You are on page 1of 2

Lino Brocka

Ipinanganak sa Pilar, Sorsogon noong 7 Abril 1939, at supling nina Regino Brocka at Pilar Ortiz.
Nang mamatay ang kanyang ama, lumipat sila sa tirahan ng kanyang ina sa San Jose, Nueva Ecija.
Mula sa kanyang pagkabata ay nagsimula na ang kanyang pagkahilig sa sining nang mag-aral siya
at maging isa sa pinakamahusay pagdating sa pagtula sa kanilang lugar. Mula rito ay naisipan
niyang bumuo ng isang organisasyon na aarte at magtatanghal sa kanilang komunidad.
Nang kumuha siya ng Batsyiler ng Sining sa Pantitikang Inggles sa Pamantasan ng Pilipinas,
naging aktibo pa rin siya sa pag-arte ng sumali siya sa Pangkat Dramatiko ng UP. Ngunit nahirapan
siyang makakuha ng mga gaganapin dahil na rin sa kanyang pagsasalita at sa punto at sa kanyang
kaliitan. Kaya naman para manatili pa rin sa samahang ito, nagpaubaya na siya at pinili na lamang
na asikasuhin ang pag-aayos sa pagtatanghalan at pati na rin ang pag-iilaw. Pagkatapos nito,
naging misyonaryo siya sa Mormon sa loob ng dalawang taon at namalagi sa Hawaii.

Mga Pelikula:
Jaguar -1979
Ina ka ng anak mo-1979
Angela Mercado-1980
Bayan ko: Kapit sa patalim -1984
Ano ang kulay ng mukha ng Diyos-1985
Hahamakin ang lahat-1990
Sa kabila ng lahat-1991

You might also like