You are on page 1of 4

KWENTONG

FEMINISMO

IPINASA KAY: GNG. VIRGENIA ECHANOJAURIQUE


IPINASA NI: ELLA H. VERAGUAS BSED 2-1 SCIENCE
Pia Alonzo Wurtzbach

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Pilipino at may lahing Aleman na ipinanganak noong Setyembre 24,
1989 sa Stuttgart, Baden-Württemberg sa Alemanya. Ang kanyang ama, si Klaus Uwe
Wurtzbach, ay isang Aleman habang ang kanyang ina ay isang retiradong Pilipinang nars na
nakabase sa London. Siya ay may isang kapatid na babae na tatlong taon na mas bata kaysa sa kanya.
Nagtapos siya ng kanyang sekondarya sa ABS-CBN Distance Learning School sa Maynila at nag-aral sa
Culinary Arts at Center for Asian Culinary Studies sa San Juan. Si Pia Wurtzbach ay nagtrabaho bilang
isang modelo sa cosmetics. Sa gulang na 11, sa ilalim ng pangalang Pia Romero, nagtrabaho siya
bilang isang aktres at ang pinamahalaan ng ABS-CBN sa theatrical ahensiya na tinatawag na Star
Magic. Kabilang sa kanyang mga television credits ay ang teen-oriented serye na K2BU, ang iba’t-
ibang programang konsert na ASAP, ang antolohiyang romansa naYour Song, ang sitcom show Bora,
at ang drama seryeng Sa Piling Mo. Siya ay lumitaw rin sa pelikula tulad ng Kung Ako Na Lang
Sana(2003), All My Life (2004), at All About Love (2006). Sa kasalukuyan, siya ay isang stylist at
beauty writer para sa Philippine Daily Inquirer sa seksyon sa 2bu.

Sumali siya noong Binibining Pilipinas


2013 subalit napangalanganan lamang
siya bilang 1st runner up ng kompetisyon.
Sumubok ulit ito noong 2014 sapagkat
nakaabot lamang siya ng hanggang top 15.
Sa pagsali niya noong 2015, sa wakas ay
naabot niya ang kanyang inaasam-asam
na tagumpay at ito ay mapanalanuhan
ang pinakamataas na titulo at ito ang Miss
Universe Philippines. Isang malaking
karangalan ang magrepresenta ng ating
bansa sapagkat hindi lamang ang watawat
ng Pilipinas ang iyong akay-akay kundi rin ang mga pilipinong lubos pusong susuporta sa iyo manalo
man o matalo. Noong Disyembre 20, 2015, ginanap na ang Miss Universe 2015 sa Las Vegas, Nevada,
USA. Ipinakita ni Binibining Pia Alonzo Wurtzbach ang husay nito sa pagrampa at pagsagot sa mga
katanungan ng direkto sa punto at nagmula sa puso. Ang host ng kompetisyon na si Steve Harvey ay
nagkamali sa paganunso kung sino ang tunay na nanalo sapagkat ang nasabi nito ay ang Miss
Columbia. Noong nalipat na ang korona ni Miss Universe 2014 Pauline Vega kay Miss Columbia,
Lahat ng manonood ay nagtaka at nagulat sa pag-akyat muli ni Steve Harvey sa entablado at sinabing
mali ang kanyang pag-anunso at ang tunay na nanalo ay ang Miss Philippines. Buong Pilipinas ay
nagdiwang sa pagkapanalo ni Binibining Pia Alonzo Wurtzbach dahil matagal nang panahon ang
nakakalipas noong naiuwi natin ang korona ng Miss Universe at siya ang naging pangatlo sa mga
pambato ng Pilipinas na matagumpay na naguwi ng titulong ito.
MARIA CORAZON C. AQUINO
Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala
sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng
Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang
naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25,
1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero
25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina
Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may
kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak
na lupain sa Tarlac.
Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para
lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at
nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint
Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya.
Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng
oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa
EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin
bilang ina ng artistang si Kris Aquino.

Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas


Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo
ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda
ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa
isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido.
Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng
katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya
sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.
Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong
Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA)
noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.
Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang
liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto.
Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto
hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos
ang kanyang termino.
REFLEKSYON

You might also like