You are on page 1of 6

Si Benigno Aquino III ay isinilang noong 8 Pebrero 1960.

Siya ay isa sa limang mga


anak ni Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac sa panahong iyon, at Corazon
Aquino. Siya ay may apat na kapatid na babae: Maria Elena ( "Ballsy"), Aurora Corazon
( "Pinky"), Victoria Eliza ( "Viel"), at Kristina Bernadette ( "Kris").

Nag-aral si Noynoy sa Pamantasang Ateneo de Manila University para sa kanyang


elementarya, mataas na paaralan, at kolehiyo, na nagtapos noong 1981 na may Bachelor
of Arts degree sa Economics. Pagkatapos ng kolehiyo, siya ay sumali sa kanyang pamilya
sa Boston sa pagkakatapon.

Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagkapatay sa kanyang ama, si Noynoy
ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng panunungkulan bilang isang miyembro ng
Philippine Business for Social Progress. Mula 1985-1986, siya ay retail sales supervisor
at youth promotions assistant para sa Nike Philippines at naging isang assistant for
advertising and promotions din para sa Mondragon Philippines. Noong 1986, siya ay
sumali sa Intra-Strata Assurance Corp bilang bise-presidente ng korporasyon na pag-aari
din ng kanilang pamilya.

Noong Agosto 28, 1987, habang labing-walong buwan sa pagkapangulo ang inang si
Cory, isang hindi matagumpay na pagtatangkang kubkubin ang Malacañang Palace ang
naganap. Pinamunuan ito ni Gregorio Honasan. Si Noynoy ay dalawang bloke lamang
mula sa palasyo nang sumiklab ang isang sunog. Tatlo sa apat niyang security escorts ay
napatay at ang ikaapat ay nasugatan sa pagpoprotekta sa kanya. Si Noynoy man ay
natamaan din ng limang bala, kung saan ang isa ay naka-embed pa rin sa kanyang leeg.

Mula 1986-1993, si Noynoy ay Vice President at ingat-yaman para sa Best Security


Agency Corporation, isang kumpanya na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Anolin Oreta.
Nagtrabaho din siya para sa Central Azucarera de Tarlac noong 1993, ang kompanyang
pag-aari ng angkang Cojuangco.

Nagsimula siya bilang executive assistant for Si Eugenio "Eugene" Torre


(ipinanganak noong Nobyembre 4, 1951) ay isang pandaigdigang granmaestro sa
larangan ng ahedres. Itinuturing siya bilang pinakamatibayna manlalaro ng ahedres mula
sa Pilipinas noong mga dekada ng 1980 at ng 1990, pagkaraan ng mga kampeong sina
Ramon Lontoc, Renato Naranja, Rodolfo Tan Cardoso, at ng namayapa nang si Rosendo
Balinas, Jr noong kapanahunang Fischer. Sa kasalukuyan, si Wesley So ang pangunahing
manlalaro ng ahedres ng Pilipinas.

Naging natatangi si Torre dahil sa pagiging unang manlalarong Asyanong


nakakamit ng pamagat na Pandaigdigang Granmaestro. Nakakuha na kuwalipikasyon si
Torre para sa Labanan ng mga Kandidato para sa Pandaigdigang Kampeonato ng
Ahedres noong 1984. Sa paunang eksenang ito, naglalaban ang mga magkakatunggali
upang malaman kung sino ang hahamon o lalaban sa kampeong pangdaigdig. Natanggal
si Torre nang matalo siya ni Zoltan Ribli dahil sa puntos na 6-4.

Kaibigan si Torre ni Bobby Fischer. Naghahanapbuhay siya para sa pangkat ni


Fischer noong panahon ng kanyang muling paglaban kay Boris Spassky noong 1992 sa
Yugoslabya. Sa paglaon, nagkaroon si Torre ng mga panayam sa radyong Pilipino na
kasama si Bobby Fischer. Patuloy na masiglang naglalaro si Torre para sa mga lokal at
pandaigdigang mga turnamento
Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga ay mas kilala bilang Lea Salonga.
Ipinanganak siya noong 22 Pebrero 1971. Una siyang nakilala sa The King and I ng
Repertory Philippines noong siya'y pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung
taon, inirekord ni Lea ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging
mabango ng kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas.
Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling gumanap
bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989.

Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong tagapaggawad ng


parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na nagkamit ng Laurence Olivier,
Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang Theatre World Award para sa natatangi
niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine, isang
batang ulila sa Broadway production na Les Misérables. Si Lea rin ang umawit ng A
Whole New World sa pelikulang Aladdin sa boses ni Princess Jasmine at Fa Mulan para
sa Mulan at Mulan II noong 1998 at 2004. Ang tagumpay ni Lea sa Pilipinas at sa iba
pang mga bansa ang siyang nagbukas ng oportunidad sa iba pang Filipino entertainers
upang makilala at kinalaunan ay nag-alay din ng karangalan sa ating bansa.
Efren Peñaflorida jr | Sikat na Pinoy CNN Hero

Si Efren “kuya” geronimo na si Efren Peñaflorida Jr. ay isang sikat na pinoy CNN
hero ipinanganak noong Marso 5 taon 1981 isang 27 taong gulang na guro sa Pilipinas.
Siya ay pinangalanang “CNN Hero ng Taon” sa taon 2009 para sa kanyang natitirang
pagtataguyod ng edukasyon sa mga Filipino sa labas ng paaralan sa kabataan sa
pamamagitan ng “kariton ng klase.” Siya ay itinatag ng Dynamic Teen Company (DTC)
na nasa edad ng 16 taong gulang. Siya na ngayon ay gumaganap na isang lokal na
pribadong paaralan sa panahon ng linggo at magpapatuloy sa kanyang trabaho sa DTC
tuwing Sabado.

Si Efren Peñaflorida jr. ay isinilang sa gitna ng mga anak ni Efren Peñaflorida Sr,
nq isang traysikel driver, at Lucila Geronimo, na isang maybahay. Isang pamilya sa huli
na nagsimula nang isang maliit na negosyo na pansit upang gumawa ng mga dulo ng
pangangailangan ay matugunan. Si Efren Peñaflorida jr. ay nakatira sa isang urban na
pook ng mga dukha na malapit sa isang bukas na tambakan ng basura sa site sa Cavite
City, na naglalaro sa gitna ng basura at nag swimming sa polluted na tubig. Si Efren
Peñaflorida jr. ay madalas na mahulog at maging biktima sa lugar na pang-aapi. Si Efren
f1aflorida ay isa sa World Vision’s sponsored-anak sa panahon ng kanyang unang bahagi
ng pagkabata.
Ipinanganak si Fernando Poe,JR noong Agosto 20, 1939 sa Lungsod ng San
Carlos, Pangasinan, Pilipinas, kina Fernando Poe, Sr., isang ring aktor, at Elizabeth
Gatbonton Kelley na taga Candaba, Pampanga na may Amerikanong magulang.[1] Ang
orihinal na apelyido ng pamilya ay binaybay na Pou, mula sa kanyang mandudulang lolo
na si Lorenzo Pou, isang Katalan mula sa Mallorca, na namuhay sa Pilipinas upang
magnegosyo.

Pinakasalan niya ang aktres na si Susan Roces noong Disyembre 1968 sa isang
seremonyang sibil. Ikinasal din sila sa simbahang Katoliko at sina Ferdinand Marcos at
Imelda Marcos (na Pangulo at Unang Ginang ng Pilipinas noong mga panahon

Ipinanganak si Fernando Poe,JR noong Agosto 20, 1939 sa Lungsod ng San


Carlos, Pangasinan, Pilipinas, kina Fernando Poe, Sr., isang ring aktor, at Elizabeth
Gatbonton Kelley na taga Candaba, Pampanga na may Amerikanong magulang.[1] Ang
orihinal na apelyido ng pamilya ay binaybay na Pou, mula sa kanyang mandudulang lolo
na si Lorenzo Pou, isang Katalan mula sa Mallorca, na namuhay sa Pilipinas upang
magnegosyo.
Pinakasalan niya ang aktres na si Susan Roces noong Disyembre 1968 sa isang
seremonyang sibil. Ikinasal din sila sa simbahang Katoliko at sina Ferdinand Marcos at
Imelda Marcos (na Pangulo at Unang Ginang ng Pilipinas noong mga panahon na iyon)
ang mga naging ninong at ninang. Si Mary Grace lamang ang kanilang anak na ampon.

Bagaman, isang kilalang tao si Poe, hindi siya gaanong bukas sa kanyang
pansariling buhay. Bagaman, noong Pebrero 2004, inamin ni Poe na mayroon siyang
anak sa ibang babae. Si Ronian, o Ron Allan ay anak ni Poe kay Anna Marin na dating
aktres. Nang kalaunan din, inihayag na mayroon din siyang anak sa dating modelo na si
Rowena Moran na si Lovi, na naging artista na rin.

Una siyang gumanap bilang Palaris sa Anak ni Palaris sa ilalim ng Deegar


Cinema Inc. noong 1955 noong siya ay 16 taong gulang. Hindi ganoon kabilis ay
kanyang pagsikat at sumama siya sa ilang pelikulang hindi siya ang bida tulad ng
Simaron ng Everlasting Pictures, Babaing Mandarambong ng Everlasting Pictures at ang
kauna-unahang Lo-Waist Gang na pawang taong 1956.

Isa siyang produkto ng Premiere Production kung kaya't ginawa niya ang mga
pelikulang Bicol Express, Pepeng Kaliwete, May Pasikat Ba sa Kano?, Atrebida, Laban
sa Lahat at marami pang iba, samantalang ang mga pelikulang Kamay ni Cain, Tipin,
Obra-Maestra naman ang ginawa niya sa People's Pictures.

You might also like