You are on page 1of 4

LIFE AND WORKS OF

RIZAL
RIZ 101
Kabanata 3

ISSAIAH NICOLLE L. CECILIA


4 BSN – A
KABANATA 3
Ang Buhay ni Rizal: Ang Kanyang Pamilya, Kabataan at Pag-aaral

Ang mga magulang ni José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay sina

Don Francsico Mercado Rizal at Donya Teodora Alonzo y Quintos Realonda. Isinilang

si Don Jose sa Binyang, Laguna noong Abril 18, 1818 at si Donya Teodora naman ay

sa Sibacon, Sta. Cruz, Maynila noong Nobyembre 14, 1827. Parehong nakapagtapos

ng pag-aaral ang kanyang mga magulang. Gayunpaman binawian ng buhay ang

kanyang ama noong 1898 at ang kanyang ina naman noon 1911.

Mayroong labing isang kapatid si Rizal. Sila ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa,

Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. Samantalang isinilang

naman si Rizal sa bayan ng Calamba, Laguna araw ng Miyerkules ng ika-11 at 12:00

ng gabi. Sinasabing naging mahirap sa ina ni Rizal ang panganganak sapagkat malaki

raw ang kanyang ulo sa pangkaraniwang sanggol.

Narito naman ang mga pinagmulan ng pangngalan ni Rizal:.

1. Jose – San Jose

2. Protacio – kalendaryo na isinilang sa ika-19 ng Hunyo

3. Mercado – pamilihan/palengke

4. Rizal - napili ni Don Francisco ng iniutos na magbago ng apelyido

- salitang kastilang “Ricial” na nangangahulugang “Luntiang

Kabukiran”

- pagsasaka ang kanilang hanapbuhay

5. Realonda – nagbuhat sa kanyang ina na nagmula sa Ninang nito


6. Alonzo – matandang apelyido ng kanilang pamilya, apelyido ng ama ng

kanyang ina

Sa kabataan naman ni Rizal, sa kanyang murang edad na tatlong aon ay

nakitaan na siya ng angking talino sapagkat marunong na siyang sumulat at bumasa.

Naging unag guro niya ang aniyang ina. Matatandaang isang gabi habang siya ay

tinuturuan nito napansin ng kaniyang ina na pinapanood ni Rizal ang mga gamugamong

lumilipad. Kung kaya’ inilahad ng ina ni Rizal ang isang pabula tungkol sa inang

gamugamo sa kanyang mga anak. Ang aral sa pabula na ito ay huwag sumuway sa

pangaral ng inang gamugamo. Ito ang bumuo at humubog sa kaugalian ng ating

pambansang bayani.

Marami pang mga bagay ang naganap noong kabataan ni Rizal ngunit ang isa

sa mga di niya malilimutang pangyayari ay ang pagkamatay ng kanyang kapatid na si

Concepcion. Sa edad na walo ay nakasulat siya ng isang tulang may pamagat na “Sa

Aking Kababata” na tungkol sa pag-ibig sa sariling wika.

Lubos na maraming kaalaman pa nga ang natutunan ni Rizal at noong ngang

Disyembre 17, 1871, nilisan niya ang bayan ng Binyang. Labis ang kanyang kasiyahan

ng makapaling na niya muli ang kanyang pamilya.

You might also like