You are on page 1of 15

TALAMBUHAY NG ATING PAMBANSANG BAYANI

I. Pangalan
A. Buong Pangalan – Jose (deboto ng ina si San Jose) Protacio (ka-birthday na Santo) Rizal
Mercado y Alonso Realonda Rizal
B. Palayaw – PEPE
II. Kapanganakan
A. Petsa – Hunyo 19, 1861, araw ng miyerkules, 11-12 pm, kabilugan ng buwan
B. Lugar – Calamba, Laguna
C. Bininyagan
1. Petsa – Hunyo 22, 1861
2. Lugar – Calamba
3. Pari – Padre Rufino Collantes
4. Ninong – Padre Pedro Casanas
D. Kamatayan – December 30, 1896 sa edad na 35
III. Pamilya
A. Mga Magulang
1. Francisco Mercado Rizal (1818 – 1898)
1.1 kapanganakan – Mayo 11, 1818 (Biñan, Laguna)
1.2 nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San Jose
1.3 magsasaka
1.4 kamatayan – Enero 5, 1898 sa edad na 80
2. Teodora Alonzo y Quintos Realonda (1826 – 1911)
2.1 kapanganakan – Nobyembre 8, 1826 (Maynila)
2.2 nag-aral sa Colegio de Santa Rose
2.3 mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol
2.4 kamatayan – Agosto 16, 1911 sa edad na 85
B. Mga Kapatid
1. Saturnina (1850 – 1913) – palayaw NENENG, nakasal kay Manuel Timote Hidalgo
2. Paciano (1851 – 1930) – tagapayo ni Rizal, sumali sa Rebolusyonaryong Pilipino
3. Narcisa (1852 – 1939) – palayaw SISA, napangasawa ang isang guro taga-Morong na
si Antonio Lopez
4. Olympia (1855 – 1887) – palaya PIA, napangasawa ang manggagawa galing sa Post
office na si Silvestre Ubaldo, namatay sa panganganak
5. Lucia (1857 – 1919) – namatay ang asawa na si Matriano Herbosa na di man lang
nabigyan ng basbas at magandang libing
6. Maria (1859 – 1945) – palayaw BIANG, napangasawa na taga Laguna na si Daniel
Faustino Cruz
7. Jose (1861 – 1896) – palayaw PEPE, pinakadakilang bayaning Pilipino
8. Concepcion (1862 – 1865) – palayaw CONCHA, namatay sa edad na 3 taon, unang
pighati/kalungkutan ni Rizal
9. Josefa (1865 – 1945) – palayaw PANGGOY, na isang “epileptic”, namatay sa edad na
80
10. Trinidad (1868 – 1951) – palayaw TRINING, hingi nakapag-asawa at huling namatay
sa buong pamilya sa edad na 83
11. Soledad (1870 – 1929) – palayaw CHOLENG, nakasal kay Pantaleon Quintero.
C. Mga Ninuno
1. Ninuno sa Ama
1.1 Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines dela Rosa naging anak si
1.2 Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si
1.3 Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si
1.4 Francisco (Engracio Rizal) Mercado y at napangasawa si Teodora Alonzo at
naging anak si Jose Rizal
2. Ninuno sa Ina
2.1 Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si
2.2 Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila si
2.3 Brigida na napangasawa ni Lorenzo Alberto Alonzo at naging anak nila si
2.4 Teodora Alonzo na napangasawa si Francisco Mercado at naging anak nila si
Jose Rizal
IV. Kabataan sa Calamba
A. Mga Alaala ng Kamusmusan
1. Panonood ng mga ibon
2. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus
3. Pagkukuwento ng kanyang yaya ukol sa aswang, nuno, at tikbalang
4. Unang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si
Concha
5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya
6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa
Lawa ng Laguna
7. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila
8. Hindi niya malimutan ang kwento ng kanyang ina ukol sa gamugamo
B. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan
1. Inayos at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan
2. Paggawa ng imahen mula sa putik (clay)
3. Sa edad na 8 naisulat din ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at
ang nasabing gawa, binili sa kanya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
C. Mga Impluwensiya /Namana ni Rizal
1. Mula sa mga ninunong Malayo
1.1 ang pagmamahal sa kalayaan
1.2 paghahangad sa paglalakbay
1.3 katapangan
2. Mula sa mga ninunong Tsino
2.1 ang pagiging seryoso
2.2 katipiran
2.3 katiyagaan
2.4 pagmamahal sa mga bata
3. Mula sa mga ninunong Espanyol
3.1 kapinuhan sa pagkilos
3.2 kanipisan sa insulto, sensitibo sa damdamin
4. Mula sa ama
4.1 ang pagtitiyaga sa trabaho
4.2 paggalang sa sarili
4.3 malayang pag-iisip
5. Mula sa ina
5.1 pagpapakasakit sa sarili
5.2 pagnanais sa sining at panitikan
6. Mula sa kapatid na si Paciano
6.1 pagmamahal sa kalayaan
6.2 katarungan
7. Mula sa mga kapatid na babae
7.1 paggalang sa mga kababaihan
8. Mula sa kanyang yaya o katulong
8.1 kuwentong bayan (alamat)
V. Mga Pag-aaral, Guro at Pinag-aralan
A. Sa Calamba
1. Doña Teodora Alonzo/ina – kauna-unahang guro na nagturo ng abakada, magbasa,
magsulat, pagdarasal at kagandahang asal
2. Tiyo Manuel - pagpapalakas ng katawan at pagtatanggol sa sarili
3. Tiyo Jose Alberto – kahalagahan ng aklat
4. Tiyo Gregorio – pagmamasid at sining ng pagguhit
5. Leon Monroy (kaklase ng kanyang ama) – wikang Latin at Kastila
6. Lucas Padua – Aritmetika at Matematika
B. Sa Biñan (1869)
– Paaralang Biñan/unang pormal na eskuwelahan, pinakamahusay, natalo ang mga
banyagang mag-aaral
- hindi nagsisimula si Rizal ng away. Kapag hinamon siya, hindi siya uurong
1. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano
2. Guro – Justiniano Aquino Cruz – unang guro sa akademiko (June 1869)
2.1 Padre Leoncio Lopez – pagpapayaman ng kanyang pagmamahal sa pag-aaral at
katapatang intelektwal
2.2 Pedro – anak ng maestro (Justiniano), nakasuntukan ni rizal
2.3 Andres Salandanan – hinamon sa punong braso (hand wrestling), Malaki at
bilugan, natalo ni Rizal
3. Juancho – biyenan ng kanyang guro na nagturo ng pagpipinta at pagguhit
(pagsisimba, pag-aaral at paglalaro ang kanyang ginagawa matapos ng kanyang
klase)
4. Ang Gomburza – pagbitay sa Gomburza (Enero 20, 1872)
4.1 nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir
na sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora.
4.2 Kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos at sa
maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mga ideya at pilosopiya ni
Jose Burgos
5. Kawalan ng katarungan sa kanyang ina (Hunyo, 1872)
5.1 pinagbintangan ni Tiyo Jose Alberto ng nagbabalak na lasunin ang asawa ng
kanyang kapatid
5.2 mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kanyang ina ay
nakipagsabwatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason
5.3 pagkatapos na madakip si Donya Teodora, siya’y pinaglakad mula Calamba
hanggang Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro.
5.4 Nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon
C. Sa Ateneo
1. Pagpasok ni Rizal sa Ateneo
1.1 June 10, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila.
Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika at Pagbasa sa
Colegio ng San Juan de Letran. Colegio ng San Jose, Ateneo.
1.2 Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya ay huli na sa patalaan at maliit
para sa kanyang edad.
1.3 Sa unang pagkakataon ay ginagamit ni Jose ang kanyang apelyidong Rizal imbes
na Mercado
1.4 Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong na tumulong
upang makapasok si Rizal sa Ateneo.
2. Jose Bech S.J. – unang propesor
3. Romualdo de Jesus – guro sa paglililok
4. Don Agustin Saez – pagguhit at pagpinta
5. Padre Francisco Sanchez – umakit na mag-aral nang mabuti at sumulat ng tula
6. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal
6.1 Kalihim ng Marian Congregation
6.2 Kasapi ng Academy of Spanish Language
6.3 Kasapi ng Academy of Natural Sciences
7. Marso 23, 1877 – 16 taong gulang, Batsilyer sa Sining nakakuha ng 5 medalya.
D. Unibersidad ng Santo Tomas
1. Unang Kurso – Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumusunod na dahilan:
1.1 Ito ang gusto ng kanyang ama
1.2 Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
2. Ikalawang kursong “perito agrimensor”
3. Padre Pablo Ramon SJ – nagpapayo sa kanya na kumuha ng medisina
4. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;
4.1 galit sa kanya ang mga guro ng UST
4.2 minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
4.3 makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST
E. Pamantasang Central de Madrid
1. Medisina
2. Pilosopiya
3. Panitikan
F. Paris at Alemanya
1. Madagdagan ang kaalaman sa panggagamot sa mga sakit sa mata
VI. Mga Paglalakbay
A. Sa Espanya (1882 – 1885)
1. Singapore
2. Colombo
3. Naples at Merseilles
4. Barcelona
5. Madrid
6. Paris
B. Sa Alemanya (1886)
1. Heidelberg
2. Wilhemsfeld
3. Leipsig at Dresden
4. Berlin
C. Sa Europa (1887)
1. Dresden
2. Leitmeritz
3. Prague
4. Vienna
5. Switzerland
5.1 Geneva
6. Italya
6.1 Turin
6.2 Milan
6.3 Venice
6.4 Florence
6.5 Rome
6.6 Vatican
D. Unang pagbalik sa Pilipinas
Mga Dahilan sa Pagbalik:
1. Tistisin ang mata ng kanyang ina
2. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
3. Makita ang epekto ng kanyang nobelang Noli Me Tangere
4. Itanong kung bakit hindi na sumulat si Leonor Rivera
E. Sa Hongkong at Macao (Pebrero 1888)
F. Sa Hapon (Pebrero 1888)
1. Tokyo
G. Sa Estados Unidos (Abril 1888)
1. San Francisco
2. New York
H. Sa London (Mayo 1888)
I. Muling nagbalik sa Paris (1889)
J. Sa Brussels (1890)
K. Muling nagbalik sa Madrid
L. Sa Blarritz
M. Sa Belgium
1. Ghent
N. Paglipat sa Hongkong (1891)
Mga Dahilan sa Paglipat:
1. Kawatan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del
Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya
4. Pamamaalam sa Europa
O. Ikalawang pagbalik sa Pilipinas (1892)
Mga dahilan sa pagbalik:
1. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo
2. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
3. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang si
Rizal dahilan na siya ay malayo sa mga Espanyol
P. Mga Dahilan sa Pangingibang Bansa:
1. Makapag-aral
2. Maging isang dalubhasa sa paggamot
3. Maging ligtas sa mga kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas
4. Matuto ng ibang mga wika
5. Maging malaya sa pagsusulat
VII. Pag-aresto at Pagpapatapon
1. Hulyo 6, 1892 – sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan
sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
2. Ipinakulong at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.
3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapos si Rizal sa Dapitan.
4. Hulyo 17, 1892 – nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo
Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
5. Sa Dapitan:
5.1 nagtrabaho bilang isang manggagamot
5.2 nagtayo ng isang sistema ng patubig upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat
bahay
5.3 pinaganda ang komunidad
5.4 nagturo sa mga kabataan ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan,
matematika, gawaing industriyal at iba pa.
5.5 naging magsasaka
5.6 nagtayo ng mga negosyo (pangingisda, koprahan at abaka)
6. Mga paratang kay Rizal:
6.1 Rebelyon – pag-aalsa
6.2 Sedisyon – pagtuligsa
6.3 Pagbuo ng samahan na labag sa batas
VIII. Pagkamatay
1. Setyembre 28, 1896 – narinig ni Rizal ang bali-balitang arestuhin siya pagdating sa
Barcelona.
2. Setyembre 30, 1896 – ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Aleman yang kautusan na siya
idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
3. Oktubre 6, 1896 – inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong
Colon.
4. Nobyembre 3, 1896 – nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si
Rizal sa Fort Santiago.
5. Nagkaroon ng isang Preliminary Investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni
Colonel Francisco Olive. Sumailalim sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon.
6. Tinyente Luis Taviel de Andrade – pinili niya bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa
kanya.
7. Disyembre 26, 1896 – nagsimula ang paglilitis at sa nasabi ding araw ay nagpasiya ang
hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
8. Disyembre 28, 1896 – nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan
ng pagbaril kay Jose Rizal.
9. Disyembre 30, 1896 – Alas 7:00 ng umaga, binaril si Rizal sa Bagumbayan sa edad na 35.
10. Pagkatapos barilin ng firing squad, isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang
katawan at binaril na malapitan sa puso upang tiyakin na patay na ito.
11. Sementaryo ng Paco – dito siya inilibing
IX. Mga Babaeng Naging Bahagi ng Kanyang Buhay
1. Segunda Katigbak – Lipa, Batangas
2. Leonor Valenzuela
3. Leonor Rivera – Calamba (pinakamamahal)
4. Consuelo Ortega y Rey – Madrid
5. Seiko Usul (O Sei San) – Hapones
6. Gertrude Beckett – London
7. Nellie Boustead – Biarritz
8. Suzanne Jacoby (Petite Jacoby) – Belgium
9. Josephine Bracken - nakilala sa Dapitan na naging asawa
X. Mga Akdang Naisulat/Nailimbag
1. Noli Me Tangere – isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa,
makulay at may taglay na tuwa. (suliraning panlipunan)
2. El Filibusterismo – isang nobelang pulitikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait,
pagkamuhi, sakit, karahasan at pagdurusa.
3. Sa Aking mga Kababata – pagpapahalaga sa sariling wika (unang akdang nasulat)
4. Ang Awit ni Maria Clara
5. Ang Ligpit kong Tahanan
6. Amor Patrio – unang akda ni Rizal sa labas ng bansa
7. Huling Paalam/Mi Ultimo Adios
a. Mariano Ponce – unang nagtangkang magbigay ng pamagat ginagamit na
pamagat: “Mi Ultimo Pensamiento”
b. Padre Dacanay at Sr. Varga – naglapat ng pamagat; (Mi) “Ultimo Adios”
c. La Independencia – unang lathala noong Sept. 1898
d. Andres Bonifacio – kauna-unahang nagsalin sa tagalog na binigyan niya ng
pamagatna “Pahiwakas”
XI. Mga Wikang Natutunan
1. Arabiko
2. Catalan
3. Intsik
4. Ingles
5. Pranses
6. Aleman
7. Griyego
8. Hebreo
9. Italyano
10. Hapon
11. Latin
12. Malayan
13. Portuges
14. Ruso
15. Sanskrit
16. Espanyol
17. Tagalog
XII. Ang Pagiging Isang Mahusay na Henyo
1. Arkitekto
2. Pintor
3. Iskultor
4. Mangangalakal
5. Kartunista
6. Edukador
7. Ekonomista
8. Ethnologist
9. Siyentipikong magsasaka
10. Doktor ng mata
11. Manunula
12. Propagandista
13. Sikolohista
14. Historian
15. Imbentor
16. Journalist
17. Linguistiko
18. Musikero
19. Mythologist
20. Nationalist
21. Naturalist
22. Nobelista
23. Siyentipiko
24. Sosyolohista
25. Theologian
26. Manlalakbay

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE:

Uncle Tom’s Cabin (Harriet Beecher Stowe)

 Nagkaroon ng ideya ang bayani na sumulat ng isang nobela hinggil sa kalagayan ng


kanyang bayan matapos mabasa ang akdang ito.
 Ang nobelang ito ay naglalarawan sa kaawaawang kalagayan ng mga pinagmalupitang
alilang negro.
Noli Me Tangere (Jose Rizal)
 Ito ay isang uri ng nobelang panlipunan.
 Pumapaksa sa mga paghihirap ng kanyang mga kababayan sa kamay ng mga Kastila.
Enero 2, 1884
 Ipinanukala niyang sumulat ng nobela (Noli) sa kanyang mga kasamahan at agad naman
itong sinang-ayunan ng mga sumusunod;
a. Antonio Paterno
b. Graciano Lopez-Jaena
c. Evaristo Aguirre
d. Eduardo de Lete
e. Julio Lorete
f. Valentine Ventura

Ang Pagsulat ng Noli Me Tangere:

1. Disyembre, 1884 (Madrid) – sinimulan isulat ang nobela at natapos ang kalahati
nito.
2. 1885 (Paris) – itinuloy ang pagsusulat at natapos ang sangkapat na bahagi ng nobela.
3. 1886 (Alemanya) – natapos ang huling sangkapat ng nobela (Wilhemsfeld, Germany)
o Abril Hunyo, 1886 (Wilhemsfeld) – natapos ang mga huling kabanata
o Pebrero, 1886 (Berlin) – ginawa ang huling rebisyong ng manuskrito ng Noli Me
Tangere
 Muntik ng sunugin sa kakulangan ng pondo kasabay ang pagkakasakit.
 Pinanghinaan ng loob dahil sa gutom at paghihirap.
o Disyembre 1886 – inayos ni Rizal ang kanyang nobela at inalis ang ilang bahagi
ng manuskrito kabilang ang Elias at Salome (Kabanata 24).
o Maximo Viola (Disyembre 1886)
 Tagapagligtas ng Noli Me Tangere
 Isang doctor na taga San Miguel, Bulacan
 Mayamang kaibigan; nagbigay ng Php 500; Php 300 para sa 2,000 sipi ng
nobela, Php 200 para sa sarili
o Pebrero 21, 1887 – nang matapos ang nobela at handa na mailathala
o BERLINER BUCHDRUCKEREI-ACTION-GESELLSCHAFT
 Dito ipinalimbag ang Noli Me Tangere
 Pinakamababang palimbagan
 Halagang Php 300 para sa 2,000 sipi ng nobela
o Marso 21, 1887 – nang lumabas sa imprentahan ang nobela

Nakakuha ng mga Sipi ng Nobela:

1. Blumentritt – best friend (pen pal)


2. Dr. Antonio Ma. Regidor
3. Graciano Lopez-Jaena
4. Mariano Ponce
5. Felix Hidalgo
 Marso 29, 1887 – ibinigay ang galley proof ng Noli Me Tangere kay Maximo
Viola

Pamagat ng Nobela: (Noli Me Tangere); Latin

 Touch me Not (Ingles)


 Huwag mo akong SALANGIN (Filipino)
 Ito ay hango sa bibliya (San Lucas, ayon kay Rizal); San Juan 20: 13 – 17,
Eastern Sunday, resureksyon mula sa bagong tipan

Dedikasyon ng Awtor:

 Inang bayan (Noli)


 GOMBURZA (El Fili)

Kontrobersiyang Gawa ng Noli Me Tangere:

 Mayroong subersibong ideya (Gob. Hen. Emilio Terrero; binigyan ng


gwardya si Rizal); Jose Taviel de Andrade, abogado ni Rizal
 Erehitikal, walang paggalang, mapanirang puri at mapaminsala sa simbahan
at pamahalaan, ayon sa mga Dominikano.
 Ipinagbawal ng Permanenteng Komisyon ng Sensura, sa pamumuno ni
Padre Font

Anti-Noli Me Tangere:

1. Padre Salvador Font (“Kaiingat Kayo,” gawa ni Padre Font, mga dahilan para hindi
basahin ang “Noli Me Tangere”)
2. Padre Jose Rodriguez
3. Hen. Jose de Salamanca
4. Fernando Vida
5. Hen. Luis M. Pando
6. Vicente Barrantes

Pro ng Noli Me Tangere:

1. Marcelo H. del Pilar (sinagot si Font; “Kaiigat Kayo,” ginaya ang ginawa ni Font)
2. Dr. Antonio Ma. Regidor
3. Graciano Lopez-Jaena
4. Mariano Ponce
5. Padre Francisco de Paula Sanchez
6. Don Segismundo Moret
7. Padre Miguel Morayta
8. Propesor Blumentritt
9. Rev. Vicente Garcia (hindi kilala ni Rizal)
 Pinayo nina Paciano, Silvestre Ubaldo, Jose M. Cecilio kay Rizal na manatili sa ibang
bansa.
 Agosto (1887); bumalik si Jose Rizal Mercado
 Pinahiram ni Paula de Sanchez ang kopya ng libro
 Ang hukom ay nabayaran kaya pinaratangan si Rizal
 Ipinabawal ng Komisyon ng Sensura (Padre Salvador Font)
 Sa Bayan (Pilipinas ) ng Api (Indio) ang kisap ng mata (Rizal) ang siyang nagwawagi.

Para sa mga Babasa ng Noli Me Tangere

Ang nobelang Noli Me Tangere ay isinulat sa ating bayaning si Dr. Jose Rizal habang siya ay nasa
Europa. Sinimulan niya itong isulat noong siya ay nasa Madrid at natapos niya ito sa Alemanya. Sa tulong
ng kanyang matalik na kaibigang si Dr. Maximo Viola, naipalimbag ito sa Berlin, at lumabas noong Marso
29, 1882.

Hindi kilala sa lahat ang naghihimagsik na damdamin ng ating bayani, kaya’t nagbabala ang
kanyang mga kaibigang hinggil sa pagdadala niya ng sipi ng mga aklat pag-uwi niya ng bansa. Gayon pa
man, hindi napigilan si Dr. Rizal. Nang siya’y tumulak pauwi mula sa Marseilles, Pransiya noong Hulyo 3,
1887, dala niya ang ilang sipi ng aklat.

Palihim na naipamudmod ang mga aklat at, bagamat lihim ang pagpapakalat nito, nakarating sa
kaalaman ng mga maykapangyarihang Kastila ang nobelang sinulat ng ating bayani. Dahil sa
paghihinalang ang nilalamang ng aklat ay subersibo, ipinatawag ni Gobernador Heneral Emilio Terrero si
Dr. Rizal upang mag-usisa. Nang Tanungin ang ating bayani hinggil sa nilalaman ng aklat, mariin nitong
itinanggi na mapanghimagsik ang nilalaman ng nobela. Upang patunayan, ipinangako niyang bibigyan
niya ng kopya ang Gobernador Heneral para lubos nitong mabasa ang kanyang akda.

Bunga nito, ipinabasa ng pamahalaan ang aklat sa isang lupon ng tagasuri na pinangungunahan
ni Padre Gregorio Echeverria ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nang lumabas ang resulta ng pagsusuri,
sinabi ng lupon na tunay ngang mapaminsala ang nobela.

Hindi roon natapos ang pagbatikos ng mga Kastila sa ating bayani. Muling ipinasuri ang nobela
sa Permanenteng Komisyon ng Sensura na pinamumunuan ni Padre Salvador Font, isang paring
Augustino. Pinatibayan ng nasabing komisyon ang desisyon ng naunang pagsusuri, na subersibo ang
akda at kailangang ipagbawal.

Dahil sa mga lumabas na pahayag hinggil sa Noli Me Tangere, idineklara ng pamahalaan na an


gating bayaning si Dr. Jose Rizal ay kaaway dahil sa kanyang panunuligsa sa mga maykapangyarihan.

Muling nangibang-bansa si Dr. Rizal dahil sa mga di-maiwasang suliranin bunga ng kanyang obra
maestro. Pumunta siya sa London upang doon gumawa ng higit na mga pagsasaliksik hinggil sa ating
bansa. Pinag-aralan din niya ang liderato at sistema ng pulitika sa ibang bansa. Bunga nito ay lalong
umigting ang paghihimagsik ng kanyang kalooban laban sa pamahalaang Kastila. Siya ay nagsulat ng mga
artikulo sa pahayagang La Solidaridad, na itinatag ni Graciano Lopez Jaena noong Pebrero 15, 1889.
Ginamit niya ang sagisag na “Dimasalang” at “Laong Laan.”

Bago siya namatay, naisulat ni Dr. Rizal ang karugtong na aklat na El Filibusterismo, na mas
mapangahas kaysa naunang nobelang Noli Me Tangere.

Sa nobelang ito ay inilalarawan ni Dr. Jose Rizal ang tipikal na buhay ng mga mayayaman at ng
mga mahihirap sa ating bansa.

Pag-aalay ng May-akda

Maraming hirap at pagpapakasakit ang tiniis ni Rizal samantalang tinapos ang nobela, kaugnay
nito ay buong puso at pagmamahal niya itong iniaalay sa kanyang INANG BAYAN:

“Sa paghahangad ko ng iyong kagalingan at sa paghahanap ng pinakamabuting lunas, gagawin


ko ang ginagawa ng mga tao noong lumang panahon sa mga maysakit, itinatambad sa mga baitang ng
templo upang ang sino mang dumalangin doon ay makapaghatol sa kanila ng lunas.”

Ayon kay Rizal, ang kanyang bayan ay may sakit na kanser na panlipunan at ito’y kailangang
ilantas, sugpuin at ihanap ng lunas. Kaugnay nito’y sinabi niyang:

“Sisikapin kong maikintal ang iyong kalagayan nang buong katapatan, nang walang itinatanggi;
itataas ko ang lambong na nagtatago ng kalinisan, na ipinagpapakasakit ang lahat ng katotohanan,
maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak, talos ko kung ako man ay may sarili ring pagkukulang
at katuwaan.”

Bakit Sinulat ni Dr. Jose Rizal ang NOLI ME TANGERE?

Ipinaliwanag ni Dr. Jose Rizal sa kanyang liham na matalik na kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang nobela. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Matugon ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa, mithiin o
adhikain, karaingan at kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng
masama.
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na relihiyon. Ang huli ay gumagamit ng
pamahiin at banal na salita upang makuha ang salapi at mapaniwala ang mga tao sa mga bagay-
bagay na mahirap matanggap.
5. Mailantad ang kasamaang nakukubli sa karingalan ng pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at kahirapan sa buhay.

Ang lahat ng mga ito ay malinaw na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

MGA USAPIN SA PAGKAKAHIRANG KAY RIZAL BILANG PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS

Ano baa ng ibig sabihin ng salitang bayani? Ayon kay Gregorio Zaide, isang historyador, bago mahirang
na bayani ang isang tao, kinakailangang matugunan niya ang mga sumusunod na batayan:
1. Siya ay may katangi-tanging kontribusyon na naiambag sa kanyang bayan habang siya ay
nabubuhay.
2. Nag-iwan siya ng mga katibayan na nagpapatunay sa kanyang mga kontribusyon sa
pamamagitan ng katangi-tanging mga likha tulad ng mga sulatin na nakapagbigay ng malaking
ambag sa lipunan.
3. Sa kanyang pagkamatay, may kakaibang antas ng pagkilala sa kanya ang kanyang mga
kasamahang mga sumusunod na lahi.
4. Siya ay nabuhay at namatay sa panahon ng napakahalagang pagbabago sa kanyang bansa at sa
kasaysayan nito. Kinakailangan din na maging bahagi siya ng mga pagbabagong ito.

Ang paglikha ng isang Pambansang bayani ayon sa dalub-guro at Rizalistang si Crisanto Rivera ay
nararapat dahil kailangan ng mga Pilipino ng bayaning magsisilbing huwaran at tunay na lider na
handang magpakasakit at maglingkod para sa kapakanan at kagalingan ng buong bansa, at si Rizal ang
katugunan ng mga pangangailangang iyon.

Ngunit ang pagkakahirang kay Rizal bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas ay patuloy na nababalot ng
mga usapin at mga katanungan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Sinu-sino ang bumuo ng lupong naghirang kay Rizal bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas?

May limang Amerikano at apat na Pilipino ang bumuo ng lupong naghirang sa ating Pambansang
Bayani. Ito ay kinabilangan nina Komisyoner William Howard Taft at ng apat pang mga
Amerikanong sina W. Morgan Shuster, Bernard Moses, Dean Warcester, Henry Clay Ide.
Samantala, pinangunahan naman ni Trinidad Pardo de Tavera ang mga ilustradong napabilang
sa lupong nagsipili. Kasama niya sina Gregorio Araneta, Cayetano Arellano, at Jose Luzuriaga.

May mga nagsasabing si Rizal ay isang made to order at American sponsored hero, dahil sa siya
ay hinirang bilang Pambansang Bayani ng mga Amerikano sa pangunguna ni Komisyoner Taft na
sinasabing nagbitiw ng mga pananalitang “Kinakailangan n’yo nang magkaroon ng isang
pambansang bayani” sa mga Pilipinong bumuo sa Lupong Taft.

Ngunit sinasabi ng ilang nakababatid sa buhay ni Rizal na bagama’t idineklara si Rizal bilang
pambansang bayani sa panahon ng mga Amerikano, kinikilala na si Rizal at pinararangalan ng
mga bayaning Pilipino tulad ni Aguinaldo hindi pa man siya ganap na naiproproklama. Hindi rin
maaaring sabihin na ang pumili sa kanya ay ang mga Amerikano dahil ang lupon ay binuo rin ng
mga Pilipino. Ayon kay Esteban de Ocampo, isang Historyador, si Rizal ay pinili ng hindi lamang
iisang tao o grupo ng mga tao, siya mismo, at ang kanyang mga kapwa Pilipino, kabilang na ang
mga banyaga ang naghirang sa kanya bilang pinakadakilang bayani ng lahing kayumanggi.
2. Anu-ano ang mga naging batayan sa paghirang kay Rizal bilang Pambansang Bayani?

Ayon kay Dr. Beyer na siyang katulong na tekniko ng lupong Taft, ginamit na batayan ng mga
nagsipili ang mga sumusunod:
a. Isang Pilipino.
b. Yumao na.
c. May matayog na pagmamahal sa bayan.
d. May mahinahong damdamin.
e. May madulang kamatayan.
3. Bakit si Rizal ang nahirang ng lupong nagsipili?

Sinasabing may limang pangalang pinagpilian sa paghirang ng ating pambansang bayani. Ito ay
sina Marcelo H. Del Pilar, and dakilang propagandista; Graciano Lopez Jaena, isang
mananalumpati; Antonio Luna, ang pinakamahusay na heneral; at si Emilio Jacinto, and utak ng
Himagsikan.

Mapapansing hindi kabilang sa mga pinagpilian ng lupong Taft ang ilan sa mga prominenteng
bayani ng bansa. Ayon kay Theodore Friend, sa kanyang aklat na Between Two Empires, hindi
napabilang si Emilio Aguinaldosa mga pinagpiliang bayani dahil bukod sa siya ay buhay pa nung
maganap ang pagpili, siya ay masyadong militante para maging pambansang bayani. Si Andres
Bonifacio naman ay masyadong radikal. Samantalang si Apolinario Mabini ay may kapansanang
pisikal.

Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, isang dalubhasang Antropologo, hindi si Rizal ang unang napili ng
mga bumuo ng lupon. Sinasabing nang simulang bilangin ng lupon ang mga boto, lumitaw na si
Marcelo H. Del Pilar at hindi si Rizal ang napili nang nakararami. Ngunit, binago ng lupon ang
kanilang pasyahan sa kadahilanang hindi naging madula ang buhay at kamatayan ni Del Pilar
kung ikukumpara sa naging buhay at kamatayan ni Rizal. Sinasabing ang pagkamatay sa
Bagumbayan (Luneta ngayon) ni Rizal ay nakapagpagising sa damdaming nasyonalismo ng mga
Pilipino.

Mayroong tatlong kadahilanan kung bakit pinili si Rizal bilang ating Pambansang Bayani. Ito ay
ang mga sumusunod:

1. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagpa-isa sa buong bansa upang maghimagsik laban sa
mga Kastila. Ito ay naisagawa ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.
2. Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan. Siya ay nagpasimula ng reporma sa mapayapang
pamamaraan.
3. Ang mga Pilipino ay sentimental. Ayon kay Rivera, tayong mga Pilipino ay mas may pagtingin
sa mga inaapi. Si Rizal ay api, hinatulan ng walang kasalanan. Ito marahil ang isa sa mga
dahilan kung bakit siya napamahal sa mga Pilipino.

Sa Pagsusuri ni Renato Constantino, isang historyador, isang malaking dahilan sa paghirang


kay Rizal ang pagiging katanggap-tanggap nito sa mga Amerikano. Una, siya ay yumao na ay
hindi na maaari pang lumaban o bumatikos sa pamamahala ng mga Amerikano sa bansa.
Ikalawa, si Rizal ay may mapayapang loob, hindi nanguna sa paglaban at paghingi ng ganap
na kalayaan sa mga mananakop. Nangangahulugan ito na si Rizal ay mabuting modelo ng
bayaning may mapayapang damdamin hindi sasalungat laban sa mga patakaran ng mga
Amerikano sa bansa. Ang pagbibiday diin sa madulang pagkamatay ni Rizal sa kamay ng mga
Kastila ay higit na magpapalalim ng galit ng mga Pilipino sa mga Kastila at maglilihis ng
kanilang atensyon sa mga plano at gagawin ng pamahalaang Estados Unidos sa bansa.
Pambansang Bayani, hindi maikakaila ang paghanga at patuloy na pagdakila sa kanya ng mga
Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon. Si dating pangulong Ramos ay
minsang nagpahayag na hinangaan at minahal natin si Rizal dahil sa matayog niyang
pagmamahal sa bayan. Maging si Magsaysay ay naniwalang karapat-dapat si Rizal na
katawagang Pambansang Bayani. Bagama’t hindi siya radikal, si Rizal ay isang
manghihimagsik sa kaisipan at sa pangangatwiran ayon kay Claro M. Recto.

Ang pagpili ng Lupong Taft kay Rizal ay sinasabing isang pormalidad na lamang dahil kilala na
si Rizal bago pa man siya nahirang. Higit siyang kilala ng mga nakararaming Pilipino kaysa kay
Bonifacio at sa iba pang mga bayani. Si Rizal ay pinararangalan pa ng mga Pilipino bago pa
man siya nahirang at higit pagkatapos niyang mahirang bilang huwarang bayani.

Ang mga ginawa ni Rizal na umukit sa kasaysayan ng bansa at kumintal sa isipan at diwa ng
mga Pilipino ay higit na matingkad kaysa mga usapin at katanungang bumalot sa kanyang
pagkakahirang bilang Pambansang Bayani.

Mga Sanggunian:
Constantino, Renato (1969). Veneration without understanding.
De Ocampo, Esteban (1996). Why Rizal is the greatest Filipino hero?
National Historical Institute.
Ocampo, Ambeth (1998). Rizal withouth the overcoat. Revised ed. Anvil Pub., Inc.
Rivera, Crisanto & Landicho, Domingo (1973). Buhay at mga katha ni Rizal.
Zaide, Gregorio (1988). Rizal and the other great Filipinos.

You might also like