You are on page 1of 5

Kabanata 1 - Kay Selya

Ang araling ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng isang dalisay na


pag ibig. Itoytungkol sa unang pag-ibig ng may-akda na si Francisco Balagtas
Baltazar kay Maria Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya. Sa tuwi-tuwina tanging
si Selya lamang ang laman ng iisip niya. Iniisip ng may-akda ang mga masasayang
nangyari sa kanila ni Selya, gaya ng walang hanggang pagmamahalan nila sa isat isa,
ang larawan ni Selya na guhit sa sintang pinsel na ito raw ay inilimbag ng kanyang
pusot panimdim na kahit kailan ay hindi mananakaw sa kany at ang mga
masasayang pangyayari sa ilog Beata. Nang matauhan siya sa kanyang pagiisip napaiyak siya dahil sa labis na kalungkutan. Natatakot siya na baka
makalimutan siya ni Selya. Marami siyang tanong sa kanyang sarili na si Selya lamang
ang makakasagot nito at naisip rin niya ang mga masasayang nimfas sa ilog ng Bai at
ang mga sirena na ang mga tinig ay magaganda. Noong sila ay nagkahiwalay, mas
ginusto niyang mamatay na lamang. Ito rin ang dahilan kung bakit nasulat niya ang
tulang ito. Sinabi ni Francisco na kahit sumakabilangbuhay na siya hinahangad parin
niya na ang tapat na pag-ibig ay tumagal. Tinagurian niyang M.A.R. at tinawag na
Selya ang kanyang unang pag-ibig.

Kabanata 2 Sa Babasa Nito


Ang araling ito ay nagbibilin at nagpapasalamat sa mga mambabasa niya ng
kanyang obra. Nagpapasalamat siya kay Selya kung babasahin niya ang kanyang
gawa at pahahalagahan ang kanyang pagod. Lubos ang kanyang pagpapasalamat sa
mga taong pahahalagahan at magkakaroon ng interes sa kanyang obra. Tinitiyak niya
sa mga mambabasa na ang kanyang obra ay punong-puno ng aral at mailalapat sa
tunay na buhay kahit pahindi ganoon kahusay ang kanyang pagkakagawa ng awit.
Mahigpit ang kanyang bilin sa mga mambabasa na huwag babaguhin ang
kanyang akda. May ginawa siyang talababa para sa mga terminolohiyang mahirap
maunawaan ng mambabasa. Ito ang siyang magbibigay-linaw sa mga salitang may
kalaliman at salitang hindi pamilyar. Tanggap niya na marami sa mga mambabasa na
maaaring hindi maganda sa unang basa ito, ngunit makikita ang tunay na kagandahan
ng akda sa intelektwal na pagbasa nito.
Ayaw niyang matulad kay Segismundo na isa ring manunulat na parating
binabago ang kanyang obra sa tuwing may pupuna rito. Bukas siyang sa mga puna
ngunit hindi mababago nito ang kanyang gawa.

Kabanata 3 : Albanya: Isang Gubat na Mapanglaw


Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatang lalaki na
nakagapos sa isang puno. Inilarawan ang gubat bilang isang madilim dahil hindi
makapasok ang sinag ng araw dahil sa mga malalaking puno gaya ng higera at sipres
na walang bungat ang dahon ay malapad. Puno ng lungkot ang mararamdaman sa
loob ng gubat na kahit huni ng ibon ay walang maririnig. Ang mga baging naman na

namimilipit sa sanga ng kahoy ay puno ng tinik, may bulo ang mga bunga nito na
nagbibigay-sakit kapag itoy kinain. Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay
nakikiayon sa nakakahilong mabahong amoy ng gubat at karamihan sa mga
hayop na gumagala rito ay syerpente at tigre na may masasamang loob. Ang
gubat na ito ay malapit sa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni Pluto na
inilarawan bilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain
aydinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag ang tubig.
Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sa puno ng
higera, inilarawan siya bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindig kahit
nakatali na ang kamay, paat liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilikmatat kilay ay parang isang arko, ang kanyang buhok ay kulay ginto na bumagay sa
kanyang makisig na katawan. Nanghihinayang ang may-akda sa kawalan ng ordeas
nimfas upang maawa sa kanya at tulungan siya. Ngunit ang mga naroon ay mga
harpias na nagdaragdag ng kalungkutat pagdurusa sa binatang lalaki.
Kinausap ng binatang lalaki ang Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal. Ang
kanyang mga hinaing ay tungkol sa mga taong masasama at mabubuti ang l o o b n a
n a k a t i r a s a A l b a n y a a t t u n g k o l s a i b a n g b a n d i l a n a i w i n a w a g ay w ay s a
A l b a n y a . Tinanong niya ang Diyos kung bakit ang mga masasamang tao ang
nakakaranas ng tagumpay at ang mga mabubuting tao naman ang nakakaranas ng
kamalasan. Sa galit ng binatang lalaki, nasisi niya ang Diyos sa lahat ng mga
nangyayari sa Albanya, kung bakit raw ito pinababayaang mangyari. Alam niya
na ang nais ni Konde Adlofo ay ang korona ni Haring Linseo at sabugan ng sama ang
Albanya. Kaya naman hiniling niya mula sa makapangyarihang kamay ng
Diyos na itapon ang kanyang galit sa mga taong may masasamang loob na nakatira sa
Albanya at natanong rin niya kung bakit raw bingi ang kalangitan sa kanyang mga
sinasabi at kung bakit hindi siya makaranas ng tagumpay sa buhay. Sinabi ni niya sa
Diyos na kung gusto niya talaga na siyay magdusa may hihilingin lamang siyang
isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na mayroon pa siyang nagmamahal sa
kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa.

Kabanata 4: Taksil na Bayan, Taksil na Kasintahan


Si Laura na lamang ang tanging taong natitira sa binatang lalaki. Siya ang
nagbibigay ng lakas sa gitna ng nararanasang hirap. Ngunit sa kasamaang palad,
nasa ibang kandungan na ito. Ipinagpalit siya ng babaeng mahal niya kay Konde
Adolfo. Nalungkot siya nang maalala ito. Nahimatay ang binatang lalaki dahil sa
sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng
sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak
na maaawa ito. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libulibong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit
raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat namanang kanyang hangarin at
sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa k a n y a n g
p a g - i b i g k ay a ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya
napagtataksilan siya ni Laura. Dagdag pa nito, kung gaano kaganda si Laura ay siya
namang kapangit ang ginawa nitong panloloko sa kanya.

Kabanata 5: Matamis na Alaala


Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ng binatang lalaki kay Laura! Ang
sabi niya ay katiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi raw niya akalain na sasayangin
lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya
nito ng giliw dahil ang binatang lalaki ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni
Laura. Kapag umaalis o inuutusan ang binatang lalaki ni Haring Linseo na pumunta sa
ibang siyudad ay umiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang plumahe niya ay
parang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan ang binatang
lalaki sa pakikipaglaban, ang balutit koleto ay hindi pinapayagan ni Laura na
madampit malapit sa katawan ng binatang lalaki hanggat hindi niya nasisigurong
wala na itong kalawang, pinahihiyasan ni Laura ang turbante nito ng perlas, topasyot
maningning na rubi, kapag hindi pa dumarating ang binatang lalaki galing sa ibang
siyudad o kahit saan ay hindi mapalagay si Laura dahil akala ni Laura na nasugatan
siya at kung may galos lang siya sa balat ay labis na ang pag-aalala ni Laura rito at
hindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi pa niya ito nasusuri.

Kabanata 6: Masaklap na Katotohanan


Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ng binatang lalaki habang siyay nakatali sa puno.
Kinausap niya sa kanyang isipan si Laura na kailangang kailangan niya ito sa oras ng kanyang
paghihirap. Kailangang kailangan niya ang pag-aalala nito at pag-aasikaso sa kanya tuwing siya
ay aalis upang makipaglaban. Ngunit naalala na naman niya na wala na si Laura at hindi na iito
babalik sa kanya dahil ipinagpalit na siya kay Konde Adolfo. Dahil dito lalong nadagdagan ang
kanyang matinding kalungkutang nararamdaman. Dahil dito, kinausap niya sa kanyang isipan si
Konde Adolfo sa kanyang pag-iisa at at ipinahayag na matitiis niya ang paghihirap nito ngunit
hindi ang pag-aagaw nito sa kanyang mahal. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya
sa binatang lalaki ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay
umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na
nararamdaman ay nahimatay. Nagmistulang bangkay na ito dahil bukod sa nakayukayok ito sa
pagkakatali at maputlang maputla ito.
Nagkataon sa lugar ding iyon, may isang matikas na Morong gerero ang dumating.

Kabanata 7: Ang Isa Pang Sawi


Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na pumunta sa gubat upang
makalimutan ang masasakit na nangyari tungkol sa kanyang pag-ibig. Huminto siya sa kanyang
paglalakad at tumingin siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan at may
nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy at doon siyay umiyak,
ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa
kanan. Tumagilid siya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at sinabi niya na ang
tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahil inagaw na ito ng kanyang ama.
Ang sabi pa niya kung hindi raw ang kanyang ama ang umagaw kay Flerida malamang
nakikipaglaban na siya ngayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit sa di sinasadyang

pagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang at inihambing pa siya kay
Marte. Sinabi rin niya na talagang makapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit anong panganib
ang makakaharap, itoy hahamakin para lamang sa minamahal. Nang maalala ang masakit na
sinapit, napaiyak siyang muli.
Sa labis na kalungkutang nadarama, nagulat siya nang may marinig siyang dumaraing
ngunit sa kanyang pagbaling-baling sa gubat ay bigo niya itong makita.

Kabanata 8: Ang Kamatayan ng Isang Ama


Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang-awang pinatay ang ama ng binatang
lalaki at narinig ito ng gerero habang isinasalaysay niya ito. Nang makarinig ang gerero ng iyak
ng binatang lalaki, siyay namangha kaya naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang
boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya ang
binatang lalaki na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang
kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni nito ang mga kaibigan ng kanyang ama ay nahati
sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti ngunit walang
magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil maparurusahan lamang sila
kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng
maayos na libing at sabi pa ng binatang lalaki na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan
siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na
higit pa sa halimaw ang ugali. Para kay binatang lalaki, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil
kahit sa huling sandali ng buhay nito, ang kapakanan pa rin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi
ng binatang lalaki na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang
nararamdaman ay nawala sa kanya.
Nang mapakinggan ng Morong gerero ang mga daing ng binatang lalaki ay agad
niyang naisip ang kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parang ikinukumpara
ng Moro ang kanyang ama sa ama ng binatang lalaki kung paano ito mag-aruga ng
isang anak. Ang ama ng Morong gerero ay kilala niya bilang isang sakim at
makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at nais ng kanyang ama na
lumubog siya sa dusa at siyay mamatay. Namatay ang kanyang ina ng siyay
isinilang kaya naman ang kanyang ama na lang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang
pagpapalaki nito ay pawi ng dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.
Nang matauhan ang Morong gerero sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya
ang muling pananambitan ng binatang lalaki at itoy tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at
sinabi niyang kahit siyay sumakabilang buhay na mamahalin niya pa rin si Laura. Hindi pa
natapos ng binatang lalaki ang pangungusap na ito ay may dalawang leong papunta sa kanya at
ng nasa harapan na niya ito, itoy tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan.

Kabanata 9: Huling Paalam ni Florante


Nagpaalam sa Albanyang pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng
kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang
bayan ng Albanya. Tapat siyang naglingkod sa kanyang bayan, ipinagtanggol niya ito sa mga
nagnanais na sumakop dito sukdulang ikamatay niya ito. Sa kabila ng lahat ng ito
nagpapasalamat pa rin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging
kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya. Nagpaalam siya kina Laura at

Adolfo na parehong nagtaksil sa kanya. Sigurado siyang sa mga oras na iyon ay tuwang tuwa
ang dalawa dahil sa kanyang nalalapit na kamatayan kung kayat tumindi lalo ang kanyang
nararamdamang kalungkutan. Hinihiling niya kay Laura na kung sakaling iiyak ito, huwag niyang
iyakan ang kanyang pagkamatay kundi ang kanyang pag-ibig na binigo.
Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi
kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si Florante
dahil hindi na niya nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat
ng pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung nasaan
nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan nandoon si
Florante ay nakita niya ang matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa
awa. Nais ng silain ng mga leon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya ng taga
ang dalawang mababangis na leon at namatay ito.

Kabanata 10: Sa Kuko ng mga Leon


Nang magtagumpay ang Morong gerero sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya
kaagad si Florante at siyay umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ng Morong gerero ang
dugo na nunukal sa katawan dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa nito ay inalalayan
niya si Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ng Morong gerero kay Florante
habang itoy natutulog, doon lamang napansin na makisig at may hitsura ito. Si Florante ay
biglang gumising at hinahanap si Laura at maya-maya bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot ang
Morong gerero na gisingin at tanungin ng mga bagay-bagay si Florante kaya pinabayaan niya na
lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pangMoro at siyay nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan dito ngunit hindi niya ito
nagawa dahil mahinang mahina pa siya kung kayat nagalit na lamang siya sa pagtulong sa
kanya. Sinabi nito kay Florante na ang bayat sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring
ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod
rin sa utos o batas ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si
Florante at sinisi niya ang Morong gerero kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon
ay payapa na ang kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante
na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni
Florante.

You might also like