You are on page 1of 3

CHAPTER 2 ANG KABATAAN NG BAYANI

- Sa makasaysayang pook ng Calamba, Laguna kumita ng unang liwanag si Dr. Jose P. Rizal noong
Hunyo 19, 1861.
- Bininyagan siya ni Padre Rufino Collantes tatlong araw pagkasilang niya sa sangmaliwanag,
Hunyo 22, 1861
- Ang ninong niya ay si Senyor Pedro Casanas
- Napansin ni Padre Collantes ang hindi pang-karaniwang na laki ng ulo ng sanggol kaya’t nasabi
niyang “Ginang, pangalagaan ninyo ang ulo ng inyong anak sapagkat magiging dakila siya
pagdating ng araw.”
- Ang magulang niya ay sina Francisco Mercado Rizal (1818-1898) at Teodora Alonzo y Realonda
(1826-1911)
- Ang buong pangalan ng bata ay Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
- JOSE- sa patrong si San Jose
- PROTASIO- nagmula sa kalendaryo
- Ang Rizal ay apelyidong tinaglay ng kanilang pamilya dahil sa utos ni Gobernador Narciso
Claveria noong 1849 na ang lahat ng mga Pilipino ay nararapat mamili ng apelyidong Kastila
dahil nahihirapan sila na bigkasin at tandaan ang apelyidong Pilipino.
- Napili ni Don Francisco ang Rizal na mula sa kastilang “Ricial”na nangangahulugan ng “luntiang
bukid” (green field) sapagkat ang pinanggalingan ng kabuhayan nila ay mula sa mga Bukirin.
- MERCADO- nanggaling sa kanyang nunong lalaki sa ama na si Domingo Lam-co
- MERCADO- dahil ang hanapbuhay niya ay pagtitinda at ang “Mercado” ay nangangahulugan ng
“palengke”
- ALONZO- ay apelyido ng ama ng kanyang ina
- REALONDA- ay apelyido ng ninang ng kanyang ina
- Si Jose ay pampito sa labing-isang magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina:
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Concepcion
8. Josefa
9. Soledad
- Ang kanilang kabuhayan ay nanggaling sa mga lupaing inuupahan ng kanyang ama sa mga paring
Dominiko.
- Bata pa lang si Jose ay kinapansinan na ng katalinuhan
- Sa gulang na tatlong taon ay marunong na siyang bumasa at sumulat.
- Ang kanyang ina ang kanyang unang guro
- “Huwag kang tutulad sa batang gamugamong napahamak dahil sa pagsuway sa pangaral ng
ina.”
- Lubhang kapansin-pansin ang pagkahilig ni Jose sa iba’t-ibang sangay ng karunungan.
- Bukod sa natutuhan niya ang “caton” sa gulang na tatlong taon ay natuto rin siyang gumuhit ng
mga larawan.
- Tiyo Gregorio- tinuruan siya ng kasipagan at pagtitiwala sa sarili sa halip na umasa sa iba, ng liksi
sa mga Gawain at ng pagmamasid at paglalarawan sa kapaligiran
- Tiyo Jose- sinamay siya sa pagguhit at pag-ukit
- Tiyo Manuel- Naghikayat sa kanya na mag-aral ng iba’t ibang larong pampalakas ng katawan
katulad ng paglangoy, eskrima at buno upang siya’y lumusog.
- Palagi siyang ipinapasiyal sa bukid ng kanyang kapatid na si Paciano upang makasagap ng sariwang
hangin.
- Nadama ni Jose ang unang karanasan ng pamimighati noong siya’y apat na taong gulang nang
pumanaw ang kapatid niyang si Concepcion.
- Sumunod sa kanya si Concepcion at lagi niya itong kalaro.
- Sumulat siya ng isang dula para sa pista ng bayan sa gulang na pitong taon at itinanghal sa
liwasang bayan ng Calamba ang naturang dula.
- Alkalde ng Paete -labis siyang nasiyahan sa dula na handog ni Jose at hiniling niya na maitanghal
ito sa kanyang bayan. Pinagkalooban niya ng dalawang piso si Jose.
- Nakasulat siya ng isang tula na may pamagat na “Sa Aking Mga Kabata” na kung saan masasabing
sa murang gulang pa lamang ni Jose ay bumukal na sa kanyang puso ang pagmamahal sa sariling
wika at sa Kalayaan.
- Padre Leoncio Lopez -isang paring may malaking naitulong sa pag hubog sa katauhan ni Jose
- Sumapit ang panahong kinailangang ipadala sa Binyang, Laguna upang siya’y makapag-aral sa
isang pribadong paaralan sa dahilang binawian ng buhay si Leon Francisco na tagapagturo sa
magkakapatid.
- Siyam na taon noon si Jose at ito ang kauna-unahang pagkakataong mawalay siya sa mga
magulang at mga kapatid.
- Nanirahan siya sa tiyahin sa Binyang
- Ang Aking Unang Salamisim- ayon sa dalawang kapatid niyang babae ay sinulat ng bayani noong
siya’y siyam na taong gulang lamang (1870). Pinagtatalunan pa kung tunay ngang kay Rizal ang
tulang ito, salin ng tulang “MI PRIMERA INSPIRACION.”
- Maestro Justiniano Cruz -naging guro niya sa Binyang. May lubos na kabatiran sa asignaturang
itinuturo at sanay na sanay sa Latin at Espanyol.
- Ang anak ni Maestro na natalo ni Rizal ay si Pedro.
- Nagbuno sila at natalo ni Jose si Pedro.
- Malimit siyang mapalo kahit na ang sabi ng lahat ay mabait siyang bata.
- Siya’y palaging nananalo sa pagalingan ng klase.
- Iginalang at kinaibigan siya ng lahat sa klase matapos na makilalang siya’y may mabuting
pagkatao.
- Si Jose ay nag-aaral din ng pagguhit ng larawan.
- Ang guro niya sa pagguhit ay si Juancho, biyenan ni Cruz.
- Pagkalipas ng isang taon ay sinabi ni Maestro Cruz kay Jose na maaari na siyang umuwi sapagkat
natutuhan na niyang lahat ang maaring ituro ng isang guro.
- Isang araw ay tumanggap siya ng isang liham mula kay Saturtina na nagsasabing daraan sa
Binyang ang bapor Talim at doon siya sasakay pauwi sa Calamba.
- Nilisan ni Jose ang Binyang noong Disyembre 17, 1871. ito ang unang pagkakataong nakakita at
nakasakay siya sa isang tunay na bapor.
- Arturo Campos -isang Pranses na kaibigan ng kanyang ama ang tumingin sa kanya sa paglalakbay
habang sakay ng barkong Talim.
- Malaking kaligayahan ang nadama ni Jose nang muling makapiling ang mga magulang at mga
kapatid.
- Hindi naniniwala si Don Francisco nang sabihin ni Jose na naituro na sa kanya ang lahat ng
nalalaman ni Maestro Cruz.
- Isinunod naman ni Don Francisco na papag-aralin ng Aritmetika si Jose sa ilalim ng pagtuturo ng
gurong si Lucas Padua bilang paghahanda sa pagsusulit na kukunin niya sa Maynila.
- Hindi niya malilimot ang madalas niyang marinig sa kanilang tahanan sa loob ng maraming taon,
palibhasa’y may matalas siyang pakiramdam, siya ay masusing nagmasid sa usapan ng matatanda
at sa mga taong may katungkulan.
- Ito ay ang patungkol sa pgkakadalaw sa Binyang ng Gobernador sa Hongkong na si Sir John
Bowring na pinag-ukulan ng papuri ng kanyang Tiyo Alberto.
- Ang mahalagang natanim sa kanyang isip ay ang ibinalita ng gobernadora tungkol sa sinulat ni
Morgam tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
- Ayon kay Bowring ay higit na makatarungan ang pagkakalarawan ni Morgam sa mga unang
Pilipino kaysa ginawa ng mga istroyador na kastila ng ikalabinsiyam na siglo.

You might also like