You are on page 1of 1

BIONOTE NI PAULINE TOMAS

Si Pauline Tomas o mas kilala bilang "Pao" ay ipinanganak noong ika-labing lima ng
Hulyo taong dalawang libo't lima sa bayan ng Barangay Poblacion President Quirino
Sultan Kudarat. Ang kanyang ama't ina ay sina Ginoong Marcos Tomas Jr. at Ginang
Rhea Tomas. Mayroon rin itong kapatid na mas nakakabata sa kanya sila ay sina
Shaira Marie Tomas at Zhyrll Khendrix Tomas. Sa kasulukuyan sila ay naninirahan sa
Purok Buenavista Barangay Poblacion President Quirino Sultan Kudarat.
Nakapagtapos siya sa mababang paaralan ng President Quirino Central School. At
noong siya ay nag-aaral sa nasabing paaralan lumalahok ito sa iba't ibang aktibidad ng
eskuwelahan gaya ng Girl Scout of the Philippines (GSP) at Drum and Lyre Corp.
Noong ito ay nasa ikalawang baitang nakatanggap ito ng iskolar na isa sa mga
programa ng nasabing paaralan. At noong ito ay nagtapos na sa ika-anim na baitang
siya ay nakatanggap ng iba't ibang parangal.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan ng President Quirino
National High School. Noong siya ay nasa ika-walong baitang nagkaroon ito ng iba't
ibang parangal sa loob ng kanilang sa silid aralan. Noong nasa ika-sampung baitang
naman ay nakamit niya ang may dangal hanggang sa siya'y makapagtapos.
Sa kasulukuyan ito ay nasa ikalabing dalawang baitang. Hindi naging madali ang
kaniyang pinagdadaanan noong siya ay nag-aaral, ngunit sa kabila ng lahat nang
kanyang pinagdaanan mas lalo itong nagsumikap at magsusumikap pa upang makamit
ang mga parangal o mga bagay na gusto niyang makamit sa buhay.

You might also like