You are on page 1of 14

Kabanata II

KABATAAN SA CALAMBA

BUHAY AT GAWA NI RIZAL


MGA ALA-ALA NG KAMUSMUSAN

1. Panonood ng mga ibon.


2. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.
3. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa aswang, nuno, at tikbalang.
4. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha.
5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.
6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng
Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.
7. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.
MGA TALENTO SA PANAHON
KAMUSMUSAN

1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.


2. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).
3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng
pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika.
4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at
ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
1. MGA IMPLUWENSYA KAY RIZAL

1. Namana
1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa
paglalakbay, at katapangan.
2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan,
at pagmamahal sa mga bata.
3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa
insulto.
4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang
pag-iisip.
5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan
2. KAPALIGIRAN
1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at
literatura.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa
kalayaan at katarungan.
3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.
4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga
kuwentong bayan at mga alamat.
5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:
* Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.
* Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.
* Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.
6. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip

You might also like