You are on page 1of 13

DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr.

Jovert

Aralin 3

Pag-aaral sa Maynila
Sa kabila ng kalungkutang binabata dahil sa pagkakapiit ng ina, ipinagpatuloy pa
rin ni Rizal ang kaniyang pag-aaral. apat na buwan matapos paslangin ang tatlong paring
martir na sina Pasre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamorra, habang
nasa piitan pa rin ang kaniyang ina, hindi pa man nakapagdiriwang ng kaniyang ika-11
kaarawan, si Jose ay ipinadala na sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo Municipal, isang
kolehiyong nasa ilalim ng pangangasiwa ng mga Kastilang Heswita.

Ang Ateneo Municipal ay pinamahalaan ng mahuhusay na edukador na nagtatrabaho


nang napakainam upang makatamo ng samot-saring pagkilala patra sa institusyon bilang
pinakamagaling na institusyon para sa mga lalaki.

Sa kabanatang ito, ilalahad ng may-akda ang mga pinagdaanan ni Rizal sa kaniyang


pag-aaral sa Maynila. Layunin ng kabanatang ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga pangyayari sa buhay ni Rizal pagluwas niya ng Maynila;


2. Makilala ang mga taong naging bahagi ng bhay ni Rizal sa Ateneo at
Unibersidad ng Santo Tomas; at
3. Mailahad ang pagkakaiba ng sistema ng edukasyon sa dalawang paaralan.

Si Rizal sa Maynila

Sa unang araw ni Rizal a Maynila, siya ay sinamahan ng kaniyang Kuya Paciano na


kumuha ng entrance examination sa iba’t ibang asignatura sa Kolehiyo ng San Juan De
Letran kung saan naipasa niya ang lahat ng iyon. Subalit nang siya ay bumalik sa Calamba
upang dumalo sa kapistahang-bayan, ang kaniyang ama na nais siyang pag-aralin sa Letran
ay nagbago ang isip at nagpasyang ipatala siya sa Ateneo, ang karibal na paaralan ng Letran.

Kaya, nang bumalik siya sa Maynila, kasamang muli si Rizal ng kaniyang Kuya
Paciano, nagtungo sila sa Ateneo Municipal. Sa umpisa, siya ay tinanggihang makapasok sa
naturang paaralan dahil sa dalawang kadahilanan: Una, huli na siya sa pagpapatala at
pangalawa, masyado siyang maliit at masasakitin, maliban sa maliit talaga siya para sa
kaniyang gulang. Subalit, dahil sa tulong ni Padre Manuel Burgos, pamangkin ni Padre Jose
Burgos na isa sa tatlong paring martir, siya ay nakapasok din sa wakas.

Si Jose sa kolehiyong yaon ay nagpatala sa apilyedong Rizal sapagkat ang


apiliyedong Mercado ng kanilang pamilya ay nasa ilalim ng suspisyon ng mga awtoridad na
Kastila. Ginamit ni Paciano ang apilyedong Mercado sa pag-aaral nito sa Kolehiyo de San
Jose, kaya nalaman ng mga awtordad na si Paciano ay isa sa mga kaibigan, paboritong mag-
aaral, at confidante ni Padre Jose Burgos.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang


isda.
DR. JOSE RIZAL, Ang Talambuhay at mga Akda ng Pambansang Bayani Modyul ni Dr. Jovert
Balunsay

Ang Ateneo ay pinamamahalaan ng mga Heswita. Ang kanilang sistema ay mas


maunlad kumpara sa ibang mga pamantasan at akademya sa mga panahong yaon. Ang
pagtuturo ay estrikto at angb mga guro ay talaga namag disiplinaryan. Ang paaralan ay may
mga asignaturang katulad ng kulturang pisikal, humanidades, at agham. Maliban sa mga
akademikong asignatura, ang paaralan ay nagbibigay rin ng mga kursong agrikultura,
komersiyo, mekaniks, at surveying. Ang pagtuturo ng relihiyon ay binibigyan ng karapatang
halaga kaya ang mga mag-aaral ay inaatasang dumalo sa mga banal na misa araw-araw. May
panalangin ding inuusal ng lahat ng mga mag-aaral sa simula at pagkatapos ng bawat klase.

Sa Ateneo, ang mga mag-aaal ay napapangkat sa dalawang grupo: Ang mga


internos o yaong boarders at mga eksternos na sila namang hindi boarders. Emperyong
Romano ang taguri sa mga internos habang Emperyong Carthaginian naman ang tawag sa
mga eksternos. Ang dalawang grupong ito ay laging pinagkukumpara at nagkokompetisyon
sa iba’t ibang gawaing pampaaralan. Ang pinakamagaling na mag-aaral sa bawat grupo ay
tinatawag na empirador, isang posisyong nais na matamo at mapanatiling angkin ng
sinumang kasapi ng dalawang grupo.

Ang mga mag-aaral ng Ateneo ay pinagsusuot ng unipormeng tinatawag na


rayadillo na naging bantog sa mga Pilipino. Ito ay binubuo ng pantalong yari sa telang hem
at coat na yari sa bulak. Di naglaon, ito ay ginamit na rin bilang uniporme sa unaang araw ng
Unang Republika ng Filipinas.

Si Rizal sa Ateneo de Manila (1872-1877)

Sa unang araw ni Rizal sa klase, nakinig siya ng misa sa kapilya ng kolehiyo bago
siya nagtungo sa kanilang silid-aralan nang makakita siya ng isang malaking pangkat ng mga
mag-aaral na mga mestizo, Kastila, at Filipino. Sa pagkakalarawan ni Rizal, si Padre Jose
Bech, ang unang naging propesor niya, ay matangkad at payat, ang pangangatawan ay
bahagyang kuba, mabilis kung maglakad, at may maamong mukha, may malamlam subalit
mapupungay na mga mata, matangos ang ilong na tulad ng isang Griyego, at maninipis na
mga labi. Dahil sa siya ay isang interno, siya ay itinalaga sa Carthaginian, at dahil sa
pagiging bago sa Ateneo, at dahil hindi pa siya ganoon katatas sa wikang Kastila, siya ay
inilagay sa kahuli-hulihang hanay ng klase. Subalit, hindi iyon nakahadlang sa kaniyang pag-
aaral. pagkalipas ng isang linggo, siya ay mabilis na tumaas nang tumaas hanggang sa
maabot niya ang pinakarurok ng klase at naging empirador. Sa pagtatapos ng unang buwan,
nagwagi siyang unang puwesto para sa isang larawang panrelihiyon, ang kauna-unahang
napanalunan niya sa Ateneo.

Upang mapagbuti ang kaniyang kaalaman at tatas sa wikang Kastila, si Rizal ay


kumuha ng pribadong aralin sa kaniyang mga bakanteng oras sa Kolehiyo ng Santa Isabel.
Sa kabila ng pagging pinakamatalinong mag-aaral ng kanilang klase, at lahat ng kaniyang
marka ay “excellent”, nakaririnig pa rin siya ng ilang mga puna mula sa kaniyang mga
propesor. Hindi niya napanatili ang kaniyang posisyon sa klase kaya sa ikalawang semestre
ay hindi na siya ang nanguna rito bagkus ay pumangalawa na lamang siya. Ganunpaman,
lahat pa rin ng kaniyang marka ay “excellent”.

Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay masahol sa hayop at malansang


isda.
Nanag matapos ang taong aralan, ginugol ni Rizal ang kaniyang tag-init sa bayan
ng Calamba. Subalit, hindi siya labis na nasiyahan sa bakasyong yaon sapagkat nakapiit pa
rin ang kaniyang ina. Binibisita niya ito sa bilangguan kahit na hindi siya nagpapaalam sa
kaniyang ama. Tuwang-tuwa si Donya Teodora nang malaman nitong ang marka ng
kaniyang mga anak at matataas sa lahat ng asignatura. Maliban pa rito, tuwang tuwa rin ang
matanda dahil sa pagwawagi ni Rizal ng ginto sa pagguhit ng isang panrelihiyong sining.

Nang matapos ang tag-init, bumalik si Rizal sa Maynila upang ipagpatuloy ang
kaniyang pag-aaral. sa pagkakataong iyon, sinubukan niyang pag-ibayuhin pa ang pag-aaral
upang mapanumbalik ang pangunguna niya sa klase. Dahil dito, siya ay muling naging
empirador. May mga bago siyang kamag-aral at tatlo sa mga ito ay mga kaklase niya sa
Binan. Napakasaya niyang makita ang mga dating kaklase at labis siyang nasiyahan sa
ikalawang taon niya sa Ateneo. Sa pagtatapos ng taong-aralan, hindi lamang siya
nakatanggap ng mga marking “excellent”, nagtamo rin siya ng isang gintong medalya para
sa kahusayang akademiko.

Napakasaya niyang bumalik sa Calamba pagsapit ng tag-init. Gaya ng dati, ang


muli nilang pagsasama-sama ng kaniyang mga kapatid at magulang ay nakapasaya lalo na’t
ibinalita niya ang tungkol sa kaniyang mga tagumpay sa Ateneo. Muli niyang dinalaw ang
kaniyang ina sa bilangguan. Pinasaya niya ito sa pamamagitan ng pagbabalita rito ng
kaniyang mga tagumpay sa paaralan at ilang mga katawa-tawang kuwento tungkol sa
kaniyang mga guro’t kamag-aral. Gaya ng innasahan, tuwang-tuwa si Donya Teodora nanag
marinig ang magagandang natamo sa paaralan ng kaniyang paboritong anak na lalaki. Sa
gitna ng kanilang masayang pag-uusap, ibinahagi ng matanda sa kaniyang anak ang naging
panaginip nito sa nagdaang gabi. Nang marinig ni Rizal ang kuwento ng ina, si Rizal ay
humulang makalalaya na ang ina dahil sa naging panaginip nito. Halos hindi naniwala si
Donya Teodora sapagkat ang tingin niya ay pinasasaya lamang siya ni Rizal sa mga sinabi
nito. Subalit, ang hula ni Rizal ay nagkatotoo sapagkat pagkalipas ng tatlong buwan ay
nakalaya si Donya Teodora.

Pagkatapos ng naturang pagbisita, si Rizal ay muling bumalik sa Maynila para


ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. sa pagkakataong ito, si Rizal na isa nang ganap na
binatilyo ay nagkahilig sa pagbabasa ng mga nobela ng romansa. Isa sa kaniyang mga
paborito ay ang “The Count of Monte Cristo” ni Alexander Dumas. Siya ay masyadong
napaniwala sa determinasyon ng pangunahing tauhan at protagonist ng nobela na nakagawa
ng paraan upang makalaya sa kinasadlakang hukay, nakatuklas ng ibinaong yaman, at
pagkatapos ay naghiganti sa kaniyang mga kaaway. Maliban sa nobelang ito, si Rizal ay
nagkaroon ng napakarami pang aklat na piksiyon at di piksiyon, na lubhang nakatulong sa
kaniyang pag-aaral at pagkapanalo ng iba pang parangal. Natawag ang interes ni Rizal ng
isang aklat sa kasaysayan, na may pamagat na “Travels in the Philippines” ni Dr. Feodor
Jagor, isang siyentipikong Aleman na nanatili sa Filipinas mula 1859 hanggang 1860.
Hinangaan ni Rizal ang naturang aklat sapagkat: 1) Naglalaman ito ng maingat na
pagmamasid at pagsusuri ni Jagor tungkol sa mga kakulangan ng mga Kastila sa panahon ng
kanilang pananakop, at 2) Ang kaniyang hulang ipapasa ng mga Kastila ang Filipinas sa mga
Amerikano sa nalalapit na panahon.
Noong Hunyo 1874, ang ikatlong taon ni Rizal sa kolehiyo, siya ay bumalik sa
Maynila upang ipagpatuloy ang pagdukal niya ng kaalaman. Ilang araw pa lamang nang
magsimula ang semestre, dumating ang kaniyang ina na nagbalita sa kaniyang siya ay
pinalaya na mula sa bilangguan, gaya ng hula niya sa kaniyang huling pagbisita sa selda ng
Santa Cruz, Laguna. Labis na natuwa si Rizal nang malamang nakalaya na ang kaniyang
pinakamamahal na ina. Subalit, sa kabila ng masayang pagtatagpo ng ina at ng anak, sa loob
ni Rizal ay may kakauntig lungkot sapagkat hindi ganoon katataas ang kaniyang marking
maipakikita sa kaniyang iba, kasalungat ng mga marka niya sa nakalipas na taon.
Ganunpaman, nanatiling “excellent” ang marka niya sa lahat ng kaniyang asignatura. Isa pa,
isang gintong medalya lamang ang kaniyang napanalunan sapagkat hindi siya ganoon
kahusay sa Kastila gaya ng tumalo sa kaniyang isang tunay na Espanyol. Sa pagtatapos ng
klase noong Marso 1875, siya ay muling umuwi sa Laguna nang hindi gaanong kumbinsido
sa nakuha niyang marka.

Ang ikaapat na taon ni Rizal sa Ateneo ay mas di malilimutan kumpara sa mga


naunang taon. Noong Hunyo 16, 1875, si Rizal ay naging interno sa Ateneo sa ilalim ng
pagtuturo ni Padre Francisco de Paula Sanchez, isang napakahusay na propesor at iskolar.
Labis na hinangaan ni Padre Sanchez ang likas na talino ni Rizal na sanhi ng pagkakaroon
nito ng malalim na respeto at pagtatangi sa mag-aaral. sa kabilang banda, siya man ay naging
inspirasyon ni Rizal na mag-aral nang mabuti at sumulat ng mga tula. Para kay Rizal, ang
naturang pari at propesor ay nararapat lamang pag-ukulan ng pagmamahal, paghanga, at
paggalang. Para sa kaniya, si Padre Sanchez ang pinakamahusay at pinakamainam na
propesor na nakilala niya sapagkat lagi nitong iniisip ang mga mag-aaral at ang mga
matututunan ng mga ito. Si Padre sanchez ang nagsilbing kandilang nagsisilbing tanglaw ni
Rizal sa kaniyang pananatili sa Ateneio. Dahil dito, naipasa at nanguna si Rizal sa lahat ng
kaniyang mga asignatura at nagtamo ng limang gintong medalya sa pagtatapos ng klase.
Buong kasiyahan at pagmamalaking dinala niya pauwi ng Calamba ang kaniyang mga
medalya at ipinakita iyon sa kaniyang mga magulang. Lubos na nasiyahan siyang isiping sa
pagkakataong ito ay nabayaran niya ang mga naging sakripisyo ng kaniyang ama.

Naging mas lalong mabunga ang huling taon ng pag-aaral ni Rizal sa Ateneo mula
1876-1877. Nanguna siya sa lahat ng kaniyang asignatura at nagtamo ng pagkilala bilang
pinakamahusay na Atenean sa kaniyang panahon at tinaguriang “pride of the Jesuits”.
Nagtapos siyang may pinakamataas na karangalan na naging dahilan kung bakit labis na
nasiyahan ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Ang mga natamo niya sa Ateneo ay
lahat naging kasiya-siya o napakataas sa lahat ng asignatura—Pilosopiya, Pisika, Biyolohiya,
Kimika, Wika, Mineralohiya, at marami pang iba. Hindi lang siya nagtagumpay sa mga
asignaturang akademiko, naging aktibo rin siya sa iba pang gawaing pampaaralan. Bilang
empirador, naging aktibo siya sa mga gawaing pansimbahan o panrelihiyon, sa mga
organisasyon kagaya ng Marian Conggregation, at isang deboto ng Nuestra Senyora
Imaculada Concepcion, ang patron at patronesa ng kolehiyo. Kasapi rin siya ng Akademya
para sa Panitikang Espanyol at Akademya ng mga Likas na Agham at napakarami pang mga
gawain na tanging mga mag-aaral na may mataas na marka ang nakapapasok.

Di naglaon, ilang araw pagkaraan ng kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, ang labing


anim na taong gulang na si Rizal ay nakaranas ng unang pag-ibig. Kasama ng isang
kaibigan, dinalaw niya sa Maynila ang kaniyang lola sa ina. Nang makarating siya ron,
nakilala niya
ang isa ring panauhin na isang napakagandang dalagita na nagngangalang Segunda
Katigbak. Si Segunda ay isa ring mag-aaral ng Kolehiyo ng La Concordia kung saan nag-
aaral din ang kapatid ni Rizal na si Olimpia. Malapit na kaibigan si Segunda ng kaniyang
kapatid kaya mas nakilala pa niya nang mas malapit ang dalagita sa mga panahong
dinadalaw niya si Olimpia. Yaon ay pag-ibig sa unang pagkikita para sa kanilang dalawa, at
sa simula ay nagpamalas sila ng pag-ibig sa isa’t isa. Sa kasamaang palad, si Segunda ay
nakatakda nang magpakasal sa isang kababayang nagngangalang Manuel Luz. Ang
mahiyain at torpeng si Rizal sa kabila ng pagmamahal kay Segunda ay hindi man lamang
nakapagtapat sa dalagita. Umuwi siya ng Calamba nang may pusong nakadarama ng labis na
kabiguan.

Ang Unibersidad ng Santo Tomas at Pag-aaral ni Rizal ng Medisina

Pagkaraang magtapos nang may pinakamataas na pagkilala sa degring Batsilyer ng


Sining, na parang katumbas ng hayskul sa Ateneo noong panahon ng mga Kastila,
napagdesisyunan ni Josew Rizal na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa Maynila, sa kabila
ng pagtutol ni Donya Teodora. Subalit kapuwa sina Paciano at Don Francisco ay gusto pang
ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.

Sa Abril ng 1877, inutusan ni Don Francisco si Paciano na samahan si Rizal na


magpatala sa Maynila. Labing-anim na taong gulang si Jose Rizal at siya lamang ang may
ganoong edad sa panahong iyon na nagpatala sa Unibersidad ng Santo Tomas; na kumukuha
ng Pilosopiya at Letra. Iyon ang kinuha niya sapagkat 1) hindi pa siya nakatitiyak kung
anong karera ang kaniyang susuungin, at 2) gusto iyon ng kaniyang ama. Habang siya ay
nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya ay nagpatala rin para mag-aral ng isang
kursong bokasyonal para sa titulong perito agrimensor (expert in surveying) sa Ateneo. Nang
sumunod na semestre, si Rizal ay nakatanggap ng abiso mula sa Rektor ng Ateneo upang
ipaalam sa kaniya na maaari na siyang kumuha ng medisina. Isa sa mga dahilan kung bakit
pinili rin niyang magmedina sapagkat nais niyang lunasan ang pagkabulag ng kaniyang ina
na bunga ng katarata. Kaya nagpasya siyang kumuha ng kursong medina sa Unibersidad ng
Santo Tomas.

Habang nag-aaral sa UST si Rizal, lumahok pa rin siya sa napakaraming gawaing


pampaaralan sa Ateneo. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng kursong suryeving at nagtamo
ng napakatataas na marka sa halos lahat ng asignatura, at nakatanggap ng gintong medalya sa
agrikultura at topograpiya. Sa gulang na labimpito, naipasa niya ang eksaminasyong
panlisensiya sa surveying subalit hindi naigawad sa kaniya ang titulo dahil sa kaniyang
murang gulang. Sa mga panahong iyon, siya na ang pangulo ng Akademya ng Panitikang
Kastila at kalihim ng Akademya ng Likas na Agham. Nanatili siyang kasapi ng Marian
Congregation kung saan kalihim din siya.

Kahit na isa na siyang ganap na Tomasino, nanatili siyang tapat sa Ateneo kung
saan niya naranasan ang masasaya at mga di malilimutang alaala. Mahal siya ng kaniyang
mga Heswitang propesor at ginabayan siya ng mga ito na magtamo ng mga bagong
karunungan, kaiba sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan naman siya nakaranas ng
pangmamaltrato pati na ang kaniyang kapuwa mag-aaral na Pilipino. Ang mga marka niya sa
mga asigtura sa medina ay “fair and good” lamang kasalungat ng mga “excellent” niyang
marka sa halos lahat
ng kaniyang naging asignaturan sa Ateneo. Ito ang nagbigay kay Rizal ng hindi magandang
impresyon sapagkat alam niyang mas magaling siya sa mga kaklase niyang peninsulares.
Kinasuklaman niya ang mga prayleng Dominikano sapagkat sila’y hindi patas, mapagmataas,
at mapag-api sa mga Pilipinong mag-aaral na pawang nananahimik lamang sa kabila ng
pangmamaliit at pang-aapi sa mga ito.

Una niyang natikman ang pangmamalupit ng mga Espanyol sa unang taon niya sa
kursong medisina. Isang gabing madilim noon, habang nagbabakasyon siya sa Calamba dahil
tag-init, habang naglalakad nang mag-kisa si Rizal sa isang kalye, hindi niya namalayang
may nakasalubong siyang isang lalaki. Hindi niya ito nabati sapagkat madilim ang lugar. Ang
lalaking yaon pala ay isang tinyente ng mga guwardiya sibil. Sa galit tinyente, hinarap nito si
Rizal, hinugot ang nakasukbit na espada saka inundayan siya ng talim nito sa likod. Ang
natamong sugat ni Rizal ay hindi ganoon kalalim subalit ito’y napakahapdi. Nang gumaling
na si Rizal, ipinagbigay-alam niya ang insidente sa Gobernador Heneral subalit ito ay
nagsawalambahala manang dahil si Rizal ay isang indiyo lamang at ang nang-abusong
opisyal ay isang Kastila.

Sa kabila nito, at sa mga gawaing akademiko ni Rizal sa Uniberidad ng Santo


Tomas at ekstra-kurikular na gawain sa Ateneo, nakahanap pa rin siya ng oras para umibig.
Siya ay kinagiliwan ng maraming dalagita at nakakapamasyal pa kasama ang mga kaedad at
kaklase. Maraming dalagita mula sa pamantasan pati na sa bayan ng Calamba ay umibig at
humanga sa likas na talino at kabaitan ni Rizal.

Noong 1879, sa kaniyang ikatlong taon sa UST, siya ay nanirahan sa isang bahay-
upahan sa Intramuros kung saan niya nakilala ang isang mahinhin, maganda, at may
maamong mukhang dalaga na si Leonor Rivera, na anak ng may-ari ng bahay-upahan at
nagkataong tiyuhin din niya na si Antonio Rivera. Ang dalaga ay isinilang sa Camiling,
Tarlac, at mag- aaral ng Kolehiyo ng La Concordia kung saan pumapasok din ang pinakabata
niyang kapatid. Umusbong ang pag-ibig sa pagitan nina Leonor at Jose at ito ay hindi nila
ipinagtapat sa kanilang mga magulang at kaibigan. Upang manatiling lihim ang kanilang
ugnayan, ginamit ni Leonor ang alyas na Taimis sa kaniyang mga sulat kay Jose.

Sa mga panahon ding iyon naging isnpirsdo si Rizal na mapakagsulat ng


napakaraming akdang pampanitikan. Kinatha niya ang “A la Juventud Filipino”, isang tulang
umani ng pagkilala at parangal dahil perpektong kayarian at kakaibang mga talinghaga.
Hinimok ng tula ang kabataang Pilipino na huwag mananahimik at baliit ang kadena ng
kaapihang kay tagal na gumapos sa lahing Pilipino. Ito ay naging klasiko ng panitikang
Pilipino sa kadahilanang 1) ito ay isang dakilang tula sa wikang Espanyol na sinulat ng isang
Pilipino, at 2) ipinahahayag ng tula sa kauna-unahang pagkakataon, ang konsepto ng
pagiging makabayan at pagsasabing mga kabataang Pilipino, hindi mga kabataang Kastila
ang “Pag-asa ng Lupang Sinilangan”.

Sa mga sumunod na taon, lumahok si Rizal sa samot-saring mga paligsahan.


Lumahok siya sa osamh timpalak na pinangasiwaan ng Artistic-Literary Lyceum bilang pag-
alala sa ikaapat na dantaon ng pagkamatay ni Cervantes. Ang kaniyang nagwaging lahok ay
pinamagatang “Ang Konseho ng mga Diyos”. Ang timpalak ay binuksan kapuwa sa mga
Kastila’t Pilipino. Ang mga hurado niyon ay lahat mga Kastila subalit pagkalipas ng mabusisi
at kritikal na deliberasyon ng mga lahok, ang unang gantimpala ay iginawad kay Rizal dahil
sa kahusayang di mapapantayan ng kaniyang akda. Maliban sa dalawang nanalong tula, si
Rizal ay kumatha rin ng napakaraming akdang pampanitikan kagaya ng tula, zarzuela, at iba
pa. Ang Junto al Pasig (Sa Gilid ng Pasig) ay isang zarzuelang sinulat ni Rizal at isinadula ng
mga taga-Ateneo noong 1880, bilang bahagi ng taunang kapistahan ni Nuestra Senyora
Imaculada Concepcion, ang patrona ng paaralan. Sinulat din niya ang isang soneto na may
pamagat na “Ang Pilipina” para sa kalipunan ng Society of Sculptors. Ito’y isang tulang
humihimok sa mga Pilipinong alagad ng sining na pahalagahan ang Filipinas.

Pagkatapos ng kaniyang ikaapat na taon sa kursong medisina, napagpasyahan ni


Rizal na ippagpatuloy ito sa Espanya. Hindi na siya masayang manatili at mag-aral sa
paaralang pinatatakbo ng mga Dominikano sa kabila ng napakarami niyang tagumpay sa
larangan ng panitikan. Sa palagay niya ay hindi na niya matatagalan ang palala nang palalang
pang-aapi, kawalan ng pagkakapantay-pantay at diskriminasyong namamayani sa UST.
Ipinaalam niya ang kaniyang plano kay Paciano, sa dalawang kapatid na babaeng sina
Saturnina at Lucia, pati na sa kaniyang tiyo Antonio Rivera at ilang matatalik na kaibigan.
Sinang-ayunan naman siya ng mga ito. Napagkasunduan nilang itatago muna ang pasyang ito
sa kanilang mga magulang. Sumang-ayon din siyang siya ay padadalhan ni Paciano ng
halagang P35.00 bilang panggugol niya sa Europa at ang kaniyang Tiyo Antonio ay mag-
aambag din para sa iba pa niyang gastusin.

Maliban sa kaniyang determinasyong makapagtapos ng medisina upang magamot


ang pagkabulag ng ina, may tatlo pang mga dahilan si Rizal kung bakit nais niyang
ipagpatuloy sa ibang bansa ang kaniyang pagdodoktor.

1. Ang kawalan ng pagkakapantay-pantay at kalupitan ng mga Dominikanong


propesor sa kaniya.
2. Labis siyang nasuklam sa sinaunang pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan.
3. Ang diskriminasyon ng mga Dominikanong propesor sa mga Pilipinong mag-
aaral.

Mga Tulong sa Pag-unawa

Gawain 1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang marka ni Rizal sa halos lahat ng asignatura sa Ateneo.


a. Excellent c. Satisfactory
b. Very satisfactory d. Superior

2. Ang kauna-unahang guro ni Rizal sa Ateneo.


a. Padre Paula Sanchez c. Padre Rufino Collantes
b. Padre Jose Bech d. Padre Hernando Salvi

3. Anong grupo o konggregasyon ng mga pari ang nangangasiwa sa Ateneo?


a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Prasiskano

4. Saan nag-aral si Paciano kung saan niya ginamit ang apilyedong Mercado?
a. Ateneo de Manila c. Kolehiyo de San Lucas
b. Kolehiyo de Santa Clara d. Kolehiyo de San Juan

5. Sino ang nagdesisyong sa Ateneo mag-aral si Rizal?


a. Si Paciano c. Si Donya Teodora Alonzo
b. Si Don Francisco Mercado d. Ang Gobernador Heneral

6. Para saan ang gintong medalyang natanggap ni Rizal sa ikalawang taon niya sa Ateneo?
a. Kahusayang pang-agham c. Kahusayang pangmatematika
b. Kahusayang akademiko d. Kahusayang pangmatematika

7. Isa sa mga paboritong nobela ng Romansa ni Rizal na sinulat ni Alexander Dumas.


a. Aklat ng mga Patay c. Uncle Toms Cabin
b. Isang Araw, Isang Gabi d. The Count of Monte Cristo

8. Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay pinamamahalaan ng mga…


a. Agustino c. Heswita
b. Dominikano d. Pransiskano

9. Sino ang ama ni Leonor Rivera?


a. Apolonio Rivera c. Artemio Rivera
b. Antonio Rivera d. Anacleto Rivera

10. Paano itinago nina Rizal at Leonor ang kanilang lihim na pag-iibigan
a. Bihira silang magkita
b. Bihira silang mag-usap
c. Nagsusulatan sila
d. Tinapos nila agad ang kanilang pagmamahalan

Gawain 2. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag at isulat ang sagot sa


puwang pagkatapos ng bilang.

11. Ang naging alyas ni Leonor Rivera.

12. Ang unang babaeng inibig ni Rizal.

13. Ang kursong kinuha ni Rizal sa Ateneo habang nag-aaral siya sa UST.

14. Ang paboritong guro ni Rizal sa Ateneo.


15. Ang naging unang propesor ni Rizal sa Ateneo.

16. Kailan naging interni si Rizal.

17. Ang may-akda ng “Travels in the Philippines”.

18. Bayan at lalawigan kung saan ipiniit si Donya Teodora.

19. Ibang katawagan para sa mga externos ng Ateneo.

20. Ibang katawagan para sa mga internos ng Ateneo.

Gawain 3. Komprehensibong ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na katanungan:

21. Sang-ayon ka bang itinago nina Rizal at Leonor sa kanilang mga magulang ang kanilang
pag-iibigan? Bakit?

22. Paghambingin ang naging buhay-mag-aaral ni Rizal sa Ateneo at UST?

23. Sang-ayon ka bang sa ibang bansa ipinagpatuloy ni Rizal ang kaniyang pagdodoktor?

24. Kung ikaw si Rizal, itatago mo rin ba sa iyong mga magulang ang iyong balak na mag-
aral sa ibang bansa?
25. Naniniwala ka rin bang ang mga kabataang Pilipino ang tunay nap ag-asa ng Lupang
Sinilangan? Bakit?

Gawain 4. Sumulat ng maikling repleksiyon hinggil sa tinalakay na kabanata.

You might also like