Mercado Rizal Alonzo Y Realonda na ang palayaw ay “Pepe” ay ang Calamba na bayan sa Laguna, na ngalan ay nagmula sa salitang “banga”, na ang ibig sabihin ay magandang kanlungan ng isang bayani. Masasaya ang mga alaala ni Pepe sa kanyang kabataan sa Calamba .Naging masaya ang kanyang tahanang pinamumunuan ng butihin nilang magulang, umaapaw sa tuwa’t ligaya, at binabasbasan ng Diyos. Calamba, ang Bayan ng Bayani-na pakagandang bayan nito na nakaluklok sa kapatagan ng palay at at tubuhan. Ang Calamba ay isang asyenda ng-bayang pinamamahalaan ng Ordeng Dominikano, na may-ari rin ng mga lupain sa paligid nito. Minahal ni Rizal ang Calamba ng buong puso niya’t kaluluwa. Noong 1876, nang siya ay labinlimang taong gulang at estudyante sa Ateneo Municipal de Manila, naalala niya ang bayang sinilangan. Bunga nito, nakasulat siya ng isang tula, “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Isang Alaala sa Aking Bayan). Mga Alaala ng Kabataan Sa edad na tatlo, ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan ay ang unang alaala ni Rizal sa kanyang kamusmusan. Nasiyahan siya sa kagandahan ng kalikasan kaya ito ang kanyang pinagmumunimunian. Pinapanuod niya sa kanyang bahay kubo, na ipinagawa sa kanya ng kanyang ama, ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, mariakapra, martines, at pipit. Isa pa sa magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon. Pag dumilim na tinitipon ng kanyang ina ang mga anak para makapag dasal nasa Orasyon. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukwento ang yaya sa mga batang Rizal ng mga kwento tungkol sa mga engkantada, kwento ng mga nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante, at iba pang kwento ng kababalaghan. Isa pang alaala niya’y ang paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang gabi kapag kabilugan ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya sa may ilog, kung saan nakatatakot na imahe ang inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi ni Rizal: “Dahil ang aking puso ay maraming malungkot na kaisipan kahit pa musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na rehiyon ng kababalaghan” Ang Unang Kalungkutan ng Bayani – Sa mga kapatid na babae, pinakamahal ni Rizal si Concha (Concepcion). Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal1865 – namatay si Concha sanhi ng sakit nang siya at tatlong taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid, ay labis na nalungkot sa magkamatay nito Debotong Anak ng Simbahan – Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang at pinalaki sa diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso, lumaking mabuting Katoliko si Rizal Edad na 3 – kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong Katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal 5 taong gulang – marunong na siyang magbasa ng Bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol. Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama sa mga nobena, at sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang “Manong Jose” ng mga Hermanos at Hermanas Terceras Padre Leoncio Lopez (kura ng bayan) – isa sa mga iginagalang at pinagpipitaganan ni Rizal sa Calamba o Madalas na binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinion sa mga nangyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa buhay Peregrinasyon sa AntipoloHunyo 6, 1868 – nagtungo si Jose at kanyang ama sa Antipolo para sa kanilang peregrinasyon na ipinanata ni Doña Teodora nang isilang si Jose. Hindi nakasama si Doña Teodora dahil kasisilang pa lang niya noon kay Trinidad. Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang peregrinasyon sa Antipolo. Siya’t ang kanyang ama ay sumakay sa isang Kasko. Hindi siya nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang Ilog Pasig dahil totoong namangha siya sa “kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi.” Isinulat niya ang karanasang ito kinalaunan, “Kay sarap panoorin ang pagsikat ng araw; at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang pagpulandit ng silahis ng araw at paglatag ng liwanag sa buong lawa”. Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Maynila. Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila. Dinalaw nila si Saturnina, na noo’y nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana Ang Kuwento ng Gamugamo –
Sa mga ikinuwento ni Doña Teodora sa paboritong
anak na si Jose, ang tungkol sa batang gamugamo ang nagkintal ng magandang aral sa kanya Ang mapait na kapalaran ng batang gamugamo, na “namatay na martir sa sariling ilusyon,” ay nagkintal ng magandang aral sa isipan ni Rizal. Binigyan niya ng katwiran ang ganitong kadakilaang kamatayan, sinabi niyang ito ay “pagsasakripisyo ng sariling buhay para rito,” na nangangahulugang ideal, ay “makabuluhan” At gaya ng batang gamugamo, siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang mithiin Mga Talinong Pansining – Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga talino niya sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Edad na 5 – gumuguhit na siya sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog ng magagandang bagay sa luwad o clay. Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng Calamba ay lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-palaimik na bata, may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siya ng ligaya sa pamumukadkad ng bulaklak, paghinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa lawa, at malagatas na ulap sa kalangitan, at pakikinig sa awitan ng mga ibon, hunihan ng mga kuliglig, at bulungan ng hangin. Gustong-gusto niyang sasakyan ang kabayong binili para sa kanya ng kanyang ama at maglakad sa kaparangan at tabing-lawa, kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang Usman. Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidenteng tungkol sa kanyang eskulturang luwad Isang araw nang siya ay 6 na taong gulang , pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras pa ang inilalaan niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumibo habang nagtatawanan ang mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: “Sige, pagtawanan ninyo ako nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin.” Nang maging binata, isinulat niya sa kanyang kaibigang si Mariano Ponce: “Dahil sa mga kawalang katarungan at kalupitan, kahit na bata pa, ang aking imahinasyon ay ginising, at isinumpa kong balang araw ay maipaghihiganti ko ang maraming biktima. Ito ang nasasa isip, nag-aral ako, at ito ay makikita ngayon sa lahat ng naisulat ko. Balang araw ay bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon para maisakatuparan ko ang aking pangako.” Si Rizal Bilang Batang Salamangkero – Mula pagbibinata, naging interesado na si Rizal sa mahika. Sa bilis ng kanyang mga kamay, marami siyang natutunan na mahika, gaya ng pagpapawala at muling pagpapabalik sa isang barya o panyolitoInaaliw niya ang mga kababayan sa eksibisyon ng mahiwagang lampara. Binubuo ito ng isang ordinaryong lampara na nagbibigay ng anino sa puting-tabing. Pinapagalaw niya ang mga daliri, gumagawa ng mga aninong kaanyo ng hayop at tao. Naging mahusay din siya sa pagpapakilos ng mga papet. Sa mga Kabanata XVII at XVIII ng kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo, ipinakita niya ang kanyang kaalaman sa mahika Mga Pagmumuni-muni sa Tabing-lawa – kapag magdadapithapon tuwing tag-araw, nagpupunta si Rizal, kasama ang kanyang alagang aso sa tabi ng Lawa ng Laguna para mapagwari-wari ang kalagayan ng inaaping kababayan. Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan ng kanyang pinakamamahal na bayan. Ginising ng mga kalupitan ng mga Espanyol ang mura niyang puso kaya nagkaroon ito ng determinasyon para labanan ang tirano Mga Impluwensiya sa Kabataan ng Bayani – Sa buhay ng tao, may mga impluwensiya siyang nagiging sanhi para maging dakila siya o hindi. Sa kaso ni Rizal, nagkaroon siya ng magagandang impluwensiya na hindi naranasan ng ibang kapanabay niya. Ito ang mga impluwensiya: 1. Impluwensiyang Namana, 2. Impluwensiya ng Kapaligiran, at 3. Tulong Maykapal Impluwensiyang Namana:
Ayon sa siyensiyang biolohikal, may mga katangian
ang isang tao na sadyang minana mula sa mga nuno niya’t magulang -Mula sa mga nunong Malaya, kitang-kitang namana ni Rizal ang pag-ibig sa kalayaan, bukal na pagnanasang maglakbay, at katapangan -Mula sa mga nunong Tsino, nakuha niya ang pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso, at mapagmahal sa mga bata -Mula sa mga nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramdamin sa mga insulto, at galante sa kababaihan Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at pagiging Malaya sa pag-iisip Mula sa kanyang ina, namana niya ang pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at pagmamahal sa sining at literatura Impluwensiya ng Kapaligiran: Ayon sa mga sikolohista, ang kapaligiran, gaya rin ng pagmamana, ay nakaaapekto sa katauhan ng isang tao. Kabilang sa mga impluwensiya sa kapaligiran ang mga lugar, kakilala, at pangyayari. Ang magagandang tanawin sa Calamba at magagandang hardin ng mga Rizal ang nagpasigla sa talino niya sa sining at literatura Ang relihiyosong kapaligiran sa kanyang tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging relihiyoso Ang kanyang kapatid na Paciano ang nagkintal sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan Mula sa mga kapatid na babae, natuto siyang maging maging magalang at mabuti sa mga kababaihan Ang mga kuwentong isinalaysay sa kanya ng kanyang yaya noong siya’y bata pa ang gumising sa interes niya sa kuwentong-bayan at alamat Ang tatlo niyang tiyo, mga kapatid ng kaniyang ina, ay may magaganda ring impluwensiya sa kanya Tiyo Jose Alberto – nag-aral ng labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa ang naging inspirasyon niya para mapanday ang kanyang talino sa siningo Tiyo Manuel – isang lalaking mahilig sa palakasan, ang humikayat sa kanya na magpalakas at magpalaki ng katawan sa pamamagitan ng mga pisikal na ehersisyo, kasama na ang pangangabayo, paglalakad, at pagbubunoo Tiyo Gregorio – na palabasa, ang nagpatingkad sa hilig niyang pagbabasa ng magagandang aklat Si Padre Leoncio Lopez, ang matanda’t maalam na kura paroko ng Calamba, ay isa sa mga impluwensiya na tumulong kay Rizal sa pagpapayaman ng kanyang pagmamahal sa pag-aaral at katapatang intelektuwal Ang mga kalungkutang dinanas ng pamilya, gaya ng pagkamatay ni Concha noong 1865 at pagkakapiit ng kanyangina noong 1871-74, ang nakatulong sa kanya para labanan ang mga hamon sa buhay Ang mga pang-aabuso at kalupitan ng tenyente ng mga Guardias Civiles at alkalde, ang walang-katarungang pagmamalupit sa mga inosenteng Pilipino Pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora noong 1872, ang gumising sa kanyang diwa ng pagiging makabayan at naging inspirasyon para isakripisyo ang buhay at talino para sa katubusan ng mga inaaping kababayan Tulong ng Maykapal: Higit sa minana at kapaligiran, ang tulong ng Maykapal ang siya ring humuhubog sa kapalaranng tao. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lahat sa kanyang buhay – talino, yaman, at kapangyarihan – ngunit kung walang tulong ng Maykapal, hindi niya makakamit ang kadakilaan sa kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay inilaan ng Diyos para sa pagpapahalaga at kadakilaan ng kanyang bansa. Ang Diyos ay nagbiyaya sa kanya ng maraming regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging makabayan, at matapang na puso para makapagsakripisyo para sa isang dakilang simulain.