipan ng
tao sa isang paksa ay isinasatitik. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang linggwistik
kompetens dahil dito masusukat ang kakayahan ng isang tagpapahayag sa kaniyang
wika.

2. Pasulat na Diskurso
 Bernales, et al., 2002
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao.Ito ay fisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

 Xing at Jin (1989)


Ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

 Keller (1985)
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
Pasulat na diskurso sa iba’t ibang aspeto
Sikolohikal
• Gawaing mag-isa-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa.
• Maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang
di-nakikitang awdyens o mambabasa.
• Walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat.
• Kailangang panindigan kung ano ang naisulat.

Linggwistika
• Kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw
ang dating sa mamababasa.
• Mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang
dapat na sundin.

Kognitibo
• Natutunan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pakatuto.
• Mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito.
• Karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang
gawaing ito’y ego-destructive lalo na kung ang sulatin ay sa ikalawang wika.

Sosyo-kognitibo
Sosyo – tumutukoy sa lipunan ng tao.
Kognitib – tumutukoy sa pag-iisip.
• Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal.
• Isang proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong.
Halimbawa:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
Dalawang Dimensyon ng Pagsulat
Oral Dimensyon
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat, masasabing
nakikinig na rin siya sa iyo.
Biswal na Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng
ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbolo.
Kailangang maisaalang-alang ang mga kaugany na tuntunin sa pagsulat upang ang
mga simbulong nakalimbag ay maging epektibo at makamit ang layunin ng manunulat.
Konklusyon:
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.
Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

Maikling Pagsusulit
Diskurso 7

Paksa: Pasalita at Pasulat na Diskurso


A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Makabuluhang palitan ng pangungusap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.
a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon

2. Ito ay diskursong oral, ang masining na pagpapahayag ng iyong ideya sa


paggamit ng berbal na pamaraan.
a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon
3. Isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
a. Diskurso
b. Pagsasalita
c. Pagsulat
d. Komunikasyon

4. Dito masusukat ang kakayahan ng isang tagapagpahayag sa kaniyang wika.


a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon

5. Pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon

6. Paraan ng diskurso kung saan nalilinang ang linggwistik kompetens ng


nagpapahaya.
a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon

7. Ito ay fisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.


a. Diskurso
b. Pagsasalita
c. Pagsulat
d. Komunikasyon

8. Ito ay isang proseso na kung saan ang ideya o kaisipan ng tao sa isang paksa ay
isinasatitik.
a. Diskurso
b. Pasalitang Diskurso
c. Pasulat na Diskurso
d. Komunikasyon

9. Ang _______ ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng


nagsasagawa nito.
a. Diskurso
b. Pasalita
c. Pagsulat
d. Komunikasyon

10. Ang ________ ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.


a. Diskurso
b. Pasalita
c. Pagsulat
d. Komunikasyon

11. Ayon sa pananaw na ito ang pasalitang diskurso ay gawaing sosyal dahil may
awdyens at may interaksyong nagaganap
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

12. Sa pananaw na ito maaaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling


konstruksyon ng mga salita
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

13. Sa _________ ang pasalitang diskurso ay maaaring baguhin, ulitin at linawin ang
nabitawang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig.
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

14. Ang pagsasalita ay madaling natatamo- natututuhan sa isang prosesong natural na


tila walang hirap (ego-building). Ito ay batay sa pananaw na?
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

15. Ayon sa pananaw na ______ ang pasalitang diskuros ay gumagamit ng mga


hugyat o paralinguistic
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

16. Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal.


a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

17. Ang pagsulat ay natututunan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at


pakatuto ayon sa?
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

18. Pananaw na ang pagsulat ay gawaing mag-isa-isang anyo ng pakikipagtalastasan


na ginagawa nang nag-iisa.
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

19. Sa _______ na pananaw, ang pagsulat ay may mas mahaba ang konstruksyon ng
mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

20. Maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang


di-nakikitang awdyens o mambabasa. Ito ay batay sa anong pananaw?
a. Sikolohikal
b. Linggwistika
c. Kognitib
d. Sosyo-Kognitib

21. Tuloy-tuloy sa pagsasalita si Juan kahit hindi na siya nauunawaan ng mga


tagapakinig. Ano ang nakalimutan ni Juan sa mga dapat tandaan sa pagsasalita?
a. Mabigyang-aliw ang mga tagapakinig.
b. Maipaunawa ang impormasyon
c. Mahikayat na baguhin ang dating paniniwala.
d. Magsalita ng mabagal
22. Si Ted ay nanguna sa isang seminar patungkol sa Covid 19. Maraming dumalo sa
seminar na ito kung saan siya mismo ang nagbahagi ng mga impormasyon sa mga
tao. Anong uri ng pasalitang diskurso ito?
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko

23. Palihim na nag-usap si Jun at Nik dahil ayaw nilang marinig ng iba ang kanilang
kombersasyon. Ito ay sumasalamin sa?
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko

24. Sumailalim sa isang interbyu ang fresh-graduate na si Jack para sa trabahong


inaplayan nito bilang IT technician sa isang kompanya. Tanging siya lamang at
ang nag-iinterbyu ang nasa loob ng silid para sa pag-uusap na iyon. Ang
sitwasyon ay halimbawa ng _______ na diskurso.
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko

25. Ang mga kandidato bilang presidente sa darating na eleksyon ay nagharap para sa
isang debata upang ilatag at ipagtanggol ang mga plataporma. Ito ay isang
halimbawa ng?
a. Pang-organisasyon
b. Pribado
c. Seminar
d. Pampubliko

26-28. Alin sa mga sumusunod ang naiiba.

26. a. graduation speech


b. meeting di abanse
c. debate
d. interbyu

27. a. pag-uusap ng mag-asawa


b. pag-uulat sa klase
c. exclusive interbyu
d. oral recitation
28. a. liham sa magulang
b. written report
c. anunsyo sa radio
d. post sa facebook

29. Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng


ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na
simbolo.
a. Oral dimension
b. Biswal na dimension
c. Pormal na dimension
d. Di-pormal na dimension

30. Dimensyong nagsasabing kapag ang indibidwal ay nagbabasa ng isang teksto ay


nakikinig na rin ito sa nagsulat.
a. Oral dimension
b. Biswal na dimension
c. Pormal na dimension
d. Di-pormal na dimension

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ipaliwanag ang pahayag na ito, “Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang
tekstong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.”

2. Magbigay ng advantages at disadvantages ng pasulat at pasalitang diskuro.

You might also like