at lugar kung saan ipinanganak si Jose Rizal • Hunyo 19, 1861 – si Jose Rizal ay ipinanganak • Hunyo 22, 1861 – bininyagan ni Padre Rufino Collantes , si Pedro Casañas ang kanyang ninong
Unang litrato ni Jose na kinuhaan
noong siya ay labing tatlong gulang. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Saan nga ba hango ang pangalan ng ating Pambansang Bayani? NA JOSE- sa patrong si San Jose PROTACIO- sa kalendaryo: Gervacio y Protacio RIZAL- apelyidong tinaglay ng kanilang pamilya, bilang pagsunod sa kautusan ni Gob. Hen. Narciso Claveria (Ricial-”Luntiang Bukid”) MERCADO- sa kanyang nunong lalaki sa ama ALONZO- apelyido ng ama ng kanyang ina REALONDA- apelyido ng ninang ng kanyang ina TATAY – Francisco Mercado Rizal * Olympia NANAY – Teodora * Lucia Alonzo y Realonda * Maria MGA KAPATID * Concepcion * Saturnina- *Josefa panganay * Trinidad * Paciano * Soledad- bunso * Narcisa • Ang kanilang kabuhayan ay nanggaling sa mga lupaing inuupahan ng kanyang ama sa mga paring Dominiko.
• Tatlong taon pa lamang si Jose ay marunong
na siyang bumasa at sumulat.
• Ang kanyang ina ang una niyang guro.
• Bago umalis ang ina ay muli siyang pinagsabihan na “ Huwag siyang tutulad sa batang gamugamong napahamak dahil sa pagsuway sa pangaral ng ina”. • Kapansin- pansin ang pagkahilig ni Jose sa iba’t ibang sanagay ng karunungan. • Sa gulang na tatlong taon ay natutuhan niya ang “caton” at sanay na siyang gumuhit ng mga larawan. •Natuklasan ng kanyang pamilya ang likas na katalinuhan ni Jose kaya’t inisip nilang dapat itong malinang at mapaunlad.
•Tinulungan siya ng tatlong kapatid na lalaki
ng kanyang ina ayon sa hilig ng bawat isa. Mga Tiyuhin ni Rizal: Tiyo Gregorio- tinuruan siya ng kasipagan, pagtitiwala sa sarili sa halip na umasa sa iba, liksi sa mga gawain, pagmamasid at paglalarawan sa kapaligiran. Tiyo Jose- sa pagguhit at pag-ukit. Tiyo Manuel- hinikayat siya na mag-aral ng iba’t ibang larong pampalakas ng katawan tulad ng paglangoy, eskrima at buno upang siya’y lumusog. • Palagi siyang pinapasyal ng kanyang kapatid na si Paciano sa bukid upang makasagap ng sariwang hangin. Nagpagawa si Don Francisco ng isang bahay- kubo sa ilalim ng punongkahoy upang siya’y magkaroon ng maaliwalas at malinis na laruan. • Noong siya’y apat na taong gulang ay naranasan niya ang unang pamimighati nang pumanaw ang kanyang kapatid na si Concepcion. •Sumulat siya ng isang dula para sa pista ng bayan sa gulang na pitong taon, itinanghala sa liwasang bayan ng Calamba ang naturang dula. •Ang Alkalde ng Paete, Laguna ay labis na nasiyahan sa dula kaya’t hiniling niyang maitanghal ito sa knayang bayan. Pinagkalooban niya ng dalawang piso si Jose. • Noong walong taong gulang siya ay nakasulat na siya ng isang tula na may pamagat na “Sa Aking Mga Kabata”. Nasaad sa tulang ito kung bakit nawala ang katutubong ABAKADA ng ating bansa. SA AKING MGA KABATA KAPAGKA ANG BAYA'Y SADYANG UMIIBIG SA KANYANG SALITANG KALOOB NG LANGIT SANLANG KALAYAAN NASA RING MASAPIT KATULAD NG IBONG NASA HIMPAPAWID.
PAGKAT ANG SALITA'Y ISANG KAHATULAN
SA BAYAN,SA NAYO'T MGA KAHARIAN, AT ANG ISANG TAO'Y KATULAD,KABAGAY NG ALINMANG LIKHA NOONG KALAYAAN. ANG HINDI MAGMAHAL SA KANYANG SALITA MAHIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA, KAYA ANG MARAPAT PAGYAMANING KUSA NA TULAD NG INANG TUNAY NA NAGPALA.
ANG WIKANG TAGALOG,TULAD DIN SA LATIN,
SA INGLES,KASTILA'T SA SALITANG ANGHEL, SAPAGKAT ANG POONG MAALAM TUMINGIN ANG SIYANG NAGGAWAD,NAGBIGAY SA ATIN.
ANG SALITA NATI'Y TULAD DIN SA IBA
NA MAY ALPABETO AT SARILING LETRA, NA KAYA NAWALA'Y DINATNAN NG SIGWA ANG LUNDAY SA LAWA NOONG DAKONG UNA Padre Leoncio Lopez- Kura Paroko ng Simbahan sa Calamba na nagpapatunay ng Partido de Bautismo ni Rizal Ang Aking Unang Salamisim (Mi Primera Inspiracion)
Bakit kaya ngayo’y totoong masaya
Ang mga bulaklak sa naglundog sanga Humahalimuyak yaong bango nila, Yaman ng talutot na pagkagaganda? At bakit sa lambak at sa kagubatan, Magagandang awit ang napapakinggan Katulad ng huni na naglalambingan, Ng ibon kung sila’y nangag-aawitan? At bakit sa mga malalagong damo May mga awitang naririnig tayo Habang naglalaro sa lahat ng dako Ang maraming ibon nanagaglukso-lukso? May bunting-hiningang kay sarap pakinggan Parang nagheheleng marahang-maraha Kasaliw ng simoy ng hanging amihan? O mahal kong ina, bilang pagdakila Sa kaarawan mong lubhang masanghay Bango ng bulaklak ay nananagana, At ang mga ibo’y may awit ng tuwa, Ang masayang awit ng tubig sa bukas Ay para bang isang malakas na dasal, Nawa’y bigyan siya ng mahabang buha At ngayon, sa tulong ng kudyaping angk Sa awit ng bukal ay makikisilaw, Pakinggan mo , ina, ang unang tagintin Na ang sinasabi’y Mahal ka sa akin” • Si Maestro Justiano Aquino Cruz ang naging guro niya sa Binyang • Ang guro ay may lubos na kabatiran sa mga assignaturang kanyang itinuturo at sanay sa Latin at Español • Kaklase ni Jose ang isang anak ni Maestro Cruz na si Pedro • Isang araw habang natutulog si Maestro Cruz hinamon ni Pedro si Jose sa isang pag bubuno • Nanalo si Jose at napahiya si Pedro sa kanilang mga kaklase kaya’t hinamon niya ulit si Jose •Ngunit tinanggihan na niya sapagkat baka ito ang maging dahilan ng pag kagising ng kanilang maestro at maparusahan pa siya • Hinangaan siya ng kanyang mga kaklase at dahil dun isang kaklase niya ay hinamon siya sa pagbubunong braso at marangal niyang tinanggap ang pagkatalo • Malimit mapalo si Jose kahit na alam ng lahat na mabait siyang bata • Merong ibang kaklase na mabait sa kanya ngunit meron din ma ilan ilan na malimit na tumutudyo at bumibiro sa kanya •Pinakikiharapan niya nang buong tapang ang mga ito • At siya ay palaging nananalo sa pagalingan sa klase • Nirespeto siya at kinaibigan siya ng lahat sa klase matapos makilala na isang mabuting tao Ganito ang buhay ni Jose sa Binyang:
• Araw -araw ay gumigising siya bago mag ika apat
ng umaga upang makinig ng misa, kung magising siya ng mas maaga ay nag aaral muna siya ng leksyon •Pagkatapos ng agahan ay papasok na siya ng paaralan at tuloy-tuloy naman siyang umuuwi sa bahay pagkatapos ng kanyang klase sa ganap na ika 10:00 ng umaga • Pagkapananghali ay pumapasok siya mula ika 2:00 hanggang 5:00 ng hapon. • Lagi siyang nag aaral ng leksyon bago at matapos ang hapunan • Pagkatapos nang hapunan ay nag darasal sila magkakasambahay • Kapag maliwanag ang buwan ay nakikipaglaro sila ng isa nyang pinsan sa iba pang mga bata sa lansangan • Bukod sa pag aaral sa kanyang Maestro si Jose ay nag aaral din gumuhit nang larawan. • Ang guro niya sa pag guhit ay si Juancho biyenan ni Maestro Cruz • Pagkalipas ng mahigit na isang taon ay sinabi ni Maestro Cruz na pwede na siya umuwi sapagkat natutunan na nya ang lahat nang maaring ma ituro sa kanya ng isang guro. • Tumanggap sya nang isang liham na galing kay Saturnina na nag sasabi kung saan siya sasakay pauwi sa Calamba •Nilisan ni Jose ang binyang noon Disyembre 17, 1871 • Ito ang unang pagkakataon na nakakita at nakasakay siya sa tunay na bapor •Si Arturo Campos isang Pranses na kaibigan nang kanyang ama ang tumingin sa kanyang pag lalakbay habang sakay sa barkong talim. •Malaki ang kaligayahan ang nadama ni Jose nang muling makapiling nya ang kanyang magulang at kapatid. • • Sa umpisa di makapaniwala si Don Francisco na tapos na siya sa mga leksyon na ituro ni Maestro Cruz kay Jose ngunit napatunayan eto ni Don Francisco sa paraan na itanong nya ang mismong guro nya •Pinag-aral naman ni Don Francisco si Jose nang aritmetika sa ilalim nang patuturo ni gurong Lucas Padua bilang handa sa pagsusulit na kukunin niya sa Maynila • Si Jose ay may matalas na pakiramdam, masusing pangmasid at mabilis ang kanyang pandinig sa mahahalagang bagay na pinag uusapan ng matatanda • Katulad na lang ng pagdalaw sa Binyang ng Gobernador ng Hongkong na si Sir John Bowring na pinag-ukulan ng puri ng kanyang Tiyo Alberto • Ang pinakamahalagang naitanim sa kanyang musmos na pag iisip ay ang balita ng gobernador na sinulat ni Morgam tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas • Ayon kay Bowring mas higit na my katarungan ang pagkakalarawan ni Morgam sa mga unang Pilipino kaysa sa ginawa nang mga historyador na Kastila noong ikalabinsyam na siglo • Nagkaroon nang interes si Jose na basahin ang aklat ni Morgam Mga Paaralang Pinasukan ni Rizal: 1. Biñan School (I869-I870) 2. Ateneo Municipal de Manila (I872- I877)- pinamamahalaan ng mga paring Heswita (Jesuit); nahahati sa 2 pangkat ang mga mag-aaral-Imperyo Romano at Imperyo Carthagena 3. Unibersidad ng Santo Tomas (I877- I882)- pinamamahalaan ng mga paring Dominiko (Dominican) 4. Universidad Central de Madrid (I882- I885) Mga Pag-ibig ni Jose Rizal (I877-I882) 1. Segunda Katigbak- Lipa, Batangas- unang pag-ibig 2. Binibining L- Calamba, Laguna 3. Leonor Valenzuela- Pagsanjan, Laguna 4. Leonor Rivera- Camiling, Tarlac- pinsang buo ni Rizal 5. Consuelo Ortiga y Perez- Madrid, Spain Mga Akdang Sinulat ni Jose Rizal 1. Sa Aking Mga Kabata (Calamba, 1869)- unang tulang sinulat sa katutubong wika sa gulang na 8 2. Un Rucuerdo A Mi Pueblo (Ateneo de Manila, I876)- pag-alala sa Calamba, ang kanyang bayang sinilangan sa gulang na I5 3. Mi Primera Inspiracion (Ateneo de Manila, I874)- binati niya ang ina sa kaarawan nito at ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal 4. A La Juventud Filipina (Manila, I879)- nanalo ng unang gantimpala sa paligsahan sa panitikan ng Liceo Artistico-Literario, dito hinango ang palasak na “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan” 5. El Consejo de los Dioses (Manila, I880)- dulang alegorikal na nanalo ng unang gantimpala sa paligsahan sa panitikan ng Liceo Artistico-Literario 6. Junto al Pasig (Manila, I880) – sarsuwela na itinanghal ng mga Atenista noong Disyembre 8, I880, pista ng Immaculada Concepcion, ang Patron ng Ateneo Mga Natatanging Guro ni Jose Rizal 1. Teodora Alonzo- unang guro na nagturo sa kanya ng alpabeto at mga dasal 2. Maestro Justiniano Aquino Cruz- may- ari at guro niya sa Paaralan sa Biñan 3. Padre Jose Bech- unang propesor sa Ateneo 4. Padre Francisco de Paula Sanchez- naging inspirasyon para mag-aral mabuti at sumulat ng tula Mga Paboritong Aklat ni Jose Rizal 1. The Count of Monte Cristo (Alexander Dumas)- una naging paboritong nobela 2. Universal History (Cesar Cantu) 3. Travels in the Philippines (Dr. Feodor Jagor) Mga Ilang Tala sa Pag-aaral ni Jose Rizal Kumuha ng pagsusulit sa Colegio de San Juan de Letran at pumasa Nagbago ng isip ang kanyang ama at nagdesisyon na ipasok siya sa Ateneo Tinanggihan ni Padre Magin Fernando ngunit nilakad ni Xerez Burgos upang makapasok siya sa Ateneo Sa Ateneo unang ginamit ang apelyidong Rizal at siya ang una sa kanilang pamilya Ateneo Misa sa umaga, dasal sa umpisa at pagkatapos ng klase Hinahati ang klase sa internos (borders) at externos (non-borders) Nagtapos ng Bachelor of Arts (AB) na may mataas na karangalan noong Marso 23, 1877 Kumuha ng Vocational course at nagtapos ng Perito Agrimensor (Expert Surveyor) noong Nob. 25,1881 UST Tinutulan ni Teodora Alonzo ang kanyang pag-aaral Nagsimulang kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra Pinayuhan ni Padre Pablo Roman na kumuha ng kursong Medesina Tumira sa Casa Tomasina Hindi tinapos ang kurso Sistema ng Paggragrado sa UST Sobresaliente - Excellent Notable/Aprovechado- Very Good Bueno - Good Aprobado - Fair/Poor Suspenso - Conditional Reprobado - Failed Kabanata 5 Ang Unang Pangingibang Bansa ni Rizal (Mayo 1, 1882-Agosto 5, 1887) Spain (1882-1885) Salvadora- barkong sinakyan mula Maynila patungong Singapore Djemnah- barkong sinakyan mula Singapore patungong Marseilles, France Mga Lungsod sa Spain na Narating: 1. Barcelona 2. Madrid Mga Sinulat: 1. Amor Patria- kauna-unahang akdang isinulat sa ibang bansa;gumamit ng sagisag na Laong-Laan 2. Los Viajes 3. Revista de Madrid 4. Me Piden Versos- hiniling ng Circulo Hispano Filipino 5. A La Senorita C.O. y P.- inialay kay Consuelo Ortiga y Perez Mga Ginawa: 1. Pakikipagkaibigan kay Consuelo Ortiga y Perez 2. Talumpati para kay Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo 3. Pagkasangkot sa mga Demonstrayon para kay Miguel Morayta 4. Pagsapi sa Mosonerya- Acacia at Solidaridad, gumamit ng sagisag na Dimasalang 5. Pagkumpleto ng Pag-aaral sa Universidad Central de Madrid- dito tinapos ang mga kursong Medesina at Pilosopiya at Letra 6. Lihim na Misyon- magmasid sa pamumuhay at kultura, mga wika at kaugalian, at mga pamahalaan at batasng mga bansang Europeo France (1885-1886) Pinuntahan ang Paris Nagtrabaho kay Dr. Louis de Weckert Naging modelo ni Juan Luna sa mga painting nito- Ang Kamatayan ni Cleopatra at Sanduguan Kinatha ang “Alin Mang Lahi” Germany (1886-1887) Mga Lungsod na Pinuntahan: 1. Heidelberg Sinulat ang “A Las Flores de Heidelberg” 2. Wilhelmsfeld Nagbakasyon kina Pastor Karl Ullmer Nakipagsulatan kay Ferdinand Blumentritt 3. Leipzig Pagsalin sa Tagalog ng “William Tell” ni Schiller at “Fairy Tales” ni HansChristian 4. Berlin Nakilala si Dr. Feodor Jagor Nagtrabaho kay Dr. Karl Ernest Schweigger Nilimbag ang Noli Me Tangere Noli Me Tangere Naging Inspirasyon: Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe Sinimulan sa: Madrid, Spain 1884 (1/2) Ipinagpatuloy sa: Paris, France 1885 (1/4) Tinapos sa: Wilhelmsfeld, Germany 1886 (1/4) Ganap na Tinapos/ Nilimbag sa: Berlin, Germany, Pebrero 21, 1887) Noli MeTangere Halaga ng 2,000 Kopya: P300.00 Lumabas: Marso 21, 1887 Tumulong sa Pagpapalimbag: Maximo Viola Saan Kinuha ang Pamagat: Bibliya- Juan 20:13-17 Kahulugan: Huwag mo akong Salangin Pinaghandugan: Inang Bayan Bilang ng Kabanata: 63 Simula ng Nobela: Piging na binigay ni Kapitan Tiago para kay Crisostomo Ibarra Wakas ng Nobela: Pumasok sa kumbento ng Santa Clara si Maria Clara Pangunahing Tauhang Lalaki: Crisostomo Ibarra Pangunahing Tauhang Babae: Maria Clara Iba Pang Tauhan: *Elias * Basilio *Pilosopong Tasio * Dona Victorina *Kapitan Tiago *Padre Damaso *Padre Salvi *Sisa *Crispin Paglalakbay sa Europa Kasama si Maximo Viola (1887) Mga Bansang Narating: 1. Germany 2. Czeck Republic 3. Austria 4. Switzerland 5. Italy 6. Vatican