Professional Documents
Culture Documents
Buod ng mga Kabanata ng librong "Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa, at Sinulat"
Kilalanin si Jose Rizal
A. Pagsilang
1.Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
2.Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.
3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal
4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
A. Magulang
1. Francisco Mercado
4. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon.
5. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.
6. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.
7. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
8. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.
1. Namana
1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan.
2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga
bata.
3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto.
4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip.
5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan.
2. Kapaligiran
1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan.
3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.
4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong bayan at mga
alamat.
5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:
1. Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.
2. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.
3. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.
6. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.
4. Ang Gomburza
1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir na
sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.
2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos.
3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.
1. Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na lasunin ang asawa ng
kaniyang kapatid (Jose Alberto) .
2. Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa
nasabing bintang na paglason.
3. Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggang Santa Cruz, Laguna na ang layo ay
50 kilometro.
4. Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.
Jofranne at 5:19 PM
Share
1 comment:
1.
TiradaunoJuly 1, 2014 at 3:49 AM
ReplyDelete
Add comment
Load more...
Home
View web version
About Me
Jofranne
Powered by Blogger.