You are on page 1of 57

Kabanata II

DR. JOSE RIZAL, ANG PAMBANSANG BAYANI


Aralin 1: Pagsilang
Aralin 2: Pamilya
Aralin 3: Kamusmusan

Introduksyon

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa kapanganakan ng pambansang bayani, ang kaniyang


mga magulang at kapatid maging ang kanyang mga ninuno at ang kamusmusan ni Rizal.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Makilala ang katauhan ng bayani ayon sa kasaysayan ng kanyang buhay.


2. Magkaroon ng malawak na kabatiran ukol sa buhay na pinagdaanan ng bayani
3. Mapulot ang magagandang halimbawa ng ginawa ng bayani bilang anak, kapatid
at mamamayan.

Aralin 1
Pagsilang
Kapanganakan at Pagsilang

Araw ng Miyerkules, malapit maghating gabi isinilang si Rizal ng ika-19 ng Hunyo 1861.
Kapanahunan iyon ng pamamahala ng kapangalan niyang gobernador-heneral na si Jose Lemery.
Ipinanganak si Rizal sa bayan ng Calamba sa Laguna na isa sa mga lalawigang may katutubong
wikang Tagalog.

Sinasabing nakuha ng bayan ng Calamba ang pangalan nito nang minsang may naligaw na
dalawang kawal na Espanyol at nagtanong sa dalawang babae kung ano ang pangalan ng lugar na
kanilang kinaroroonan. Dahil hindi naunawaan ang tanong sa wikang Espanyol, inakala ng mga
babae na sinisita ang kanilang mga dalahin na kalan at banga kaya iyon ang isinagot nila. Ang
“Kalan-banga” na narinig mga sundalo ay naging Calamba kalaunan.

Naipangako ng ina ni Rizal sa Birheng Maria na dadalhin ang anak sa pilgrimage sa Nuestra
Seῆora de la Paz y Buen Viaje (Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay) sa Simbahan ng
Antipolo bilang pasasalamat sa ligtas na panganganak na muntik na niyang ikasawi. Ginawa ang
pilgrimage pitong taon makatapos ang pagsilang ni Rizal.

Sinasabing malaki ang ulo ng sanggol na si Rizal na nagpahirap sa ina sa pagluwal sa kanya.
Ang malaking ulo ay napuna rin ng paring si Rufino Collantes na nagbinyag sa kanya sa Iglesia San
Juan de Bautista tatlong araw matapos ang pagkasilang. Ang isa pang pari na si P. Pedro Casaῆas
ang tumayong ninong sa binyang.

Bininyagan si Rizal bilang Jose Protacio. Ang Jose ay hanga sa araw ng pista ng ama ni
Hesus na si San Jose na ika-19 din ang araw ng kaarawan tulad ng kay Rizal, bagamat sa buwan
iyon ng Marso.

Naging kasawian na kasi noon ng mga magulang na ipangalan ang mga anak sa santo, lalo
na kung ang kapanganakan ay tumapat sa pista ng santo sa kalendaryo. Dahil ang ika-19 ng Hunyo
sa kalendaryo ay tumapat sa pista ni San Protacio, ang naging ikalawang pangalan ni Rizal ay
Protacio.

1|Page
Si Rizal ay kilala rin sa palayaw na Moy, Ute, at Pepe. Ayon sa mananaliksik na si Felice P.
Santa Maria, Pepe ang isa sa palayaw niya dahil ang Jose, na batay kay San Jose, ay laging
sinusundan ng abbreviation na P.P. o pater putativus (commonly accepted father) sa Latin. At dahil sa
letrang “P” sa Espanyol ay binibigkas na “peh”, ang P.P. ay naging Pepe.

Ang buong pangalan ng pinakadakilang bayaning Pilipino ay DR. JOSE PROTACIO


MERCADO RIZAL Y ALONZO REALONDA. Ang katulong na hilot ay si Celedonia.

Dr. – sapagkat pinag-aralan at naipasa niya ang lahat ng asignatura sa pagka-manggagamot


sa Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884, Ngunit hindi niya naibigay ang
kinakailangang tesis at kabayaran kaya’t hindi siya nabigyan ng diploma bilang manggagamot sa
medisina.

Jose – ipinangalan sa kanya ng kanyang ina bilang pagbibigay-karangalan kay San Jose na
isinilang noong ika-19 ng Marso.

Protacio – ay buhat sa kalendaryo, sapagkat lahat ng isinilang sa ika-10 ng Hunyo ay may


katumbas na pangalan sa kalendaryong katoliko na Gervaco y Protacio at Sta. Juliana Falconeri at
noong panahon ng kastila ang pangalan ng bata ay kinukuha sa kalendaryo.

Mercado – ginamit ng nuno na si Domingo Lam-ko noong 1731. Ang apelyidong ito ay ayon
sa kanyang panlasa sapagkat ang kanyang hanapbuhay ay pagtitinda. Ang Mercado ay
nangangahulugan na pamilihan o palengke.

Rizal – ay napili ni Don Francisco bilang pagtubad sa utos ni Gob. Heneral Narciso Claveria
noong Nobyembre 11, 1849, na ang mga Pilipino ay magbago ng apelyido. Ang mga Kastila raw ay
nahihirapang bumigkas ng mga apelyidong Pilipino at marami raw mga apelyidong magkakatulad
kahit hindi magkakamag-anak. Ngunit walang naibigang apelyido si Don Francisco sa listahang
ipinadala sa Calamba, kaya’t napagpasiyahan niyang gamitin ang Rizal. Ito ay nagbuhat sa kastilang
“Ricial” na ang kahulugan ay luntiang bukiran”. Napili niya ito sapagkat ang kanyang hanapbuhay ay
pagsasaka. Ngunit ayon sa liham ni Jose Rizal kay Ferdinand Blumentritt ang apelyidong Rizal ay
idinagdag ng isang alkalde na kaibigan ng kanilang pamilya.

Realonda – buhat sa apelyidong ginagamit ng kanyang ina na kinuha naman sa ninang nito.

Alonzo – ay matandang apelyido ng pamilya ng kanyang ina

2|Page
Aralin 2
Pamilya
Mga Ninuno sa Panig ng Ama

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang napili ng maraming Tsino upang takasan ang kahirapan
at kaguluhang pulitikal sa China. Ang unang ninuno sa panig ng ama ni Rizal na mula China na
nangibang-bansa sa Pilipinas noong 1690 ay si Domingo Lam-co (1662-1752) na may pangalang
Tsino na Cua Yi Lam na kilala rin sa pangalang Mandarin na Ke Yinan.

Ayon kay Dr. Isidro Panlasigui, pinaniniwalaan na ang mga magulang ni Domingo Lam-co na
sina Siong-co at Jun-nio, ay mula sa mayamang angkan sapagkat ang “co” at “nio” sa dulo ng
pangalan ay katumbas ng don at doňa sa Espanyol, na tanda ng mataas na kalagayang panlipunan.
Nagmula si Domingo Lam-co sa nayon ng Shangguo (Mandarin: Zhang Guo) sa lalawigan ng Fujian
sa China.

Si Lam-co ay nabinyagang Katoliko sa Pilipinas noong 1697 na tumapat naman sa araw ng


Linggo; kaya’t Domingo ang bigay na pangalan sa kanya, na galing sa salitang Espanyol. Domingo rin
ang pangalan ng nagtatag Dominican order na nagbinyag sa kanya.

Sa kalaunan, ipinalit ang apelyidong Mercado sa Lam-co noong 1731 sa kapanganakan ng


unang anak na pinangalanang Francisco Mercado. Ito ay upang makaiwas sa pansin sapagkat ang
mga Tsino ay pinag-iinitan ng mga Espanyol. Napili ang apelyidong Mercado, na may kahulugan sa
Espanyol na palengke, dahil nababagay ito sa kabuhayan ng pamilya bilang mga negosyante.

Nakaibigan ni Lam-co ang ilang prominenteng dominikano at naging katuwang ng orden sa


paggawa ng mga kanal na pang-irigasyon sa mga lupaing pag-aari ng orden sa Laguna. Dahil dito, sa
bayan ng Biῆan na rin, sa lupain ng orden sa San Isidro Labrador, nanirahan ang pamilya ng ninuno
ni Rizal. Nakapangasawa si Lam-co ng isang Chinang mestiza mula Binondo, Manila, na ang
pangalan ay Ines de la Rosa (1680-1729). Sinasabing Francisco Mercado ang ipinangalan sa naging
anak nila bilang pagkilala ng utang na loob sa kaibigang mestizong prayle na Francisco rin ang
pangalan at kilala sa pag-aaral na botanika.

Si Francisco Mercado (1731-1801), na lolo sa tuhod ni Rizal, ang ama ng lolo ni Rizal na si
Juan Mercado (1770-1826). Pareho silang naging gobernadorcillo sa Biῆan; ang huli ay nahalal ng
tatlong beses. Isinunod ni Juan Mercado sa pangalan ng kanyang ama ang anak na siya naming ama
ni Rizal. Labing-tatlong magkakapatid ang ama ni Rizal; at dahil sa hindi sapat ang mga sakahang
lupa sa Biῆan, minabuti ng mga magkakapatid na maghanap ng sarili nilang mauumpisahang
sakahan.

Ang ama ni Rizal na si Francisco Mercado (1818-


1898), na kilala rin sa tawag na Don Kikoy, ay nagtapos ng
pag-aaral sa Colegio de San Jose sa Maynila. Nakakuha
siya ng mauupahang sakahan ng asukal, mais, at palay sa
Calamba, na pag-aari ng mga Dominikano.

Kinasiyahan ng mga Dominikano ang


pagpapaunlad ni Don Francisco sa ilang mga lupain sa
pagsasaka. Kaya’t nang lumaon ay sa kanya na pinaupa
ng karagdagang mga lupain at hindi pinabayaran sa kanya
ang unang limang taon. Malaking bagay ito sa pagyaman
ng ama ni Rizal. Napangasaw ni Francisco Mercado noong
1848 ang 20-taong gulang na si Teodora Alonso, na taga
Santa Cruz Maynila at siyam na taong mas bata.

3|Page
Pinagkunan: https://bayaningbayan.weebly.com

Mga Ninuno sa Panig ng Ina

Si Teodora Alonso (1827-1911), kilala rin sa tawag na Doῆa


Lolay, ay ipinanganak at biniyagan sa Maynila. Nagtapos siya ng
pag-aaral sa Colegio de Santa Rosa sa parehong lunsod. Ang
kanunu-nunuan ni Doῆa Teodora, si Eugenio Ursua, ay nagmula sa
lahing Hapon at nakapangasawa ng katutubo sa Pilipinas.

Ang lola sa tuhod ni Rizal na si Regina Ursua ay


nakapangasawa ng mestizong Tsino na nagngangalang Manuel de
Quintos na taga-Lingayen, Pangasinan at kilalang abugado na
nagtapos sa Unibersidad de Santo Tomas. Ang lola naman ni Rizal
na si Brigida de Quintos ay nakapangasawa ng mestizong Espanyol
na nagngangalang Lorenzo Alberto Alonso (1790-1854) na naging gobernadorcillo rin ng Biῆan.
Maging ang ama ni Don Lorenzo na si Cipriano Alonso ay nanungkulan sa parehong puwesto at
lugar.

Ayon sa pagpapakilala ni Rizal sa lolo niya sa pamamagitan ng liham kay Blumentritt,


sinasabi na si Don Lorenzo ay naging kinatawan sa Cortes subalit sa pagsasaliksik ni Leon Ma.
Guerrero sa Espanya, wala siyang natagpuan na may ganoong pangalan na naging kinatawan sa
Cortes. Si Don Lorenzo ay pinagkalooban ng mga titulong Caballero de la Orden de Carios III (Knight
of the Order of Isabel the Catholic) ng hari ng Espanyang si Amadeo.

Sinabi ni Austin Craig, manunulat at mananalaysay, at Asuncion Lopez Bantug, pamangkin


sa tuhod ni Rizal – na kapatid sa ama ni Jose Alberto si Teodora Alonso. Unang ikinasal si Don
Lorenzo Alberto Y Alonso, 24 taong gulang kay Paula Florentino, 12 anyos at tubong Vigan, Ilocos
Sur noon 1814. Pangalawang asawa niya si Brigida de Quintos, ina ni Teodora Alonso.

Sa kabilang banda, sinasabi naman na ang tiyo ni Rizal na si Jose Alberto ay ang lehitimong
anak ni Don Lorenzo; nga-aral sa Europa at bihasa sa Espanyol, Pranses, Aleman at Ingles. Subalit
ayon sa Ingles na gobernador ng Hongkong na si John Bowring na minsang nanuluyan sa bahay ni
Jose Alberto, ay nag-aral siya hindi sa Europa, kundi sa Calcutta India.

May haka-haka ang pangulo ng United Artists for Cultural Conservation and Development
(UACCD) na si Dr. Rosauro Santa Maria kung paano sa mga magkakapatid ni Teodora Alonso, na
ang lehitimong anak sa kanila ay ay si Jose Alberto. Maaaring napagkasunduan sa usapan ng mga
magkakapatid na si Jose Alberto ang kilalaning lehitimo para lehitimo rin na maisalin ang titulo ng
pagiging caballero (knight) ng ama nilang si Lorenzo Alberto Alonso at nanag sa gayon, mapanatili
ang kapit ng pamilya sa pamahalaan sa Espanya. Sinasabing itinakwil ni Jose Alberto ang ina nilang
si Brigida de Quintos upang palabasin na siya ang lehitiong anak sa unang kasal ni Lorenzo Alonso
kay Paula Florentino.

Maaaring si Teodora Alonso ay itinakwil din billang lehitimong kapatid dahil sa


kontrobersyang alitang bumabalot sa pamilya. Ang unang kontrobersya ay tungkol sa paratang na
tinangka ni Teodora Alonso na lasunin ang asawa ni Jose Alberto na si Teodora Formoso. Nag-ugat
ang pangyayari nang si Jose Alberto ay umuwi sa Biῆan galing Europa at natuklasan ang kataksilan
ng kanyang asawa si Teodora Formoso na may kinakasamang alferez (hepe) ng guardia civil.

Ikinulong ni Jose Alberto ang kanyang asawa sa isang silid ng bahay nila, habang si Teodora
Alonso at panganay na kapatid ni Rizal na si Saturnina ay minsan naghatid ng merienda, sa silid para
kay Teodora Formoso. Ipinakain ni Teodora Formoso ang hatid na merienda sa alagang aso na

4|Page
siyang ikinamatay naman ng aso. Kasabwat ng alferez ng guardia civil, pinalabas na pinangtangkaan
ni Teodora Alonso ang buhya ni Teodora Formoso.

Paliwanag ni Rizal, ang tinutukoy na alferez ng guardia civil ay naging kaibigan at panauhin
ng pamilya na nagkaroon ng sama ng loob nang minsan ay tanggihan ng ama ni Rizal na bigyan ng
kumpay (fodder) ang kabayo ng alferez at nagkaroon ng pagkakataong maghiganti sa
pakikipagsabwatan sa kinakasama niyang si Teodora Formoso. Samantala, mayroon ding sama ng
loob sa pamilyang Rizal ang gobernadorcillo na siyang hukom din sa pueblo. Minsan umano,
tinanggihan ng pamilya ang hinihiling na libreng manok at pabo. Hindi rin siya nabigyan ng kaukulang
parangal na nararapat para sa isang mahalagang panauhin sa salu-salo sa bahay ng pamilya Rizal.

Kapalit ng pangakong kaluwagan ng parusa sa kaso, nahikayat ng Gobernadorcillo Antonio


Vivencio del Rosario na paamin ang ina ni Rizal sa paratang. Hindi tinupad ng gobernadorcillo ang
pangako, bagkus pinahiya pa si Doῆa Lolay na sapilitang pinalakad nang higit 50 kilometro mula
Calamba hanggang sa bilangguan sa Santa Cruz, Laguna at doon ay ikinulong ng dalawa at
kalahating taon.

Ang isa pang kontrobersya ay ibinahgi ni Barbara Gonzales, apo sa tuhod ng kapatid ni Rizal
na si Maria sa dokumentaryong “Mga Lihim ng Pmilya ni Rizal”. Ang kontrobersya ay tungkol sa sabi-
sabing pagkakaroon ng anak ng tiyo ni Rizal na si Jose Alberto sa panganay na kapatid ni Rizal na si
Saturnina, at ang anak na iyon ay sinasabing bunsong kapatid ni Rizal na si Soledad. Ito rin ang
paniniwala ng Ingles na historyador na si Austin Coates.

Ayon sa sabi-sabi, si Saturnina ay pinagbakasyon ni Doῆa Lolay sa isang lugar nang


malamang buntis ito. Sumunod si Doῆa Lolay at matapos ang matagal na panahon ay sabay sila ni
Saturnina na bumalik sa Calamba na may dalang sanggol. Pinalabas ni Doῆa Lolay na buntis na siya
nang umalis ng Calamba kaya nang magbalik ang dalawa mulas sa mahabang bakasyon, ipinakilala
ni Doῆa Lolay ang sangggol na kanyang isinilang.

Ano pa man ang totoo, si Solidad ang isa sa mga dahilan na ang ina ng magkakapatid na
Rizal ay napalaya mula sa pagkakabilanggo. Sa isang pistang dinaluhan ng gobernador-heneral na si
Rafael de Izquierdo, napahanga ito sa pagtatanghal ni Soledad. Nang itanong ng gobernador-heneral
kung ano ang kahilingan ng batang si Solidad, sinabi nitong ang kalayaan ng ina. Ipinag-utos ng
gobernador-heneral na muling buksan ang kaso ni Doῆa Lolay, at sa tulong ng dalawang abugado na
sina Don Francisco Marciada at Don Manuel Manzano, mga propesor ng batas sa Universidad ng
Santo Tomas, ay napalaya si Doῆa Lolay.

Gaya ng maraming pamilyang nagnanais na itago ang kahihiyan, ito rin ang hangad ng
pamilya ni Rizal. Subalit dahil kilala ang kanilang pamilya, nauungkat ang lihim at gulo nilang mag-
anak.

Pamilyang Mercado y Rizal

Ang pamilya Rizal ay kabilang sa tinatawag na principalia. Ilan sa mga nasa angkan ni Rizal
sa panig ng ama at ina ay naupong gobernadorcillo, isang puwesto sa pamahalaan na laan lamang
sa mga kasapi ng principalia. Ang pamilyang Rizal ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng Calamba.

Bagamat hindi pag-aari ng pamilya Rizal ang lupang kinatatayuan ng kanilang bahay, sila
naman ang natatanging pamilyang unang nakapagtayo ng bahay na bato sa Calamba at nakapagtayo
ng isa pa. ang bahay ng pamilya Rizal ay halos katabi ng simbahan sa bayan na noo’y magagawa
lamang ng mayayaman sa lipunan. May mahigit 1,000 aklat na bumubuo sa silid aklatan ng bahay.
Ang pamilya ay nagmamay-ari ng mga kabayo at kalesa. Maliban sa mga alagang kabayo, mayroon
ding alagang aso, si Usman, na kasa-kasama ni Rizal sa paglalakad sa mga sakahan.

Sa kabila ng yaman ng pamilya, hindi sila naging mapagmataas. Ang kanilang bahay ay
bukas sa sinumang bisita mula sa lahat ng antas-pangkabuhayan at panlipunan. Maliban sa pagiging

5|Page
tanyag na mayaman sa lugar, maisalalarawan din ang pamliyang tradisyunal at debotong Katoliko,
mahigpit ang samahan at ugnayan, at pinalaking magalang at disiplinado.

Isinalarawan ni Rizal ang ama na sa pangkalahatan ay tahimik at maramdamin. Maituturing


din itong huwaran ng mga ama sa pagiging maprinsipyo, tapat at masipag. Isinalarawan naman niya
ang ina na may pambihirang talino, mahusay sa wikang Espanyol at matematika at mahilig sa
panitikan at pagbabasa. Tila higit na namana ni Rizal ang angking talino mula sa ina at karamihan ng
mga ugali sa ama.

Tatlong taon matapos ikasal ang mga magulang ni Rizal, 32 taong gulang noon ang ama ta
23 ang ina, isinilang si Saturnina. Ang ina ay 34 na taong gulang habang ang ama ay 41 nang
isinilang si Rizal. Huling nagsilang ang ina ni Rizal sa gulang na 43 habang ang ama ay 52. Isa
hanggang tatlong taon ang agwat ng magkakapatid na Rizal.

Ang mga anak nina Don Kikoy at Doῆa Lolay mula sa pinakamatanda ay ang mga
sumusunod:

1. Saturnina (1850-1913). Kilala rin sa palayaw na Neneng. Ang


panganay sa mga magkakapatid na Rizal at ikinasal kay Manuel
Hidalgo ng Tanauan, Batangas. Nagkaroon ng limang anak na
sina Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto. Tinulungan
niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang
tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang
kanilang ina.

2. Paciano (1851-1939). Ang nag-iisang nakatatandang lalaki sa


kapatid ni Rizal at naging heneral sa himagsikan. Siya at ang common
law wife na si Severina Decena ay nagkaroon ng dalawang anak.
Inalagaan niya si Rizal at tinulungan niyang makarating sa Europa.
Habang nasa Europa si Rizal, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan
niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at
sa kanilang pamilya. Nag-aral sa Colegio de San Jose sa Maynila.
Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at
sinuportahan ni Paciano ang Propaganda Movement for social reforms
at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng
mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng
Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong
Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano. Namatay ng dahil sa
tuberculosis.

3. Narcisa (1852-1939). Kilala rin sa palayaw na Sisa.


Napangasawa si Antonio Lopez ng Morong at nagkaroon ng
siyam na anak. Ang pinakamatulunging kapatid na babae ni
Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sap ag-aaral ni
Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan
ang pag-aaral ni Rizal. Lahat halos ng mga tula at isinulat ni
Rizal ay kanyang naisaulo.

4. Olympia (1855-1887). Kilala sa palayaw ni Ipia. Napangasawa si


Silvestre Ubaldo ng Maynila at nagkaroon ng dalawang anak; ang isa
ay pumanaw pagkasilang.

6|Page
5. Lucia (1857-1919). Napangasawa si Mariano Herbosa ng
Calamaba, Laguna ta nagkaroon ng walong anak. Naging kahati sa
mga paghihirap ni Rizal. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa
kanyang mag kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang
mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan
nang nahatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang
miyembro ng pamilya Rizal.
Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo,
1889. Hindi siya binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi
siya nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat na “La Solidaridad Una
Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa maayos na libingan ang isang
mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal. Ang mga anak nila Lucia at Mariano
ay sina Delfina, Concepcion, Patrocinio, Esranislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak
noong 1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na kinabibilangan
nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating watawat. Si Delfina ang unang
asawa ni Heneral Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao
Tan ay naging mga estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang
itinatag sa Dapitan.

6. Maria (1859-1945). Kilala rin sa palayaw na Biang.


Ikinasal kay Daniel Fautino Cruz ng Biῆan, Laguna at
nagkaroon ng limang anak. Sinabi na si Maria daw ang
kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na
pakasalan si Josephine Bracken.

7. Jose (1861-1896). Kilala rin sa mga palayaw na Moy, Ute, at Pepe. Tinanggap na asawa si
Josephine Bracken, isang Irish, at nagkaroon ng isang anak na pumanaw pagkasilang.

8. Concepcion (1862-1865). Kilala rin sa palayaw na Concha. Maagang pumanaw dulot ng isang
sakit sa gulang na tatlo. Kung saan nakadama ng unang pagdadalamhati si Rizal. Sinasabing sa lahat
ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe’ Rizal na mas bata nang isang
taon sa kanya. Magkalaro sila at laging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at
sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae.

9. Josefa (1865-1945). Kilala sa palayaw na Pangoy.


Tumandang dalaga at kabilang sa 29 na unang mga
kababaihan na tinanggap sa Katipunan, kung saan siya ay
naging pangulo sa pangkat ng mga kababaihan. Noong si
Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat para kay Josefa na
ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa
kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng
mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto. Siya ay nagkaroon ng
sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at
maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya
sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.

10. Trinidad (1868-1951). Kilala rin sa palayaw na Trining.


Tumandang dalaga at pinakahuling pumanaw sa mga
magkakapatid na Rizal. Naging kaanib din ng Katipunan. Ang
tagapagtago at tagapamahala ng pinakahuli at pinakatanyag
na tula ni Rizal.
Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining
at isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay
masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na habang bata
pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso.

7|Page
Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose Rizal
na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na kaunting tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay.
Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose Rizal nang makatanggap siya ng liham
mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang taon at isa’t –kalahating
buwan na ang nakakaraan.

Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa
at parehong hindi nag-asawa. Noong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang
buwan mula Abril hanggang Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit
na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.

11. Soledad (1870-1929). Kilala sa palayaw na Choleng. Ang


bunso sa magkakapatid ay ikinasal kay Pantaleon Quintero ng
Calamba, Laguna at lima ang naging anak na sina Trinitario,
Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil
siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang
magkakapatid.

Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang


pamilya. Isang dahilan kung bakit siya ay tinawag na
kontrobersyal dahil da kumakalat na balita na hindi raw totoong
anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni
Teodora.

Bagamat anim ang nakakatandang kapatid ni Rizal na maaari sanang salitan, mag-alaga at
magturo sa kanya noong bata pa, mayroon siyang sariling yaya at iba pang pribadong guro.

Kung hindi kabilang sa principalia, mahihirapan ang mag-asawang Don Francisco at Doῆa
Teodora na itaguyod ang mga pangangailangan at magandang buhay ng mga anak. Kahit na marami
silang magkakapatid, nagawa ng mag-asawang pag-aralin ang mga anak sa mga kilalang paaralan
sa Maynila. Sila ang mga unang magulang sa Calamba na nakapagpadala ng mga anak sa Maynila
upang makapag-aral sa kolehiyo.

Ang mga kapatid ni Rizal na sina Josefa at Trinidad ay napabilang sa lupon ng kababaihan
ng Katipunan. Si Paciano naman ay nagsilbing heenral sa himagsikan noong 1896 at sa Filipino-
American War noong 1899 sa ilalim ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Bagamat natalo ang mga
rebolusyonaryong Pilipino, hindi siya nanumpa sa watawat ng Estados Unidos. Wika ni Paciano
“Hindi ko kayang sumumpa sa anumang watawat dahil ang aking katapatan ay pagmamay-ari ng
watawat ng Pilipino…”

Sa mga kapatid ni Rizal, tila si Paciano ang pinakamalapit sa kanya. Si Paciano ang
nagmulat kay Rizal sa mga kasamaan at kawalang katarungan sa lipunan at umalalay kay Rizal sa
pagpapatala sa mga paaralan. Si Paciano rin ang nag-asikaso ng mga pangangailangan ni Rizal pag-
alis ng Pilipinas at tumulong sa pagtaguyod ng pag-aaral at mga gastusin sa Europa. Bilang
nakakatanda at pangalawa sa panganay, nagparaya si Paciano at ibinigay kay Rizal ang karaniwang
mga pribilehiyong nakalaan sana sa isang nakakatandang kapatid.

8|Page
Aralin 3
Kamusmusan

Kabataan ni Rizal

Ginugol ni Rizal ang malaking bahagi ng kaniyang kabataan sa bayan ng Calamba at Biῆan.
Ang kaniyang kabataan ay puspos ng magagandang alaala sapagkat ang kanilang tahanan sa
Calamba ay malapit sa paanan ng Bundok ng Makiling at sa baybayin ng Lawa ng Laguna kung
kaya’t naging makulay at kaibig-ibig ang kaniyang mga karanasan sa panahon ng kaniyang
kamusmusan. May kaliitan at masasakitin si Jose kung kaya’t tatlong taon pa lamang siya ay ikinuha
na siya ng isang yaya upang higit siyang mapangalagaan. Ipinagpatayo pa siya ng kaniyang ama ng
isang kubo na yari sa nipa sa loob ng kanilang bakuran upang doon makapaglaro nang Malaya sa
loob ng kanilang hardin. Kadalasan ay doon siya naililibing na pakinggan at pagmasdan ang
Culinaunan, Maya, Maria-Capra, Pipit at iba pang uri ng ibon.
Unang narinig ni Jose sa kaniyang yaya ang mga kuwentong tungkol sa mga aswang, nuno
sa punso, mga maligno, tikbalang at iba pang kuwentong pambata.

Sa kaniyang paglaki ay nakalagay niya ang pamamasyal sa luntiang bukirin at dalampasigan


kasama ang kaniyang asong si Usman. Kung minsan naman ay sakay siya ng kaniyang kabayo at
kung minsan ay naglalakad siya kasama ang isa pa niyang asong itim na si Berganza.

Nakagawian din niya ang pamamasyal sa bahay ng ilang magsasaka na malalapit din sa
kanila upang makarinig lamang ng mga kuwentong bayan at alamat tungkol sa iba’t ibang lugar sa
Laguna.

Simula pa sa kamusmusan ni Jose ay nabakas na sa kaniya ang likas na katalinuhan.


Mapagtanong siya tungkol sa mga bagay-bagay na nakikita at napapansin niya sa kaniyang paligid.
Minsan ay napagtutuunan niya ng pansin ang isla Talim na nasa kabilang bahagi ng lawa ng Laguna.
Itinanong niya sa kaniyang ama kung may mga nnakatira din daw bang mga tao roon ay hindi rin
masaya katulad ng mga nasa Calamba. Sa kaniyang mga kilos at pagsasalita ay madalas
mahiwatigan na daman a rin niya, bagamat isang bata ang kahirapan at kalungkutang nararanasan
ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila. Naiuugnay na niya at nabibigyan ng mga
kahulugan ang kaniyang mga naririnig at nakikitang mga pangyayari sa kaniyang bayan. Sa kaniyang
murang gulang ay nalalaman na niya na ang mga Pilipino ay hindi malya sa kanilang pamumuhay sa
sariling bansa. Nakikita niya na hindi niya naiibigan na ang mga Pilipino ay sunod-sunuran sa kung
ano ang nais ng mga namumunong Kastila. Ang ganitong sitwasyon ay labis na ikinabagabag ng
kaniyang kalooban.

Mahal na mahal si Jose ng kaniyang mga kapatid lalo ng ng kanyang kuya Paciano na siyang
higit na malapit at nagpakita ng ibayong pag-aalala kay Ute (ito ang pabirong tawag sa kanya ng
kaniyang kapatid). Si Paciano ang itinuturing ni Jose na pangalawang ama. Siya ang nagbigay ng
higit na atensyon upang matgunan ang mga pangangailangan ni Jose sa kaniyang pag-aaral.

9|Page
Apat na taon si Jose nang maranasan niya ang dalamhati dahil sa pagkamatay ng kaniyang
nakababatang kapatid na sumunod sa kaniya – si Concha. Mabait at mapagmahal ang ina ni Jose
subalit kung dapat na paluin si Jose, ito ay pinapalo niya ng tsinelas. Ang pagdidisiplina ng ina ni Jose
ay nauunawaan niya kaya’t nang siya ay may hustong gulang na ay lagi niyang nasasabi sa kaniyang
sarili na anuman mayroon at anuman ang mabuting kinahinatnan ng isang anak ay utang niya sa
kaniyang ina.

Mahal na mahal ni Rizal ang bayan ng Calamba. Sa katunayan, siya ay sumulat ng isang tula
para dito. Pinamagatan niya itong “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Sa Alaala ng Aking Bayan). Siya ay
mahina, sakitin, at maliit noong siya ay tatlong taong gulang. Dahil dito, siya ay labis na inalagaan ng
kaniyang mga magulang at kapatid.

Isa sa pinakamasasayang alaala ni Rizal noong siya ay bata pa ay ang paglalakbay nila ng
kaniyang Ama patungong Antipolo upang tuparin ang pangako ng kaniyang ina noong siya ay
ipinanganak nito. Sila ay sumakay sa isang kasko na naglayag sa Ilog Pasig. Kinagiliwan niya ang
kanyang kauna-unahang paglalakbay, sa panonood ng tubig-ilog, sa katahimikan ng gabi, at ang
maningning na silahis na tumatagos sa banayad na tubig ng malawak na lawa sa sumunod na araw.
Pagkatapos magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo sina Jose at ang kaniyang ama
sa Maynila upang dalawin ang kaniyang kapatid na si Saturnina na nag-aaral noon sa Kolehiyo ng La
Concordia sa Santa Ana. Yaon ang kaniyang unang pagtungo sa Maynila.

Sa murang gulang, si Rizal ay biniyayaan na ng kakaibang mga talento. Ibinubuhos niya ang
kaniyang panahon sa pagmamasid sa kaniyang kapaligiran. Labis na tuwa ang kaniyang nadarama
sa pagmamasid sa kagandahan ng kalikasan. Tuwang-tuwa siya sa mga bagong bukad na mga
talutot ng bulaklak sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw, at tila sumasayaw sa mabining ihip ng
hangin. Bilang isang alagad ng sining sa murang gulang, sinubukan niyang gumuhit ng mga bagay
gamit ang kaniyang lapis. Nagmomolde rin siya ng mga debuho na nakahuli ng kaniyang pantasya’t
kawilihan.

Hindi lang isang potensyal na manunulat at alagad ng sining si Rizal. Isa rin siyang
madyikero. Malikhain ang kanyang mga kamay at daliri sapagkat nagagalaw niya ito at pinag-
aanyong tila mumunting tao o hayop kapag itinatapat sa harap ng ilaw at puting tela.
Nakapagsasagawa rin siya ng mga mahika gamit lamang ang kaniyang kamay. Sa bilis ng kaniyang
kamay ay nakakaya niyang paglahuin ang isang panyo nang hindi nahuhuli ng mga matang
manonood kung saan ito napunta.

Ang magagandang karanasan ni Rizal sa bayan ng Calamba ay nahaluan ng di masasayang


pangyayari dahil sa kalupitan ng mga guwardiys sibil na paroo’t parito sa kanilang bayan. Habang
naglalakad siya, isang bukang liwayway sa isang tag-init, si Rizal kasama ang aso niyang si Berganza
ay nakitang pinagmamalupitan at sinasaktan ng mga guwardiya sibil ang mga walang labang
mamamayan ng kanilang lugar.

Sampung taong gulang naman si Rizal nang marinig niya sa kuyang si Paciano ang tungkol
sa kaibigan at kabakas na si P. Jose Burgos na nangampanya para sa liberal na pagbabago. Si
Burgos ay isa sa tatlong martir na pari na ibinitay noong ika-17 ng Pebrero 1872 sa Bagumbayan,
kung saan din ibinitay si Rizal sa katulad na paratang na pagtataksil makalipas ang 24 na taon.
Nasabi ni Rizal na kung hindi ang salitang filibustero na ang kahulugan ay rebelde o kalaban ng
estado, na pinagbawal ng ama ni Rizal na mabanggit ng pamilya kailanman.

Konklusyon

Ang buong pangalan ng pinakadakilang bayaning Pilipino ay DR. JOSE PROTACIO


MERCADO RIZAL Y ALONZO REALONDA. Siya ay isinilang ng araw ng Miyerkules, Hunyo 19,
1861 sa pagitan ng ika-11 at hantinggabi, (Ika 3:00 ng umaga) ilang araw bago ang kabilugan ng
buwan sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna. Ang gobernador heneral noon ay si Tinyente
Heneral Jose Lemery, dating senador ng España (kasapi ng mataas na Kapulungan ng Cortes ng
España).

10 | P a g e
Ang malaking bahagi ng maagang kabataan ni Rizal ay ginugol niya sa Calamba at Binan na
puno ng magagandang alaala. Dahil ang bayan ng Calamba ay lubos niyang hinangaan at minahal,
noong 1878 sa gulang na 15 taon habang nag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila sumulat siya ng
isang tula na ang pamagat ay “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Isang Alaala sa Aking Bayan).

Ang panahong kinamulatan ni Rizal.Sa taong 1870-1880 ay unti-unting namulat ang mga
mata ng Pilipino. Ang kanilang pinuno ay unti-unting nagising at nakadama ang kanilang kaapihan sa
kamay ng mga dayuhan. Ang mga Kastila ay hindi nabubuhay na kasalamuha ng mga Pilipino. Ang
mga Pilipino ay patuloy na nagbabayad ng mga buwis at hindi nila natatamo ang mga karapatang
ipinagkaloob sa mga Kastila. Ang kabuhayan sa kapuluan ay umunlad dahil sa pagbukas ng bagong
pamilihan para sa mga produkto sa Silangang Asya at ang Maynila ang naging sentro ng kalakal sa
Pilipinas. Ang pagbubukas ng Kanal Suez, na pinamahalaan ni Ferdinand de Lessep ay isang bagay
na nakatulong upang makapasok sa Pilipinas ang mga bagay at diwang dayuhan. Ang mga Pilipino
ay nakamalas ng bagong anyo ng buhay, nadama nila ang pagiging Malaya. Nagkaroon ng
himagsikan sa Mehiko laban sa Pamahalaang kastila at ang paghihimagsik na iyon ay nadama sa
Pilipinas at dahil ditto ang kapangyarihang pandaigdig ng Espanya ay unti-unting nabawasan at
nabuwag.

Kabanata III
PAG-AARAL AT PINAG-ARALAN
Aralin 1: Calamba
Aralin 2: Binyang (Biῆan)
Aralin 3: Ateneo de Manila
Aralin 4: Unibersidad ng Santo Tomas

Introduksyon

Ang kabanatang ito, sumasaklaw sa edukasyon ni Rizal mula sa mga unang guro hanggang
sa pag-aaral sa pamantasan sa Pilipinas. Nawa’y maunawaang mabuti at mailapat sa buhay ng mga
mag-aaral ang naging karanasan ni Rizal sa panahon ng kanyang pag-aaral upang mapagyaman ang
mga kaisipan at simulain ni Rizal sa kanyang kabayanihan tungo sa makabagong mundo.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mababatid ang mga naging edukasyon ni Rizal, maging ang mga nagawa nito
habang nag-aaral pa.
2. Maiugnay sa kasalukuyan ang paraan ng pagtuturo noon.
3. Maisabuhay ang mga pinagdaan ng bayani sa panahon ng kanyang pag-aaral.

Aralin 1
Calamba
Impormal na Edukasyon

Sinasabi na noong bata pa si Rizal, nagpamalas na siya ng likas na talino at talento. Ang mga
unang pag-aaral ni Jose ay naganap sa bayan ng Calamba. Ang mga aralin doon ay nakatuon sa
pagsulat, pagbilang, pagbasa, at pagsamba. Si Donya Teodora ang unang naging guro ni Rizal. Sa
kaniyang ina una niyang natutunan ang alpabeto. Sa edad na tatlo pa lamang marunong na siyang
bumasa at sumulat. Sa pamamatnubay ng kaniyang relihiyosang ina ay natutunan na rin niya ang
mga unang dasal na dapat matutunan ng isang bata. Ang kanyang ina ang unang humikayat sa

11 | P a g e
kanya na magsulat ng tula. Kaya naman sa gulang na walo ay nasulat niya ang kauna-unahang tula
na may pamagat na “Sa Aking Kabata”.

Malaki ang naging impluwensiya sa batang Jose ng kaniyang mga tiyuhin lalong lalo ang
tatlong tiyuhin ni Rizal. Maraming kalinangang natamo si Rizal dahil sa mga ito. Ang mga natutunan
niya sa kaniyang tatlong mga tiyuhin ay kinabibilangan ng sumusunod:

1. Tiyo Jose Alberto – siya ang nag-impluwensiya kay Jose sa pagpapahalaga sa sining.
Kagaya ng palarawang sining, iskultura at panitikan. Sa kaniya nagpapaturo ang batang Pepe
kung paano magpinta o kaya umunawa ng mga tula.
2. Tiyo Manuel – palakasan naman ang naging impluwensiya nito. Bata pa man ay naturuan na
siya nito ng mga paraan sa pagtatanggol sa sarili.
3. Tiyo Gregorio – ang nagpamulat kay Rizal sa kahalagahan ng pagbabasa ng mga aklat.

Maliban sa kanyang ina at tatlong tiyuhin, kabilang din ang mga sumusunod sa mga naging
unang guro ni Rizal:

1. Maestro Lucas Padua – nagturo sa kaniya ng kagandahang asal at wastong pag-


uugali.
2. Maestro Leon Monroy – nagturo kay Rizal ng Aritmetika o pagbilang. Siya ay tumira
sa bahay ng mga Mercado upang maging tutor ni Jose. Tinuruan niya rin ito ng
Espanyol at Latin. Namatay ito pagkalipas ng limang buwan.
3. Maestro Celestino – isang pribadong guro o tutor ni Rizal na nagturo sa kaniyang
sumulat.

12 | P a g e
Aralin 2
Binyang (Biῆan)
Pormal na Edukasyon sa Biῆan

Sa gulang na siyam na taon, noong Hunyo 1870 ay pinag- aral si Rizal ng kanyang ama sa
Binyang. Dito ay naging guro niya si Justiniano Aquino Cruz. “Yao’y isang lalaking matangkad, payat,
mahaba ang liig, matangos ang ilong, hukot nang bahagya ang katawan sa dakong harap at
karaniwang nakabarong sinamay na habi ng mga babaing taga-Batangas; nasaulo niya ang mga
balarila nina Nebrija at Gainza, ang Gramatica Latina at Gramatica Castellana at isusog ninyo rito ang
kabagsikangsa palagay ko’y labis naman”.

Sa unang araw ay pinagtawanan si Rizal ng kanyang kamag-aaral. Ito ay pinagsimulan ng


anak ng gurong si Pedro.

Kaya’t habang natutulog nang tanghali ang kanyang guro ay hinamon niya si Pedro.
Tinanggap nitong huli ang hamon sapagka’t maliit sa kanya si Rizal. Dahil sa mga pamamaraan sa
pagtatanggol sa sarili na natutunan niya sa kanyang Tiyo Manuel ay nagawa niyang matalo si Pedro.

Si Rizal, kasam ang kanyang kamag-aaral na si Jose Guevara ay nag-aaral ng pagpipinta sa


matandang pintor na si Juancho Carrera. Si Juancho ay biyenan ni Justiniano Aquino Cruz.

Ang kanyang buhay sa Binyang ang mapamaraan at maayos.

Pagkaraan ng ilang buwan ay pinagpayuhan ng kanyang guro na umuwi na sapagka’t


natutuhan na niya ang lahat ng mga dapat ituro sa kanya. Ipinayo rin ni Don Curz na ipagpatuloy niya
sa Maynila ang pag-aaral.

Nilisan ni Rizal ang Binyang noong ika-17 ng Disyembre, 1871 matapos na tumigil doon ng
isa at kalahating taon. Sakay siya ng bapor na Talim, kasama ng Pranses na si Arturo Camps, isang
kaibigan ng kanyang ama na tumingin sa kanya sa paglalakbay.

Pinag-aral si Rizal ng kanyang ama sa paaralang bayan ng Calamba sa ilalim ng gurong si


Lucas Padua upang mag-aral ng aritmetika at maihanda sya sa isang pagsusulit na kukunin niya sa
Maynila.

Dalawang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ng pamilyang Rizal: Si Donya


Teodora ay pinaratangang tumulong sa kanyang kapatid na si Jose Alberto sa balak na paglason ng
asawa nito. Hindi na nakabangon sa kalungkutan ang kanilang pamilya dahil sa pagkakabilanggo ni
Donya Teodora nang magkaroon ng himsgsikan sa Cavite noong Enero 20, 1872 at ito ay sinundan
ng pagkakagarote noong Pebrero 17, 1872 sa tatlong paring martir, Gomez, Burgos, at Zamora.

13 | P a g e
Ang kawalang katarungang pagkakapatay sa tatlong pari ay bagay na dumilig sa binhi ng
hangarin ng batang si Rizal na kabakahin ang kasamaan ng kanyang panahon.

Aralin 3
Ateneo de Manila
Edukasyong Sekundarya – Kasaysayan ng Ateneo

Tatlong paaralan lamang ang


maaaring pagdalhan sa Maynila ng isang
batang angat sa talino at galing sa
pamilyang angat sa kabuhayan. Ang mga
paaralang ito ay ang Seminario de San
Jose na pinasukan ni Paciano, ang
Colegio de San Juan de Letran, at ang
Ateneo Municipal de Manila.
Napagpasiyahan ni Don Francisco nap
ag-aralin si Rizal sa huli.

Ang Ateneo ay pinatatakbo ng orden


sa Latin na Societas Jesus (Society of
Jesus) na mas kilala sa tawag na
Heswita. Itinatag ni San Ignacio Lopez ng
Loyola, Espanyaang orden noong 1534.
Unang dumating ang mga Heswita sa
Pilipinas noong 1581.

Ika-10 ng Disyembre 1859 nang simulang pangasiwaan ng mga Heswita ang isinalin sa
kanila ng pamahalaang ayuntamiento na pampublikong Escuela Municipal de Manila. Ang Escuela
Municipal de Manila ay nag-umpisa bilang Escuela Pia de Manila na itinatag noong 1812 ni Don
Pedro Vivanco. Noong una ay pribadong primaryang paaralan ito ng mga batang lalaking Espanyol
hanggang pangasiwaan ito ng lokal na pamahalaan noong 1831 bilang Escuela Municipal de Manila.

Nang nasa pangangasiwa na ng mga Heswita ang Escuela Municipal, nabigyan ito ng
pahintulot bilang paaralang sekundarya noong 1865 at nakilala bilang Ateneo Municipal de Manila. Ito
na ang naabutan ni Rizal na pangalan ng paaralan. Ang Ateneo ay anyong Espanyol ng salitang
Griyego na athenaeum na halos na halos katumbas ng academy o institusyon ng karunungan,
sapagkat ang athenaeum ay mula sa diyosang Griyego ng karunungan na si Athena.

Naging isang pribadong kolehiyo ang Ateneo Municipal de Manila noong 1901 at nakilala na
lamang sa pangalang Ateneo de Manila. Isandaang taon makalipas pangasiwaan ng mga Heswita
ang paaralan sa Maynila, nakamit nito ang katayuang pamantasan noong 1959 at kilala na ito ngayon
na Ateneo de Manila University. Mayroon itong 100 ektaryang campus sa Loyola Heghts, Quezon
City na nilipatan nito noong 1952 mula sa orihinal nitong campus sa Intramuros, Manila.

14 | P a g e
Ratio Studiorum

Ang sistema ng edukasyon sa Ateneo na sinusundan ng mga Heswita ay tinatawag na Ratio


Studiorum (Plan of Studies) na binalangkas ng orden noong 1599 para magkaroon ng pamantayan,
alituntunin, at gabay ng edukasyong Heswita sa mga paaralan nila na laganap sa mundo. Kabilang sa
binibigyang halaga ang mga kurso sa classical humanities, gaya ng pilosopiya, teolohiya, Latin at
Griyego. Karagdagang itinuturo ang kasaysayan, heograpiya, matematika, at mga likas na agham.
Nakatuon naman ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa tatlong diskarte ng pagtuturo sa Ateneo:

1. Disiplina – ang mga mag-aaral ay kailangang sumunod sa mahigpit na schedule ng mga


gawain ayon sa alituntunin ng mga Heswita.
2. Paligsahan – ang kagalingan ng mga mag-aaral ay nailalabas sa loob ng isang competitive
environment na pantay ang pagkakataon ng bawat isang magpakitang-gilas.
3. Insentibo – hinihikayat ang mga mag-aaral na paghusayan ang mga gawa at kusang
paunlarin pa ang kakayahang kinikilala at pinararangalan sa pamamagitan ng mga premyo at
gantimpala.

Pagpapatala sa Ateneo

Unang pagkakataon makaluwas si Rizal sa Maynila nang kumuha siya ng pagsusulit sa


pangsekundarya noong ika-10 ng Hunyo 1872 sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila. Isa ito
sa mga lugar na pinagkukunan ng pagsusulit para sa iba’t ibang paaralang sekundarya sa Pilipinas
na itinakda ng secretary-general noon ng Unibersidad de Santo Tomas na si Don Antonio Estrada.
Ang segunda enseῆanza (secondary education) sa Pilipinas noon ay isinailalim ng reyna ng Espanya
na si Isabel II sa superbisyon ng mga Dominikano sa pangunguna ng Rektor ng Universidad de Santo
Tomas. Kabilang sa pagsusulit ang pagbasa, aritmetika, at Doktirna Kristiyana na lahat ay ipinasa ni
Rizal.

Bagamat pasado sa lahat ng asignatura sa pagsusulit, sa palagay ni Rizal ay tinanggihan


siya ng head registrar ng Ateneo na si P. Magin Fernando. Nagkataong huli na ang aplikasyon ni
Rizal sa Ateneo at tila nag-alinlangan ang pari sa kakayahan ng batang Rizal na mukhang sakitan at
mahina ang pangangatawan. Kapansin-pansin na maliit ang pangangatawan nito kung ihahambing sa
ibang mga mag-aaral na kasing edad niya.

Tinanggihan man ng Ateneo, maaaring subukan ni Rizal na humabol makapasok sa ibang


paaralan gaya ng Letran. Ngunit gumawa ng paraan ang kanyang kuya Paciano at hiningi ang tulong
ng pamangkin ng isa sa mga martir na pari na si P. Jose Burgos. Ang pamangkin nay un ay si Manuel
Jerez, isang manggagamot at kaibigan ng pamilya Rizal, ang siyang naglakad na makapasok si Rizal
sa Ateneo.

Minabuti na rin ni Paciano na ang ipinatalang apelyido ni Jose sa Ateneo ay Rizal sa halip na
Mercado upang wala ng tanong o problema pa ang maaaring idulot ng paggamit ng apelyidong
Mercado. Naging matunog at kahina-hinala sa mga prayle at kinauukulan ang apelyidong Mercado na
gamit ni Paciano nang maugnay siya sa martir na si P. Burgos.

Unang Taon

Nagsimulang pumasok sa klase si Rizal sa Ateneo noong ika-26 ng Hunyo 1872 sa gulang na
11. Nanunuluyan siya nang libre sa bahay ng isang nagngangalang Titay sa Santa Cruz, Maynila
bilang kabayaran sa utang na ₱300 ng matandang dalgang may ari ng bahay sa mga magulang ni
Rizal. Mag 25 minuto ang nilalakad ni Rizal papasok sa Ateneo mula sa tinirhang bahay.

Bilang externo at huli nang dumagdag sa klase, ibinilang siya ng kanyang unang guro na si P.
Jose Bech sa pangkat ng Imperyo ng Carthage at inilagay sa pinakahulihan ng kanyang pangkat. Sa
loob ng isang buwan, napalitan niya sa pagka-emperadort ang kamag-aral na Espanyol na may
ngalang Gonzalo Marzano.

15 | P a g e
Ang wika ng pagtuturo ng unang taon sa klase ay Kastila at dahil hirap si Rizal, minabuti
niyang kumuha ng mga tutorial lessons sa Kastila sa halagang ₱3 bawat aralin sa Colegio de Santa
Isabel na malapit sa Ateneo at nasa loob din ng Intramuros.

Sa pagtatapos ng unang taon ni Rizal sa Ateneo, wala siyang nakuhang medalya ngunit ang
nakuha niyang grado sa lahat ng kurso sa lahat ng kurso ay sobresaliente. Sa Sistema ng grado sa
Ateneo, ang sobresaliente (excellent) ang pinakamataas, sumunod ang notable (very good), bueno
(good), aprobado (passed), at suspend (failed).

Nakatanggap lamang ng medalya ang isang mag-aaral kapag siya ay nakakuha ng primer
premio (1st place/prize) o seguda premio (2nd place/prize) sa alinmang academic subject o
comportamiento (conduct) at aplicacion (effort). May medalya rin para sa mga natatanging parangal.

Kasunod ng primer at segunda pemio ang accesit (honable mention) na walang medalya.
Ngunit maaari pa ring mabigyan ng medalya ang nakakuha ng puro accesit sa lahat ng asignatura
kung kasama ang comportamiento at aplicacion. Bagamat puro accesit ang nakuha ni Rizal sa lahat
ng asignatura, hindi naman siya nakakuha ng comportamiento at aplicacion kaya wala siyang
natanggap na anumang medalya.

Dapat tingnan na ang unang taon ni Rizal ay panahon ng pag-angkop sa buhay Maynila para
sa isang probinsiyano. Gayon din ang pag-aangkop sa sekundaryong edukasyon lalo pa at siya ay
hirap pa sa Kastila. Ipinagdamdam din niya ang minsang sinabi ng guro na nagpabawas ng kanyang
gana na gumaling pa lalo sa klase. Nakadagdag sa kanyang pagkalumbay ang mawalay muli sa
pamilya at matatandaan ding nasa bilangguan pa ang ina na kanyang dinalaw noong bakasyon ng
tag-init.

Ikalawang Taon

Nang sumunod na akademikong taon ng 1873, lumipat si Rizal ng tirahan sa mas malapit sa
Ateneo na isang boarding house na pinangangasiwaan ng isang Donya Pepay de Ampuero sa Calle
Magallanes ng Intramuros.

Muling naging emperador si Rizal sa pangkat at sa katapusan ng akademikong taon,


nakabawi rin siya nang tanggapin ang unang medalya sa Ateneo nang makakuha siya ng puro
accesit sa lahat ng asignatura maging sa comportamiento at aplicacion.

Sa panahong iyon sa Ateneo naging palabasa si Rizal ng maraming aklat. Nagawa pa nga
niyang linlangin ang ama na bilhan siya ng mamahaling mga tomo ng Historia Universal ni Cesare
Cantu sa pagsasabing kailangan ito sa pag-aaral ng kurso.

Binasa rin niya ang aklat na Reisen in den Philippine (Mga Paglalakbay sa Pilipinas) ni
Feodor Jagor na nasa salin na Viages por Filipinas de F. Jagor. Sa hinaharap, si Jagor ay nakilala at
naging kaibigan ni Rizal nang maglakbay sa Alemanya. Nakaimpluwensiya rin siya sa pagsusuri ni
Rizal sa sanaysay na Filipinas Dentro de Cien Aῆos (Ang Pilipinas sa Isang Daang Taon) tungkol sa
kakaharapin ng Pilipinas. Sa kanyang nabasa, namulat si Rizal sa mga depekto ng Imperuo ng
Espanya sa mga kolonya nito sa Amerika at kabiguang mapanatili ang mga ito.

Una siyang nagkahilig sa pagbabasa ng mga nobela nang mabasa niya ang Le Comte de
Monte Cristo (The Count of Monte Cristo) ni Alexander Dumas. Maliban sa pagbabasa ng libro sa
libreng mga oras, minabuti rin ni Rizal na hasain ang kanyang kakayahan sa pagpipinta sa ilalim ng
tanyag na Espanyol na pintor na si Agustin Saez, maging ang kakayahan sa paglililok sa ilalim naman
ng kilalang Pilipinong manlililok na si Romualdo Teodoro de Jesus.

Ayon kay Dr. Augusto de Viana sa aklat na Jose Rizal in Our Times, ang manlililok na si de
Jesus, na nagkintal kay Rizal ng pangangailangang mapanatili at mapangalagaan ang
pagkakakilanlan ng bayang Pilipino, ang mas malamang na pinagkunan ni Rizal ng tauhan na si
Filosofo Tasio sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.

Napansin ng mga Heswitang guro ang kagalingan ni Rizal sa paglililok nang makita ang gawa
niyang larawan ng Blessed Virgin Mary mula sa kahoy na batikuling gamit lamang ang isang maliit na
panghiwa. Isa sa mga paring humanga sa gawa ni Rizal ay si P. Lleonart na nakiusap na ililok siya ng
karawan ng Corazon Santisimo de Jesus na tinapos ni Rizal ng ilang araw.

16 | P a g e
Ang larawan na pinagawa ni P. Lleonart ay dapat sanang dala niya pabalik ng Espanya
ngunit naiwan at nanatili sa Ateneo, na magpahanggang sa ngayon ay nasa pag-iingat ng mga
Heswita ng pamantasan.

Natapos ni Rizal ang ikalawang taon sa Ateneo na panlima sa klase. Nahigitan siya ng dating
kamag-aral sa Biῆan na si Justiniano Jao-Jocco at Moises Santiago na tinawag ni Rizal na
matematiko at magaling na manunulat, isang Gonzalo Marzano na isang Espanyol, at Joaquin
Garrido na isang mestizong Espanyol.

Bakasyon muli ng tag-init nang dinalaw ni Rizal ang ina sa bilanggunan at sa pagkakataong
iyon naikuwento ng ina ang napanaginipan na ipinakahuluigan ni Rizal na paglaya ng ina matapos
ang tatlong buwan. At nangyari nga ito nang halos kauumpisa pa lamang ng akademikong taon sa
Ateneo noong 1874.

Ikatlong Taon

Nakapasok si Rizal sa panibagong akademikong taon noong 1874 nang palayain na rin ang
kanyang ina mula sa pagkakabilanggo ng dalawa at kalahating taon. Sakto sa paglaya ng ina, na sa
unang pagkakataon ay nagdiwang ng araw ng kapanganakan sa labas ng bilangguan, nang isulat ni
Rizal ang unang tula sa Ateneo. Sinasabing may pamagat itong Mi Primera Inspiracion (My First
Inspiration) at handog sa kaarawan ng ina. Sinasabi naman ng pamangkin ni Rizal kay Narcisa na si
Leoncio Lopez na ang tula ay sulat ng nakatatanda niyang kapatid na si Antonio Lopez. Taliwas sa
sinasabi ni Jamie C. de Veyra, dating mananaliksik ng kasaysayan sa National Library at director ng
dating Institute of National Laguage, na si Rizal ang may akda ng tula.

Sa katapusan ng akademikong taon, nag-uwi si Rizal ng medalya sa pangunguna niya sa


Latin. Sa pagkakataong ito, si Rizal ay ikalawa na sa pangkalahatan sa klase. Ang dating nanguna
noong nkaraan na taon, na si Justiniano Jao-Jocco, ay pang-walo na. Ang nanguna sa pagkakataong
ito ay ang dating pangalawa na si Moises Santiago.

Ikaapat na Taon

Napagpasiyahan ng mga magulang ni Rizal na gawin siyang interno sa Ateneo upang


suportahan ang masidhi nitong pagnanais na gumaling pa lao at malagpasan ang mga katunggali sa
klase. Nang sumunod na akademikong taong 1875 si Rizal ay kabilang na sa Imperyo ng Roma at
tumira sa loob ng Ateneo sa ilalim ng disiplina at malapit na pangangasiwa ng mga Heswita.

Ayon pa kay Rizal, walang mga mapang-api mula sa mga mag-aaral sa Ateneo sapagkat ang
pagmamataas ay dinadaan sa tagisan ng katalinuhan sa klase sa halip na pananakot o panunudyo.
Maliban sa iilan, ang mga kasamahan ni Rizal na interno ay mabuti, payak, relihiyoso, magiliw, at
mapagkaibigan.

Sa panahong ito umigting ang pagkahilig ni Rizal sa panitikan dahil sa paghihimok, paglinang,
at gabay na rin ng kinalulugdan niyang guro na si P. Francisco Paula de Sanchez. Dahil sa pari,
humusay nang husto si Rizal sa paggawa ng mga tula. Ang kahusayang ito ay minsang
pinagdudahan ng kura paroko ng Calamba na si P. Leoncio Lopez na malapit kay Rizal at sa kanyang
pamilya.

Nang maglaon, sinadya ng 70 gulang na si P. Lopez si Rizal sa Ateneo, nagbigay ng


paumanhin at sinabing wala nang pagdududang kanya nga ang mga tula. Ang ipinakitang ito ni P.
Lopez ang lalong ikinapuri ni Rizal sa pari at itinuring niya itong matalik na kaibigan. Mula pagkabata,
ang pari ang isa sa itinuturing ni Rizal na malapit niyang kaibigan at katalastasan kaya ikinalungkot
niya ang pagpanaw nito.

Hindi lang ang kanyang talino ang nalinang sa Ateneo, maging ang kanyang pangkaluluwang
pag-unlad ay lumalim at umigting sa loob ng paaralan. Naging kalihim at naglaon ay pangulo si Rizal
ng Cofradia de Nuestra Seῆora at madalas nilalapitan ang director nito na si P. Pablo Pastells para sa
spiritual guidance. Naging tagapagtaguyod din si Rizal ng Apostolado de la Oracion sa Ateneo.

Naging aktibo rin si Rizal sa mga extracurricular na mga gawain sa Ateneo nang siya ay
umanib sa Academia de Letiratura Espaῆola at sa Academia de Ciencias Naturales.

17 | P a g e
Nakatulong nang husto ang pagiging interno ni Rizal kaya sa katapusan ng akademikong
taon ay nakapag-uwi siya na apat na medalya at nanguna na sa pangkalahatan sa klase.
Pumangalawa naman ang dating una na si Marzano, pumangatlo si Jao-Jocco at puman-apat si
Garrido.

Huling Taon at Pagtatapos

Nagsimula ang panibagong akademikong taon sa Ateneo noong 1876. Si Rizal ay isa pa ring
interno na nasa kanyang ikalima at huling taon sa sekundarya.

Ang segunda enseῆanza (seconadary education) sa Pilipinas sa kapanahunan ni Rizal ay


may limang taong binubuno batay sa ika-20 ng Mayo 1865 na dekreto ng pamahalaan. Gayon din
ang bilang ng taon na binuno ni Rizal sa Ateneo, bagamat may mga akda na nagsasabing anim na
taon ang kurikulo na pangsekundarya tungo sa bachiler en artes (bachelor of arts) sa Ateneo. Sa
panahon kasi ng pagkarektor ni P. Pablo Ramon noong mga kalagitnaang 1880s inudyukan at
hinikayat ng mga Heswita ng Ateneo ang mga magulang ng mga mag-aaral na magdagdag ng taon
bilang ampliacion (enrichment) na hindi na naabutan ni Rizal nang siya ay nagtapos sa Ateneo noong
1877.

Anim na taon din ang lumalabas sa tala ng mga grado (transcript of grades) ni Rizal na
inilathala noong 1907 ni Wenceslao E. Retana sa kanyang Vida y Escritos del Dr. Jose Rizal;

1871-1872 Aritmetica Sobresaliente


1872-1873 Latin, primer curso Sobresaliente
Castellano Sobresaliente
Griego Sobresaliente
1873-1874 Latin, Segundo curso Sobresaliente
Castellano Sobresaliente
Griego Sobresaliente
Geografia Universal Sobresaliente
1874-1875 Latin, tercer curso Sobresaliente
Castellano Sobresaliente
Griego Historia Universal Sobresaliente
Historia de Espaῆa y Sobresaliente
Filipinas Sobresaliente
Aritmetica y Algebra Sobresaliente
1875-1876 Retorica y Poetica Sobresaliente
Frances Sobresaliente
Geometria y Trigonometria Sobresaliente
1876-1877 Filosofia, primer curso Sobresaliente
Mineralogia y Quimica Sobresaliente
Filosofia, segunda curso Sobresaliente
Fisica Sobresaliente
Botanica y Zoologia Sobresaliente
Bachiller en Artes el 14 de Marzo de 1877 Sobresaliente

Ang talaan ng mga grado (transcript of records) na may petsang ika-20 ng Agosto 1905 na
nakakabit ang selyo ng Ateneo at lagda ng rector ng panahon na iyon na si P. Jose Clos ay nakuha ni
Retana mula kay P. Pablo Pastells, dating Superior ng mga Heswita sa Pilipinas. Mapapnsing ang
unang tala ay 1871 bagamat 1872 nang pumasok si Rizal sa Ateneo.

Sa pagsasaliksik at paliwanag ni P. Ramon Bonoan, tila nagkaroon ng pagkakamali ang sino


mang naghanda ng talaan ng mga grado ni Rizal noong 1905 na nakuha ni Retana. Ito ay dulot ng
kalituhan sa kursong aritmetika na dapat sana ay nasa sekundarya batay sa iniatas na kurikulo ng
pamahalaan, ngunit nakalaan sa huling taon na primera enseῆenza (primary education) sa kurikulo
ng Ateneo.

18 | P a g e
Ang mga katulad ni Rizal na nagtapos ng primarya sa ibang paaralan ay kinakailangang
kunin ang kurso bilang pagtugon sa kurikulo ng pamahalaan. Ngunit dahil sa ang kursong ito ay
karaniwang kinukuha isang taon bago makapagsekundarya ang mga nagtapos ng primarya sa
Ateneo, naitala ito sa taon na 1871 bago ang 1872 na pagpasok ni Rizal sa Ateneo.

Gayon pa man, hindi maikakaila ang talinong ipinamalas ni Rizal nang magtapos siya na may
pangkalahatang grading sobresaliente.

Bagamat sobresaliente ang grading nakuha ni Rizal sa lahat ng kurso, hindi naman ito
nangangahulugang siya ang pinakamagaling sa lahat ng pagkakataon.

Natapos ang huling araw ng klase ng akademikong taon sa Ateneo noong ika-14 ng Marso
1877. Naganap ang seremonya ng pagtatapos ng mga mag-aaral noong ika-23 ng Marso 1877 kung
saan walang duda na si Rizal ang nanguna sa mga nagtapos. Ang diploma na may titulong Bachiller
en Artes ay ipinagkaloob ng Universidad de Santo Tomas na may pangalang Universidad de Filipinas
kalakip ang lagda ng rekto na si Fr. Jose Cueto.

Limang medalya sa pagka-primer premio ang natanggap ni Rizal kumpara sa isang primer
premio lamang at dalawang Segundo premio ng pumangalawang si Antonio Moises na katumbas
lamang ng tatlong medalya. Matutukoy ang mga sumusunod na salik sa kagalingan na ipinamalas ni
Rizal habang nasa Ateneo:

1. Race Jealousy – ang pagnanais ni Rizal na maabot ang karangalang tinatamasa ng


mga Espanyol na karaninwang itinuturing na nakahihigit sa mga Indio. Dahil dito,
nagkaroon si Rizal ng masidhing mithiin na talunin at malagpasan ang mga kamag-
aral na Espanyol upang pasubalian ang paniniwalang ang mga Indio ay hindi kayang
pumantay sa mga Espanyol.
2. Competitive Environment – naenganyo si Rizal sa sistema ng pagtuturo ng mga
Heswitang guro sa Ateneo dulot ng ratio studiorum na humihimok sa mga mag-aaral
na makipagtagisan ng talino at magpamalas ng kahusayan sa klase. Dahil dito, ang
isang mag-aaral ay hindi lamang pumapasok sa kanyang klase para sa tungkulin
kundi sa pagnanais ding makuha ang layon.
3. Pagmamalasakit ng mga Guro – tutok ang mga Heswitang guro sa paggabay at
pagpatnubay kay Rizal na kanilang hinihimok upang lalong magpunyagi, at ang
pagpupunyaging ito ay kinikilala at pinupuri ng mga guro. Marunong ang mga
Heswitang tumuklas ng angking kagalingan ng isang mag-aaral. Dahil dito, nalilinang
sa mag-aaral ang pagmamahal, pagpapahalaga, at pagmamamalaki sa sariling
gawa.
4. Disiplina sa Pag-aaral – ginawa ni Rizal na makabuluhan ang mga oras niya na
matuto at hasain ang sarili. Malaking bagay ang pagiging interno niya sa pag-iwas sa
mga gambala at pagpapabaya. Dahil dito, mahigpit siyang nasusubaybayan ng mga
Heswitang guro at mas naging ramdam ni Rizal ang impluwensiya ng mga Heswita
sa kanyang pagkatao at pag-iisip.
5. Compensate for Weakness – ang kahinaan ni Rizal sa pangangatawan ay
tinumbasan niya ng katalinuhang naging kalakasan. Karaniwang naghahanap ang
isang tao ng maaaring ipagmalaki at ito ay kung saan siya magaling. Ang intelektwal
na kagalingan ni Rizal ang pinagtuunan niya ng pansin.

Para sa mga magiging guro, maaaring ituring na huwaran ang mga Heswitang guro ni Rizal
sa tunay na pagmamalasakit na higit pa sa pamamahagi ng kaalaman sa pagtuturo. Malaking bagay
na mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga mag-aaral hindi lamang ng mga magagaling sa
klase na magpamalas ng husay at talino. At sa halip na pananakot ay dapat panghihimok sa mga
mag-aaral ang pairalin.

Bagay na kapupulutan ng aral sa karanasan ni Rizal sa Ateneo ang paalala na ang


pagsasanay na hindi sinasamahan ng disipilna ay hindi mapaghuhusay. Ang pag-aaral ay hindi
ginagawa na isang tungkulin lamang kundi para sa isang layunin. At kailangang matutunang mahalin
ang ginagawa higit sa mga natututunan mula sa mga binabasa.

19 | P a g e
Pagpuri sa Edukasyon

Por la Educacion

Binigyan diin ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyong mababasa sa tula na Por la


Educacion Recibe Lustre la Patria (Through Education the Motherland Receives Luster) na kanyang
isinulat noong katatapos ng kanyang ika-apat na taon sa Ateneo sa bakasyon ng tag-init sa ika-1
noong Abril 1876.

Para kay Rizal, ang edukasyon ay parang ningas ng liwanag na pumupukaw sa isipan at
nagmumulat sa katotohanan. Ang bayan na naiilawan ng edukasyon ay isang bayan na naliliwanagan
sa kanyang kinasasadlakan at nasisilayan na makilala. Ang edukasyon ay may sindi na mithi na
makapagdulot ng pagbabago sa kaisipan at kinikilos ng tao at pagsulong ng mga ikabubuti at
ikauunlad ng bayan.

Naabot ng mga dakila ay nangungunang bansa ang kanilang katayuan sa mundo dahil sa
kanilang mga edukado at matatalinong mamamayan. Hindi naman pahuhuli ang Pilipinas sa dunong
ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo at pamantasan. Sublait imbis na iukol sa pagtugon sa mga
suliranin at kabutihan ng bansa ang katalinuhan., nagsisilbi lamang ito para tuparin ang sariling
pangarap at makatapos sa trabaho.

Alianza Intima

Pinahalagahan din ni Rizal ang gampanin at kaugnayan ng relihiyon sa edukasyon na


mababasa sa tulang Alianza Intima Entre la Religion y la Educacion (Matalik na Pagtutulungan ng
Relihiyon at Edukasyon) na isinulat kasabay ng Por la Educacion Recibe Lustre la Patria.

Para kay Rizal, ang edukasyong hindi kinabibilangan ng Diyos ay ligaw sa karunungan
sapagkat ang eduksyon ay instrument lamang, isang kagamitan na kailangan ng wastong paggamit at
pag-uukulan. Kailangan nito ang gabay ng Diyos sapagkat ang kabutihan at katotohanan ay galing sa
Diyos na higit na nakaaalam sa karunungan ng tao.

Edukasyong Bokasyonal

Unang nagustuhan ni Rizal na maging isang pari, ngunit nagbago ang kagustuhang ito dahil
sa mga pangyayari ng 1872 na nagmulat sa panlipunang kamalayan ni Rizal na nagpapabago ng
kanyang mga pananaw sa buhay. Ang mga pangyayaring iyon ng 1872 ay ang pag-aalsa sa Kabite at
ang pagbitay sa tatlong martir na pari.

Nang matapos ni Rizal ang sekundarya, pinagpilian niya ang alinman sat along nais niyang
kunin na programa sa pamantasan. Ang una ay ang panitikan dahil hilig niya ito at kagalingan niya.
Pinag-iisipan din niya ang abugasya para ipagtanggol ang mga kababayang inaapi at pinagkaitan ng
katarungan, lalo na’t may personal na kirot ang pagkakabilanggo ng kanyang ina, at impluwensiya rin
ng mga ninunong abugado. At ang nakapanghahalinang medisina lalo pa at ito ay inalok sa Pilipinas
sa unang pagkakataon nang buksan ito ng Universidad de Santo Tomas noong 1871.

Habang wala pang kasiguruhan sa kukuning programa, kumuha si Rizal ng kursong


bokasyonal na land surveying sa Ateneo noong 1877 sa mungkahi ng mga Heswita. Makatutulong
umano ito sa hanapbuhay ng pamilya ni Rizal sa pagsasaka at negosyong pang-agrikultura. Sa taon
ding ito nakilala ni Rizal ang dalawang babaeng kinahumalingan niya.

Unang nagpahumaling kay Rizal ang isang dalagang 14-taong gulang, isang taong mas bata
sa kanya, na may pangalang Julia. Nagkakilala ang dalawa noong Abril 1877 nang mapadaan si Rizal
sa dalampasigan ng Ilog Dampalit sa Los Baῆos, Laguna at tinulungan ang hirap na dalaga sa
paghuli ng apru-paro, si Julia ang tinutukoy ni Rizal na Minang na nabanggit niya sa kanyang
talambuhay.

Noong Hunyo 1877, nakilala ng 16 na taong si Rizal ang 14 na taong gulang na Batangeῆa
na si Segunda Katigbak sa tahanan ng lola ni Rizal sa Maynila. Pag-ibig sa unang pagkikita ang agad

20 | P a g e
na naramdaman ni Rizal. Nagkataon na ang lola ni Rizal ay kaibigan ng ama ni Segunda atmang huli
ay kapatid ng kaibigan ni Rizal na si Mariano Katigbak.

Ang kapatid ni Rizal na si Olimpia at si Segunda ay magkaibigan at parehong pumapasok sa


Colegio de la Inmaculada Concepcion de la Concordia sa Paco, Maynila. Sabay silang dinadalaw
nina Rizal at Mariano. Ang mga dalaw na iyon ang naglapit kina Rizal at Segunda. Sinasabi ni Rizal
sa kanyang talambuhay na ang nadama niya para kay Segunda ay totoong pag-ibig at unang
karanasan na mahulog sa pag-ibig. Nang magsilang ng sanggol na lalaki ang ina ni Segunda,
nautusan siya na iwan ang pag-aaral sa Maynila at magbalik sa Lipa, Batnagas upang alagaan ang
kasisilang na kapatid.

Bagamat nagpagiwatig ng pagtingin at mga hudyat si Segunda upang himukin si Rizal na


magtapat ng pag-ibig, hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Rizal. Marahil ay nakuntento na lamang ito
sa mutual understanding sapagkat si Segunda ay ipinagkasundo nang ikasal sa isang kababayan at
kamag-anak na taga Lipan a nagngangalang Manuel Luz. Ikinasal sila makalipas ang isa at
kalahating taon.

Paliwanag ng manunulat ng talambuhay ni Rizal na si Leon Ma. Guerrero, ang mga


kababaihan sa Pilipinas sa panahon ni Rizal ay ikinakasal sa murang gulang sapagkat nais ng
kanilang mga magulang nas a lalo’t madaling panahon na maligtas sa mapaggambalang tungkuling
pangangalaga at pagtiyak sa pagka-birhen ng kanilang anak na babae inaasahan ng lalaki sa
mapapangasawa. Palagay rin ni Guerrero na ang mga kababaihan noon ay masaya na ganito bilang
obligasyon ng masunurin at mabuting anak na sumunod sa kagustuhan ng mga magulang.

Sinasabi na pagkatapos kay Segunda ay nahulog si Rizal sa isang dalagang hindi


pinangalanan maliban sa nabanggit niya sa seῆorita “L” at sinasabi na mas matanda sa kanya. May
mga palagay naman ang ilang mga historyador kung sino ang nabanggit na babae. Sinasabi rin na
kay seῆorita “L” ibinaling ni Rizal ang oras upang makalimot kay Segunda.

Sa gulang na 16, natapos ni Rizal ang kurso na may tig-isang medalya sa topograpiya at
agrikultura. Naipasa ni Rizal ang pagsusulit sa pagkalisensya bilang agrimensor y perito tasador de
tierras (expert surveyor and land appraiser) noong ika-21 ng Mayo 1878, ngunit dahil saw ala pa sa
wastong gulang, ang lisensya niya ay ipinagkaloob lamang makalipias ang tatlong taon sa gulang na
21.

Aralin 4

Unibersidad ng Santo Tomas


Edukasyong Pamantasan – Kasaysayan ng Pamantasan ng Santo Tomas

Kasabay ng pagkuha ni Rizal ng


agrimensor sa Ateneo ay ang pagpapatala
niya sa Universidad de Santo Tomas na
noon ay nasa Intramuros pa. sa
pamantasang din iyon noong 1866
hanggang 1872 nag-aral ang kanyang
kuya Paciano ng abugasya, bagamat hindi
tinapos. Dahil sa mga pangyayari noong
1872, napagpasiyahang iwan ni Paciano
ang programa at pamantasan. Marami
ring mga pambansang bayani at lider na
kapanahunan ni Rizal ang nagtapos o
kaya ay nag-aral sa pamantasang ito;
halimbawa nito sina Marcelo del Pilar,
Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, Juan
Luna at iba pa.

21 | P a g e
Kinikilala sa Pilipinas at sa Asya na pinakamatandang pamantasan ang Santo Tomas na
mahigit 400 na taon nang nakatayo. Ang kasaysayan ng pamantasan ay mauugat sa pagkakatatag
ng seminary para sa mga magpapari na tinawag na Colegio de Nuestra Seῆora del Santisimo Rosario
noong ika-24 ng Hulyo 1605. Ito ay sa pangunguna ng ikatlong Arsobispo ng Maynila, isang
Dominikano, na si Fr. Miguel de Benavides. Naglaan siya ng ₱1,500 at ambag na koleksiyon ng mga
aklat na pinagsimulan ng silid-aklatan ng naging Colegio de Santo Tomas.

Nabanggit ni Rizal sa ika-12 kabanata ng kanyang nobelang El Felibusterismo na may


pamagat na “Placido Penitente” ang tungkol sa paglikom ng pondo para sa bantayog ni Fr. Baltasar.
Ayon sa manunulat ng kasaysayan na si Propesor Augusto de Viana, ang nabanggit na Fr. Baltasar
mula sa nobela ay si Fr. Baltasar Font, sa totoong buhay na siyang nagpatupad ng habilin ni Ar.
Miguel de Benavides, tungo sa pagkakatatag ng Colegio de Santo Tomas noong 1611.

Noong 1878 nang si Rizal ay nag-aaral na ng medisina, nagkaroon ng pangangalap ng pondo


para sa pagsasagawa ng bantayog ni Ar. Migeul de Benavides, na nangangailangan noon ng
₱30,000 para maitayo sa bansang Pransya. Subalit natagalan ng 13 taon ang pagtatayo ng bantayog.
Noon lamang 1891 ito natapos dahil ₱4,000 lamang ang unang nalikom. Ang bantayog ay nakatayo
ngayon sa loob ng kasalukuyang campus ng Pamantasan ng Santo Tomas. Samakatuwid, ang
nabanggit na bantayog para kay Fr. Baltasar mula sa nobela ay tumutukoy sa bantayog ni Ar. Miguel
de Benavides, ang pinagsimulan ng pamantasan.

Ang dating Colegio de Nuestra Seῆora del Santisimo Rosario sa Intramuros, Maynila ay
naging Colegio de Santo Tomas noong ika-28 ng Abril 1611 at itinaas na pamantasan ng Santo Papa
na si Innocent X noong ika-20 ng Nobyembre 1645. Ginawaran ang pamantasan ng mga pagkilala na
“Universidad Real” (Royal University) ni Haring Carlos III noong 1785, Pontifica Universidad ni Santo
Papa Leo XIII noong 1902, at Universidad Catolica de Filipinas ni Santo Papa Pius XII noong 1947.

May isang yugto sa kasaysayan ng Pamantasan na ang pangalan nito noong panahon ng
Espanyol na Universidad de Santo Tomas ay nabago at naging Unibersidad de Filipinas noong 1870.
Bunga ito ng mga kautusan ng Ministro ng mga Kolonya noon na si Segismundo Moret sa hangaring
gawing secular ang mga mataas na paaralan sa Pilipinas. Ang pagkasekularisa ay nangangahulugan
ng pag-alis ng impluwensiya ng relihiyon sa edukasyon. Ang kautusan ng Ministro na kilala bilang
Moret Decree ay binawi sa bias ng isang royal decree noong 1875.

Noong taong 1927, lumipat ang pamantasan sa kasalukuyang 21.5 hektaryang campus sa
Sampaloc, Maynila habang nagpatuloy pa rin ang mga klase sa unang campus sa Intramuros,
hanggang sa ang gusali ng pamantasan ay tuluyang nawasak noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Ang pamantasan ay pinangangasiwaan ng Ordo Praedecatorum (Order of Preachers) na mas


kilala bilang mga Dominikano. Ang orden ay binuo ni Santo Domingo de Guzman ng Caleruega,
Espanya noong 1216. Dumating ang mga unang Dominikano sa Pilipinas noong 1587.

Filosofia y Letras

Kung ang ina lang ni Rizal ang nasunod, hindi na siya nakapagpatuloy sa mataas na
edukasyon. Nanghinayang ang ama ni Rizal sa kanyang talino kaya’t pinag-aral pa rin si Rizal sa
Maynila. Hinimok ni Paciano si Rizal na huwag kumuha ng abugasya sapagkat ayon sa kanya,
maraming abugado sa panahon na iyon sa Pilipinas ang hindi ganap na nakapagtatrabaho bilang
abugado. Isa pa, ang tungkulin ng abugado na ipagtanggol maging ang mga mali, sa palagay ni
Paciano ay taliwas sa tuntunin ni Rizal.

Sa Universida de Santo Tomas kumuha si Rizal ng programang filosofia y letras (philosophy


and letters) sapagkat iyon ang programa na napili ng ama. Muling nagpamalas ng kagalingan si Rizal
sa unang taon sa pamantasan sa mga asignatura na ang lahat ng grado ay sobresaliente.

Medisina

Matatandaang isa sa mga pinagpipilian ni Rizal ang medisina bagamat hindi pa siya sigurado
noong una. Sinulatan niya ang rector ng Ateneo na si P. Pablo Ramon, upang konsultahin, subalit
nagkataong nasa Mindanao ito kaya’t hindi agad nakasagot. Sa liham na tugon, pinayuhan si Rizal ng

22 | P a g e
rektor na kumuha ng medisina. At sa pagnanais ni Rizal na maoperahan ang ina na nabubulag sanhi
ng dobleng katarata, nabuo ang kanyang pasya na kumuha ng medisina.

Nang sumunod na taon ng 1878, si Rizal ay lumipat ng programa at nagpatala sa preparatory


medicine at medicine proper, na pinayagan siyang kunin nang sabay sa Universidad de Santo
Tomas. Sa taon din na iyon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng Memorias de un Estudiante de Manila
na nakumpleto sa loob ng tatlong taon.

Sa panahon na ito na si Rizal ay nasa ikalawang taon ng medisina, nagpalabas ng encyclical


o panawagan ng Santo Papa sa mga simbahan. Ang encyclical na ito, na kilala bilang Aeterni Patris,
ay pinalaganap ng noo’y Santo Papa na si Leo XIII. Kinukondena noon ng Papa ang rasyonalismo at
Thomism o pilosopiya ni Santo Tomas Aquinas bilang ideal na pilosopiya ng Simbahan.

Mahalagang mabatid na ang ginawang pagkatig ng Universidad de Santo Tomas sa


pilosopiyang pinalalaganap at pinaiiral ng Simbahan ay naging dahilan ng pag-atake at pagbatikos sa
Pamantasan ng mga katig sa pilosopiya ng katuwiran.

Diskriminasyon o Eksaherasyon

Mapapansin na mas mababa ang mga nakuhang grado ni Rizal sa Universidad de Santo
Tomas kumpara sa mga nakuhang grado na sobresaliente sa Ateneo. Madalas iniuugnay ito ng
karamihan ng mga manunulat sa laganap na diskriminasyon sa mga Indio na gaya ni Rizal sa loob ng
pamantasan. Ang totoo ay kabaliktaran ito at walang batayan ang palagay ng mga manunulat.

Ayon sa historyador at dating direktor ng archives ng Silid Aklatan ng UST mula 1959-1991 at
1995-2006 na si Fr. Fidel Villaroel, pinaboran pa nga nga UST si Rizal. Kung laganap sa loob ng
pamantasan ang diskiriminasyon sa mga Indio, hindi sana siya nakakuha ng gradong sobresaliente,
lalo pa at anima ng nakuha niya. Patunay lamang ito na ang ibinibigay na grado ay batay sa
kakayahan ng mag-aaral at hindi dahil may kinikilingan o pinag-iinitan.

Wala ring anumang reklamo ukol sa natanggap na mga grado na 6 na Sobresaliente


(Excellent/1.00), 6 na Notable o Aprovechado (Very Good/1.50), 8 na Bueno (Good/2.00) at isang
Aprobado (Passed/3.00).

Iyon na lamang pahintulutan si Rizal, kabilang ang tatlo pang mag-aaral na pagsabayin ang
preparatory medicine at medicine proper ay patunay na siya ay pinaboran.

Sa 24 na mag-aaral sa unang taon sa medisina, anima ng Espanyol at isa lang sa kanila ang
natira sa ikaapat na taon sa medisina. Anim naman sina Rizal na Indio na natira. Sa ikalimang taon,
ang nag-iisang Espanyol na natira sa klase, si Jose Resurreccion y Padilla, ay bumagsak pa. kung
pinag-iinitan ang mga Indio, hindi sana umabot si Rizal at lima pa sa ikaapat na taon at hindi isa
lamang sa anim na Espanyol ang umabot.

Ang karaniwang pinagmulan ng paniniwala na hindi magandang karanasan sap ag-aaral sa


Universidad de Santo Tomas at pangit na pamamalakad at pagtuturo ng mga Dominikano sa
pamantasan ay ang kabanatang “Klase sa Pisika” ng nobelang El ilibusterismo ni Rizal. Dito, ang
tauhang si Placido Penitente, mag-aaral sa pamantasan, ay pinag-iinitan ng tauhan na si Fr. Millon,
propesor sa pisika. Nabanggit din ang hindi pagpapagamit ng mga kasangkapang pang-agham na
naroon bilang display lamang.

Pinabubulaanan ng Tagapangulo ng Kasaysasyan sa Pamantasan ng Santo Tomas, na si Dr.


Augusto de Viana, ang sinasaning di pagpapagamit ng mga kasangkapang pang-agham at ang
sinaunang pagtuturo sa panahon ni Rizal. Sa katunayan, ang pamantasan noon ay patuloy sa
modernisasyon at pagkuha ng mga makabagong kagamitan at pagkuha ng mga dalubhasang
propesor.

Ayon kay Dr.de Viana, maaaring ang tauhang si Fr. Millon sa nobela ay isang lay person na
nag pangalan ay Joser Franco na inilarawan ni Rizal na kilala na nangbabagsak ng mga mag-aaral at
minsan ay binantaan ang buong klase na ibabagsak. Sa pagtatapos ng ikalawang taon ni Rizal sa
medisina, 11 kabilang si Rizal, ang pumasa sa asignatura ni Propesor Jose Franco, samantalang pito
ang bumagsak.

23 | P a g e
Ilan sa mga makabagong kagamitan sa pisika na mayroon ang Pamantasan ng Santo Tomas
sa panahon ni Rizal, ayon sa saliksik ni Dr. de Viana, ay ang 1831 electromagnet ni Michael Faraday,
1836 continual indication apparatus ni Arthur Morin, 1871 electrodynamic machine ni Zenobe
Gramme, 1876 telephone ni Alexander Bell, 1877 phonograph ni Thomas Edison, at 300 pang-agham
na kasangkapan. Ang museyo ng pamantasan ay may 5,747 specimens at ang silid-aklatan ay may
koleksiyong 12,000 na aklat.

Kung babalikan ang mga grado ni Rizal, nakakuha siya ng aprovechado (Very Good) sa
asignaturang pisika, kaya’t malabo na sariling karanasan ni Rizal ang eksena sa nasabing kabanata
sa nobela. Maaaring nasaksihan lamang ni Rizal ang isang hawig na eksena ngunit hindi niya ito
pinagdaanan ayon sa konklusyon na manunulat na si Leon Ma. Guerrero.

Ayon kay Fr. Villaroel, dapat malamang ang mga nobela ni Rizal ay propaganda na may
exagerrations at halfs-truths. At bagamat gaya ng ibang mga manunulat ng nobela na karaniwang
inilalagay ang tagpo ng kuwento sa isang panahon sa kasaysayan, ang nobelang gaya ng kay Rizal
ay hindi sumasalamin sa katotohanang pangkasaysayan.

Mga Libangan sa Pamantasan

Pinagpatuloy ni Rizal ang pagsasanay sa pagpipinta sa ilalim ng gabay ng dati niyang


maestro sa Ateneo na si Agustin Saez. Sinubukan din ni Rizal ang mag-aral ng musika, pagtugtog ng
plawta at piyano at pagkanta. Ngunit napagtanto niyang wala siyang talent sa larangang ito. Nasabi
pa nga ni Rizal na kung marinig daw siyang kumanta ay aakalaing nag-iingay ang mga buriko.
Patunay ito na anuman ang talino o galing ng isang tao, hindi nangangahulugang magaling din siya
sa lahat ng bagay.

Kabilang sa mga pinagbalingan ni Rizal ang pagiging aktibo sa mga samahan na sinalihan
niya noong sekundarya sa Ateneo. Habang sa pamantasan, bumuo si Rizal ng lihim na grupo ng mga
mag-aaral na Pilipino na tinawag na El Compaῆerismo (The Comradeship). Pinamunuan niya maging
ang mga away-gulo na kinasangkutan ng grupo laban sa mga nanghahamak sa kanila na mga mag-
aaral na Espanyol. Tinawag ng mga kasapi sa grupo ang sarili na Compaῆeros de Jehu halaw sa
nobela ni Alexander Dumas na Les Comnpagnos de Jehu (Ang Mga Kasama ni Jehu).

Pagkakahumaling sa Kababaihan

Noong ikalawang taon ni Rizal sa medisina noong 1879, nagsimulang tumanggap ang
Universidad de Santo Tomas ng kababaihan kasabay ng pagkakatatag ng Escuela de Matronas
(College of Midwifery) na isinailalim sa Colegio de Medicina y Farmacia (College of Medicine and
Pharmacy). Ang mga nakahuhumaling na mga kadalagahan sa pamantasan, na wala sa ekslusibong
panlalaking paaralan ng Ateneo, ang pumukaw kay Rizal.

Sa mga panahong ito, nakilala at niligawan ng sabay ni Rizal ang dalawang dalagang
parehong Leonor ang pangalan. Ang unang Leonor ay may apelyidong Valenzuela na kilala rin sa
palayaw na Orang. Si Orang ay kalapit-bahay niya sa tinuluyang boarding house na pangaserahang
tinutuluyan ni Rizal na pinangangasiwaan ng isang nagngangalang Donya Concepcion “Concha”
Leyva.

Madalas kumbidado si Rizal sa mga pagtitipon sa bahay ng pamilya Valenzuela.


Pinadadalahan niya ito ng mga liham ng pag-ibig na sulat sa tintang hinaluan ng asin at tubig upang
hindi mabasa maliban sa paiinitan sa apoy ng kandila o lampara. Ito ay para hindi mabasa ng ibang
tao sakaling maligaw ang liham at mapunta sa ibang kamay.

Ang isa pang Leonor na niligawan ni Rizal ay may apelyidong Rivera at malapit na pinsan ni
Rizal. Si Leonor Rivera, taga-Camiling, Tarlac ay anak ng pinsan ng ama ni Rizal na siAntonio Rivera.
Ngunit sa pahayag ng nangungunang historyador ng Pangasinan na si Restituto Basa, ang asawa ni
Antonio Rivera na si Silvestra Bauzon at ina ni Rizal na si Teodora Alonso ang magpinsan. Ang lolo ni
Teodora Alonso na si Manuel de Quintos ang naging unang Sangley na goberdanorcillo sa Lingayen,
Pangsinan habang ang mga Bauzon ay mga Tsino na taga-Lingayen. Ang mga Rivera ang
nangangasiwa ng pangaserahang Casa Tomasina, tinuluyan ni Rizal sa Intramuros noong ikalawang
taon niya sa medisina.

24 | P a g e
Labing-tatlong taong gulang si Leonor Rivera noon habang si Rizal ay 16 nang magkakilala
sila sa Casa Tomasina. Ang kapatid ni Rizal na si Soledad ay kaeskwela ni Leonor Rivera sa Colegio
de la Concordia na pinasukan din noon ng magkaeskwelang Segunda Katigbak at kapatid ni Rizal na
si Olimpia.

Katulad sa panliligaw niya kay Orang, pinadadalahan din ni Rizal ng mga liham ng pag-ibig si
Leonor Rivera. Pero sa pagkakataong ito, gamit naman ang ginawa niyang code upang ikubli ang
mga liham mula sa mga hindi dapat makabasa at makaalam. Idinaan ni Rizal sa tagapaghatid na
kaibigan niya, si Jose “Chenggoy” Cecilio, ang mga liham sa dalawang Leonor.

Ang code na ginawa ni Rizal ay ang pagpapalitan ng mga patinig na “a” kapalit ng titik “e”,” e”
kapalit ang titik “a”, “I” kapalit ng titik “o”, at “o” kapalit ng titik “i”, kabilang pa ang mga pinagpalit na
mga katanig kaya’t ang Leonor ay naikubli sa code name na Taimis. Labing-apat na taon si Leonor at
20 si Rizal nan gang kanilang pagkakaibigan ay sumibol sap ag-iibigan. Bagamat ayon kay Leon Ma.
Guerrero, naging magkasintahan lamang sila makalipas ang apat na taon simula noon na sila ay nag-
ibigan.

May isa pang babae na nakahumalingan si Rizal sa mga panahong iyon. Tag-init ng 1881,
kasama ni Rizal ang mga kapatid na si Saturnina, Maria, Trinidad at ilang mga kaibigang babae na
nagtungo sa bayan ng Pakil sa lalawigan ng Laguna. Doon naaliw si Rizal sa ginanap na fiesta ng
turmba habang pinoprosesyon ang Birhen Maria de los Dolores. Habang nasa Pakil, naaliw din si
Rizal sa galing ng pagtuotuog ng harp ng isang kolehiyalang nagngangalang Vicenta Ybardaloza na
nakahumalingan niya.

Dumadalo rin siya sa mg apgtitipon kung saan naroon din ang kababaihan na inaaliw niya ng
magic tricks at magiliw na pakikipag-usap. Si Rizal ay katulad ng mga karaniwang mag-aaral sa
kolehiyo na bukod sa pag-aaral ay mayroon ring social life at love life.

Musketerong Indio

Sa isa sa mga sagupaang kinasangkutan ng El Compaῆerismo, dinala ng mga kasamahan


ang duguang si Rizal sa Casa Tomasina at doon nilapatan ng lunas ni Leonor Rivera. Hindi isang
palaaway na grupo ang El Compaῆerismo. Kasama ang tatlong malapit na kaibigan, si Rizal ang
tumatayong isa sa mga pangunahing personalidad ng grupo. Katulad ng mga bida sa nobela ni
Dumas na Les Trois Mousquetaris (The Three Musketeers) kinilala silang tagapagtanggol ng mga
kabataang Indio na inaaapi at inaalipusta, at kababaihan na binabastos ng mga kabataang Espanyol.

Sa iba pang mga sagupaan, si Rizal ay hinabol ng mga kinauukulan at nagtago sa bahay ng
mga kaibigan. Pati ang pangaserahang tinutuluyan ay ilang beses na pinuntahan ng mga kinauukulan
para hanapin siya, dahil siya ang pinuno at kabilang din sa sagupaan. Sa mga ganitong insidente,
sumikat ang pangalan ni Rizal sa hanay ng mga mag-aaral na Indio at nakilalang kampeon nila.
Hinangaan si Rizal sa kanyang matapang na pagtatanggol at pagharap sa mga kaaway at pagbibigay
ng pahayag na kinapupulutan ng aral ng mga kasamahan.

Nasyonalismo ng Tomasinong Indio

Hindi lamang pakikipagsagupa sa kalye ang sinalihan ni Rizal sa kanyang mga taon Sa UST.
Lumahok din siya sa patimpalak na inilunsad ng Liceo Artistico Literario de Manila na isang samahan
ng mga mahihilig sa sining sa lunsod ng Maynila.

Ang pakay ng mga patimpalak na ito ay pasiglahin ang paggawa ng panitikang


mapaglilibangan, habang ang pakay ng mga paglahok ni Rizal ay mapatunayang kayang talunin ng
isang Indio ang mga Espanyol. Ikalawang taon ni Rizal sa medisina nang sumali siya sa patimpalak
na inilunsad ng nasabing samahan noong 1879 at nanalo siya ng unang gantimpala sa kategorya ng
mga hindi Espanyol. Isang pilak na pluma (silver quill) ang tinanaggap ni Rizal na gantimpala sa
tulang A la Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) na may temang nasyonalismo. Tatlong punto
ang nilalaman ng tula:

1. Pagbuo ng Pagkakakilanlan – sa hikayat ng tula, tinatawagan ni Rizal ang mga kabataang


Pilipino na linangin at pagtuunan ang kanilang kahusayan sa mga sining at agham upang
magkamit ng karangalan at gumawa ng pangalan sa kanilang larangan.

25 | P a g e
2. Kabataan ang Pag-asa ng Bayan – sinasabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa at
inaasahan ng Inang Bayan naghihintay sa kanila upang gisingin ang kanilang katalinuhan at
kagalingan.
3. Pilipinas ang Sariling Bayan – noon pa man, kinikilala na ang mga Indio na ang Espanya
ang kanilang Inang Bayan. Ngunit sa pagkakataong ito, tahasang tinukoy ni Rizal na ang
Inang Bayan niya at ng mga Pilipino ay ang Pilipinas. Si Rizal ang unang nakilalang Indio na
nagpahayag nito.

Tagumpay ng Tomasinong Indio

Matapos ang unang tagumpay mula sa sinalihang patimpalak sa panitikan, sumali uli si Rizal
nang sumunod na taon sa patimpalak ng Liceo Artistico Literario de Manila sa kanyang ikatlong taon
sa medisina noong 1880. Natatangi ang patimpalak sa pagkakataong ito sapagkat ito ay isinagawa
para sa karangalan ng ika-264 na anibersaryo ng kamatayan ng pinakadakilang manunulat na
Espanya na si Maguel de Cervantes na may akda rin ng nobelang El Ingenioso Hidalgo Don Quijote
de la Mancha (The Ingenious Gentleman Don Quixote of La Mancha) na mas kilala sa pinaikling Don
Quixote.

Dahil malaki at natatangi ang pagdiriwang, marami ang lumahok kabilang ang mga
mamamahayag, alagad ng simbahan, propesor, at manunulat na panitikan na karamihan ay mga
Espanyol. Ang gantimpala ay isang gintong singsing na may ukit ng busto ni Cervantes. Inilahok ni
Rizal ang kanyang El Consejo de los Dioses (The Council of the Gods) na isang dula na alegorya kay
Cervantes. Ang alegorya ay isang kuwento na gumagamit ng mga simbolo na sumasalamin sa mga
nakatagong kaisipan at kahulugan.

Sa dula ni Rizal, nagtatalo ang mga Dios sa pulong kung kanino sa tatlong dakilang
manunulat na sina Homer, Virgil, at Cervantes mapupunta ang tatlong engrandeng regaling trumpeta,
gintong lira at gintong korona ng laurel mula sa hari ng Dios na si Jupiter sa pagpili ng
pinakamagaling na gawa ng tatlo. Si Homer na sumulat ng Iliad ang napili ni Juno na asawa ni
Jupiter. Si Virgil na sumulat ng Aedes ang napili ng diosa ng kagandahan na si Venus. At si
Cervantes na sumulat ng Don Quixote ang napili naman ng diosa ng karunungang si Minerva. Sa
pagsali ng mga iba pa na mga dios sa pagtatalo, minabuti ni Jupiter na idaan sa timbangan ng diosa
ng katarungan ang gawa ng tatlong manunulat at napag-alamang pantay ang tatlo. Dahil dito,
napagpasiyahan ni Jupiter na inigay sa tatlo ang regalo: ang trumpeta kay Homer, gintong lira kay
Virgil at gintong korona ng laurel kay Cervantes.

Pawang mga Espanyol ang bumuo ng hurado at napili nilang pinakamagaling sa mga lahok
ang gawa ni Rizal. Wala silang kamalay-malay na isang Indio ang ginawaran nila ng unang
gantimpala. Umugong ang hindi pagtanggap ng mga dumalong Espanyol nang malamang isang Indio
ang tumalo sa mga kalahok na Espanyol at naturingan pa man din na ang patimpalak ay ginanap sa
karangalan ng Espanyol na si Cervantes kaya’t isang Espanyol din ang inaasahan na pararangalan.
Ngunti wala nang magawa ang hurado kundi panindigan ang desisyon. Umakyat si Rizal sa entablado
nang walang pumalakpak sa pagtanggap ng premyo. Pumangalawa kay Rizal ang isang Espanyol na
mamamahayag.

Kung sa unang sinalihan ni Rizal ay unang gantimpala sa kategorya ng mga hindi Espanyol
ang kanyang napagtagunpayan, sa ikalawang pagkakataong ito ay bukas sa lahat ang patimpalak.
Naglaban nang sabay ang mga Espanyol at hindi Espanyol, higit pa ang napagtagumpayan ni Rizal
na talunin ang mga magaling na Espanyol. Isa itong karangalan para sa Indio na gaya ni Rizal at
kahihiyan naman sa mga Espanyol sa araw pa man din ng anibersaryo ng Espanyol na si Cervantes.

Katarungang Ipinagkait

Katatapos ng ikalawang taon ni Rizal sa medisina noong 1880 at habang nakabakasyon sa


tag-init sa Calamba, nakasalubong niya isang gabi ang isang tenyente ng guardia civil at hindi
nagawa ni Rizal na mag-angat ng sombrero bilang paggalang sa opisyal. Nabastusan ang opisyal
kaya’t nang makalagpas at makatalikod, tatlong hampas ng latigo na gawa sa buntot ng pagi ang
kanyang natanggap.

26 | P a g e
Makalipas ang ptiong taon, sa isang liham ni Rizal kay Blumentritt, naikuwento ni Rizal ang
inisdente at sinabing dalawang lingo ang inabot bago naghilom ang sugat sa likod niya na natamo na
hagupit. Idinulog niya sa gobernador-heneral Fernando Primo de Rivera ang insidente at inireklamo
ang opisyal na gumawa noon sa kanya, subalit hindi siya pinaunlakan ng gobernador-heneral at sa
halip ay pinagbantaan pang ipatatapon sa malayong lugar.

Pakiwari ni Rizal, dahil siya ay isang Indio at ang opisyal na inirereklamo niya ay isang
Espanyol, hindi minarapat na parusahan ang opisyal. Ito ang unang direktang karanasan sa buhay ni
Rizal na pinagkaitan siya ng katarungan.

Konklusyon

Unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina na si Donya Teodora, sa Calamba. Naging unang
tutor nya ay si Maestro Celestino at ang sunod ay si Maestro Lucas Padua, ang nagturo naman kay
Rizal ng Spanish at Latin ay si Leon Monroy.

Noong Hunyo 1869 nilisan ni Rizal ang Calamba kasama si Paciano at nagtungo ng Bińan. Si
maestro Justiniano Aquino Cruz naman ang guro ni Rizal sa pribadong paaralan sa Bińan, sa
kanyang pag-aaral nakaalitan nya si Perdo na isang anak ng guro, si Andres Salandaan naman ay
ang naghamaon sa kanya ng makipagbunuan ng braso. Nag-aral si Rizal ng pagpinta kay Juancho,
dito kasama niya ang kanyang kaklase na si Jose Guevarra. Noong Desyembre 17, 1870 sakay ng
Talim nilisan ni Rizal ang Bińan kasama nya si Arturo Camps sa kanyang pagbabalik sa Calamba.
Dalawang malungkot na pangyayari ang naganap noong 1872; una ang pagkakakulong ng ina na
Rizal na si Donya Teodora, sapagkat pinaratangan itong tumulong sa kanyang kapatid na si Jose
Alberto sa balak na paglason nito sa asawa, at ang ikalawa ay ang pagkakagarote ng tatlong paring
martir, ang GOMBORZA. Ito ang bagay na dumilig sa binhi ng hangarin ni Rizal na kabakahin ang
kasamaan ng kanyang panahon.

Ang orihinal na plano ng kaniyang ama ay sa Letran siya mag-aaral subalit nagbago ang isip
nito. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya’y huli na sa patalaan at maliit para sa kanyang
edad. Ngunit tinulungan ssi Rizal ni Padre Burgos kaya siya ay natanggap na pumasok sa Ateneo, at
sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kanilang apelyidong Rizal imbes na Mercado.

Sistemang pang-edukasyon ng mga Heswita ay ang mga; (1) sinasanay ang mga estudyante
sa disiplina at instruksyong panrelihiyon; (2) itinataguyod ang kulturang pisikal, humanidad, at
siyentipikong pagaaral; (3) meron din silang bokasyonal na kurso para sa kolehiyo tulad ng
agrikultura, komersiyo, pagmemekaniko, at pagsosorbey; (4) bago magsimula ang klase sa umaga ay
nakikinig ng misa ang mga magaaral; (5) bawat asignatura ay sinisimula at winawakasan s
pagdarasal; (6) nahahati sa dalawang pangkat ang mga estudyante, ang Imperyong Romano at
Imperyong Carthagena na binubuo ng mga external.
Consejo de los Dioses (The Counsels of the Gods) ay nanalo ng unang gantimpala.
Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatawag na Compańerismo sa layunin na iinsulto
ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.

Ang mga naging pighati ni Rizal sa UST ay galit sa kanya ang mga guro ng UST, minamaliit
ang mga mag-aatal na Pilipino ng mga Espanyol; at makalumang systema ng pagtuturo sa UST.

Matapos ang pag-aaral ni Rizal ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, nagdesisyon


siya na mag-aral sa Espańa sa kadahilanang hindi na niya matiis ang panlalait. Deskriminasyon at
pagkapoot sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sinang-ayunan ito ng mga kapatid, ngunit hindi na niya
hiningi ang basbas ng magulang dahil alam nyang hindi sila sasangayon

27 | P a g e
28 | P a g e
Kabanata IV
UNANG PAGLAKBAY SA IBANG BANSA
Aralin 1: Singapore at Colombo
Aralin 2: Naples at Marseilles
Aralin 3: Barcelona at Madrid
Aralin 4: Paris at Heidelberg
Aralin 5: Leipzig at Dresden
Aralin 6: Berlin at Leitmeritz
Aralin 7: Prague, Vienna at Lintz
Aralin 8: Geneva at Italya

Introduksyon

Sa kabanatang ito, tatalakayin ang pagpapatuloy ng pag-aaral ni Rizal sa Europa, makilala


ang mga tao at lugar na kung saan naging bahagi na pamumuhay niya sa ibang bansa. Sa Europa rin
mapag-aaralan ni Rizal ang iba’t ibang kaalaman, kultura at pamumuhay na maaari niyang
maipakilala sa mga kababayang Pilipino.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Mabatid ang kultura ng bawat bansang nilakbay ng bayani.


2. Maiugnay sa sariling bayan ang mga tradisyon, ekonomiya, politika at iba pa na
nabanggit sa mga pagtalakay sa mga pangyayari sa panahon ng kanyang
pangingibang bayan.
3. Maunawaan ang kahalagahan ng mga karunungang ito para sa pagtataguyod ng
sariling kaunlaran at pagbabago sa bansa.

Paglisan nang Walang Paalam

Hindi dahil sa mas mahusay ang pagtuturo ng medisina sa Espanya ang pangunahing habol
at pakay doon ni Rizal sa pagkakaalam ni Paciano, kundi sa mga bagay na kapaki-pakinabang.
Samakatuwid, nagtungo si Rizal sa Madrid na may pakay para sa isang dakilang layunin. Nais ni
Rizal na makilahok at gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang para sa pagbabago at
pagsusulong ng Pilipinas.

Nakita ni Paciano ang kanyang sarili sa progresibo at liberal na kapatid. Isang katuparan
sana para kay Paciano na nagmula sa henerasyon ng mga kabataang liberal sa panahon ng dating
liberal na Gobernador-Heneral Carlos Ma. de la Torre ang pagpunta sa Europa. Sa gulang na 31,
inako na ni Paciano mula sa ama ang pamamahala sa mga lupaing sakahan kung kaya’t inilaan sa
nakababatang kapatid na si Rizal ang makapag-aral sa Europa.

Inilihim nina Paciano at Rizal mula sa mga magulang ang balak sapagkat tiyak na hindi ito
papayag. Matatandaang ayaw sana ni Donya Teodora nap ag-aralin si Rizal sa pamantasan sa
Maynila, lalo pa ta sa mas malayo at mas liberal na Espanya. Kaunti lang ang nakakaalam ng pag-
alis ni Rizal. Ang kanyang tiyo na si Antonio Rivera, ama ni Leonor Rivera, ang isa sa mga naglakad
ng pasaporte ni Rizal ngunit walang alam si Leonor sap ag-alis ni Rizal na hindi nakapagpaalam.

Ipinagamit ni Paciano sa nakababatang kapatid na si Jose ang apelyidong Rizal sa halip na


Mercado sa pagpapatala sa Ateneo upang makaiwas sa maaaring maging problema dulot ng
apelyidong Mercado kay Paciano. Pinaghihinalaan siyang maaaring banta ng pag-usbong ng kilusang
liberal sa Pilipinas; sa pagkakataon naming ito, ang apelyidong Rizal ang pinaghihinalaan ng mga
kinauukulan dahil sa makabayang pagpapamalas ni Rizal dulot na rin ng kanyang kontrobersyal na
tulang A la Juventud Filipina. Minabuti na ang apelyidong Mercado sa halip na Rizal ang ipinagamit
sa pasaporte ni ose sap ag-alis upang maka-iwas na makatawag-pansin.

29 | P a g e
Mga Ginawa Bago Umalis
1. Pinuntahan si Saturnina upang kunin ang singsing na Diamante ngunit siya ay natutulog.
2. Dinalaw ang mga professor sa Ateneo at siya ay binigyan ng liham rekomendasyon para sa
mga paring Heswita sa Barcelona.
3. Pinuntahan si Pedro A. Paterno at siya ay binigyan ng liham rekomendasyon para sa
kaibigan nitong si Esquivel.
4. Pinuntahan si Henry na isang Pranses at may-ari ng Bazar Pilipino upang kunin ang kanyang
tiket sa paglalakbay. Kasama ni Jose si Antonio Rivera.
5. Pinasyalan si Leonor Rivera ngunit hindi binanggit ang kanyang pag-alis.
6. Nagsimba sa simbahan ng Sto. Domingo

Aralin 1

Singapore at Colombo
Paglakbay sa Dagat
Hindi na naghatid si Paciano kay Rizal. Pinabaunan niya ang kanyang kapatid ng ₱356 at
inihatid naman siya ng kanyang tiyo Antonio Rivera kasama ang dalawa pang kaibigang sinamahan si
Rizal na makasakay sa barko. Lulan ng bapor Salvadora na ang kapitan ay si Donato Lecha, nilisan
ni Rizal ang Maynila noong ika-3 ng Mayo 1882 at naglayag ng anim na araw hanggang sa marating
ang Puerto ng Singapore na isang kolonya ng mga Ingles noong ika-9 ng Mayo 1882. Maraming
iniwang alaala si Rizal na mga tanawing kanyang iginuhit habang naglalakbay.

Tumuloy si Rizal sa Hotel de la Paz na kinatatayuan ngayon ng Peninsula-Excelsior Hotel sa


Singapore. Nagtagal si Rizal ng dalawang araw sa Singapore at namasyal sa isla. Ilan sa mga gusali
at istrukturang kolonyal na nakatayo pa rin ngayon lalo na sa hilera ng Ilog Singapore ang nakita ni
Rizal nang naglibot siya. Pinuntahan din niya ang Botanical Gardens na matatagpuan pa rin sa
Singapore. Namangha si Rizal sa mga kalsadang may mga puno sa magkabilang dako. Ganoon pa
rin ang makikita sa Singapore hanggang sa ngayon.

Sumakay siyang muli sa


pinaglipatang barko na Pranses na may
pangalang SS Djemnah patungong
Europa na nakatakdang umalis noong ika-
11 ng Mayo 1882. Makalipas ang anim na
araw ng paglalayag mula Singapore, ang
unang hinto ng barko na SS Djemnah
noong ika-17 ng Mayo, 1882 ay ang Point
de Galle, isang puwerto sa isla ng Ceylon,
bansang Sri Lanka ngayon. Malapit ito sa
bansang India. Tumuloy si Rizal sa
Oriental Hotel para malibot ang lugar
habang kinabukasan pa muli ito
maglalayag.

Pangalawang hinto noong ika-18 ng Mayo 1882 ang puwerto ng Colombo sa isla pa rin ng
Ceylon kung saan nagkaroon din ang mga pasahero tulad ni Rizal ng pagkakataon para bumaba.

Binagtas ng barko ang Indian Ocean at narrating noong ika-27 ng Mayo 1882 ang puwerto ng
Aden sa bansang Yemen sa Gitnang Silangan. Sa muling paglayag ng barko, dumaan ito sa Red Sea
at Suez Canal. Sa Port Said sa bansang Egypt ang naging pang-apat nah into ng barko noong ika-7
ng Hunyo 1882 at nakalibot muna bago makarating ng Europa.

30 | P a g e
Aralin 2

Naples at Marseilles
Tinawid ng barko ang Mediterranean Sea
hanggang sa marating ang puwerto ng Naples
sa bansang Italy, ang unang lunsod at bansa
sa Europa na narrating at napasyalan ni Rizal
noong ika-11 ng Hunyo 1882. Matapos,
tumulak ang barko patungo sa puwerto ng
Marseilles sa bansang France kung saan
nagtapos ang yugto ng paglalayag ni Rizal sa
karagatan noong ika-12 ng Hunyo 1882. Sa
loob ng 40 araw ang naging paglalakbay ni
Rizal sa karagatan.

Kinabukasan pagkadaong sa Marseilles,


bumaba ng barko si Rizal at tumuloy sa Hotel Noalles. Nilibot niya ang lunsod kung saan napabilang
sa napuntahan niya ang Chateau d’If na nabanggit sa nobelang Count of Montecristo. Nanatili siya sa
lunsod ng dalawang araw bago nagtungo sa lunsod ng Barcelona sa Espanya lulan ng tren noong
ika-15 ng Hunyo 1882.

Ayon kay Rizal ang Marseilles ang pinakamatandang lungsod ng kalakalan. Kanyang
hingaaan ang pagiging masigla ng mga tao at kagandahan ng mga tanawin. Dinalaw niya sina G. at
Gng. Salazar at namasyal sa Museo.

Larawan ng Chateau d’ If mula sa wikipedia

31 | P a g e
Aralin 3

Barcelona at Madrid
Buhay sa Espanya

Tag-init sa Espanya sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto kung kaya’t nakabakasyon ang
mga paaralan nang
dumating si Rizal sa
Barcelona noong ika-16 ng
Hunyo 1882. Tumuloy siya
sa hotel na Fonda de
Espaῆa. Isang pagsalu-salo
ang mainit na isinalubong ng
mga dating kamag-aral ni
Rizal sa Ateneo.

Mula ika-12 ng
Setyembre 1882 hanggang
Mayo 1883, unang
nanirahan si Rizal malapit
sa Universidad Central de
Madrid kasama ang isang matagal ng kaibigan mula pa sa mga taon ni Rizal sa Ateneo, si Vicente
Gonzales. Mangilang beses ding nagpapalit ng pamahayan si Rizal sa kanyang paninirahan sa
Madrid kasama ang ilang mga kaibigang naghahati sa mga bayarin sa tinitirahan.

Natagpuan ni Rizal sa Madrid na maraming mga tao ang may maling akala tungkol sa
Pilipinas at hindi nakakabatid ng pagkakakilanlang Pilipino. Madalas na pagkamalang mga Tsino ang
mga Pilipino at marami sa mga kabataang mag-aaral ang hindi nakakaalam kung ang Pilipinas ay
kabilang sa Ingles o Espanyol. Naikuwento pa ni Rizal sa liham niya sa kapatid na si Trinidad na
minsan may nagtanong kung ang Pilipinas ay malayo sa Maynila.

Mahal mamuhay sa Madrid. Doble kumpara sa Barcelona at dahil dito, natutunan ni Rizal na
pagkasyahin ang tinatanggap niyang ₱50 na buwanang panustos na ipinapadala sa kanya ng pamilya
mula sa Pilipinas. Samakatuwid, namuhay si Rizal nang matipid at may disiplina sa paggastos. Sa
isang liham ni Rizal kay Paciano, isinalarawan ni Rizal ang gastos ng pamumuhay sa Madrid sa
panustos na ₱50.

Maituturing lamang na kanyang luho ang pagbili ng maraming libro at maituturing lamang na
bisyo ay ang paminsan-minsang pagtaya sa loterya. Nabanggity din ni Rizal sa liham niya sa kapatid
na si Maria na wala pa siyang ligo magmula kalagitnaan ng Agosto dahil sa sobrang ginaw at mahal
na bayad na 35 sentimo bawat paligo. Katumbas ng humigit-kumulang ₱4,000 ngayon ang ₱35 noon.

Mga Suliranin ng Pamilya

Pagkalat ng Salot

Mga 40 hanggang 45 araw bago makarating ang mga liham sa pagitan ng Espanya at
Pilipinas. Ilan sa mga unang balita na natanggap ni Rizal sa Espanya ay ang pagkakaroon ng kolera
sa Maynila na nabanggit ni Paciano sa liham kay Rizal na may petsa na ika-24 ng Hulyo 1882. Sa
mga sumunod na liham ng pamilya kay Rizal, naibalita ang patuloy na pagkalat ng salot maging sa
mga kalapit-lalawigan at ang mga naitalang kaso ng beriberi.

Sa liham ni Paciano kay Rizal na may petsa ika-15 ng Setyembre 1883, sinasabing may 15
tao ang namamatay mula sa kolera araw-araw.

Krisis sa Asukal

32 | P a g e
Isang taon makalipas pagdating ni Rizal sa Europa, bumagsak ang presyo ng asukal sa
pandaigdigang pamilihan sa taong 1883. Dulot ito ng labis na produksyon ng asukal gawa na rin ng
mas maraming ani ng asukal mula sa sugar beet sa Europa kumpara sa asukal mula tubo galing sa
mga kolonya. Lubos na naapektuhan ang mga magsasaka ng asukal na galing sa tubo sa Pilipinas at
sa iba pang panig ng mundo. Isa na sa mga naapektuhan nito ang pamilyang Rizal. Maraming asukal
na tubo ang hindi naibenta ng pamilyang Rizal dahil sa mababang pangangailangan sa pamilihan.

Pagtaas ng Upa sa Lupa

Hindi lamang ang pagbagsak sa presyo ng asukal ang nakaapekto sa hanap-buhay sa


sakahan kundi pati na rin ang pinsala sa mga pananim dulot ng bagyo. Nakadagdag pa sa suliraning
pananalapi ng pamilyang Rizal ang pahirap na pagsabay sa pagtaas ng upa sa sakahan.

Dahil sa suliraning pananalapi, lumiit ang buwanang padal ng pamilya kay Rizal sa ₱30 mula
sa karaniwang ₱50. Madalas ring matagal na naaantala ang pagpapadala ng panustos habang
lumilikom ng sapat na pera. Iyon ay madalas na daing din ni Rizal sa kanyang mga liham sa pamilya
lalo pa at may mag pagkakataong buong araw na hindi kumakain si Rizal dahil walang pambili. Kahit
namamaga ang mga paa, naglalakad na lamang si Rizal dahil walang pamasahe.

Suliraning Pananalapi

Sa panahong iyon ng matinding kagipitan sa pananalapi, may isang mayamang Pilipinong


nagngangalang Valentin Ventura na naninirahan sa Madrid na kaibigan ni Rizal ang napag-uutangan
niya. Maging ang mga Heswita doon ay napag-uutangan din niya. Nabanggit ni Rizal sa kanyang
liham sa pamilya ang tungkol sa kulang pa na babayaran na ₱25 na utang niya sa mga Heswita.

Maging ang pamilya ni Rizal ay nabaon sa utang na ₱4,000 mula sa pagbili ng kailangang
makinarya sa pagsasaka at mga pagkalugi ng mahigit na ₱3,000. Ayon sa liham ni Paciano kay Rizal,
ang pamilya ay wala ni isang peseta mula pa noong Hunyo at ang liham na iyon ni Paciano ay may
petsang ika-8 ng Nobyembre 1884.

Kung hindi man sa kita mula sa mga naibebenta na ani ng mga sakahan, kanya-kanyang
pamamaraan sap ag-ambag ang mga kapatid ni Rizal upang mapadalhan siya ng pangmatrikula sa
pag-aaral at panustos sa mga pangangailangang gastusin. Nariyan ang pagpapadala ng panganay
na kapatid na si Saturnina ng kanyang diyamanteng singsing para maisangla ni Rizal sa oras na
magipit sa pera. Nakatulong ang singsing nang dumating ang matinding kagipitang kinailangan na
iyong isangla. Nabanggit din ng kanyang kuya Paciano ang pagbebenta ng kabayo ni Rizal sa
halagang ₱200.

Si Rizal man din ay napilitang maparaan hindi lamang sa pagtitipid nang husto kundi ang
paghahanap nag pagkakakitaan para mapunuan ang kakulangan sa panggastos. Nasabi ni Rizal sa
kanyang liham na may petsang ika-17 ng Disyembre 1884 na may tatlong buwan nang hindi siya
napadalhan ng panustos.

Nobyembre pa lang ng 1884, nagpresenta na si Rizal sa pamilyang umuwi na lamang siya sa


Pilipinas upang hindi na maging pabigat pa sa suliranin sa pananalapi at upang magtrabaho at
makatulong sa pamilya. Inasahan na rin kasi ni Rizal ang lalo pang magiging kalunus-lunos na
kalagayan ng asukal para sa Pilipinas sa mahigpit na pagpapaligsahan ng asukal sa pandaigdigang
palengke.

Nasyonalismo ng mga Indio

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Sa Barcelona ng Hunyo 1882 isinulat ni Rizal ang kanyang kaunahang sanaysay mula sa
ibayong bansa. Isinulat niya ang “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Tinubuang) sa kubling pangalang Laong-
Laan na ipinadala ni Rizal sa Pilipinas kung saan inilathala sa pahayagang Diariong Tagalog noong
ika-20 ng Agosto 1882. Sinundan ito ng pagkakalathala ng isa pang artikulong may pamagat na Las
Viajes at ang hindi na umabot sa paglathala sana ng isa pa na ipinadalang artikulong may pamagat
na Revista de Madrid (Pagbabalik Pananaw sa Madrid) dahil nagsara na ang pahayagan.

Sirkulo ng mga Espanyol at Pilipino

33 | P a g e
May grupo ng mga liberal na Espanyol at mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid na nagtatag
ng samahang tinawag na Circulo Hispano Filipino sa pangunguna ng isang dating opisyal ng
Hukbong Espanyol sa Pilipinas na nagngangalang Juan Atayde, isang creole, may dugong Espanyol
at Mehikanong ipinanganak sa Pilipinas. Napabilang din si Rizal sa samahan at ang pagtitipon at
pulong ay minsan isinasagawa sa bahay ng isang Espanyol na si Don Ortiga, dating alcalde ng
Maynila sa panahon ng dating Goobernador-Heneral Carlos Ma. de la Torre at itinalagang
tagapangulo ng Consejo de Filipinas at tagapayo sa pamahalaan sa Espanya. Ang mga pagtitipon at
pulong na iyon ay tumatalakay sa iba’t ibang mga suliranin at mga paksaing pulitikal tungkol sa
kalagayan at ikabubuti ng Pilipinas. Naglabas din ng isang magazine ang samahang tinawag na
Revista del Circulo Hispano-Filipino.

Nakilala ni Rizal ang dalawang anak ni Don Pablo na sina Pilar at Consuelo. Ang huli ay
maaaring sabihing “crush ng bayan” ng mga binatang Pilipinong mag-aaral kabilang si Rizal. Sa
katunayan, marami sa Pilipinong kasamahan ni Rizal, kabilang siya, ang nanligaw sa 18-taong gulang
na si Consuelo. Ayon sa talaarawan ng babae, nakilala niya si Rizal noong ika-16 ng Setyembre
1882. Isang kababayan na meztisong Espanyol na nagngangalang Eduardo de Lete ang nakatunggali
ni Rizal sa panliligaw sa babae.

Ang pinili ng babae ay ang karibal ni Rizal na si Eduardo de Lete na lihim na naging kaaway
ni Rizal. Dalawang taon ang nakalipas, hindi ito maintindihan ni Rizal kaya’t nang tanungin niya si
Consuelo kung ano ang pagtingin sa kanya, sinagot siya nito na bilang magkaibigan at may pahabol
na tanong ang babae kung nais ba ni Rizal ng higit pa doon. Kaawa-awang Rizal, iyon na lamang ang
napabulalas ni Consuelo sa kanyang talaarawan na may petsang ika-20 ng Pebrero 1884. Ipinahayag
ni Rizal ang damdamin para kay Consuelo sa isinulat niya na tulang “A la Seῆorita C.O.y R.” (Kay
Binibining Consuelo Ortiga y Rey).

Sa kabila ng naiwan niyang sinisinta sa Pilipinas na si Leonor Rivera nang magtungo ng


Europa si Rizal noong 1882, tila naging nobya niya lamang ito tatlong taon matapos ang tagpong pag-
ibig niya kay Consuelo Ortiga. Sa liham ni Rizal sa kaibigang si Jose “Chenggoy” Cecilio na may
petsang ika-18 ng Abril 1885, itinanong ni Rizal kung sino sa dalawang Leonor sa Pilipinas ang dapat
piliin na makasama sa buhay.

At sa sumunod na liham ni Chenggoy na may petsang ika-30 ng Setyembre 1885, mababatid


ang pagbati nito kay Rizal sa pasiya na pagpili kay Leonor Rivera sa halipn na si Leonor Valenzuela.
Nauna nang sinabihan ni Rizal si Chenggoy sa isang liham na may petsang ika-26 ng Pebrero 1885
na pakasalan na lang ni Chenggoy si Leonor Rivera kesa makita ni Rizal si Leonor na ikasal sa ibang
tao.

Nalansag kalaunan ang Circulo Hispano-Filipino dahil sa kawalan ng pondo at hindi maayos
na pamamalakad. Walang malinaw na patutunguhan dulot na rin ng magkakaibang pananaw at
paninindigan sa mga paksain na pampulitikal at magkakasalungat na pasya ang mga dahilan ng
pagkawasak nito. Bagamat mga mayayaman at mga may kaya ang mga kasapi ng Circulo,
nagpabaya sa kanilang mga pinansiyal na tungkulin ang mga kasapi dahil na rin sa ibang mga
napiling pinagkakagastusang mga luho at bisyo.

Maging ang ipinanukala ni Rizal sa mga kasamahan sa Circulo na pagtutulungan sanang


makapagsulat ng nobela ay hindi napagtuunan at sa halip idinaing ni Rizal ang kawalan ng paggawa.
Pinagtutuunan ang mga bisyo at nag kanya-kanya. Simula noon, mag-isa nang inumpisahan ni Rizal
ang pagsulat ng unang kabanata ng kanyang magiging unang nobelang Noli Me Tangere. Nakapag-
ambag si Rizal sa samahan ng tula niyang “Mi Piden Versos” (Pinatutula Ako).

Tagay sa Tagumpay

Isang pagdiriwang para sa pagkapanalo ng dalawang Pilipinong pintor na sina Juan Luna at
Felix Resurrreccion Hidalgo mula sa patimpalakang Exposicion Nacional de Bellas Artes sa Madrid
ang dinaluhan ni Rizal sa Restaurante Ingles noong ika-25 ng Hunyo 1884. Nagwagi ng unang
gantimpala at tinanggap ni Luna ang una sa tatlong nakalaang gintong medalya para sa kanyang
Spoliarium. Samantala, nagkamit ng pangalawang gantimpala ang pinta ni Felix Resurreccion Hidalgo
na “Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho”. Tinanggap ni Hodalgo ang isa sa 15 pilak na
medalya.

34 | P a g e
Isinilang ang pintor na si Juan Luna (1857-1899) sa Badoc, Ilocos Norte at kasal kay Maria de
la Paz Pardo de Tavera. Nag-aral ng pagpipinta si Luna sa Academia de Dibujo y Pintura sa Maynila
sa ilalim ng gurong pintor na Pilipinong si Lorenzo Ma. Guerrero at sa Real Academia de Bellas Artes
de San Fernando sa Madrid, Espanya.

Ang Spoliarium ni Juan Luna ay salitang Latin na tumutukoy sa ilalim ng Colosseum kung
saan sa ibabaw nagaganap ang laban ng mga alipin hanggang kamatayan. Habang sa ilalim nito,
tinatawag na spoliarium ang pinagdadalahan ng mga napaslang na mga alipin. Kung susuriin ang
nakapaloob na pakahulugan na mensahe sa pinta, makikitang kinakaladkad ng mga sundalong
Romano ang mga napaslang na alipin papunta sa madilim na sulok na bahagi ng pinta kung saan sa
madilim na sulok ay makikita ang isang babae sa sahig na nagluluksa. Ang babae ay ang Inang
Bayang nagluluksa para sa kanyang mga anak na dumanas ng paghihirap sa kanilang pagkamatay.

Isinilang ang pintor na si Felix Resurreccion Hidalgo (1855-1913) sa Binondo, Maynila at


nagtapos ng pilosopiya. Nag-aral siya ng batas sa Universidad ng Santo Tomas at nag-aral din ng
pagpinta sa Academia de Dibujo y Pintura sa Maynila sa ilalim ng Pilipinong gurong si Agustin Saez.

Ang pinta ni Felix Resurreccion Hidalgo na Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho (Mga
Dalagang Kristiyanang Nakatambad sa Mga Tao) ay may paksang pag-uusig sa mga sinaunang
Kristiyano sa Roma. Makikita sa pintang pinagkakahulugan ng mga kalalakihan ang dalawang
babaeng nahubaran ng kanilang damit – maging ang kanilang dangal.’

Ipinapakahulugan ng pinta ang kalagayan ng mga kababaihan sa Pilipinas na bumaba ang


tingin sa kanilang sarili at tingin sa mga kalalakihan sa kanila nang dahil sa pananaw at paraan ng
pakikitungo ng mga kanluraning dayuhan na dumating sa Pilipinas. Sa panahon ng mga Espanyol sa
Pilipinas, bumaba ang mga katayuan ng mg babae at isinailalim sa pangingibabaw at kapangyarihan
ng mga kalalakihan. Inaasahan silang maging masunurin at maging mabuting asawa at hindi
nangangailangan ng mataas na edukasyon sapagkat sila ay inaasahang nakatuon sa pangangalaga
ng pamilya at pag-aasikaso sa mga gawaing bahay.

35 | P a g e
Bago dumating ang mga mananakop, ang mga katutubong kababaihan ay kapantay at kung
minsan pa nga ay mas mataas pa sa mga kalalakihan. Ang mga katutubong kababaihan na sinauna
ay maaaring maging pinuno ng barangay; maaari rin silang magkamit ng kayamanan at mga ari-arian.

Isang pag-inom sa karangalan (toast) o sa wikang Espanyol ay brindis ang inihandog ni Rizal
at nagbigay ng talumpati bilang pagpupugay sa nakamit na tagumpay ng mga ikinararangal na mga
Pilipino sa larangan ng pagpinta. Iyon ang unang pagkakataong nagbigay siya ng talumpati sa harap
ng publiko. Iyon na rin ang pagkakataong muling makakain si Rizal sapagkat wala pa siyang kain ng
almusal at tanghalian nang araw na iyon dahil saw ala siyang pambili ng pagkain. Matatandaang iyon
ang panahong halos walang maipadalang sapat na pera ang kanyang pamilya dahil sa suliraning
pananalapi.

Ang talumpating iyon na may halong pulitikal na mensahe ay nabanggit sa pahayagang El


Liberal at naipamalita maging sa Pilipinas. Umani ito ng mga batikos at matinding reaksiyon mula sa
mga prayle at mga konsebatibong mga Espanyol. Naapektuhan si Donya Teodora sa mga hindi
kaaya-ayang mga balita patungkol kay Rizal. Nagdulot iyon ng matinding kalungkutan sa ina ni Rizal
na hirap makatulog at hindi nakakain ng isang lingo hanggang sa nanghina at bumagsak ang
kalusugan. Pakiusap ng ina kay Rizal na huwag nang manghimasok sa mga bagay na magdudulot ng
sakit at kalungkutan sa kanya at iwasang sumulat at magsalita ng ikaaayaw at ikagagalit ng mga
prayle at mga konserbatibong Espanyol.

Kapatiran sa Masonriya

Sumapi si Rizal sa masonriya (Freemasonry), isa sa mga pinakaprestihiyoso, pinakamatagal,


pinakamalaki at malawak na kapatiran sa mundo hanggang sa ngayon. Maraming Pilipinong tulad ni
Rizal ang sumali sa kapatiran dahil sa mga kaisipang liberal na ipinamamalas ng samahan. Isa ang
Masonriya sa mga nakatulong sa pagkalat ng mga kaisipang liberal sa iba’t ibang panig ng mundo sa
ika-19 na siglo.

Bagamat walang opisyal na relihiyon ang pinaiiral sa samahan dahil hindi naman ito isang
samahang panrelihiyon, pinaiiral naman ang malayang pananampalataya at pagpapaubaya sa
relihiyon. Pinagtutuunan ng kapatiran sa mga kasapi ang sariling pag-aaral, pagpapaunlad at
pagpapabuti ng sarili at lipunan sa pamamagitan na rin ng mga gawaing pilantropiya o mga
mabubuting gawain para sa kapakinabangan ng sangkatuhan. At bagamat hindi isang samahang
pampulitikal, aktibo ang mga kasapi nito sa mga usapin at adhikaing pampulitikal.

Mariin na ipinagbabawal ng simbahan ang pagsali ng isang Katoliko sa Masonriya. Bagamat


maganda ang hangarin at pangkalahatang ginagawa ng kapatiran, tutol naman ang simbahan sa mga
pananaw nitong salungat sa mga doktrina ng Simbahan lalo na ang pangingibabaw sa katuwiran higit
sa pananampalataya.

Ayon sa abugado at historyador na si Reynold S. Fajardo, bago pa man nakapasok sa


Masonriya si Rizal, ang tiyo niyang si Jose Alberto ay nauna nang napabilang sa Mason. Ang hari ng
Espanyang si Amadeo na naggawad kay Jose Alberto ng titulong Caballero Comandante de la Orden
de Isabel la Catolico ay isa ring Mason. Sinasabi ring nagkaroon ng mga ugnayan sa ilang mga
Espanyol na Mason sa Pilipinas ang kuya ni Rizal na si Paciano.

Unang pumasok si Rizal sa Masonriya noong 1883 sa lunsod ng Madrid kung saan siya
napabilang sa Logia Acacia 9 (Acacia Lodge No.9) sa ilalim ng Gran Oriente de Espaῆa na
pinamumunuan noon ni Manuel Becerrana, naging ministro sa Ministerio de Ultramar. Sa lohiyang din
iyon kabilang ang propesor na si Dr. Miguel Morayta at ang naging ikalawang pangulo ng Unang
Republikang Espanyol na si Francisco Pi y Margall. Pinili ni Rizal ang pangalang Dimasalang bilang
sagisag na nangangahulugang hindi masaling.

Narrating ni Rizal ang ikatlong antas na Master mason sa Logia Solidaridad 53 na isang
pangkalahatang Masonriya na Pilipino kung saan kabilang din sina Marcelo H. del Pilar at Antonio
Luna sa lunsod ng Madrid noong 1890. Gayon din, narating niyang antas sa Temple de L’Honneur et
de L’Union sa ilalim ng Le Grand Orient France kung saan kabilang ang mga Pilipinong sina Dr.
Trinidad Pardo de Tavera at Valentin Ventura sa lunsod ng Paris sa bansang Pransya noong 1892.

36 | P a g e
Labing-anim na taon makalipas ng pagkakabaril kay Rizal sa Bagumbayan, nang matapos
itayo ang monumento sa Luneta na paglilipatan ng kanyang mga labi, tinanggihan ng pamilyang Rizal
ang hiling ng mga Heswitang pangunahan ang paglilipat sa labi at sa halip ang karangalan ay ibinigay
sa Masonriya sa pangunguna ng konsehal ng Maynila at Mason na si Temoteo Paez na naging
kasapi rin ng samahang La Liga Filipina na itinatag ni Rizal.

Pangingibabaw ng Katuwiran

Ibinilin din ni Donya Teodora kay Rizal na huwag makaligta sa mga tungkulin niya bilang
tunay na Kristiyano. Mas ninanais iyon ng ina para kay Rizal kesa sa pagtatamo ng maraming
kaalaman.

Punahin man ni Rizal ang mga bagay sa relihiyon o di man gampanan ang lahat ng tungkulin
ukol sa relihiyon, hindi nangangahulugang hindi na niya itinuturing ang sarili bilang Katoliko.
Maraming mga Katoliko maging sa kasalukuyan ang katulad din ni Rizal: may pagkukulang man sa
tungkulin o may sariling pananaw kaiba sa Simbahan, hindi naman nangangahulugang tumiwalag na
sila sa relihiyon.

Dayuhang Mag-aaral

Pagpapatuloy ng Pag-aaral

Halos tatlong buwan lumagi si Rizal sa Barcelona bago tumulak sa Madrid at nagpatala sa
Universidad Central de Madrid noong ika-12 ng Setyembre 1882 upang ipagpatuloy ang mga kursong
pilosopiya at letras pati na medisina.
Nagpatala siya sa Colegio de San Carlos ng
nasabing pamantasan, dalubhasaan ng
medisina. Isa sa mga propesor sa
pamantasang ito si Dr. Miguel Morayta,
isang liberal na Espanyol na kasundo at
kakampi ng mga mag-aaral na Pilipino.
Propesor siya ng kasaysayan at
tagapagtanggol ng kalayaang akademiko at
naging propesor ni Rizal.

Maliban sa pagpapatuloy ni Rizal ng


kanyang pag-aaral sa pamantasan,
ipinagpatuloy din niya ang pag-aaral sa
pagpinta at paglilok sa paaralan ng
Academia de Bellas Artes de San Fernando
sa ilalim ng gurong si Carlos Haes. Nagsanay din siya ng pagbaril at eskrima sa Sala de Armas de
Sanz y Carbonell. Natuto din siyang magsalita ng Ingles, Pranses at Aleman sa institusyong
kalinangang eksklusibong samahan ng mga tao sa humanidades at agham sa Ateneo Cietifico,
Literario y Artistico de Madrid o Ateneo de Madrid.

Aktibista at Kilos-Protesta

Sumiklab ang kaguluhan sa pamantasan at naikuwento ni Rizal sa liham sa mga magulang


ang nasaksihan noong ika-20 ng Nobyembre 1884. Nagkagulo nang itiniwalag ng Obispo si Propesor
Miguel Morayta dahil sa kanyang talumpati tungkol sa pagtatanggol sa kalayaang akademiko at
agham. Sinundan iyon ng malakihang kilos-protesta ng mga mag-aaral na pinagsasaktan at
pinaghuhuli ng mga pulis.

Nilusob din ng mga pulis ang Pamantasan habang nasa klase si Rizal. Dinakip ang rektor na
si Francisco de la Pisa Pajares at isa pang propesor. Ang mga propesor ay hinamak. Kinailangan din
ni Rizal na magbalatkayo. Ayon kay Rizal, marami sa mga mag-aaral ang sugutan at duguan. Isinara
ang Pamantasan at nang magbukas, naglipana ang mga pulis ayon sa utos ng rektor. Puno ng mga
mag-aaral ang bilangguan.

37 | P a g e
Maging si Rizal at ang kaibigang si Valentin Ventura ay muntikan nang makulog kung hindi
lamang nakatakas. Ang itinalagang kapalit na rektor na si Dr. Juan Creus y Munso ay kinamumuhian
ng lahat maging ni Rizal.

Nasabi ni Rizal na ang kaalaman at ang propesor ay dapat Malaya. Samakatuwid, naniniwala
si Rizal sa kalayaang akademiko o ang malayang pagtuturo at pagkatuto sa paaralan na walng
pakikialam at hadlang. Sa inihayag ni Rizal laban sa bagong itinalagang rektor, matatanto ang
kaniyang pagiging maprisipyo at pagiging aktibong mag-aaral.

Katulad ng kuya ni Rizal na si Paciano, minsan ring naging aktibista si Paciano sa panahon
na siya ay mag-aaral pa ng abugasya sa Universidad de Santo Tomas. Si Paciano ay kabilang sa
kilusan noong 1869 na pinangungunahan ng mga Ilustradong Pilipino kabilang ang paring si P. Jose
Burgos. Hinihiling nila ang mga kalayaang-sibil matapos ang tagumpay na himagsikan sa Espanya
noong 1868.

Pagtatapos at Pagkapasa

Unang nagtapos si Rizal sa programa para sa Licenciado en Medisina na may


pangkalahatang gradong Aprobado (Fair/3.00) noong ika-21 ng Hunyo 1884. Sumunod na taon ng
1885 sa araw ng kanyang kaarawan ng ika-19 ng Hunyo, natapos naman niya ang kanyang programa
para sa Licenciado en Filisofia y Letras na may pangkalahatang gradong Sobresaliente
(Excellent/1.00).

Ang pagkakaroon ni Rizal ng lisensya sa pilosopiya at letras ay nagbigay-daan sa kanyang


makapagturo ng humanidades sa alinmang pamantasang Espanyol. Habang ang pagkapasa naman
ni Rizal sa board exam para sa lisensyado sa medisina ay nagbibigay katungkulan sa kanya na
manggagamot.

Kahit nakapagtapos na si Rizal ng lisensyado sa medisina sa edad na 24 at maaari nang


makapanggamot, nag-aral muli siya ng karagdagang mga kurso sa pagnanais na magpakadalubhasa
sa medisina sa pamamagitan ng pagtatapos sana ng pagkadoktorado sa medisina.

Sa kakulangan ng pera, hindi na kinaya ni Rizal ang mga kaukulang bayarin sa pagtatapos
ng pag-aaral sa pagkadoktorado sa medisina kung kaya’t hindi na rin nagpresenta si Rizal ng thesis
na kailangan upang makatapos ng pagkadoktorado sa medisina. Hinayaan na lang iyon ni Rizal
sapagkat hindi na naging mahalaga sa kanya ang pagkadoktorado dahil maaari pa rin naman siya
makapanggamot kahit wala ito.

Ang naging mahalaga kay Rizal ay ang pagkakaroon ng pagdadalubhasa sa optalmolohiya o


paggagamot sa mata. Ang kagandahan lang ng pagkakaroon ng doktorado ay ang dagdag na
karunungan at pagkakataong makapagturo sa dalubhasaan ng medisina na wala rin naman balak si
Rizal.

Aralin 4

Paris at Heidelberg
Pagpapakadalubhasa sa Paris

Una nang nakapunta sa lunsod ng Paris sa bansang


Pransya si Rizal noong 1883 ng bakasyon ng tag-init
nang nakabakasyon ang mga mag-aaral sa
pamantasan. Sa pinakamurang Hotel de Paris siya
unang tumuloy kung saan tanaw ngayon ang sikat na
Eiffel Tower nang buksan ito sa publiko noong 1889.
Nalibot ni Rizal ang lunsod at dumalaw sa ilang mga
ospital para magmasid at matuto. Kabilang sa mga
dinalaw ni Rizal ang Ospital Laennec at Ospital
Lariboisiere. Nagmasid si Rizal sa mga kagamitan at
paraan ng panggagamot at pagsusuri sa iba’t ibang
kaso ng mga pasyente sa mga ospital na ito.

38 | P a g e
Matapos ang pag-aaral ng medisina at ganap nang lisensyadong manggagamot, nagtungo
muli sa Paris si Rizal upang magpakadalubhasa sa optalmolohiya o panggagamot sa mata. Sa
panaohon ni Rizal, ang pagdadalubhasa sa optalmolohiya ay hindi kabilang sa mga programa o
pornal na pinag-aaralan sa dalubhasaan sa medisina. Ang isang ganap na manggagamot ay
maaaring maging isang ganap na optalmolohiko sa ilalim ng pagtuturo, pagsasanay at mahigpit na
pagsubaybay ng isang mahusay na optalmolohiko.

Bagamat naipasa ni Rizal ang medisina, hindi na nakapagtataka na si Rizal ay isa naman sa
naging pinakamahusay na optalmolohiko ng kanyang panahon dahil ang kanyang tagapagturo ay isa
sa mga nangungunang optalmolohiko sa Europa na si Dr. Louis de Wecker, isang Pranses. Kilala si
Dr. Wecker sa kanyang natatanging husay at kaibang kapamaraanan sa larangan ng panggagamot
sa mata. Hindi lang siya isa sa mga nangungunang optalmolohiko, siya ay tagapanguna rin ng
maraming kapamaraanan sa pagtitistis sa mata na nagamit ni Rizal sap ag-opera sa mga mata ng
kanyang ina.

Nagsanay si Rizal ng apat na buwan mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886 bilang
apprentice at katulong sa pag-oopera ng mga mata ng mga pasyente sa Klinika Crugen ni Dr.
Wecker. Ayon kay Rizal, may mga 50 hanggang 100 pasyente ang nagpupunta sa klinika ni Dr.
Wecker at may mga araw na kasing dami ng 10 ang kanilang inooperahan. Nagsanay din si Rizal sa
klinika ng isa pang kilalang optalmolohiko sa Paris na si Dr. Xavier Galezowski na mula sa bansang
Poland at isa sa mga nangunguna sa larangan ng optalmolohiya.

Komikero at Modelo

Madalas ring panauhin si Rizal ng tatlong Pilipinong magkakapatid na may bahay sa Paris na
sina Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera, Felix Padro de Tavera at ang napangasawa ni Juan
Luna na si Maria de la Paz Pardo de Tavera.

Sa bahay ng mga Pardo de Tavera iginuhit ni Rizal ang mga dibuho ng “Ang Matsing at Ang
Pagong” para sa album ni Paz Pardo de Tavera. Ipinaparating ng pabula na matalino man ang
matsing, naiisahan din.

Ang pabulang “Ang Matsing at Ang Pagong” ay hindi nagmula kay Rizal, kundi isang
kuwentong katutubong unang ginawan ni Rizal ng serye ng mga iginuhit na larawan na may
kasamang mga salita sa bawat larawan. Sinasabing ito ang unang gawang comic strip ng isang
Pilipino noong 1886. Sa ganito, maaaring maituring si Rizal na “Ama ng Philippine Komiks” ayon ayon
sa pagkabansag ni Propesor Ambeth Ocampo.

Sa sumunod na lunsod na kanyang dinayo sa Heidelberg sa bansang Alemanya, isa pang


komiks ang iginuhit at kinulayan ni Rizal. “Ang Binyang ng Dalawang Magkapatid” na nagsasalarawan
ng isang katawa-tawang pangyayari.

Si Rizal ay madalas din sa atelier (studio) ng pintor na si Juan Luna kung saan nagtatagpo
ang mga magkakaibigan at iba pang mga Pilipino. Maraming beses na kinukuha ni Luna ang mga
magkakaibigan bilang mga modelo sa kanyang pagpipinta sa halip na magbayad pa para sa mga
propesyonal na modelo. Ilan sa pinagmodelohan ni Rizal ay bilang si Datu Sikatuna sa El Pacto de
Sangre (Ang Sanduguan) at bilang scribe sa La Muerte de Cleopatra (Ang Kamatayan ni Cleopatra).

Pagtira sa Heidelberg

Matapos ang apat na buwang pagsasanay sa optalmolohiya sa bansang Pransya, nagtungo


si Rizal sa bansang Alemanya na kilala noong ika-19 na siglo na isa sa mga sentro ng agham at
teknolohiya sa mundo. Maraming propesor sa Aleman ang nakilala sa mga siyentipikong
pagsasaliksik n anging dahilan din ng pagsikat ng mga pamantasan sa Alemanya noon.

Umalis si Rizal sa Paris lulan ng tren sa unang araw ng Pebrero 1886 at dumating sa
Strassburg kinabukasan. Ito ang unang lunsod sa Alemanya na binisita ni Rizal bago nagtungo sa
lunsod ng Heidelberg na kanyang narrating ng ika-3 ng Pebrero 1886.

Sa pagdating ni Rizal sa Heidelberg unang kinaibigan niya ang ilan na mga Aleman na mag-
aaral ng batas upang makakuha ng mga impormasyon at sa paglaon ay kasa-kasama na rin ni Rizal
sa kanilang madalas nap ag-iinom ng serbesa at paglalaro ng ahedres. Sa husay ni Rizal na maglaro

39 | P a g e
ng ahedres, naanyayahan sumali at natanggap sa samahan ng mga manlalaro ng ahedres sa
Heidelberg.

Sa liham ni Rizal sa kapatid na si Trinidad, inilarawan din niya ang mga babaeng Aleman na
higit na pinahahalagahan ang nalalaman sa pamamagitan ng edukasyon na inihambing ni Rizal sa
mga babaeng Pilipinong mas pinagtutuunan ang panlabas na kagandahan. Gayon pa man, pinuri din
ni Rizal ang katangiang magiliw at masipag ang mga Pilipino.

Pagpapakadalubhasa sa Heidelberg

Nagpalipat-lipat ng tirahan sa lunsod si Rizal. Isa sa mga tinirahan niya ay isang bahay
pangaserahan malapit sa Universitat Heidelberg.

Bagamat hindi nagpatala sa Universitat Heidelberg,


dumalo naman si Rizal sa mga paanyayang lektura ng kilala at
mahusay na Alemang optalmolohiko na si Dr. Otto Heinrich
Becker sa nasabing pamantasan. Dumalo din si Rizal sa mga
paanyayang lektura ng isang espesyalista sa chemical
physiology na si Dr. Wilhelm Kuhne. Nakidalo din si Rizal sa
pagdiriwang noong ika-6 ng Agosto 1886 ng ikalimang
sentinaryo ng pagkakatatag ng nasabing pamantasan.

Isang bagong aparato sa ika-19 na siglo na ang tawag


ay opthalmoscope ang kinailangang kagamitan ng isang optalmolohiko sa pagsilip sa loob ng mata ng
pasyente. Una itong ginamit ni Rizal sa kanyang pagsasanay sa klinika ni Dr. Wecker sa Paris. Ang
nasabing kagamitan ay mas kilalang imbento ng isang Alemang physics at managgagamot na si
Hermann von Helmholtz noong 1851.

Nagsanay si Rizal sa Augenklinik (Eye Clinic) ng pamantasan sa ilalim ng tagapamahala


nitong si Dr. Becker. Dito nagsanay si Rizal ng kalahating taon mula Pebrero hanggang Agosto 1886
sa pagsusuri at pagtukoy sa iba’t ibang mga karamdaman sa mata na siyang kadalubhasaan ni Dr.
Becker.

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg

Bagamat malugod ang naging pagtira ni Rizal sa Heidelberg, nakaramdam din siya ng
pangungulila sa kanyang sariling bayan. Sa lunsod na ito nang minsan sa buwan ngAbril 1886
panahon ng tagsibol noon, habang naglalakad sa tabi ng Ilog Neckar, nakagiliwan ni Rizal ang mga
tanawin at nadadaanang kumpol at maraming nagkalat na mga asul na bulaklak na tinatawag sa
wikang Aleman na vergissmeinnicht (foget-me-not). Nangulila siya sa bayan ng Calamaba.

Dito isinulat ni Rizal ang A las Flores de Heidelberg (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg).
Mababakas sa tula ang pangungulila ni Rizal bilang dayo sa malayong bansa at pag-alala sa sariling
bansang Pilipinas. Mababasa sa tula ang pagkausap ni Rizal sa mga bulaklak na pumaroon sa
Pilipinas at iparating ang kanyang pagmamahal at pananabik sa sariling bansa.

Bakasyon sa Wilhelmsfeld

Nakatagpo si Rizal ng isang kaibigan sa kanyang paglalakad sa kilalang lakaran sa


kakahuyan sa Heidelberg na tinatawag na Philosophenweg (Philosophers Way). Ang kaibigang iyon
ay isang Protestanteng pastor na si Karl Ullmen. Napahanga ni Rizal ang Aleman dahil sa marunong
siya ng wikang banyaga. Dahil dito, inanyayahan niya si Rizal na bumisita sa kalapit na bayan ng
Wilhelmsfeld kung saan nakatira ang nasabing pastor.

Tinanggap ni Rizal ang paanyaya at piniling manirahan sa bahay ng nasabing pastor na


tumanggap nang bukas sa kalooban ang pagnanais ni Rizal na manirahan kasama ang pamilya ng
pastor.

Sa pagtira ni Rizal sa bahay ng pamilya Ullmer, naranasan at namasdan ni Rizal sa loob ng


bahay ang pang araw-araw na buhay pamilya ng isang Aleman. Sa tatlong buwan niyang pananatili
sa Wilhemsfeld simula nang dumating siya ng ika-26 ng Abril 1886 at araw-araw na nakakatalastasan

40 | P a g e
ang pamilya Ullmer na gumagabay sa kanyang pagsasanay sa wika ay naging Malaki ang inihusay ni
Rizal sa wikang Aleman.

Maliban sa Protestanteng pastor na si Rev.Karl Ullmer, nakilala ni Rizal ang isang Katolikong
paring si P. Heinrich Bardorf mula sa karatig-nayon na Schriesheimer Hof at madalas nakakasama ni
Rizal at Ullmer sap ag-inom ng serbesa sa taberna habang nagpapalitan ng mga pananaw tungkol sa
relihiyon. Hinangaan ni Rizal ang matalik na pagkakaibigan ng dalawa baagamt magkaiba ang
kanilang relihiyon.

Para kay Rizal, sina Rev. Ullmer at P. Bardorf ay halimbawa ng umiiral na kalayaan ng
relihiyon at pagpapaubaya ng relihiyon sa bansang Alemanya kung saan kalahating Protestante at
kalahating Katoliko ang populasyon, ngunit maayos na namumuhay at nagkakasalamuha. Ang
namasdang ito ay siya ring pinanghahawakan at pinahahalagahan ni Rizal at nagpatunay sa kanyang
hindi dahilan ang kaibahan ng relihiyon upang hindi magsama at magkasundo pa rin.

Matapos ang tatlong buwan, nilisan ni Rizal ang Wilhemsfled noong ika-25 ng Hunyo 1886.
Sa pagbabalik ni Rizal sa Heidelberg, nagpadala si Rizal kay Rev. Ullmer ng halagang 100 peseta
para sa naipangako ni Rizal na kabayaran sa mga nagastos sa kanyang panunuluyan.

Balikan na Paglalakbay sa Rhein

Ipinaalala ng Ilog Rhein ng Alemanya ang Ilog Pasig ng Pilipinas kung saan nasabi ni Rizal
na kung mas marami lang na mga magagandang gusaling matatagpuan sa tabi ng Ilog Pasig ay hindi
na kaiingitan pa ang Ilog Rhein maliban na lamang sa mas mahaba ito. Ipinapakita sa paglalakbay na
ito ang pagpapahalaga ni Rizal sa arkitektura at kasaysayan ng lugar.

Aralin 5

Leipzig at Dresden
Pagtira sa Leipzig

Sa lunsod ng Leipzig noong ika-15 ng Agosto 1886 nanuluyan sa isang pangaserahan si


Rizal. Sa dalawang buwang paglagi ni Rizal sa lunsod, isinalin niya sa Tagalog ang kuwento na
William Tell ni Friedrich Schiller at ang mga kuwento sa Fairy Tales ni Hans Christian Anderson.
Ipinadala ni Rizal ang kanyang mga salin para sa kanyang mga pamangkin sa Pilipinas nang si Rizal
ay nasa lunsod na ng Berlin. Namasukan din si Rizal bilang isang proof reader sa isang palimbagan
upang mapunuan ang pangangailangang salapi para sa pagpapalimbag sa kanyang magiging unang
nobela.

Nakilala ni Rizal sa kanyang pagdalo sa mga panayam ng


sikolohiya at kasaysayan sa Universitat Leipzig ang batikang Alemang
geographer at ethnographer na si Propesor Friedrich Ratzel at ang
geographer rin at ethnologist na si Dr. Hans Meyer.

Si Dr. Hans Meyer ay may akdang isa sa mga malaking


talasalitaan na encyclopedic dictionary sa Alemanya at director ng
Bibliographische Institute na palimbagan ng mga aklat na talasanggunian.
Inabutan ni Dr. Hans Meyer si Rizal ng kanyang libro tungkol sa
pagsasaliksik sa mga Igorot. Napag-alaman ni Rizal na nagpunta si Dr.
Meyer sa Pilipinas dalawang buwan pagkatapos na umalis siya sa
Pilipinas.

Pagtira sa Dresden

Dumating si Rizal sa Dresden noong ika-29 ng Oktubre 1886 at tumuloy sa Hotel Vier
Jahreszeiten. Nabanggit ni Rizal sa kanyang travelogue habang siya ay nasa Dresden na dumalo
siya sa misa ng Simbahang Katoliko. Patunay lamang na si Rizal ay nanatiling Katoliko.

41 | P a g e
Sa liham ni Rizal kay Dr. Blumentritt na may petsang ika-22 ng Agosto 1886, matapos pag-
aralan lahat ng mga relihiyon sa Europa, nasabi ni Rizal na mas maganda parsa sa kanya ang
Katolisismo kumpara sa Protestante.

Binisita ni Rizal noong ika-31 ng Oktubre 1886 ang Zoological,


Anthropological and Ethnographic Museum at sa pamamagitan ng liham ng
pagpapakilala mula kay Dr. Blumentritt, nakilala ni Rizal ang director nitong
si Adolf Bernhard Meyer, isang dalubhasa sa larangan ng anthropology at
zoology. Nakapaglimbag si Dr. A.B. Meyer ng libro tungkol sa distribusyon
ng mga Negritos at ilang mga artikulo ng pagsasaliksik tungkol sa mga wika
sa Pilipinas. Nakapunta si Dr. Meyer ng Luzon at Mindanao sa kanyang mga
pagsasaliksik.

Maliban kina Dr. Hans Meyer at Dr. Adolf Meyer, ilan pang mga mananaliksik na Aleman ang
nakapunta sa Pilipinas sa panahon ni Rizal. Nagsagawa sila ng mga pag-aaral tungkol sa mga wika
at mga etnikong nakatira sa Pilipinas tulad nina Dr. Feodor Jagor at ni Dr. Alexander Schadenberg,
nanirahan sa Pilipinas mula 1879 at namayapa na rin sa bansa noong 1896.

Aralin 6

Berlin at Leitmeritz
Pagtira sa Berlin

Nilisan ni Rizal ang Dresden noong ika-1 ng Nobyembre 1886 at dumating sa lunsod ng
Berlin, kabisera ng bansang Alemanya, sa Araw ng
Mga Santo. Pansamantalang tumuloy si Rizal sa
primera klaseng Central Hotel. Habang si Rizal ay
naninirahan sa Berlin, muntikan pa siyang ipinatapon
ng mga awtoridad sa Alemanya dahil pinaghinalaan
siyang espiya. Pinaghinalaan siya dahil sa mga
ginagawa niyang pagpunta sa iba’t ibang mga lunsod
at bayan sa Alemanya at kanyang pagiging mausisa
sa maraming bagay sa mga lugar na pinupuntahan
niya.

Sa pagtira ni Rizal sa Berlin, nagsasagawa siya ng mga pagsasaliksik tungkol sa Pilipinas at


pagbabasa ng mga aklat sa Real Biblioteca de Berlin. Dumadalo din siya sa ilang mga panayam sa
Universitat Berlin. Namasukan si Rizal bilang katulong na mangagamot sa klinika ng optalmolohiko na
si Dr. Karl Ernst Theodore Schweigger at sa klinika ng isang nagngangalang Dr. R. Schulzer.
Napasok din si Rizal na kaanib sa tatlong samahang siyentipiko sa Berlin kasam ang mga tanyag at
bigating mga pangalan sa larangan ng agham na mga naging kaibigan at kasulatan ni Rizal.

Sa pamamagitan ng liham ng pagpapakilala mula kay Dr. Blumentritt, nakilala ni Rizal sa


Berlin ang Alemang etnolohista na si Dr. Jagor na may akda ng aklat na Reisen in den Philippinen
(Mga Paglalakbay sa Pilipinas) na nabasa ni Rizal noong sekundarya siya sa Ateneo. Kasunod nito,
ipinakilala ni Dr. Jagor si Rizal sa itinuturing na “Ama ng Cellular Pathology” na si Dr. Rudolf Virchow.
Nakilala rin ni Rizal ang anak ni Dr. Rudolf Virchow na si Hans Virchow, isang propesor ng
Descriptive Anatomy sa Universitat Berlin at ang Alemang geographer at ethnographer na si Dr.
Wilhelm Joest.

Sa pamamagitan naman ng rekomendasyon nina Dr. Feodor Jagor at si Dr. Rudolf Virchow
upang maging kaanib si Rizal sa Berliner Gessellschaft fur Anthropologie, Ethnologie und
Urgeschichte (Berlin Society for Anthropology, Ethnology and Prehistory), itinampok ni Rizal sa
wikang Aleman ang kanyang siyentipikong pag-aaral na “Tagalische Verskunst” (Sining ng Panulaang
Tagalog/ Tagalog Metrical Art) sa harap ng lupon ng mga dalubhasang kaanib. Tinanggap si Rizal ng
lupon bilang kasapi.

Dahil sa pagkakatanggap kay Rizal sa mga siyentipikong samahan, itinuring siyang kapantay
at iginagalang na dalubhasa.

42 | P a g e
Sa lunsod na ito ng Berlin natapos ni Rizal noong ika-21 ng Pebrero 1887 ang pagsasaayos
at pagwawasto ng kanyang manuskrito ng una niyang nobela, isinulat sa Espanya a ng una at
kalahati ng nobela. Isinulat sa Pransya ang sangkapat at ang huling isang sangkapat ay tinapos sa
Alemanya. Muntikan nang itapon at sunugin ni Rizal ang manuskrito dahil sa pagkasiphayong
maipalimbag pa ito bunsod ng kawaln ng salapi at mga hirap na dinaraanan niya.

Sakripisyo at paghihirap ang pinagdaanan ni Rizal para matapos ang manuskrito ng nobela.
Sa mga panahon na mayroon siya na panggastos, sobra ang pagtitipid na kanyang ginagawa para sa
paglaan ng gugugulin para sa pagpapalimbag ng nobela. At nang humina ang ani sa sakahan sa
Calamba, walang naipadalang panustos kay Rizal. Sa gitna ng kagipitan, minabuti ni Rizal na magtabi
ng salapi para sa pagkain at mga selyo para makapagpadala ng mga liham sa pagbabakasakaling
makahingi ng saklolo mula sa mga kaibigan.

Matatandaang una nang naranasan ni Rizal sa Madrid Espanya ang ilang mga araw ng
pagkagutom at kawalang ng panggastos. Pinakamalala ang sinapit na kalagayan ni Rizal sa panahon
ng taglamig sa Berlin na kumakain na lamang siya ng isang beses sa isang araw at ang kinakain
lamang ay isang tinapay na may kasamang tubig o di kaya ay sabaw. Upang hindi mahalata sa
kanyang tinutuluyan na wala siya makain at hindi siya magmukhang kaawa-awa sa kasera ng
kanyang tinutuluyan, lumalabas si Rizal sa oras ng pananghalian at hapunan para kunwari ay kakain
ngunit para lamang maglakad-lakad habang nagpapalipas ng gutom.

Dahil sa kakulangan sa wastong nutrisyon at sa kawalan ng maayos na pagkain kasabay ng


sobrang lamig sa panahong ng taglamig at pagpupuyat sa pagsusulat ng nobela, bumagsak ang
kalusugan ni Rizal. Kinakitaan siya ng sintomas ng hinihinala niyang tuberkolosis.

Disyembre ng 1886 nang dumating sa Berlin ang isang mayamang kababayan at matalik na
kaibigan ni Rizal na nagngangalang Maximo Viola na tubong San Miguel, Bulacan. Katatapos pa
lamang ni Viola ng pag-aaral sa medisina mula sa Barcelona, Espanya nang matagpuan si Rizal na
malubha na ang karamdaman. Sinamahan niya si Rizal na magpatingin sa espesyalista upang
matiyak ang palagay ni Rizal na mayroon siyang tuberkolosis.

Minsan nagkasama sina Rizal at Viola sa Barcelona, Espanya nang si Viola ay nag-aaral pa
ng medisina kung kalian pansamantalang nanuluyan si Rizal sa tinutuluyan ni Viola na pangaserahan.
Naikuwento ni Viola sa kanyang tala ng alaala ang kaugalian ni Rizal na mahiga nang maaga at
magkabisado ng limang bagong salitangAleman tuwing gabi bago matulog.

Sa lungsod ng Berlin napili ni Rizal na ipalimbag ang kanyang unang nobela at ang napiling
palimbagan ay ang Berliner Buchdruckerei Actien Gesellschaft (Berlin Book Printing Press Company).
Lumabas ang unang dalawang libo ng kopya na nobela noong ika-21 ng Marso 1887. Nakalaan sa
sumunod na kabanata (Kabanata8) ang pagtalakay sa Noli Me Tangere.

Mga Lunsod sa Alemanya

Nang matanggap ni Rizal ang ₱1,000 ipinadala ni Paciano na naantala na sanang pera para
sa pagpapalimbag ng nobela at para sa mga gastusin, saka palang nabayaran si Maximo Viola at
nagkaroon si Rizal ng magugugol para sa balak na paglilibot sa ilan pang mga lunsod sa Europa.
Niyaya niya at nakasama sa paglilibot si Viola.

Namasyal sina Rizal at Viola sa lunsod ng Berlin at nilibot ang Potsdam. Mula Berlin,
nagtungo ang dalawa sa lunsod ng Dresden noong ika-11 ng Mayo 1887. Nagkataong ipinagdiriwang
sa lunsod ang rehiyonal na tanghalan ng
floriculture. Hindi sinsadyang nakatagpo
nina Rizal at Viola si Dr. Jagor na unang
nakilala ni Rizal sa Berlin. Matapos sa
Dresden, nagtungo sila sa lunsod ng
Teschen.

Lunsod ng Leimeritz sa Austria

Lulan ng tren mula Teschen,


dumating sina Rizal at Viola sa bansang

43 | P a g e
Austria at tumigil sa lunsod ng Leimeritz, ang lunsod kung saan nakatira ang matalik na kaibigan ni
Rizal na si Dr. Ferdinand Blumentritt. Dumating sina Rizal at Viola sa lunsod noong ika-13 ng Mayo
1887 at sinalubong ni Dr. Blumentritt sa himpilan ng tren. Ito ang unang pagkakataong nagkita ang
dalawang matalik na magkaibigang nagkakilala lamang sa pamamagitan ng lihaman. Inihatid sila ni
Dr. Blumentritt sa kanilang tinutuluyang Hotel Krebs at isinama ang dalawa sa kanyang bahay kung
saan nakilala nina Rizal ang pamilya ni Dr. Blumentritt.

Inilibot ni Dr. Blumentritt sina Rizal at Viola sa lunsod at kung hindi man niya masamahan ang
dalawa, hinahalihinan siya ng kaibigang si Dr. Robert Klutschak. Ipinakilala rin ni Dr. Blumentritt si
Rizal sa isa pang kaibigang propesor na si Dr. Carlos Czepelak. Matapos ang tuwing buong araw na
paglilibot, si Dr. Blumentritt at ang kanyang pamilya ang punong-abala sa dalawang panauhing
Pilipino tuwing hapunan sa bahay at tuwing pagkatapos ay ihahatid sila ni Dr. Blumentritt sa kanilang
tinutuluyang hotel.

Hindi maiwasang mamangha ang mga kaibigan ni Dr. Blumentritt kay Rizal. Pati ang mga
Austrianong nakaharap si Rizal ay napamangha sa mahusay na pagsasalita niya sa wikang Aleman
lalo na nang magtalumpati si Rizal ng hindi pinaghandaan sa wika na Aleman sa harap ng mga
nagtipong kasapi ng Tourists Club kung saan kalihim si Dr. Blumentritt. Lalo pa silang napamangha
nang malaman kay Rizal na natuto siya magsalita ng wikang Aleman sa loob lamang ng labing-isang
buwan.

Sa pagitan nina Dr. Blumentritt at Viola, sinabi na una sa huli nang may pagpupuri na “si Dr.
Rizal ang pinakadakilang anak ng Pilipinasa at ang kanyang pagkakadating sa mundo ay katulad ng
pagpapakita ng isang bihirang kometang may tanging kinang na maaari lamang hangaan nang isa sa
bawat dalawang siglo.

Naging laman ng balita sa Leitmeritz Zeitung ang pagdating at maikling pagdalaw nina Rizal
at Viola doon. Sa pahayagang ito ng lunsod, kinilala ang dalawang mga ginoo dahil sa talino at talent
nito. Maging mga pahayagan sa kabiserang lunsod ng Prague ay naglathala ng balita tungkol sa
pagdalaw ng dalawang Pilipino. Ipinasok ng town mayo tang mga pangaln ng dalawa sa talaan ng
panauhin ng lunsod kung saan lumagda sina Rizal at Viola.

Naging madamdamin para kay Rizal at pamilya ni Dr. Blumentritt ang paghahatid sa kanila sa
himpilan ng tren. Nilisan ng magkasamang Rizal at Viola ang lunsod ng Leitmeritz noong ika-17 ng
Mayo 1887 upang ipagpatuloy ang paglilibot sa iba pang mga lunsod ng Europa. Napahanga din si
Rizal ng mga Austriano hindi lamang sa sobrang pag-aasikaso sa kanila ni Viola, kundi pati sa
kanilang katapatan nang maisauli pa kay Rizal ang pangkurbatang alpider na may brilyanteng
kanyang naiwan sa hotel ilang araw makalipas mula nang lisanin ni Rizal ang Leitmeritz.

Aralin 7

Prague, Vienna at Linz


Iba pang mga Lunsod sa Austria

Sa lunsod ng Prague, kabisera ng bansang Austria ipinagpatuloy nina Rizal at Viola ang
paglilibot matapos ang apat na araw ng pagdayo sa lunsod ng
Leitmeritz. Sa pamamagitan ng liham ng pagpapakilala na bitbit nila
mula kay Dr. Blumentritt, naipakilala sina Rizal at Viola kay Dr.
Heinrich Moritz Willkomm, isang propesor ng kasaysayang likas at
kilalang botaniko sa Universitat Prag. Sa kanya ipinangalan ang
genus Willkommia sa mga uri ng damo. Inilibot ni Dr. Willkomm sina
Rizal at Viola sa lunsod ng Prague.

Sunod na nilibot nina Rizal at Viola ang lunsod ng Brunn


noong ika-19 ng Mayo 1887 at Vienna kung saan tumuloy sila ng
apat na araw sa Hotel Metropole mula ika-20 hanggang ika-24 ng Mayo 1887.

Binagtas nila ang Ilog Danube lulan ng bapor patungo sa sunod nilang nilibot na lunsod.
Isang bagong karanasan para kay Rizal sa bapor ang kumaing may pamunas na paper napkin sa
halip na karaniwan at nakasanayan niyang cloth napkin. Natapos ang paglalakbay sa Ilog Danube

44 | P a g e
pagkadating sa lunsod ng Linz kung saan saglit naglibot sina Rizal at Viola at pagkatapos, saglit ding
nilbot ang lunsod ng Salzburg noong ika-25 ng Mayo 1887.

May mga malilikot ang isip na naghihinala na ang Austrianong si Adolf Hitler na naging
diktador ng bansang Alemanya ay maaaring anak ni Rizal mula sa isa sa mga babaeng nakilala ni
Rizal habang nasa Austria o Alemanya. Hindi ito maaari sapagkat isinilang si Hitler noong ika-20 ng
Abril 1889 sa Austria. Wala si Rizal sa Austria o sa Alemanya sa loob ng siyam na buwan bago mag -
Abril ng 1889 kung saan naninirahan siya sa London, Britanya.

Aralin 8

Geneva at Italya
Iba pang mga Lunsod sa Alemanya

Mula bansang Austria, nagbalik-Alemanya sina Rizal at Viola at nilibot ang lunsod ng
Munchen (Munich) kung saan tumuloy sila ng apat na araw sa otel. Lumipat sila sa lunsod ng
Nuremberg kung saan nakita nila nag iba’t ibang uri ng karima-rimarim na mga kagamitan na ginamit
sa pag-uusisa ng Simbahang Katoliko sa labis na pagpapahirap sa mga pinaratangang heretics o
taliwas na pananampalataya laban sa Katolisismong tinatawag na Inquisition noong ika-12 siglo.

Isinunod nila ang lunsod ng Ulm kung saan nakita nilang ginagawa ang pinakamalaki at
pinakamataas na simbahan sa buong Alemanya. Tumulak sila noong ika-30 ng Mayo 1887 patungo
sa lunsod ng Stuttgart at kinabukasang dumating sa lunsod kung saan tumuloy sila ng isang gabi sa
Hotel Marquardt at tinungo ang lunsod ng Baden.

Mga Lunsod sa Switzerland

Sa pagtungo sa bansang Switzerland nina Rizal at Viola, binisita nila ang lunsod ng Baden at
nadaanan nila ang Rhinefall, ang pinakamalaking cascade sa buong Europa na matatagpuan sa
bansang Switzerland.

Sa Switzerland, dinalaw nina Rizal at Viola


ang lunsod ng Schaffhausen kung saan tumuloy
sila sa Hotel Muller ng ika-2 ng Hunyo 1887. Sa
magkakasunod na mga araw, tinungo at dinilaw
nila nag lunsod ng Basel ng ika-3 ng Hunyo 1887;
tinungo ang lunsod ng Bern at tumuloy sa Hotel
Schweizerhof noong ika-4 ng Hunyo 1887. Dinalaw
rin ang lunsod ng Lausanne noong ika-5 ng Hunyo
1887 kung saan sumakay sila ng bapor sa Lawa ng Leman hanggang sa bumaba sila sa lunsod ng
Geneva.

Sa lunsod ng Geneva, ang pinakamatagal na panunuluyan ni Rizal sa bansang Switzerland


mula ika-6 hanggang ika-23 ng Hunyo 1887. Tumuloy sina Rizal at Viola sa Pension Bel-Air, isang
bahay pangaserahan.

Habang nasa lunsod ng Geneva, ipinahiwatig ni Rizal ang kanyang pagtuligsa sa nabalitaang
ginaganap na Exposicion de las Islas Filipinas sa Madrid, Espanya. Hindi makatao ang exhibition sa
mga kababayang Igorot na katabing itinatanghal ng iba’t ibang uring mga halaman at hayop. Dahil sa
katutubong kasuotan ng mga Igorot na hindi angkop sa klima ng Europa, nagkasakit at may namatay
pa sa kanila habang ginagawa naming katatawanan ng mga Europeo ang kanilang mga itsura,
kagamitan at kasuotan.

Mga Lunsod ng Italya

Nilisan nina Rizal at Viola ang lunsod ng Geneva apat na araw matapos magdiwang ng ika-
26 na kaarawan si Rizal sa lunsod noong ika-23 ng Hunyo 1887. Sabay sila sa parehong tren

45 | P a g e
hanggang sa marating ang hangganan ng Switzerland kung saan sila naghiwalay ng landas. Ninais
pa ni Rizal na madalaw ang ilang mga lunsod sa Italya habang kinailangan nang bumalik ni Viola sa
Barcelona, Espanya.

Ang Italya ang unang bansa sa Europa na nadalaw ni Rizal noong una siya dumating ng
Europa noong 1882 nang nilibot niya una ang lunsod ng Naples. Sa muling pagbabalik ng Italya,
nilibot ni Rizal ang mga lunsod ng Tarin, Milan, Venice, at Florence bago dumating sa kabisera ng
Italya, ang lunsod ng Roma noong ika-27 ng Hunyo 1887. Napuntahan ni Rizal ang mga sinaunang
lugar at mga sinaunang gusali ng lunsod kung saan ang naging paborito niyang lugar ay ang
Colosseum. Dito ginanap noong sinauna ang mga gladiator combats at ang Forum, lugar na
pampublikong sentro ng

pagtitipon at ng kalakalan ng mga Romano.

Lunsod na Estado ng Vatican

Huling dinalaw ni Rizal ang panakamaliit na city-state sa mundo, ang Vatican. Sentro ito ng
Katolisismo sa mundo. Sinamantala niya ang taunang pagdiriwang ng Pista ni San Pedro at San
Pablo noong ika-29 ng Hunyo 1887. Nakita ni Rizal ang St. Peter’s Basilica at natunghayan ang
pagdagsa ng maraming debotong Katoliko sa St. Peter’s Square.

Tinapos ni Rizal ang kanyang paglilibot sa mga lunsod ng Europa noong ika-30 ng Hunyo
1887 nang lisanin niya ang Vatican lulan ng tren patungo sa lunsod ng Merseilles sa bansang
Pransya kung saan siya huling bumaba ng barkong nagdala sa kanya sa Europa noong 1882.

Konklusyon

Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora patungong
Singapore. Tumira siya sa ‘Hotel de la Paz’ at bumisita sa mga magagandang tanawin ng bansa.
Nakita niya ang tanyag na Botanical Garden, ang Buddhist Temple at ang istatwa ni Sir Standford
Raffles na nakadiskubre ng bansa. Habang nasa Barcelona, Spain naman si Rizal ay isinulat niya ang
“Amor Patrio”, isang talumpati na nagsasaad ng Nasyonalismo. Ibinigay niya ang akdang ito kay
Basilio Teodoro Roman ng Diaryong Tagalog. Nang si Rizal ay nasa Madrid, nagpatuloy siya ng
kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid kung saan siya ay kumuga ng Medisina,
Pilosopiya Y Letra. Nagsanay din siya sa pintura at iskultura. Pinag-aralan niya ang mga lenggwahe
na Pranses, Alemanya at Ingles. Isinulat din niya sa Madrid ang “Kay Binibining C.O. at R.” Isinulat
niya sa Madrid ang unang kabanata ng Noli Me Tangere. Nakuha rin ni Rizal ang lisensya sa
paggagamot mula sa Pambansang Sentral ng Madrid. Sumali rin si Rizal sa Masonic Lodge na
Acacia at naging ‘Master Mason’.

Sa Paris, Si Jose Rizal ay nag-aral ng medisina na nakapokus sa ‘Ophthalmology’ upang


magamot ang sakit sa mata ng kanyang ina. Siya ay nagsanay sa ilalim ni Dr. Louis de Weckert,
isang kilalang opthamologist. Si Rizal sa Heidelberg, Germany; si Dr. Rizal ay nagtrabaho sa
University Eye Hospital ng Heilderberg upang makapagsanay ng kanyang kaalaman sa
‘ophthalmology’. Isinulat niya ang tula na “Para sa mga bulaklak ng Heidelberg’ na ipinapakita ang
paghanga niya sa napakagandang pook. Sa Leipzig naman ay isinalin niya ang istoryang “William
Tell” sa Filipino. Ito ay upang malaman ng mga Pilipino ang kampyon ng “Swiss Independence”.

46 | P a g e
Isinalin din niya ang “Fairy Tales” ni Hans Christian Anderson. Si Dr. Jose Rizal ay nakibahagi sa
isang misa sa Dresden, Germany. Si Dr. Rizal ay naparangalan dahil nabilang siya sa Anthropological
Society, Ethnological Society. At Geographical Society ng Berlin. Isinulat niya ang “Taglische
Verkunst”. Sa Berlin unang napalimbag ang Noli Me Tangere.

Si Rizal ay nag-ikot pa sa Prague, Vienna, Salzburg, Munich, Nuremberg, at Geneva. Dito ay


makikita kung gaano siya napaka-aktibo at tunay na naglalakbay para sa kanyang karagdagang
kaalaman.

Sa rome, Italy ay binisita ni Dr. Jose Rizal ang Vatican, “City of Popes” at ang capital na
Christendom. Siya ay namangha sa kagandahan ng mga tanawin, lalo na ang St. Peter’s Church.

Matapos ang ilang taong paglalakbay sa ibang bansa, si Dr. Rizal ay bumalik na sa Pilipinas.

Kabanata V
UNANG PAG-UWI NI DR. JOSE RIZAL SA PILIPINAS
Aralin 1: Desisyong umuwi sa Sariling Bayan
Aralin 2: Paglalakbay patungong Maynila
Aralin 3: Kaguluhang gawa ng Noli Me Tangere
Aralin 4: Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere
Aralin 5: Problemang Agraryo ng Calamba
Aralin 6: Pamamaalam sa Calamba

Introduksyon

Pagkaraan ng limang taon nang di malilimutang paglalakbay sa Europa, bumalik si Rizal sa


Pilipinas noong Agosto 1887. Sa kabanatang ito tatalakayin ang panggagamot ni Rizal sa Calamba.
Tahimik siyang namuhay bilang doktor sa kanyang bayan. Ngunit ang kanyang mga kaaway na
kinamumuhian ang kanyang NOLI ay patuloy ang pag-usig sa kanya at pinagbantaan pa siyang
papatayin.

Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Matalakay ang mahahalagang pangyayari sa unang pag-uwi ng bayani sa Pilipinas.


2. Maisa-isa ang mga detalyeng may kaugnayan sa kanyang natutunan sa mga bansang
pinuntahan.
3. Mailahad ang sariling paniniwala ukol sa mga suliranin sa pagmamay-ari ng lupa.
4. Mailahad ang mga pangyayari tungkol sa isyu ng Noli Me Tangere.

Aralin 1

Desisyong Umuwi sa Sariling Bayan

Napagpasyahan ni Rizal na panahon nang makauwi siya sa Pilipinas upang maoperahan ang
mga mata ng kanyang ina, makatulong sa suliraning pananalapi ng kanyang pamilya at maglingkod
sa mga kababayan. Nais din ni Rizal malaman ang dalawang bagay: ang epekto ng kanyang nobela
at ang dahilan ng di pagsulat ng kanyang sinisintang si Leonor Rivera. Dahil sa mga pagnanais ng
mga ito, gusto ni Rizal na ipakitang hindi totoong matapang lamang siya sa pagsulat ng nobela dahil
siya ay nasa malayo. Gusto rin niyang ipaalam na hindi pa niya nakakalimutan si Leonor Rivera.

Mga taong di sang-ayon sa pagbabalik ni Jose Rizal

1. Paciano
2. Silvestre Ubaldo
3. Jose M. Cecilio
4. Ibang malalapit na kaibigan

47 | P a g e
Bagamat tinutulan ng kanyang kuya Paciano ang kanyang pasyang umuwi dahil sa banta ng mga
kaaway dulot ng kanyang kontrobersyal na nobela, buo ang loob ni Rizal na may pagkasabik ang
mga magulang at mga kapatid. Matapos ang limang taong pagkawala sa Pilipinas itinuloy na niya ang
pag-uwi noong umaga ng ika-3 ng Hulyo 1887 mula Marseilles, France sakay ng barkong SS
Djemnah na dati niyang sinakyan patungong Europa.

Aralin 2

Paglalakbay patungong Maynila


Sa mga sumunod na dalawang araw, nadaanan ng barko sa pagbaybay sa Dagat
Mediteranyo, ang mga isla sa Sardinia at Sicily ng Italy at noong ika-6 ng Hulyo 1887 natanaw ni
Rizal ang isla ng Crete sa Greece.

Gaya ng unang paglakbay ni Rizal patungo sa Europa, tumigil ang barko sa Port Said sa
Egypt. Nilibot muli ni Rizal at binaybay ang Suez Canal at Red Sea hanggang sa dumating sa
puwerto ng Aden sa Yemen.

Narating muli ni Rizal ang puwerto ng Colombo sa isla ng Ceylon na ngayon ay Sri Lanka at
nilibot niya ito. Natanaw ni Rizal ang ilang mga isla ng Indonesia kabilang ang Sumatra sa pagbagtas
sa Kipot ng Malacca.

Dumating si Rizal sa Singapore sa ika-27 ng Hulyo 1887. Nilisan ni Rizal ang Saigon lulan ng
nilipatang barkong Haiphong (Hayfong) noong ika-2 ng Agosto 1887. Tumulak si Rizal pauwi ng
Calamba makalipas ang tatlong araw na pagtigil sa Maynila upang dalawin ang ilang mga kaibigan,
kabilang ang mga Heswitang naging guro niya sa Ateneo. (Banaag, 2016)

Bayang Pinaglingkuran

Sakay ng barko patungong Biῆan, bumagtas sa Ilog Pasig at Laguna de Bay, nakauwi rin si
Rizal sa kanyang bayan ng Calamba noong ika-8 ng Agosto 1887. Sa tagal na nahiwalay si Rizal
nang walang paalam sa mga magulang at mga kapatid na babae, ganoon na lamang na napaluha na
may halong saya ang pagpapakita ni Rizal sa kanyang pagdating sa bahay. Subalit isang buwan
makalipas ng pagdating ni Rizal sa Calamba, isang malungkot na pangyayari ang dumating sa
pamilya nang pumanaw ang kapatid na si Olympia dahil sa komplikasyon sa panganganak.

Nang mapagtagumpayan ang operasyon sa mga mata ng kanyang ina, kumalat ang balita ng
kanyang husay bilang manggagamot. Nagbukas si Rizal ng klinika upang makatulong sa suliraning
pananalapi ng pamilya, bagamat walang singil sa mga mahihirap na walang pambayad. Binansagan
si Rizal na Doktor Uliman (Aleman) at maraming pasyente mula pa sa mga malalayo ang dumayo sa
Calamba upang magpatingin sa kanya.

Maliban sa pagbukas ni Rizal ng klinika, nagbukas din siya ng isang gymnasium para ilayo
ang mga kababayan niya sa Calamba mula sa mga bisyo at sa halip ay mahimok sila sa mga
ipinakilala ni Rizal na pampalakasan mula sa Europa. Bilang manggagamot, mahalaga para kay Rizal
na maikintal sa mga tao ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mabuting pangangatawan at
kalusugan sa pamamagitan ng ehersisyo at pagsasanay sa mga pampalakasan. (Banaag, 2016)

Aralin 3

Kaguluhang gawa ng Noli Me Tangere


Pagpapatawag sa Malacaῆan

48 | P a g e
Tatlong linggo matapos dumating si Rizal sa Pilipinas, ipinatawag siya ng Gobernador –
Heneral Emilio Terrero sa Malacaῆan upang makuha ang panig niya tungkol sa reklamo ng mga
prayle sa kanyang nobela at upang makahingi ang gobernador-heneral ng kopya nito. Nasiyahan
naman ang liberal na gobernador-heneral sa paliwanag ni Rizal na walang layunin o tema na
mapanghimagsik ang nilalaman ng kanyang nobela.

Sinubukan ni Rizal na kunin ang isang kopya ng kanyang nobela na kanyang ipinadala sa
mga Heswita sa Ateneo para sana ibigay sa gobernador-heneral subalit hindi ito ibinigay sa kanya
dahil sa pag-aalalang mapanganib ang dulot nito sa kanyang dating mag-aaral na si Rizal. Bagamat
natuwa ang dating mga guro niya sa Ateneo na makita siya, binalaan siya ni P. Federico Faura na
ikamamatay ni Rizal ang kanyang nobela. Gayon pa man, nakakuha si Rizal ng kopya mula sa isang
kaibigan at iyon ang ibinigay niya sa gobernador-heneral.

Walang makita ang liberal na gobernador-heneral na masama sa nobela at hinimok ang mga
prayleng sampahan si Rizal ng kaso kung may nalabag siyang batas. At dahil alam ng gobernador-
heneral na hindi tatantanan ng mga may kapangyarihang prayle si Rizal, minabuti ng gobernador-
heneral na magtalaga ng bodyguard para kay Rizal sa katauhan ni Tenyente Jose Taviel de Andrade
upang mabantayan ang mga kilos ni Rizal bilang pagtitiyak na wala itong lalabaging batas. Mabilis
namang nakuha ni Rizal ang tiwala at paggalang ni Ten. Taviel de Andrade dahil pareho silang
edukado at liberal. (Banaag, 2016)

Pagsuri sa Nobela

Sa reklamo ng Arsobispo ng Maynila na si Fr. Pedro Payo, sa nobela ni Rizal, inatasan ng


arsobispo ang rector ng Universidad de Santo Tomas na si Fr. Gregorio Echavarria, na bumuo ng
lupon na magsasagawa ng pagsusuri sa nobela. Ang lupon ay binubuo ng mga Dominikanong
propesor sa Pamantasan na sina Fr. Matias Gomez, Fr. Norberto del Prado, at Fr. Evaristo
Fernandez Arias. Nakitaan ng lupon ang nobelang naglalaman ng mga taliwas at laban sa mga
doktrina at aral ng Simbahan, paglapastangan sa relilhiyong Katoliko, paninirang – puri sa mga
religious orders, mapanira at banta umano sa kaayusang panlipunan at pamahalaan at laban sa
bayan. Mababasa ang ulat ng Rektor sa Arsobispo.

“Sa pagsasauli ng kopya na ipinadala mo sa amin, nilagyan namin ng tanda gamit ang pulang
lapis ang mga pahayag laban sa Espanya, sa Pamahalaan, at kanyang mga kinatawan sa mga Islang
ito. Gamit ang asul o itim na lapis naman sa ibang mga pahayag na kawalang-galang sa Diyos,
taliwas sa mga doktrina at aral ng Simbahan, kasiraang – puri o tinututulan para sa ibang mga
dahilan. Lahat ng salaysay, sa kabuuan at mga bahagi ng mga mahahalaga at di-mahalagang
pangyayari, ay laban sa doktrina, laban sa Simbahan, laban sa mga ordo panrelihiyon, at laban sa
mga institusyon, sibil, military, panlipunan at pampulitikal na itinatag ng Pamahalaan ng Espanya sa
mga islang ito. Ang Noli Me Tangere ni J. Rizal inilimbag sa Berlin, kung palalaganapin sa Pilipinas ay
magdudulot ng pinakamalalang panganib sa pananampalataya at kabutihang asal, mababawasan o
mapapawi ang pag-ibig ng mga katutubo sa Espanya at gigisingin ang mga damdamin ng mga
naninirahan sa bansa, at magdudulot ng mga malulungkot na araw para sa inang bayan.”

Iniharap ng arsobispo sa gobernador-heneral ang ulat sa kinalabasang pagsusuri ng nobela.


Sa paniniwala na may pagkiling ang ulat ng mga Dominikano, minabuti ng gobernador-heneral na
isangguni ang ulat sa puno ng Comisiồn Permanente de Censura (Pirmahan na Lupon ng Sensura/
Permanent Commission of Censorship) na si Fr. Salvador Font, isang Agustino na prayle, upang
repasuhin ang ulat at kunan ng tagubilin. Itinaguyod ng Lupon ng Sensura ang mga natuklasan ng
naunang lupon na sumuri sa nobela at itinagubilin sa gobernador-heneral ang lubos na pagbabawal
sa pagpapakalat ng nobela.

Bagamat hindi bumigay si Gobernador-Heneral Terrero sa pamimilit ng ilang mga prayle na


ipakulong si Rizal, napilitan naman ang gobernador-heneral na ipagbawal ang pagpapakalat ng
nobela, kabilang na dito ang pagmamay-ari, pagbabasa, pag-angkat, pagkopya, pagbenta at
pamamahagi ng nobela. Inilathala ng mga pahayagan sa Pilipinas ang ulat ng Lupon ng Sensura
upang malaman ng mga tao ang pagbabawal. Sa halip na makasira sa nobela ang pagbabawal, mas
lalo pa ito nakapukaw ng interes at pagnanais na makakuha ng kopya at mabasa ito.

Sa kataasan at kainitan ng kontrobersya sa nobela, ang dating ibinibenta sa limang peseta ay


ibinenta ng hanggang ₱50 dahil sa dami ng gsutong makakuha ng kopya, ngunit pahirapan pa ring

49 | P a g e
makakuha ng kopya nito. Dahil patago ang bentahan at pagpamahagi ng mga kopya ng nobela,
sinasabing nagpapakalat ng mga espiya ang mga prayle upang isumbong at samsamin o kaya ay
pakyawin ang mga kopya upang sunugin. (Banaag, 2016)

Tuligsa ng mga Prayle

Matindi ang mga tuligsa ng mga prayle sa nobela ni Rizal. Nakatanggap siya ng mga liham
ng pagbabanta at pagtutuligsa. Isa sa mga natanggap niya ay isang sulat na galing sa nagpakilala
lamang na “Un Fraile” (Isang Prayle) na tinawag si Rizal na walang utang na loob. Marami itong
ipinakalat na mga tsismis at paninira sa pagkatao ni Rizal kabilang ang pagsasabing siya ay isang
espiya ng mga Aleman. Sa kabilang banda, kumalat din ang mga sabi-sabing Protestante siya,
mangkukulam at pinuna ang kanyang pagiging Mason.

Maging sa sumunod na taong nakaalis na si Rizal sa Pilipinas, hindi pa rin tinatantanan ng


mga prayle ang panunuligsa sa nobela. Isa sa mga masugid sa pamumuno at paninira kay Rizal at sa
kanyang nobela ay isang Agustinong prayle na may ngalang Fr. Jose Rodriquez, na nagsulat ng
polyeto na may pamagat na Caingat Cayo. Nagbababala ito sa pagkakasala sa pagbasa ng nobela ni
Rizal. Tinawag din ng prayle si Rizal na mangmang at kumakalaban sa Simbahang Katoliko at
Pamahalaang Espanya.

Sa kabilang banda, isang Batangueῆong may alias na “V. Caraig” ang sumulat ng
pagtatanggol kay Rizal mula sa panunuligsa ni Fr. Rodriquez. Ang sulat na ito ay napasama sa isang
polyeto na inilimbag sa Singapore na may petsang ika-18 ng Hulyo 1888 at sa pahayagan na La
Solidaridad sa Espanya sa labas nito na petsang ika-31 ng Marso1890. Napag-alamang ito ay isang
paring Pilipinong si P. Vicente Garcia (1817-1899).

Ipinanganak si P. Vicente Garcia noong ika-5 ng Abril 1817 sa Rosario Batangas at may
hawak ng isang mahalagang katungkulan sa Katedral ng Maynila (Manila Cathedral). Kabilang sa
kanyang mga ginawa, maliban sa pagtatanggol kay Rizal at sa nobela niya, ay ang pagsalin sa
Tagalog mula sa Latin ng aklat ni Thomas Kempis na Imitacion de Cristo.

Sa argumento ni P. Garcia, hindi maaaring mangmang si Rizal dahil siya ay produkto ng


pamantasang Espanyol at may mga natanggap pang parangal, maliban na lamang kung tatanggaping
nagpapatapos ang pamantasan sa Espanya ng mga mangmang na mag-aaral. Sa paglilinaw ni P.
Garcia, sinabi niyang hindi inatake ni Rizal ang pamahalaan at Simbahan kundi ang mga
masasamang mga opisyal at mga prayle, maliban na lamang kung ang pagiging sobrang
pagsasanggalang ni F. Rodriquez ay tanda ng pag-amin ng kasamaan. At panghuli, ibinalik kay F.
Rodriquez ang pahayag na pagkakasala ang pagbasa sa nobela ni Rizal dahil ito ay nabasa rin
naman ng prayle.

Bilang pantapat sa polyeto ni Fr. Rodriquez, nagawang utakan ng Bulakenyong


propagandista at manunulat na si Marcelo Hilario del Pilar ang prayle sa pamamagitan ng pagkakalat
sa simbahan ng katulad na pabalat ng polyeto na may halos katulad na pamagat na “Caingat Cayo”
na ang pakahulugan ay “madulas gaya ng igat (eel)”. Isinulat ito ni del Pilar gamit ang alias na
Dolores Manapat.

Nasundan pa ito ng mga polyetong bumubuo sa pangkalahatang pamagat na Cuestiones de


Sumo Interes (Mga Katanungan na may Mahalagang Interes/ Issues of Great Interest) na ibinenbenta
ni Fr. Rodriquez sa mga nagsisimba kapalit ng pangakong indulhensya (pagpapatawad).

Sa mga panahong ito, hindi pa nakalalabas ng bansa si del Pilar at tumulak lamang sa
Espanya noong huling bahagi ng 1888 sa payo ng mga kaibigan dahil sa utos na pag-aresto sa
kanya. Itinatag niya ang pahayagang Diariong Tagalog noong 1882, ang unang pahayagan sa
Pilipinas na nakalimbag sa dalawang wika. Isa sa mga kontrobersyal niyang sinulat bilang bahagi ng
puspusan niyang panunuligsa sa mga prayle ay ang Dasalan at Tocsohan na naglalaman ng mga
patawang patamang dasal na patungkol sa mga prayle. (Banaag, 2016)

Batikos sa mga Espanyol

Kung may paring Pilipino sa katauhan ni P. Vicente Garcia ang nagtanggol sa nobela ni Rizal,
mayroon ding Espanyol na bumatikos kay Rizal at sa Noli Me Tangere. Ang buong pangalan niya ay
Vicente Barrantes, isang Espanyol na akademiko, kasapi ng Real Academia Espaῆola at Real

50 | P a g e
Academia de la Historia. Si Barrantes ay nanungkulan rin sa ilang puwesto sa pamahalaang kolonyal
sa Pilipinas. Sa artikulo na isinulat ni Barrantes sa pahayagang La Espaῆa Moderna, binatikos niya
ang mga pagsasalungatan sa nobela ni Rizal.

Umabot din ang usapan tungkol sa nobela sa pamahalaan. Ilang mga pulitiko ang bumatikos
kay Rizal sa mga pagpupulong sa Cortes ng Espanya tulad nina Senador Luis de Pando, Fernando
Vida, at Jose de Salamanca, at maging ang Punong Ministro na si Praxedes Mateo Sagasta. Hindi
lamang isang usapin na pangrelihiyon ang idinulot na kontrobersya ng nobela ni Rizal, kundi isang
usaping pampulitika rin.

Kung si Rizal ay may tagapagtanggol sa loob ng Simbahan, mayroon rin siyang


tagapagtanggol sa pamahalaan. Isang dating opisyal ng pamahalaan naman ang nagtanggol kay
Rizal sa Espanya, ang liberal at dating Ministro ng mga Kolonya na si Segismundo Moret. Siya ang
minsang nagpatupad ng sekularisasyon ng mga paaralan mula sa impluwensiya ng relihiyon.

Ang mga panunuligsang ito ay hindi pinalagpas ni Rizal na kanyang sinagot sa Europa sa
pahayagan ng mga propagandistang Pilipino sa Espanya na La Solidaridad, kung saan nag-aambag
si Rizal ng mga artikulo para sa pahayagan. (Banaag, 2016)

Aralin 4

Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay pinagdiskitahan nang matind ng mga kaaway ni Rizal. Sa


katunayan, ito ay naging paksa ng debate sa senado ng mga Korte ng Espanya. Sa kabilang dako, ito
ay ipinatanggol naman nina Marcelo H. del Pilar, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena,
Mariano Ponce, at iba pang repormistang Pilipino. Ipinagtanggol din ito ng ilang Espanyol na naging
propesor ni Rizal sa Ateneo gaya nina Don Segismundo Moret, Dr. Miguel Morayta, at ni Propesor
Blumentritt na isang iskolar at kaibigan ni Rizal.

Ang pinakamainam na depensa sa Noli Me Tangere ay buhat kay Rev. Vicente Garcia, isang
Pilipinong Katoliko, iskolar, at tagapagsalin ng napakarami nang aklat. Ang depensa niya ay
nailathala sa Singapore bilang bahagi ng apendiks ng isang polyeto noong Hulyo 18, 1888, na
kinabibilangan ng sumusunod:

1. Hindi isang ignorante si Rizal kagaya ng gustong palabasin ni Padre Rodriguez sapagkat siya
ay nakapagtapos sa mga pinagpipitaganang pamantasan ng Espanya at nakatanggap siya
roon ng samot-saring pagkilala;
2. 2. Hindi kinalaban ni Rizal ang simbahan at ang Espanya gaya ng iginigiit ni Padre Rodriguez
sapagkat ang mga inilagay ni Rizal sa Noli ay ang masasamang opisyal na Kastila at mga
abusadong prayle, hindi ang simbahan; at,
3. Sinabi ni Padre Rodriguez na makasalanan o nakagawa ng mabigat na kasalanan ang mga
nakabasa na ng Noli; yamang nabasa na rin niya ang nobela, malinaw na nakagawa rin siya
ng isang kasalanang mortal.

Sa kabila ng tumitinding mga argumento tungkol sa nobela, kampante pa rin si Rizal dahil sa
tulong na ibinibigay sa kaniya ng Gobernador Heneral Terrero na nagtalaga pa ng personal na
guwardiya ni Rizal, si Lt. Jose Taviel de Andrade. Di naglaon ang dalawang Jose ay naging matalik
na magkaibigan sapagkat sila ay magkasundo sa maraming bagay, maliban pa sa kapuwa bata at
may pinag-aralan. Pareho rin ang kanilang mga hilig kagaya ng pangangaso, eskriba, pagbaril, at
pagpinta. Sa kabila ng hindi pag-imik ng ilang araw, ang masasayang araw ni Rizal ay nabahiran ng
panibugho dahil sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid na si Olimpia. Idagdag pa rito, samot-sari
din ang naging paratang sa kaniya na siya umano ay isang “espiya ng mga Aleman, isang
Protestante, isang Mason, mangkukulam, at kaluluwang walang kaligtasan.”

Aralin 5

Problemang Agraryo na Calamba


Kasaysayan ng Hacienda

51 | P a g e
Bago napasakamay ng mga Dominikano ang mga lupain sa Calamba, ang unang nagmay-ari
ng mga lupaing ito mula sa isang Don Manuel de Jaurie ay ang mga Heswita noong 1759, na tinawag
itong Hacienda de San Juan Bautista. Subalit ng ipag-utos ng Haring si Carlos III ng Espanya ang
pagpapalayas sa mga Heswita mula sa Pilipinas at sa buong imperyo noong 1767, napasakamay ang
hacienda sa pamahalaang kolonyal.

Pinalayas ang mga Heswita dahil sa paratang na paggamit ng yaman at kapangyarihan sa


pag-impluwensya sa pulitika at ekonomiya laban sa interes ng monarkiya. Nangyari ang
pagpapalayas na ito sa mga Heswita sa Imperyo ng Espanya pati sa mga bansang Katoliko at mga
sakop na teritoryo ng kanilang imperyo.

Pinaupahan ng pamahalaang kolonyal ang mga lupain sa Calamba sa ilang mga pribadong
indibidwal hanggang sa naibenta ang mga ito sa isang Don Clemente de Azansa. Sa paglaon, hindi
naipagpatuloy ang natitirang kabayaran kung kaya’t binawi ng pamahalaan ang hacienda at
pinasubasta ito noong 1832. Ang Corporacion de Padres Dominicos de Filipinas, na korporasyon ng
mga Dominikano, ang nakabili ng hacienda sa halagang ₱51, 263 para sa kabuuan na 16,4242 na
hektaryang ng mga lupang bumubuo sa Hacienda de San Juan Bautista na tinatawag na Hacienda de
Calamba.

Pinauupahan ng mga Dominikano ang mga lupain sa Hacienda sa mga masigasig na mga
magpapayabong ng mga lupa. Isa na sa mga ito ang ama ni Rizal na mula sa karatig na bayan ng
Biῆan. (Banaag, 2016)

Protesta at Reklamo ng mga Magsasaka

Maliban sa isyu tungkol sa Noli Me Tangere, isa pang isyung kinaharap ni Rizal ay ang
suliranin ng mga magsasaka sa kanyang bayan ng Calamba. Sa palagay ng mga magsasaka, sila ay
pinag-iinitan at pinagsasamantalahan ng mga Dominikanong prayleng nagmamay-ari ng mga lupang
pinagsasakahan nila, lalo na sa idinadaing nilang hindi makatarungang mataas na upa sa lupa.

Sa loob lamang ng ilang taon, tumaas mula ₱45 hanggang ₱900 ang upa. Maliban sa bayad
na upa, sinisingil din sila ng karagdagang bayad tuwing may mga itinatayong mga istraktura o
ipinaaayos sa lupain. Kinakailangan ring magbayad tuwing anihan. Kapag nais isauli ang isang lupa
dahil sa bigat ng mga binayarin o dahil mahirap gawing kapaki-pakinabang ito, pagbabantaan ang
magsasaka ng pagbawi ng iba pa niyang lupain.

Dahil sa hinalang hindi tama ang ibinabayad na buwis ng mga Dominikanong prayle mula sa
mga upa, naglunsad ang pamahalaan ng pagsisiyasat at isa sa mga nakasama sa pagsisiyasat ang
mga lupang sakahan sa Calamba. Inusisa ng pamahalaan ang upang ibinabayad ng mga magsasaka
at ginamit iyon ng mga magsasaka upang isiwalat ang mga gawain ng mga prayle. Pati na ang
suliranin at hinaing ng mga magsasaka sa paghingi ng tulong kay Rizal sa paglatag ng mga ito sa
pamahalaan.

Sa ginawang paglalahad ni Rizal na nilagdaan ng mga magsasaka noong 1888 ng Enero,


isa-isa niya inilatag ang mga sumusunod na katotohanan para sa kabatiran ng pamahalaan bilang
tulong sa pagsisiyasat sa mga Dominikanong prayle:

1. Pag-aari ng mga Dominikano hindi lamang sa mga lupain na nakapaligid sa labas ng


Calamba kundi sa buong bayan ng Calamba;

2. Patuloy ang paglaki ng kita ng mga Dominikano mula sa walang habas na pagtaas ng upa
sa kabila ng lagpas na tatlong taon nang patuloy na pagliit ng kita ng mga magsasaka;

3. Sa kabila ng mga kinikita ng mga Dominikanong tagapamahala ng lupa, wala silang


naiambag para sa agrikultura o anuman, tulad ng edukasyon, fiesta at iba pa;

4. Binawian ng lupa ang ilang mga magsasaka dahil sa mga mababaw na kadahilanan; at

5. Sinasamsam ang lupa ng ilang mga magsasaka kapag hindi sila nakapagbayad sa upa at
pinapatawan ng mataas na tubo ang huling pagbabayad.

52 | P a g e
Naniniwala rin ang mga magsasakang hindi lehitimo ang mga lupain sa Calamba na
pinanghahawakan ng mga Dominikano. Samakatuwid, wala ring batayan ang mga ginagawang
pagsingil sa kanila. Bilang protesta sa hindi makatwirang labis na singil ng upa, minabuti ng mga
magsasakang hindi na magbayad ng upa simula Pebrero ng 1888. (Banaag, 2016)

Tugon sa Protesta at mga Reklamo

Buong akala ni Rizal, hindi palalagpasin ng gobernador-heneral ang lantarang


pagsasamantala sa mga kaawa-awang mga magsasakang walang ibang pakay kundi ang maghanap-
buhay. Pinili ni Gobernador-Heneral Terrero na manahimik sa paksa dahil mahirap kalabanin ang
mga prayle.

Nagharap ang mga magsasaka ng isa pang papel sa gobernador-heneral na kung saan sa
pagkakataong ito ay humihiling na ng katarungan at pagtatanggol ng pamahalaan mula sa panliligalig
ng tagapagtiwala sa hacienda. Mababasa sa ibaba ang iniharap na papel na nilagdaan ng 70 katao:

“Nakarating sa katiwalang lego (laybrother) ang aming nakaraang ulat na


nilagdaanan ng tatlong opisyal ng hacienda, na dagling nagbanta na itaas ang upa at alisan
ng lupa ang iba. Nagpakalat ang mga opisyal ng mga bali-balita na dahil siniwalat ng mga
magsasaka ang katotohanan, ang bayan ay kakaladkarin sa kadena, dahil ang korporasyon
ng mga Dominikano ay mayaman at gagastos ng sampung libong piso sa kaso upang
lumabas na matagumpay.

Ang mga banta ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtataboy sa mga


nangungupahan mula sa kanilang lupa, pinilit na huminto sa trabaho at iba pa. Sa
pagkabahala sa nakakabaliw na mga bantang ito, kami ay nakikiusap sa pamahalaan ng
sambayanan na agad at direktang manghimasok upang maiwasan ang mga hindi
inaasahang kasamaan.

Dahil hindi maaaring mabuhay nang payapa sa hacienda, ang bayan ay nalalagay sa
alanganin na magsabi ng mga kasinungalingan upang hindi mamatay o maalisan ng lupa,
dahil kami ay tapat na tumugon sa aming obligasyon; hinihiling ng bayan, sa harap ng
katiwaliang ito, na mahiwalay sa hacienda at ang lupa ay maibenta o mailipat sa mga
namumuhunan ng kanilang salapi at nagtrabaho.

Ang bayan, na matatagpuan sa gitna ng hacienda, ay magiging kasiraan sa matuwid


kung ang kalalabasan ng laban na ito na inumpisahan ng Gobernador-Heneral
(inumpisahang pagsisiyasat) ay kagutuman, kayamutan, at kahirapan.

Sa katotohanan, si Don Asanza, na sinasabing unang naglipat ng hacienda sa


korporasyon para mabayaran ang kanyang mga utang, ay hindi maaaring naging may-ari ng
buong bayan sapagkat hindi niya ito binili at hindi niya ito pinatagan at tinaniman. Ang mga
mamamayan ng Calamba, salamat sa kanilang mga pagsisikap, pera, at trabaho, ay
nagawang kapaki-pakinabang ng mga lupang ito habang ang hacienda ay walang inambag
maliban sa kasiraan ng mga magsasaka.

Ang bayan ay naghirap nang matagal na walang reklamo; ngunit ngayon, pagod na
sa kahirapan, sa isang malaki at kahila-hilakbot na krisis, idinudulog ang mga kahirapan sa
isang Gobernador-Heneral na puno ng pakay ng pagiging ama. Dumudulog ito sa kanya,
hindi nanghihingi ng mga tulong na salapi, o mga pribilehiyo, o pagpapakasakit, kundi
katarungan at makatwiran lamang na mayroong karapatan bilang kasapi ng isang
sangbayanan na kilala para sa kanyang katarungan at mga marangal na katangian.”

Isang taon matapos ang hindi pagbabayad ng upa ang mga magsasaka, idinulog ng mga
tagapamahalaang Dominikano ang sigalot sa katarungang-bayan ng Calamba. Tugon ng mga
tagapamahala, ang kita mula sa singil sa upa ay hindi naman ikakayaman ng mga Dominikano, kundi
napupunta sa pagpapanatili ng iba’t ibang mga institusyon gaya ng mga simbahan, paaralan, at
seminaryo na pinatatakbo ng mga prayle at sa pagtaguyod sa mga gawaing pangrelihiyon at misyon.

Katuwiran ng mga tagapamahala, marapat lamang ang mga pagtataas ng singil sa upa dahil
sa pagtaas ng mga ginastos at ipinupuhunan ng mga Dominikano sa pagpapayabong sa mga lupa na

53 | P a g e
pinakinabangan din naman ng mga magsasaka. Iginiit din ng mga prayleng binibigyan ng sobra sa
sapat na palugit ang mga magsasaka sa pagbabayad.

Itinuro ng mga Dominikano ang isang dahilan ng kawalaan o kahirapan ng pagbayad ng mga
magsasaka: ang pagkalulong nila sa sugal na nagaganap sa bahay ng kapatid ni Rizal na si Lucia.

Natalo ang mga tagapamahalang Dominikano sa katarungang-bayan ng Calamba subalit


iniakyat ang kaso sa hukumang-lalawigan hanggang sa Audiencia Real. Parehong binaliktad ang
naunang disposisyon ng hukumang-bayan. Nag-apela ang mga magsasaka sa Mataas na Hukuman
sa Espanya ngunit ganoon din ang naging hatol at ipinahintulot ang pagpapaalis sa mga ayaw pa ring
magbayad.

Sinuway ng mga magsasaka ang pagpapaalis sa kanila, na humantong sa sapilitang


pagpapalayas at pagwasak o pagsamsam ng kanilang mga ari-arian. Ang sapilitang pagpapaalis sa
mga magsasaka, kabilang ang pamilya ni Rizal, ay nangyari makalipas ang 12 taong pananatili ni
Rizal sa Europa noong 1890. (Banaag, 2016)

Aralin 6

Pamamaalam sa Calamba
Muling Paglisan

Para sa mga Pilipinong nais mabuhay nang tahimik at natatakot na madamay sa mga
sensitibong mga paksain, pinagbintangan si Rizal na nanggugulo at nag-udyok ng kaguluhan. Galit
ang mga prayle sa kanya. Sa kabilang banda, hindi tinantanan ng mga prayle ang gobernador-
heneral na ipaaresto si Rizal.

Sa paglaon, pinayuhan si Rizal ng gobernador-heneral, bilang kaibigan, na makabubuti para


sa kanya at para sa kanyang pamilya na lisanin na lang ang bansa para hindi na lumala pa ang galit
ng mga prayle at para humupa ang anumang sigalot. Sa katotohanan, iniiwasan ng gobernador-
heneral na tumindi ang kaguluhan sa Calamba at kumalat sa iba pang mga hacienda sa Pilipinas na
magdudulot ng mas malaking suliranin.

Sa takot ng mga magulang ni Rizal sa mga banta sa kanyang buhay, hindi siya pinapayagang
dumalo sa mga paanyaya ng mga tao maging mga kumain sa labas o lumabas nang walang kasama.
Pinakiusapan na rin siya ng kanyang pamilya at ng mga kaibigang lisanin muna ang bansa para sa
katahimikan at kaligtasan ng lahat. Bagamta ayaw nang lumisan pa muli, pinagbigayn na ni Rizal sa
pagkakataong ito ang mga magulang.

Para magkaroon na saysay ang paglisan muli ng bansa, inisip ni Rizal na ipagpatuloy habang
nasa Europa, ang kanyang mga adhikain at mga isinusulong na reporma sa bansa. Naisip niyang sa
kabilang banda, masubaybayan niya ang takbo ng kaso na iniakyat ng mga magsasaka ng Calamba
sa Mataas na Hukuman sa Espanya.

Para magkaroon ng saysay ang paglisan muli ng bansa, inisip ni Rizal na ipagpatuloy habang
nasa Europa, ang kanyang mga adhikain at mga isinusulong na reporma sa bansa. Naisip niyang sa
kabilang banda, masusubaybayan niya ang takbo ng kaso na iniakyat ng mga magsasaka ng
Calamba sa Mataas na Hukuman sa Espanya.

Hindi na nagawa ni Rizal na makita pa ang kasintahang si Leonor Rivera sapagkat mahigpit
na ipinagbawal ng mga magulang ni Rizal ang pagpunta niya sa malayong lugar para sa kanyang
kaligtasan. Nakatira na sa Dagupan, Pangasinan si Leonor at kanyang magulang. Tutol rin ang mga
magulang ni Leonor sa ugnayan at pagkikita ng dalawa.

Walang natatanggap si Rizal na liham mula kay Leonor dahil hinaharang na ina nito ang mga
liham ng dalawa. May petsang ika-30 ng Marso 1884 ang huling liham na natanggap ni Leonor mula
kay Rizal.

Makalipas ang halos anim na buwang pananatili ni Rizal sa Calamba simula nang dumating
noong ika-5 ng Agosto 1887, napilitan siyang lisanin muli ang bansa gamit ang sariling salapi na kinita
mula sa pangagamot. (Banaag, 2016)

54 | P a g e
Bago lumisan sa Calamba siya ay nahilingan ng kanyang mga kaibigang taga-Lipa, Batangas
na sumulat ng tula na aawitin sa pagdiriwang dahil sa pagiging lungsod ng Lipa sa bisa ng batas ni
Becerra noong 1888. Sinulat niya ang tulang “Himno Al Trabajo” (Awit sa Paggawa) na inihandog niya
sa masisipag na tao ng Lipa. Ito’y pinadala niya bago nilisan ang Calamba. (Rivera, Landicho, &
Valenciano, Rizal (Ang Bayani at Guro), 2003)

Konklusyon

Ang lahat ng kahali-halinang ganda ng ibang bansa at lahat ng magagandang alaala


ng kanyang pangingibang-bayan ay hindi makapagpapalimot kay Rizal sa kanyang Inang
bayan ni hindi ito sapat na dahilan para talikuran niya ang kanyang sariling bayan. Nag-aral
nga siya sa ibang bayan, at marami rin naming nakilala at naging kaibigang mga dakilang
tao ng kanluran; ngunit nanatili siyang tunay na Pilipino na may walang pagmamaliw na
pagmamahal para sa Pilipinas at may metatag na determinasyong mamatay sa lupang
sinilangan. Kaya, pagkaraan ng limang taon ng di-malilimutang paglalakbay sa Europa,
bumalik siya sa Pilipinas noong Agosto 1887 at siya’y naging manggagamot sa Calamba.
Tahimik siyang namuhay bilang doktor sa kanyang bayan. Ngunit ang kanyang mga
kaaway, na kinamumuhian ang kanyang Noli, ay patuloy ang pag-usig sa kanya, at
pinagbantaan pa siyang papatayin siya.

55 | P a g e
Mga Sanggunian

Aklat:

Rivera, Crisanto, et.al. 2003. Rizal: Ang bayani. Metro manila: M & Licudine Enterprises.
Sauco, Consolacion P., et.al. 2002.Rizal ang pinakadakilang bayani. Sampaloc, Manila:
Omniscience Publishing Inc.
Zaide, Gregorio F.,et.al. 2002. Buhay, mga gigawa at mga sinulat ng isang henyo,
manunulat, siyentipiko, at pambansang bayani. Quezon City: All Nations Publishing
Co,Inc
Banaag, Lee Mark T. et al. 2016 RIZALISMO Liberalismo at Nasyonalismo mula sa Pag-
aaral ng Kursong Rizal

Winston N. Ros, Ph. D; Evangeline Rachel D. Leaῆo, M.A. Rizal

Rivera, Landicho, Valenciano et al 2003 Rizal (Ang Bayani at Guro)

Websites:

https://www.dailymotion.com>video
https://www.officialgazette.gov.ph
https://theculturetrip.com>asia
https://m.facebook.com>videosss
https://m.youtube.com>watch

56 | P a g e
57 | P a g e

You might also like