You are on page 1of 13

LIFE AND WORKS OF

RIZAL
RIZ 101
Kabanata 4

ISSAIAH NICOLLE L. CECILIA


4 BSN – A
KABANATA 4
Ang Mataas na Antas na Edukasyon at Buhay sa Ibang bansa ni Rizal
ANG PAG-AARAL SA ATENEO

 Sa gulang na labing-isa ay inihanda na si Rizal sa pagpasok sa Maynila.

 Hunyo 10, 1872 - sinubukan niyang kumuha ng pagsusulit sa San Juan de

Letran ngunit sa huli ay Ateneo Municipal de Manila siya pumasok sa tulong na

rin ni Manuel Xeres, pamangkin ni Padre Burgos.

 Unang nanirahan si Rizal sa tahanan ni Titay, isang matandang dalaga. Nang

sumunod na taon ay kay Dona Pepay naman siya nanirahan, ito ay isang

biyuda.

 Padre Jose Beach – unang propesor ni Jose Rizal sa Ateneo

 Markang sobresaliente – natamo ni Rizal sa lahat ng asignatura ngunit wala

siyang natanggap na ano mang gantimpala.

 Dumalaw si Rizal sa Calamba at pinuntahan niya ang kanyang ina sa Sta. Cruz

na noo’y nakapiit.

 Ikalawang taon sa kolehiyo – Marso 1874, umuwi si Rizal ng taglay ang

tagumpay na kanyang nakuha mula sa pagkamit ng marking sobresaliente sa

lahat ng kanyang asignatura.

 Ilan sa mga librong binasa ni Rizal upang siya’y malibang habang siya ay nasa

bakasyon:

1. Conde ng Montecristo

2. Universal History

3. Mga Paglalakbay sa Pilipinas


 Ikatlong taon sa kolehiyo – pinayuhan si Rizal ng kaniyan in ana huwag ng

magpatuloy sapagkat delikado, ngunit ipanagpatuloy pa rin niya ito.

 Ikaapat na taon sa kolehiyo – siya ay naging interno, inilaan niyang Mabuti ang

kanyang oras sa pag-aaral.

 Naglilok si Rizal ng imahen ng Birhen Maria, humiling ang mga pareng Jesuita

sa ipaglilok sila ng Sagrado Corazon de Jesus.

 Romualdo de Jesus – guro sa paglilok

 Don Agustin Saez – guro sa pagpipinta

 Padre Francisco Sanchez - paborito propesor ni Rizal na naging inspirasyon

niya sa paggawa ng tula.

 Ilan sa mga tulang kanyang naisulat habang siya'y nag aral sa Ateneo:

1. Maligayang Bati (Felicitacion)

2. Ang Pagsakay: Imno sa Hukbo ng mga Pandigmang Dagat ni Magallanes (El

Embarque: Himno a laa Flota de Magallanes)

3. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang Kilabot ng Jolo (El Combate,

Urbiztondo, Terror de Joolo)

4. Ang Unang Nakaligid sa Daigdigat Kastilang si El Cano (Yes Espanol: El

Cano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo).

5. Ang Kasarian ni San Eustaquio (La Tragedia de San Eustaquio).

6. Isang Alaala sa Aking Bayan (Un Recuerdo A Mi Pueblo).

7. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Educacion (Alien Intima la

Religion y la Educacion)
8. Sa Pamamagitan ng Edukasyon ay Tumanggap ng Liwanag ang Inang

Bayan. (Por la Educacion Recibe Lustre la Patria)

9. Matagumpay na Pagpasok ng mga Haring Katoliko sa Granada

10. Ang Kabayanihan ni Columbus (El Heroismo de Colon)

11. Si Colon at si Juan 11 (Colon y Juan 11)

12. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian (Gan Consuelo en la

mayor Desdicha)

13. Ang Pakikipag-usap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaral (Un Dialogo Alusino a

la Despedida de los Colegiales)

 Labing-anim na tao si Rizal ng kaniyang natapos ang kanyang pag-aaral sa

Ateneo.

 Marso 23, 1877 - Natamo niya ang katibayan sa Bachiller en Artes - pinakamataas

na karangalan at limang medalyang ginto bilang gantimpala sa kanyang kahusayan

sa iba't ibang asignatura.


ANG PAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS

 Abril 1877 - nagpatala si Rizal sa Unibersidad ng Sto. Tomas; unang taon sa

Pilosopiya

 1878 - 1879 – lumipat sa kurso ng Medisina, nais niyang matulungan ang kaniyang

ina sa panlalabo ng paningin nito.

 Kumuha rin siya ng kursong bokasyonal na Agrimesor.

 Langing-pitong taong gulang siya ng natapos niya ang kursong Agrimesor

ngunit hindi siya nabigyan ng lisensya dahil wala pa siya sa tamang gulang.

 Nobyembre 25, 1881 – nakuha niya ang lisensya sa pagka-Agrimesor

 Segunda Katigbak – dalagitang unang nagpatibok ng puso ni Rizal. Nakilala niya

ito dahil gumuhit siya ng isang larawan nito.

 Ikakasal na pala si Segunda sa kanyang amain na si Manuel Luz. Ito ang kaniyang

ala-ala sa una at mahiyang pag-ibig.

 Sa ikalawang taon niya sa kolehiyo ay nakilala niya si Leonor na anak ni Kapitan

Juan at Kapitana Sanday Valenzuela. Tinuruan niya ito ng paggamit ng asin at

tubig na tinta sa pagsulat. Hindi naging matagal ang kanilang pag-iibigan at naging

magkaibigan na lamang.

 Leonor Rivera – umakit sa mapaglarong diwa ni Rizal nan ais makasimsim ng

“nectar ng pag-ibig”. Ginamot siya nito ng minsa’y mapawaay ang grupo ni Rizal.

Ginamit ni Rizal ang pangalang “Pepe” at si Leonor naman ay “Tamis”.

 Hinagupit ng isang Tenyente ng mga Guardia civil si Rizal ng buntot-page sa likod

na nagdulot ng mahapding sugat. Hindi niya nakuha ang katarungan sa


pangyayaring ito kung kaya’t ito ang nagpatibay sa kanyang isip na mabigyang

katapusan na ang masasamang gawi tulad ng ginawa sa kanya.

 Sa Kabataang Pilipino – tulang inilahok ni Rizal sa timpalak ng tula sa Liceo-

Artistico-Literario noong 1879.

 Sanggunian nga mga Diyus-Diyosan (El Consejo de los Dioses) – isa pang tula na

inilahok sa isang timpalak.

 Sa Tabi ng Pasig (Junta al Pasig) – dulang isinulat ni Rizal na itinanghal sa Ateneo

noong Disyembre 8, 1880

 Sa Pilipinas – sonetong isinulat na itinanghal naman noong Pebrero, hinimok ang

mga Pilipinong makasining na pahalagahan ang Pilipinas

 Natapos niya ang medisina noong 1882 at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-

aaral sa ibang bansa dahil na din sa payo ng kanyang mga kapatid na sina Paciano

at Saturnina at kanyang Tiyo Antonio.


ANG UNANG PAGLALAKBAY NI RIZAL SA IBANG BANSA (MAYO,
1882 – AGOSTO 5, 1887)

 Lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa ibang

bansa kung kaya’t sina Paciano at Tiyo Antonio ang nag-ayos nga mga kanyang

kakailanganin sa pagpunta sa ibang bansa.

 Ang bapor Salvadora ang unang bapor na sinakyan niya sa Singapore. Lumipat

naman siya sa Pranses D’Jenna at sumakay siya ng tren patungong Barcelona

sa Espanya.

 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (El Amor Patrio) – unang sanaysay na isinulat ni

sa Barcelona. Isinalin sa tagalog ni Marcelo H. Del Pilar at lumabas sa

Diyaryong Tagalog noong Agosto 22, 1882.

 Laong-laan – ginamit na sagisag panulat ni Rizal

 Ipinadala niya ang artikulong Mga Paglalakbay (Los Viajes) ngunit ang

sumunod na artikulong "Pagbabalik Pananaw sa Madrid" (Reviste de Madrid)

ay ibinalik sapagkat natigil na paglalathala ang Diyaryong Tagalog.

 Taong 1882 nang lisanin ni Rizal ang Barcelona patungong Madrid.

 Nobyembre 3, 1882 - siya ay nagpatala sa "Unibersidad Central de Madrid" s

dalawang kurso, "Filisofia y Letras" at Medisina.

 Nag-aral din siya ng pagpipinta at eskultura sa Akademya ng San Carlos at

kumukuha ng leksyon sa Pranses Ingles at Aleman sa ibang mga paaralan ng

wika. Nagsasanay rin siya ng pagtudla at arris.


 Umibig si Rizal kay Consuelo ngunit dahil umiibig ang kaibigan niyang si

Eduardo de Lete at naisip din niya ang kanyang kasintahan na si Leonor ay

naudlot ang kanilang pag-iibigan.

 Itinatag ang samahang Circulo Hispano-Filipino noong 1882 na binubo ng

Kastila at Pilipino.

 Pinatutula Ako (Mi Piden Versos) - tulang isinulat ni Rizal ng dahil sa kanyang

pagdaramdam at kalungkutan.

 Ginising ang kanyang damdamin para sa mga api at kulang-palad na tao ng

dalawang aklat na "Uncle Tom's Cabin" ni Beecher Stowe at ang "The

Wandering Jew" ni Eugene Sue. Kabilang din ang "Florante at Laura" ni

Francisco Balagtas na dala dala niya sa kanyang paglalakbay.

 Spolarium at Kristiyanong Birhen na Ibinilad sa Madla – mga pintura na

nanalo sa at ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang salu-salo na dinaluhan ni

Rizal upang siya’y makakain ng hapunan.

 Dito, inataki niya ang mga Kastila na hindi nainiwala na ang katalinuhan ay

pandaigdig. Ayon kay Rizal, ang pinsel at brotsa ang gagamitin upang wakasan

ang mababang pagtingin sa kanila ng mga Kastila.

 Pebrero 12, 1887 - natapos ni Rizal sa Berlin ang nobelang Noli Me Tangere,

naging inspirasyon niya dito ang Uncle Tom’s Cabin. Sinabi niya kay Marcelo H.

Del Pilar na sinulat niya ito upang gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.

 Marso 1887, nailathala ang nobelang ito sa Berlin sa tulong ng perang galling

kay Dr. Maximo Viola, kaibigan niyang taga Bulacan.


ANG UNANG PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS

 Dumating siya noong Agosto 5, 1887.

 Una niyang naging pasiyente ay ang kanyang ina, naging matagumpay ang

operasyon kung kaya’t dumagsa ang ibang pasyente na mula pa sa Maynila.

 Ipinatawag siya ni Gobernador Heneral Terrero dahil naging matunog ang Noli.

 Ipinasuri ang aklat sa isang komite ng propesor ng U.S.T., ang aklat daw ay

lapastangan, eretiko at subersibo, nakakasirang puri sa relihiyong Katoliko at

tumutuligsa sa pamahalaang Kastila.

 Caiingat Cayo – polyetong tumutuligsa sa Noli ni Pari Jose Rodriguez

 Dalit Paggawa (Himno at Trabajo) – naisulat ni Rizal noong pinaalis sila sa

Maynila

 Ang unang hinto ni Rizal ay sa Hong Kong at ang ikalawa ay sa Yokohama.

Nanatili siya rito mula Pebrero 28, 1888 hanggang Abril 13, 1888 at nabihag

ang kanyang puso ng kagandahan ng isang Haponesang nagngangalang O-Sei-

San.

 Associacion La Solidaridad (Solidaridad Association) - samahan ng mga

Pilipinong mapagmahal sa bayan na tutulong kay Rizal sa kanyang reporma.

Ang samahang ito na tinawag na pinasinayahan noong Disyembre 31, 1888 sa

pamumuno ng mga sumusunod Galicano Apacible, president, Graciano Lopez

Jaena, vice president; Manuel Santa Maria, Secretary, Mariano Ponce,

treasurer; at Jose Ma. Panganiban, Accountant. Si Rizal ang kanilang napiling

"honorary president."
ANG KAMPANYA PARA SA REPORMA

 Insulares Filipino - mestizos o Kastilang ipinanganak sa Pilipinas; middle class

 Peninsulares - Kastilang ipinanganak sa Espanya

 Indio – katutubo

 Pinamumunuan ni Rizal ang Asociacion La Solidaridad noong Disyembre 31,

1888. Pebrero 15, 1888, naman inilunsad ni Graciano Lopez Jaena ang

makabayang pahayagang "La Solidaridad" sa Barcelona at ang unang artikulo

ni Rizal sa pahayagan ay "Los Agricultores Filipinos" (The Filipino Farmers)

noong Marso 25, 1899.

 Nilisan ni Rizal ang London upang huwag malulong kay Gertrude sapagkat

ayaw niyang pagtaksilan si Leonor Rivera.

 Sinulat niya ang satirikong pagpapahayag na "Ang Pangitain ni Prayle

Rodriguez" (La Vision de Fray Rodriguez) na tugon sa pagtuligsa sa kanya ni

Pari Rodriguez.

 Lumisan si Rizal patungong Madrid noong Hulyo, 1890 na iniluha ni Susanne

Jacoby, pamangkin ng kanyang pinangangaserahan na naging kasintahan niya.

 Muntik namang magduwelo sina Rizal at Antonio Luna na nalasing sa isang

pagtitipon at nagsalita ng laban kay Nellie Boousted na bumigo sa kanyang pag

big at si Rizal ang kanyang sinisisi.

 Nalungkot si Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Leonor Rivera na

humihingi ng patawad sa gagawing pagpapakasal sa iba noong Disyembre,

1890.
 Nagkalaban sina Rizal at Marcelo H. Del Pilar sa pinagpipilian ng mamu muno

sa "Associacion Hispano Filipino" nang bumalik siya sa Brussels, Belgium

noong Pebrero, 1891. Nagwagi si Rizal ngunit tinanggihan niya ito at ipinasiya

niyang umalis at iwan ang pamumuno kay Marcelo H. Del Pilar.

 Nagtapat ng pag-ibig si Rizal sa anak na si Nellie Boustead at hindi tinanggap

ng dalaga na nag-aalinlangan sapagkat kabibigo pa lamang nito kay Leonor.

 Sinimulan niyang isulat ang "El Filibusterimo" sa Calamba noong 1887.

Itinuloy niya ang pagsusulat ng ibang mga kabanata sa Madrid, Paris, at Biarritz.

Natapos niya ito sa Biarritz noong Marso 29, 1891 at inilimbag sa Gante,

Belgium noong Setyembre 18, 1891 sa tulong ni Valentin Ventura.

 Inihandog niya sa tatlong paring sina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre

Zamora na binitay nang hindi nabigyan ng katarungan.


ANG HULING PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS

 Nakarating si Rizal at ang kanyang kapatid na si Lucia, balo ni Herbosa, noong

noong Hunyo 21, 1892

 Nahulog sa bitag sapagkat ang Kastilang Konsul sa Hong Kong na nagbigay

garantiya ng kanyang kaligtasan ay nagpahatid kawad sa Gobernador Heneral

na si Rizal ay pabalik na sa Pilipinas.

 Idinimanda si Rizal sa paglaban sa relihiyon at sa kilos na di Makabayan.

Layunin ng La Liga Filipina:

1. Ang pagkakaisa ng buong kapuluan sa isang malakas at nagka kaisang

kabuuan.

2. Ang gantihang proteksyon sa lahat ng kagipitan at pangangailanan.

3. Ang pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.

4. Ang pagpapaunlad at pagpapasigla sa edukasyon, pagsasaka at

pangangalakal.

5. Ang pag-aaral at pagpapatupad ng mga reporma.

 Si Rizal ay pinagbintangan na sumulat ng "Pobres Frailes" isang satirikong

akda laban sa mayayamang paring Dominico na ang nakalagay na may akda ay

Padre Jacinto. Natagpuan ang mga sipi sa loob ng unan ng kapatid niyang si

Lucia.

 Hulyo 7, 1892 ay inilathala sa pahayagan ang pagpapatapon kay Rizal sa isang

isla sa mga sumusunod na kadahilanan:


1. Ang pagsulat at pagpapalimbag ni Rizal ng mga aklat at mga artikulong

nagpapahayag ng di katapatan sa Espanya at pagtuligsa sa relihiyong

Katoliko at sa mga pari.

2. Pagkaraan ng ilang oras mula nang siya'y dumating ay natagpuan sa

kanyang dala-dalahan ang isang bungkos ng mga kartel na may pamagat na

"Pobres Frailes" at naglalaman ng pagtuligsa sa mga pari at kaugaliang

Katoliko.

3. Inihandog niya ang kanyang nobelang "El Filibusterismo" sa tatlong

diumano'y paring sina Gomez, Burgos at Zamora at kanya pang ipinalimbag

sa unang dahon na "ang tanging kaligtasan ng Pilipinas ay ang paghiwalay sa

Inang Espanya."

4. Ang layunin niya na wasakin ang paniniwala ng matatapat na Pilipino sa

relihiyong Katoliko.

You might also like