You are on page 1of 21

Kabanata 2

Kabataan sa Calamba
Calamba, ang Bayan ng Bayani

Ang bayang sinilangan na Calamba,


na ang ngalan ay nagmula sa
salitang “banga” ay magandang
kanlungan ng isang bayani. Isa itong
asyendang bayang pinamamahalaan
ng Ordeng Dominiko
Calamba, ang Bayan ng Bayani

• Ilang kilometro pa-timog, makikita ang


maalamat na Bundok Makiling at banda
roon pa’y ang lalawigan ng Batangas

• Sa silangan, makikita ang Lawa ng Laguna

• Sa hilaga, bayan ng Antipolo


Un Recuerdo A Mi Pueblo (Isang alaala sa
Aking Bayan)

1876 - siya ay labinlimang taong


gulang at estudyante sa Ateneo
Municipal de Manila na kung saan
nakasulat siya ng isang tula na
pinamagatang, “Un Recuerdo A Mi
Pueblo” (Isang Alaala sa Aking Bayan)
Mga Alaala ng Kabataan

• Ipinagpatayo siya ng kanyang ama sa kanilang


hardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan
niya sa araw

• Noong tatlong taong gulang siya, pinapanood niya


sa kanyang bahay kubo ang paglalaro ng mga ibong
kilyawan, maya, maria kapra, martines, at pipit,
pinakikinggan nang “buong paghanga ” ang
matimyas na huni ng mga ibon
Mga Alaala ng Kabataan

• Isang mabuti at matandang babae ang


inupahan para maging yaya niya

• Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang


araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon
Mga Alaala ng Kabataan

• Pagkatapos ng rosary, nagkwekwento ang yaya sa mga


batang Rizal tungkol sa mga engkantada, kwento ng
mga nabaong yaman at punong namumunga ng
brilyante at iba pang kwento ng kababalaghan

• Isa pang alaala niya’y ang paglalakad sa bayan, lalo na


kapag maliwanag ang gabi
Ang Unang Kalungkutan ng Bayani

1865 – namatay si Concha (Concepcion)


sanhi ng sakit nang siya ay tatlong taong
gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa
kapatid ay labis na nalungkot sa pagkamatay
nito.
Debotong Anak ng Simbahan

• Edad na tatlo - kasama na siya sa pagdarasal ng


pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong Katoliko,
ang nagturo sakanya ng mga dasal

• Limang taong gulang – marunong na siyang magbasa


ng Bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol
Debotong Anak ng Simbahan

• Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang


“Manong Jose” ng mga Hermanos at Hermanas
Terceras

• Padre Leoncio Lopez – isang kura ng bayan; isa sa


iginagalang at pinagpipitagan ni Rizal sa Calamba
Peregrinasyon sa Antipolo

• Hunyo 6, 1868 – unang pagtawid ni Jose


sa Lawa ng Laguna at unang
peregrinasyon sa Antipolo
Peregrinasyon sa Antipolo

• Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng


Antipolo, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Maynila.
Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila.

• Dinalaw nila si Saturnina, na noo’y


nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng
Concordia sa Santa Ana
Ang Kuwento ng Gamugamo

• Sa mga ikinuwento ni Doña Teodora sa paboritong


anak na si Jose, ang tungkol sa batang gamugamo
ang nagkintal ng magandang aral sa kanya

• Ang mapait na kapalaran ng batang gamugamo,


na “namatay na martir sa sariling ilusyon,” ay
nagkintal ng magandang aral sa isipan ni Jose
MGA TALINONG
PANSINING
Unang Tula ni Rizal
Sa edad na 8, isinulat ni Rizal ang una niyang tulang
isinulat sa katutubong wika at pinamagatang
“Sa Aking Mga Kababata”.
Unang Drama ni Rizal
Pagtapos maisulat ang tulang “Sa aking mga
kababata” isinulat ni Rizal na noo’y walong taong
gulang , ang una niyang dula na isang komedyang
tagalog. Sinasabing itinatanghal ito sa isang pista sa
Calamba at kinaluguran ng mga manonood.
Si Rizal Bilang Batang
Salamangkero
Mula pagbibinata, nagging interesado na si Rizal sa mahika. Sa bilis ng
kanyang mga kamay, marami siyang natutunan na mahika gaya ng
pagpapawala at muling pagpabalik sa isang barya o panyolito.Inaaliw
niya ang mga kababayan sa eksibisyon ng mahiwagang lampara.
Binubuo ito ng isang ordinaryong lampara na nag bibigay ng anino sa
putting tabing. Pinagagalaw nya ang mga daliri, gumagawa ng mga
aninong kaanyo ng hayop at tao. Naging mahusay din siya sa pag
papakilos ng mga papet.
Mga Pag-mumuni muni sa
Tabing Lawa
Kapag magdadapithapon tuwing tag-araw, nag pupunta si Rizal,
kasama ang kanyang alagang aso sa tabi ng lawa ng laguna
para mapag wari-wari ang kalagayan ng inaaping kababayan.
Mga Impluwensya sa Kabataan ng
Bayani
1. IMPLUWENSYANG NAMANA

• Mula sa mga nunong Malaya, kitang-kitang namana ni Rizal ang pag-ibig sa kalayaan,
bukal na pagnanasang maglakbay, at katapangan.
• Mula sa mga nunong Tsino, nakuha niya ang pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso, at
mapagmahal sa mga bata.
• Mula sa nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramdamin sa mga
insulto, at galante sa kababaihan.
• Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal
sa gawa, at pagiging malaya sa pag-iisip.
• mula sa kanyang ina, namana niya ang pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at
pagmamahal sa sining at literatura.
2. IMPLUWENSYA NG KAPALIGIRAN

• Ang magagandang tanawin sa Calamba at magandang hardin ng mga Rizal ang nagpasigla sa talino niya sa
sining at literatura.
• Ang relihiyosong kapaligiran sa kanyang tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging relihiyoso.
• Ang kanyang kapatid na si Paciano ang nagkintal sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan.
• Mula sa mga kapatid na babae, natuto siyang maging magalang at mabuti sa kababaihan.
• Ang mga kuwento isinalaysay sa kanya ng kanyang yaya noong siya’y bata pa ang gumising sa interes niya
sa kuwentong-bayan at alamat.
• Ang tatlo niyang tiyo, mga kapatid ng kanyang ina, ay may magaganda ring impluwensiya sa kanya. Si Tiyo
Jose Alberto, na nag-aral ng labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay
sa Europa ang naging inspirasyon niya para mapanday ang kanyang talino sa sining.
• Si Tiyo Manuel, na isang lalaking mahilig sa palakasan , ang humikayat sa kanya na magpalakas at magpalaki
ng katawan sa pamamagitan ng mga pisikal na ehersisyo, kasama na ang pangangabayo, paglalakad, at
pagbubuno.
• At si Tiyo Gregorio, na palabasa, ang nagpatingkad sa hilig niyang pagbabasa ng magagandang aklat.
3. IMPLUWENSYA NG MAYKAPAL

Higit sa minana at kapaligiran, ang tulong ng maykapal ang siya ring


humuhubog sa kapalaran ng tao. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng
lahat sa kanyang buhay-talino, yaman, at kapangyarihan- ngunit kung
walang tulong ng Maykapal , hindi niya makakamit ang kadakilaan sa
kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay inilaan ng diyos para sa pagpapahalaga
at kadakilaan ng kanyang bansa. Ang diyos ay nagbiyaya sa kanya ng
maraming regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging
makabayan, at matapang na puso para makapagsakripisyo para sa isang
dakilang simulain.

You might also like