Si Mary Ann Zamoras ay nakatira sa Cansojong, Talisay City,
Cebu. Siya ay ipinanganak noong ika-18 ng Enero, 1975, sa kanilang bahay lamang. Siya ngayon ay tatlumpu’t apat na taong gulang. Ang kanyang relihiyon ay Roman Catholic. Anak siya nina Ruben Adigue at ni Lourdes Adigue. Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Marsha Sumampong, Mildred Juaris at si Rommel Adigue. Ang pangalan ng kanyang asawa ay si Dennis Zamoras. Mayroon silang dalawang anak. Sila ay sina Jan Dhenmar Zamoras at si Dannah Marie Zamoras. Ang kanyang mga anak ay nag-aaral sa Talisay Malayan Academy. Siya ay nakatapos sa kursong Bachalor of Elementary Education. Siya ngayon ay isa ng guro sa Talisay Malayan Academy. Siya ay isang napaka- mahusay na guro. Mabait cya sa kanyang mga estudyante. Siya ay nagtatrabaho sa Talisay Malayan Academy ng mahigit sampung taon na. Ang mga hilig niya ay ang pagbabasa ng iba’t-ibang libro, pagluluto, at manuod ng iba’t-ibang programa sa telebisyon. At iyon ang talambuhay ni Mary Ann Adigue Zamoras.