You are on page 1of 2

BUOD ng FLORANTE at LAURA

Aralin 1
Ang Florante at Laura ay isang awit na isinalaysay ng sikat na manunulat na
si Francisco Balagtas. Maituturing na isa sa mga Literaturang Pilipino ang Florante
at Laura. Ang pagkasulat nito ay inaalay niya sa kaniyang minahal na si Maria
Asuncion Rivera na siyang tinutukoy bilang Selya.
Mababasa sa mga saknong na ito ang pagbabalik tanaw ni Balagtas kay
“Selya”, ang babaeng minahal niya nang labis subalit naging dahilan din ng
pinakamalaki niyang kabiguan sa pag-ibig. Inaalala niya rito ang matatamis na
sandali ng kanilang pag-iibigan, subalit tulad ng isang awit ay nagwakas at ang
tanging naiwan ay mapapait na alaala ng bigong pag-ibig. Sa tindi ng sakit ay halos
ninais ni Balagtas na mawala na rin sa mundo nang sila’y maghiwalay. Subalit ang
kabiguang ito ay siya ring nagbigay inspirasyon sa kanya upang malikha ang
kaniyang walang kamatayang obra maestro, ang Florante at Laura.
Inalala ni Balagtas ang naudlot nilang pagmamahalan ng kanyang mahal na
si Selya. Siya ay nababahala na baka nakalimutan na siya nito maging ang mga
alaala ng kanilang pagsasama. Ang pagkalimot na iyon ay ang nagdala sa kanyang
kapalaran sa lubhang kalungkutan. Sa pag-aakalang tuluyan ng nakalimot si Selya,
siya ay nangulila sa pagmamahal at nagdusa.
Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa
nakaraan at sa mukha ni Selya upang mabawasan ng kahit na konti ang kanyang
kalungkutan. Iginuhit niya ang magandang mukha ni Selya, ang larawan na iyon
ang tanging alaala niya. Inaalala din niya ang kanilang mga ginagawa nung sila ay
magkasintahan pa katulad ng mga pangyayari sa ilog ng Beata at Hilom. Ang puno
ng mangga na gustong pitasan si Selya ay isa sa masasayang pangyayari ng
kanilang pag-iibigan. At ang dagat na kanilang pinagliliguan na dinadayo nila ito ng
maaga upang hindi maabutan ng alat ng dagat.
BUOD ng FLORANTE at LAURA
Aralin 2
Maririnig kay Florante ang mga hinagpis at pagtangis dahil sa pagkagaping
nangyari sa kaniya at mga paghihirap ng kaniyang minamahal na Albanya dahil sa
pananakop ng taksil at masamang si Konde Adolfo. Nawawalan na siya ng pag-asa
at maging sa Diyos ay nakapagpapahayag siya ng hinanakit sa pag – aakalang
siya’y pinabayaan na. Subalit sa huli’y napag – isip – isip niyang idaan sa
panalangin ang kaawa – awa niyang kalagayan.
Handang tiisin ni Florante ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng
puso ni Laura. Sa gitna ng kahirapan ni Florante, ang ala-ala ni Laura ang
bumubuhay sa kanya. Matutuwa si Florante nang lubos basta isipin siya ni Laura.
Yun nga lang, nalulungkot siya nang lubos gawa ng pagtataksil. Iniisip ni Florante
na patay na siyang nakagapos dun sa puno. Kung hanapin ni Florante sa kanyang
isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila ni Laura, yung mga dati niyang luha sa
bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan ang kanyang kahirapan. Sabi ni
Florante para saan pa ang pag-ibig, ngayon na tahimik na si Laura at may kasama
nang iba.
Gusto nang mamatay ni Florante dahil naiisip niya na magkayakap sina
Konde Adolfo at Laura. Hinimatay si Florante. Makikita sa buong katawan ni
Florante ang mga marka ng pagpapahirap. At kapag nakita si Florante ng
pinakamarahas na magpaparusa, maawa yun sa itsura ni Florante. Kahit yung
taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, maiiyak muli kung makita nila si Florante.
Malalim na awa ang mararamdaman ninumang makarinig sa mga daing at tunog na
galing kay Florante. Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang
sumasagot lang sa kanya ay ang mga alingawngaw. Tinatanong ni Florante sa
hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan. Sinusumbat ni
Florante kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Naging tulala si
Florante. Hindi niya naiisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na
darating ang araw na magtataksil sa kanya si Laura.

You might also like